webnovel

More than a Friend

SYNOPSIS Si Harrysen Bautista ay isang dating nerdy guy, na masyadong study hard palagi at advance kung mag-isip hanggang sa makilala niya si Mandyzon McBride na akala niya ay pinsan lang ng kanyang kanyang matalik na kaibigan mula bata na si Kriston McBride dahil masyadong magkalayo ang katangian ng dalawa, mula sa panlabas na anyo at ugali ng dalawa. Naging mas matalik na magkaibigan sina Harry at si Mandy kaysa kay Kriston hanggang sa hindi na lang niya namalayan na nahuhulog na pala siya kay Mandy. At isang araw sumubok siyang umamin na, kay Mandy kahit alam niyang kaibigan niya si Mandy na baka mafriend-zone lang siya nito na iyon nga ang nangyari dahil may mahal itong iba. At ng pagkatapos ngang umamin ni Harry kay Mandy na may pagtingin siya rito ay lumipas ang mga araw at taon na hindi sila nagkikibuan. Hanggang sa magdesisyon na siyang magbago ng anyo ng pangangatawan at iba pang stilo niya. Pati na rin ang baguhin ang nararamdaman para kay Mandy, ngunit hindi pala niya kayang limutin ang nararamdaman para sa dalaga. Ano kaya ang gagawin niya kapag mahalata niyang may gusto si Mandy sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ang dalaga? Paano siya makakamove kung sa puso niya ay alam niyang hindi pa niya limot ang nararamdan niya para kay Mandy? Paano kung umamin sa kanya si Mandy na may gusto ito sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ito. Anong gagawin niya kung alam niyang may nagmamay- ari na rito? Paano niya haharapin ang sitwasyong ito kung alam niyang maaaring talo na siya. Guguluhin pa ba niya ang magkasintahan o maghahanap na lamang siya ng mas nararapat sa kanya? Hahayaan ba niyang makasira siya ng relasyon o magmomove na lamang siya? O ipaglalaban niya na lang ang nararamdaman para sa kaibigang dalaga?

darkranger143 · Realistic
Not enough ratings
27 Chs

Chapter 7

Chapter Seven -->> SELOS

Harrysen Bautista Point of View

GUMISING ako na maganda ang pakiramdam, hindi ko alam pero parang ang ganda ng simula ngayong araw na to. Nakatulog ako ng maayos kagabi, siguro dahil na rin sa pagod. Pagmulat ko nga nang mata ay binalingan ko si Kriston kung gising na ito. Pagkakita ko rito ay nakayuko ito habang nakaupo sa harapan ko. Parang mainit parin ang ulo.

"Ohh, Bro" sabi ko rito.

"Bumangon ka na diyan at maghilamos ka na't magtoothbrush" sabi nito sa akin, mainit pa nga ang ulo ng kolokoy. "Bumaba ka na rin at kakain na tayo" sabi pa nito at tumayo na at akmang lalabas na ng tawagin ko ito. "Bakit?" Tanong nito sa akin.

"Galit ka ba?" Tanong ko rito na parang inosente. Hindi naman ito sumagot, kaya ang sagot nito ay Oo.

"Maghilamos ka na at kakain na tayo" aakma na sana itong lumabas ng tawagin ko ulit ito. "Bakit na naman"

"Sabay na lang tayo bumaba, hintayin mo na lang ako" sabi ko rito at nagmadali ng pumasok sa sariling CR ng kwarto. Pagkailang minuto ay natapos na akong magtoothbrush at maghilamos, kaya lumabas na ako. Pagkalabas ko ay nakita ko itong nakaupo sa kama kung saan sila ni Alexander nakahiga kanina.

"Tara na" sabi ko rito. Pero hindi ito umimik. Kaya nilagpasan ko na ito at akma ng lalabas ng magsalita ito.

"Sandali lang" sabi nito. Kaya binalingan ko ito. Maitim parin ang aura nito. Mukhang galit na galit talaga ito sa akin.

"Bakit Bro" sabi ko rito.

"Wag mo kong tawaging Bro" sabi nito. "At huwag mo kong tanungin ng Bakit dahil ako dapat ang magtanong niyan sayo" Galit na na sabi nito samagtanong niyan akin. "So Bakit nga Harrysen, ha" hinayaan ko lamang itong magsalita. Pero alam ko na kung anong tinutukoy nito, siguro yung nangyari sa amin ni Ericka kagabi.

"Bakit Harrysen, akala ko ba kaibigan kita" sabi nito.

"Oo kaibigan mo ako" tanong ko rito na parang inosente at hindi alam.

"Kung kaibigan kita, bakit ka nang-aahas, akala ko ba ang kay Kriston ay kay Kriston. At ang kay Harrysen ay kay Harrysen" sabi nito sa akin na halatang parang luluha na. Nagpipigil lang ito, at mas pinapaibabaw ang galit sa akin. Na hindi ko naman pinansin.

