The Archangels
Matapos kumain sa canteen ay bumalik na kami sa classroom. Nakakailang lang kasi sumama sa amin iyong apat, wala silang matinong klaseng pinapasukan dahil isa pala sila sa mga naunang estudyante dito.
At halos napasukan na daw nila lahat ng strand na meron ang Mortem. Imagine kung gaano na sila katagal na nakakulong dito?
But good thing that they are able to stay alive.
Naupo na kami sa kaninang upuan, hinayaan na lang namin iyong boys na kumuha ng upuan para idagdag sa likudan namin. Kami na kasi ang nasa dulo kanina.
Pumasok ang isang striktong prof matapos namin mag ayos. May kakaiba siyang aura, kung saan nagawa siyang tingnan at nabigla ako nang nagsitayuan lahat kaya nakisunod ako.
"Good morning, Sir Night."
Lalo na nang binati siya, na hindi naman nila ginawa kanina sa ibang guro.
He has an eyeglass and disheleved black hair. It looks like he is in his mid-20s.
Itim na itim ang buhok niya at ganoon din ang mga mata niya nang mag angat siya ng tingin..
Hindi ko sigurado kung ako ba ang tiningnan niya, pero ramdam ko ang dagliang paninindig ng balahibo.
This guys screams danger. Who is he?
"Seat down."
There's laziness in his deep voice. Parang ayaw niyang magturo pero kailangan.
Katulad ng napansin ko, parang hindi nga siya magtuturo.
"What's the sense of teaching anyway? Paulit-ulit na lang naman kayo." he said as he tilts his head to the side.
Nakarinig ako ng impit na tilian.
"Do you want to hear a story?"
He asked with a smirk. Hindi ko alam kung anong patutunguhan nito but I suddenly became attentive kahit kinakabahan.
My classmates agreed.
"Ang gwapo talaga ni Sir." Malaki ang ngiting sabi ni Sophie.
"Tsk! Mas gwapo pa ako diyan." nakasimangot na sagot sa kaniya ni Jarvis. Umirap si Sophie sa ere, hindi siya makalingon dahil nakasandal si Jarvis paharap sa likod ng upuan niya.
"Let me share you the story of how angels are born in hell.." His voice sent shivers down to my spine. Sa pagkakataong ito, alam ko nang sa akin siya nakatingin.
Tumayo siya at sumandal sa lamesang nasa gitna para sa kaniya. Humalukipkip at pinakatitigan ang bawat isang nandito.
"As you know, Mortem University is known as Death University. The only way to survive is to, die."
I find myself looking at him inspite of the fear and shivers I have towards him.
"But in this hell, nine angels are going to be born. Imagine? A hell like this has angels around. But before the eight even comes, we already have one. But too bad, he is already a fallen one."
Nanlaki ang mata ko. What is he pointing out?
Tumayo siya at nagpalakad lakad.
"There are seven archangels, named Michael (A warrior angel), Raphael (The Healing Angel), Gabriel (The Messenger Angel), Jophiel (The Angel of Beauty), Ariel (The Angel of Nature and Animals), Chamuel (The Angel of Peaceful Relationships) and Azrael (The Angel of Death)."
Alam ko ang kwento tungkol sa kanila. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ito ang kinukwento niya. Sa tingin niya ba, may pakialam ang mga demonyong ito sa mga anghel na sinasabi niya?
"Five years ago," nanlaki ang mata ko. Ano ba talaga ang nangyari noon? "Exactly February 18, 2014, the nightmare of Underground society happened. Na naging dahilan din upang maging madilim ang buhay dito sa Mortem University. The Angel that everyone is looking up to had fallen. He was prisoned in his own kingdom, and waiting for all the remaining angels to save him."
"What the hell is he saying?" I heard Iziah asked from my behind.
That's the same question I have in mind. What's the connection of the angels he's saying and the thing that happened five years ago?
I was 15 back then. When that also happened, pero hindi ko alam kung anong koneksyon ng pamilya ko sa Underground society na sinasabi nila.
That's also the day that've became our nightmare. The day that changed all of us inside the family.
"He is waiting now for the archangels to come, with the angel named Metatron, the angel of life."
Paunti unti ay napagtatagpi tagpi ko na ang mga piraso ng sarili kong puzzle.
Kaya ba pinalitan nila ang apelyido ko?
"Isabella," nabalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko si Sir sa tabi ko.
He's looking intently at me.
"S-sir.."
Nakatingin na sa amin ang lahat. Bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang papel na sinusulatan ko.
"Isabella Alcantara, what a beautiful name for a young lady."
There is something in his voice that makes me tremble.
"Alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan mo?"
Tumingin ako sa kaniya, at sa pagkakataong ito ay hindi na ako nakaiwas pa. Parang nanghihipnotismo ang itim na mga mata niya.
"It means 'Consecrated to God' or 'God is my oath'. I want to ask you something."
I-it's the meaning of my name? I didn't have any idea.
"Are you ready to kill in able to survive hell?"
"Ayy!" nabigla ako nang may tumapik sa akin.
"Okay ka lang?" tanong ni Fatima habang puno pa ang bibig sa kinakain na chips.
"Fatima, ano ba yan? Lunukin mo nga muma bago ka magsalita." iritadong sambit ni Sophie habang inaayos ang kuko niya.
Sa sandaling magkakasama kami ay hindi ako nahirapang mapansin ang ugali nila.
Sophie is the sophisticated one, fashionista at mataray, but alongside, siya din ang pinakasweet and clingy sa amin. Fatima loves food. That's a fact. Ang payat payat niya pero talo niya kaming tatlo in combined sa pagkain. Mahinhin siya at tahimik, but based on Ashley, masamang magalit si Fatima.
Ashley is the mother-like in this group. Matured siya mag isip. Minsan lang siya mag isip bata, madalas niyang kaharap ang phone niya dahil sa games. Yes, they do have a phone.
Pero walang signal. Wala ding simcard. Kinuha lang nila for games and stuffs, kaya bukas ay sasamahan din nila ako para makuha ang akin.
"Kanina pa siya tulala, eh. Tatanong ko lang kung okay lang siya."
Tinanguan ko na lang si Fatima.
"Akyat na ko ah," paalam ko sa kanila.
It's already 9 pm.
Maayos naman ang gabi, parang walang mali. Pero sa kabila niyon ay ang lagim na naghihintay sa labas. Kasing dilim ng gabi na bumabalot sa lugar.
Bumuntong hininga ako pagkabagsak ko sa kama.
Hindi mawala wala sa isip ko ang sinabi ni Sir kanina, ang box na nakita ko sa lamesa ni Kuya at maging ang petsa ng sinasabi nilang nangyari ang pinakanakakatakot na araw sa Underground society.
Isinasampal na ba sa akin ang katotohanan o nagkataon lang ang lahat?
"Your name means 'Consecrated to God' or 'God is my oath'."
"Are you ready to kill in able to survive hell?"
Why?
Why of all people, ako ang nandito?
I shouldn't have go to that party, damnit!
Gusto kong makausap sina Kuya. Itanong sa kanila kung bakit ako nandito.
Alam kong alam nila, pero bakit hindi sila gumagawa ng paraan para ilabas ako dito?
O baka naman may tinatago sila sa akin?
Napangiti ako ng mapait. That name
ring on my head. Ano ang sikreto na gusto nilang malaman ko sa pamamagitan ng pagpapapunta sa akin dito?
Ang sikreto ba sa likod ng pangalang iyon?
*****
Marie Mendoza
@ThirdTeeYet