webnovel

CHAPTER TWO

Haysstt! Lunes na naman at magkikita na naman kami ng aking mga kaklase.

Makikipagplastikan na naman ako sa kanila.

Ganoon naman talaga eh,paplastikin ka nila kaya sabayan mo nalang din.

Pangalawang linggo na ng pasukan namin ngayon.

Alam na ninyo kapag unang araw ng pasukan magpapakilala.

Marami naman akong bagong kaklase. Pero katulad lang din ng dati mga hindi totoong tao.

Bumangon na ako sa aking kama at ginawa ang pang umagang gawain.

Kinuha ko ang aking face towel at diretsong banyo na ako.

Bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari noong unang pasukan.

Hindi ko alam kong bakit ko iyon nasabi.

~ FLASHBACK~

"Okay! come and introduce your self" tinawag ako ng teacher namin ,kaya tumayo lang ako sa aking upuan.

"Samantha is my name" maikling sagot ko. Nakakatamad kaya always nalang ganito ,huling taon ko na sa highschool ngayon taon pero hindi parin nawawala ang introduce yourself na iyan.

"Iyon lamang! Wala na bang ibang detalye about yourself? your family name? " mahabang wika ng aming guro.

"You'll die if I tell you" kong kayo nagulat mas lalo naman ako, nagulat ako sa sinabi ko.

"Aba! bastos kang bata ka huh?"galit na wika ng aking guro.

"Ohh! aarte pa ba?" wika ko taas kilay. Oo may pagkasuplada ako, ano naman ngayon ganito ako.

"Lokong bata ka huh!"uminit na ang ulo ng aming guro dahil sa mga sinasagot ko sa kanya.Nakita kong namumula na ang kanyang pisnge kaya babalik na sana ako sa aking pagkaupo.

"Anong klaseng ugali mayroon siya? " napalingon ako sa kanang bahagi ko dahil narinig ko ang sinabi ng isa sa kaklase kong si Alena.

"Matuto kang gumalang sa mas nakakaganda sayo! " wika ko sa kanya at ningisihan.

"hala! bakit ganyan siya sumagot? " napatingin ako sa katabi niya dahil nagsalita din ito.

"Bago ka magsalita dyan, tanungin mo muna ang sarili mo kung hinihingi ko ba ang opinyon mo!" sabay talikod at ngumiti.

Tumingin ako sa akin tabi at nakita ko si Aiza na ngumingiti at palingo-lingo ng ulo.

"Okay!You may sit now!" pagkasabi ng guro namin iyon ay naupo na ako.

Wala akong pakialam kong ano ang sasabihin nila about me.

"Nilamon kana ng kaka wattpad mo" wika ng aking kaibigan at ngumiti.

"Tsskkk!" at ningitian ko rin siya.

~End of Flashback~

Mahilig din ako magbasa ng wattpad stories. Marami din akong mga paboritong mga manunulat tulad nila Owwsic,Maxinejiji,Kib at Ms.Aa.

Namiss ko nga si Ms.Aa kasi nagpahinga na siya sa pagsusulat.

Napahaba na ata ako sa aking mga sinasabi, ito na nga tapos na ako sa aking morning ritwals.

Kaya nakabihis na ako ng aking uniporme.

Simple lang naman ang uniporme namin.

Isang palda na lampas tuhod ang haba stripe na kulay green at white ang kulay,may zipper sa kaliwang bahagi at bulsa naman sa kanan. Ang blouse naman ay kulay white na sa may collar ay may kulay na katulad ng palda namin. Ang nectie naman ay pareho din ang kulay ng palda. Ganoon lang kasimple pero ang mahal bilhin.

I braid my hair pagkatapos inilagay ko sa aking balikat. Charran! Ready na ulit akong harapin ang mga studyante ng K.U.

Kiriko University ang pangalan ng paaralan kong saan ako nag-aaral.Paaralan ito ng mayayaman,anak ng mga senador at mga artista. Basta school ito ng mga mayayaman.

Kaya ako nakapasok dito ay dahil lamang sa scholarship na binigay sa akin ng mga magulang nang aking matalik na kaibigang si Aiza. Mababait ang kanyang magulang sina Tito Samuel at Tita Anabelle.

Oo nga pala ipapakilala ko muna sa inyo ang aking matalik na kaibigang si Aiza Montefalcon. Maganda siya model siya sa kompanya ng kanyang mga magulang. Mahaba na may blondeng higlight ang kanyang buhok, mahabang pilik mata,may pagkasingkit na mata, matangos ang ilong mapupulang labi na may kanipisan, bilugang mukha, maputi . In short she so gorgeous.

Matagal na kaming magkakaibigan ni Aiza since elementary until now. Tinuturing ko na nga siyang kapatid eh.

Nag-iisang anak lang ako nina mama at papa. Ganoon din sa Aiza kaya magkasundong magkasundo kaming dalaga.

May pagkakataon ding hindi kami mapaghihiwalay dalawa.

Nakakatawa lang dahil, hanggang ngayon ay ganoon parin ang turingan namin.

Sana lagi nalang kaming ganito.

"Hoy! babae knina kapa tinatawag ni maam!" nagulat naman ako, hindi ko alam ni hindi ko nga narinig na tinawag niya ako eh. Kaya bigla akong tumayo.

"Yes! Miss. Samantha ?" biglang tanong ng aking guro.

"H-huh? Ah! wala po maam, sorry pwede po bang lumabas babanyo lang po" nahihiya kong sabi, malilintikan talaga itong babaeng to lakas mantrip eh.

Para makaiwas sa hiya ay nagrason na lamang ako na lalabas at magtungo ng banyo.

"Later Ms.Samantha ! Patapusin n'yo muna ako, sabi ko nga kanina may bago kayong kaklase, transferee siya mula sa kilalang mataas na paaralan. Sana maging mabuti kayo sa kanya." mahabang salaysay ng aming guro. Tumingin siya sa labas at may biglang pumasok.

Matangkad,Mahabang pilikmata,matangos ang ilong but wait... He look familiar to me.