"Syempre naman" sabi ko rito. "Ang akin ay akin, at ang sayo ay sayo"

"Ehh bakit mo siya hinalikan kagabi, alam kong alam mong naroon ako, pero bakit mo siya inangkin" sabi nito na tumutulo na ang luha.

"Ano bang pinagsasabi mo" pagpapaka inosente ko rito.

"Kitang kita ko kayo ni Ericka na naghahalikan, Harrysen" sabi pa nito. "Ano pang ginawa niyo, ha"

"Ano ba Kriston walang ngang nangyari samin" sabi ko rito na natatawa na.

"Ano pang ginawa niyo Harrysen" sabi pa nito, mukhang wala ito pake kung may makarinig sa amin na nag-aaway.

"Wala nga!" Sabi ko rito at tumawa ng malakas.

"Siguro... Gumapang pa yang kamay mo sa kanya, diba" sabi nito na galit na galit na talaga. Na hindi ko naman ininda at tumawa ulit.

"Huwag ka ngang tumawa, hindi nakakatuwa ang nararamdaman ko Harrysen" sabi pa nito at tumayo ng matuwid at naging seryosong seryoso ang mukha nito.

"Huwag ka ngang praning diyan" sabi ko rito. "Walang nangyari samin, kagabi, Okay" at nilapitan pa ito at inakbayan. "Sabi mo nga ang sayo ay at ang akin ay akin"

"Talaga ha!" Sabi nito na isip bata kung umakto.

"Oo" pagmamalaki kong sabi rito. "Pero tanong ko lang" sabi ko pa rito at lumapit na sa may pinto at binuksan iyon.

"Ano yun?" Sabi pa nito.

"Sayo ba siya" sabi ko pa rito. At lumabas na, wala na akong narinig rito kaya bumalik ako doon, parang na-offend ko na ata ito. Nasobrahan na ata ako sa pang- iinis rito. "Ahh, sorry bro, na-offend na kita. Joke lang naman yun ha" sabi ko pa rito, umupo naman ito sa kama.

"Tama ka nga Bro, wala ngang kami, at hindi siya sa akin" sabi pa nito.

"Bakit di mo ligawan, Bro. Malay mo maging sayo siya" sabi mo pa rito.

a nito.

"Wala ngang kami" sabi ko naman rito. Pagkatapos ay bumukss ang pinto ng kwarto namin at niluwa nito si Queeny.

"Oyy bat ganyan mga mukha niyo, bumaba na nga kayo at kakain na" sabi nito at lumabas lang naman.

"Tara na Bro" sabi ko rito.

"Wait lang, maghihilamos lang ako, ayaw ko namang makita nila akong umiyak" sabi nito. At pumasok na sa cr.

"Ehh ano naman iyon Bro, alam nilang isip-bata ka, kaya iisipin lang nilang nagpaka isip-bata ka na naman" sabi ko pa rito. "Baka natatakot ka lang na makita ni Ericka n umiiyak Bro"

"Ahh, Oo! parang ganon nga" sabi nito. "Ahh Basta hintayin mo na ako, pagkatapos ehh, sabay na tayong bumaba"

"Bilisan mo na lang" sabi ko pa rito at pumasok na sa Cr. At pagkailanv minuto pa ay lumabas na ito.

"Tara na" sabi nito. At lumabas na kami ng kwarto.

"Wait Bro, may naalala ka bang sinabi mo kay Ericka, at ang ginawa mo" sabi ko rito.

"Ha! Anong ginawa at sinabi ko ron" sabi nito. Mukhang wala talaga itong alam.

"Bro, lasing ka na talaga kagabi" sabi ko pa rito.

"Ano ba iyon, masyado akong kinakabahan ehh" sabi pa nito. Nakababa na kami sa hagdan bago ko ito sagutin. "Ano nga iyon Bro" sabi pa nito.

"Tingnan mo na lang leeg ni Ericka Bro" sabi ko rito. Ngunit pagkasabi ko non ay nasa likod na pala namin si Ericka kasama si Angela.

Ng nalaman naman ni Ericka na nakatingin kami sa kanya ay tinakpan nito ang leeg hanggang sa makalagpas na ang mga ito sa amin.

Sinundan naman namin ang mga to, na papunta na rin sa lamesa. Hindi parin ni Ericka tinatanggal ang kamay nito. Titig na titig si Kriston kay Ericka at hinihintay na tanggalin nito ang kamay.

Nilabas na nina Manang Selya at Mang Ador ang kakainin namin ngayong umaga. At dahil mahilig si Ericka na magkutsara at magtinidor kapag kumakain ay hindi na nito namalayan na hindi na niya natakpan ang leeg nitong namumula. Laking gulat ko na lang ng tumayo si Kriston at lumapit dito.

"Sinong may gawa niyan sayo ha!" galit na sabi nito. Nilapitan ko naman ito at sinabing sa kanyang siya ang may gawa ng maliit na kiss mark rito.

Bumalik naman ito sa inuupuan at naglagay na lang ng pagkain sa plato nito. Umupo na rin ako sa tabi nito at kumuha na rin ng pagkain.

"Alam mo Bro, may sinabi ka pa sa kaniya, na ako lang ang nakarinig" sabi ko rito sa mahinang boses.

"Ha! Ano naman iyon" sabi nito sa mahina ring boses.

"You said to her that, if she didn't follow to your command, you gonna have sex with her" sabi ko rito.

"What!?" napalakas ata ang sabi nito. Kaya napatingin ang mga kasama namin na kumakain. Tumingin naman si Kriston sa mga ito. Kaya umupo na lang ito at kumain n lang, natapos ang pagkain namin na wala man lang gustong magsalita.

Ericka Anderson Point of View

NAGULAT na lang ako ng lumapit sa akin si Kriston at sinabi kung sino ang may gawa ng kiss mark sa leeg ko. Wala ba talaga siyang alam o talaga iniisip niya na si Harrysen ang gumawa nito sa akin. Pero mukhang bati na naman na ang mga ito, dahil magkasama nga ang mga ito ng bumaba na. Nagulat na nga lang ako ng lumapit si Harrysen kay Kriston at sinabi na ito ang may gawa niyon. Nagulat naman ito at bumalik sa inuupuan, kumuha na lang ito ng pagkain. Sumunod naman si Harrysen dito at may pinag-usapan.

Baka narinig ni Harrysen ang sinabi nito sa akin kagabi lalo na't katabi ko lang ito. Susubo na sana ako ng sumigaw ito at parang gulat na gulat. Hindi ko alam pero baka iyon nga ang sinabi nito na kapag hindi niya ito sinunod ay baka may mangyari sa kanila kagabi, mabuti na nga lang at nakatulog na ito sa balikat ko.

NATAPOS na ang aming umagahan at pagkatapos ay pumunta ako sa likod ng bahay at umupo ako roon sa upuan na naroon. Sina Queeny at Mandy ang maghuhugas ngayon, sila na ang nagpresintang maghuhugas ngayon, dahil alam nilang wala ako ngayon sa katinuan. First kiss ko kasi iyon sa ibang parte ng aking katawan, pero syempre hindi pa ako nahahalikan sa aking lips. Gusto ko kasi na sa taong mahal ko iyon ibibigay, pero mahal mo naman siya ahh sabi ng isang parte ng isip ko. Oo aaminin ko gusto ko siya, pero ewan ko ba parang natatakot ako na baka hindi niya ako gusto.

"Ericka, bat ka nandito, at nag-iisa" sabi ni Harrysen sa akin.

"Wala lang, bakit?" sabi ko rito.

"Wala lang rin, may gusto lang kumausap sayo" sabi nito.

"Sino naman?" Tanong ko rito kahit alam ko kung sino iyon. Si Kriston. Tinuro naman nito si Kriston na nasa may pintuan at nang tumingin ako rito ay kumaway naman ito.

"So, Bakit ikaw pa ang lumapit sakin, wala ba iyang kamay" malakas na sabi ko rito para marinig iyon na may halong pagtataray ko rito. Napakamot naman ito sa ulo at lumapit kay Kriston at sinabihan na si Kriston na lamang ang lumapit sa akin.

Pagkailang minuto naman ay lumapit na ito sa akin. Ng makalapit na ito ay tinaasan ko to ng isang kilay, pagkatapos ay umalis at lumapit naman kay Harrysen, tinulak naman ito ni Harrysen palapit sa kanya kaya wala na itong choice, nag Hi naman ito sakin at tinaasan ko na naman ito ng kilay.

"Ahh pwede bang tumabi" sabi nito.

"At bakit" pagtataray ko rito.

"Ahh wala lang" sabi nito. At mas itinaas ko pa ang isa kong kilay.

"Wala naman pala ehh, so bakit ka nga nandito" sabi ko pa rito. Nagbuntong hininga naman ito bago magsalita.

"I'm sorry about what I've done last night" sabi nito. "Hindi ko naman sinasadya ehh" sabi nito at umupo na sa tabi ko. Tunalikod ako dito, pero pinilit parin ako nitong paharapin sa kanya, pero hindi niya ako kaya. Kaya ito na lang ang pumunta sa harapan ko pero tunalikod ulit ako rito. Pero pumunta naman ulit ito sa harapan ko. At hinawakan na ang mukha ko para hindi na makatalikod dito.

"Pag hindi ka pa tumigil kakatalikod sakin hahalikan na talaga kita yan" pananakot nito sa akin. Tumugil naman na ako at tinanggal na nito ang kamay sa mukha ko. Pagkatapos ay nagbuntong hininga. Hindi ko alam pero sa pangalawa niyang pagbubuntong- hininga may iba akong nararamdaman, para akong naaakit sa ginagawa nito. Dalawang besas pa tong nagbuntong hininga.

"Can you please stop doing that" sabi ko rito.

"Ang alin" tanong naman nito. At nagbuntong hininga na naman

"Iya- iyan, na- n- na, pagbu -buntong hininga mo" utal- utal na sabi ko rito.

"At bakit? Anong problema" sabi nito na nang-aakit. "Naaakit ka, ha" sabi pa nito.

"Hi-hindi no" sabi ko rito at hindi makatingin ng deretso. Pagkatapos ay hinawakan ang aking baba, may kung anong kuryenteng dumaloy sa baba ko kaya inalis ko naman ang kamay nito.

"So! Ano namang rason mo at kahit ang pagbuntong- hininga ko ay pinapakiaalaman mo, ha" sabi nito at papalapit ng papalapit sa akin, ako naman ay palayo na ng palayo. Ano ba kasi tong magkaibigan nato ako na lang palagi napagtri- tripan ng mga ganitong bagay.

Patuloy pa rin ito sa pag- aabante sa akin at ako naman ay paatras pa ng paatras, at dahil sa hindi ko na namalayan na wala na pala akong maaatrasan ay nahulog na ako sa inuupuan ko kanina. Tinulungan naman ako nitong makatayo pero hindi ko iyon tinanggap.

"Kaya ko sarili ko" sabi ko pa rito habang nakaupo pa ito at siya ay nagpapagpag ng dumi sa katawan. "Diba humihingi ka ng Sorry" sabi ko pa dito, at tinanguan lang ako. "Well, not accepted" sabi ko pa rito at umalis na.

"Ha, Bakit, hoy sorry na naman ohh. Alam kong first kiss mo yun sa leeg pero lasing lang naman ako non ehh" sabi pa nito. "At yung sinabi ko pala sayo na make love, wala yun Ericka, hindi naman yun mangyayari sa atin ehh"

Wala lang yun sa kanya at hindi naman mangyayari, Bakit? sabi ng malibog kong utak, Umayos ka nga, sabi ko rito. Sayang yung kanina sabi pa ng isip ko kaya pinalo-palo ko ang ulo ko. Ano ba, umayos umayos ka na nga. Pumasok na ako sa loob at hindi man lang tiningnan ang lalaking tumatawag sa akin mula sa likod.

Kriston McBride Point of View

NAIWAN na lang ako ritong nakatayo at tinatawag ang babaeng nilagyan ko ng kiss mark sa leeg. Pero hindi man lamang ito kumiling sa akin. Kaya naisipan ko na lang na maupo sa kaninang inuupuan namin. Ng dumating si Harrysen.

"Ohh, ano Dude, kayo na ba?" Tanong nito na kinatawa ko pero binalik ko lang ito sa pagiging seryoso.

"Gago, sa tingin mo ba, kung kami na mag-iisa pa ako rito" sabi ko rito.

"So, ano na nga, nasabi mo ba" sabi pa nito.

"Hindi. Tarayan ba naman ako" sabi ko rito. "Kaya ayun tri-nay ko kung akitin".

"Gago ka Bro, bat mo naman ginawa yun" sabi nito.

"Ehh, kayo nga kagabi, ehh" sabi ko pa rito.

"Bro, wala lang yung kagabi" sabi nito. "Ehh ano namang napala mo sa pang-aakit mo ha"

"Ayun! Nahulog" sabi ko..

"NAHULOG, so kumagat ganon, na--" sabi nito at nag iimagine na may ka-kiss sa hangin. "Mo ba?"

"Gago, nahulog rito sa upuan, kaka atras" sabi pa nito.

"Ede galit na galit sayo yun" sabi pa nito.

"Ano pa nga ba, Hay!" sabi ko rito. "Mukhang mas nagalit pa nga ehh"

"So! ano nang gagawin mo, susuko na agad diyan" sabi pa nito.

"Wow naman Bro, Big words" sabi ko rito. "Makapagsalita ng susuko, ehh parang hindi siya sumuko sa kapatid ko".

"Change topic, Bro" sabi nito na kinatawa ko naman. "Tara na lang Bro, Jogging tayo" sabi pa nito na pinaunlakan ko naman.

"Palit lang ako Bro" sabi ko rito at tumaas na sa aming kwarto at nagpalit ng damit. Sinuot ko lang ay white na sando at jogging pants na black. Pagkatapos ay lumabas na kami ni Harrysen at nag jogging na.

....Please Vote and Comments....