webnovel

More than a Friend

SYNOPSIS Si Harrysen Bautista ay isang dating nerdy guy, na masyadong study hard palagi at advance kung mag-isip hanggang sa makilala niya si Mandyzon McBride na akala niya ay pinsan lang ng kanyang kanyang matalik na kaibigan mula bata na si Kriston McBride dahil masyadong magkalayo ang katangian ng dalawa, mula sa panlabas na anyo at ugali ng dalawa. Naging mas matalik na magkaibigan sina Harry at si Mandy kaysa kay Kriston hanggang sa hindi na lang niya namalayan na nahuhulog na pala siya kay Mandy. At isang araw sumubok siyang umamin na, kay Mandy kahit alam niyang kaibigan niya si Mandy na baka mafriend-zone lang siya nito na iyon nga ang nangyari dahil may mahal itong iba. At ng pagkatapos ngang umamin ni Harry kay Mandy na may pagtingin siya rito ay lumipas ang mga araw at taon na hindi sila nagkikibuan. Hanggang sa magdesisyon na siyang magbago ng anyo ng pangangatawan at iba pang stilo niya. Pati na rin ang baguhin ang nararamdaman para kay Mandy, ngunit hindi pala niya kayang limutin ang nararamdaman para sa dalaga. Ano kaya ang gagawin niya kapag mahalata niyang may gusto si Mandy sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ang dalaga? Paano siya makakamove kung sa puso niya ay alam niyang hindi pa niya limot ang nararamdan niya para kay Mandy? Paano kung umamin sa kanya si Mandy na may gusto ito sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ito. Anong gagawin niya kung alam niyang may nagmamay- ari na rito? Paano niya haharapin ang sitwasyong ito kung alam niyang maaaring talo na siya. Guguluhin pa ba niya ang magkasintahan o maghahanap na lamang siya ng mas nararapat sa kanya? Hahayaan ba niyang makasira siya ng relasyon o magmomove na lamang siya? O ipaglalaban niya na lang ang nararamdaman para sa kaibigang dalaga?

darkranger143 · Realistic
Not enough ratings
27 Chs

Chapter 3

Chapter Three --> Arrive To Destination

Harrysen Bautista Point of View

ONE WEEK na akong paulit-ulit na lang ang ginagawa kung hindi FB ay Wattpad kung hindi Wattpad ay FB at syempre tumutulong rin naman ako kay Mama sa mga gawaim bahay.

Ngayon nga lang ay katatapos ko lang maghugas ng pinggan at ngayon ay naisipan ko na mag-impake ng mga dadalhin ko sa pupuntahan namin na lugar sa Bulakan na tinatawag na CampBarkada kasi bukas na kami aalis.

Katatapos ko lang iimpake ang lahat ng kailangan ko at chine check ko na kung mayroon akong nakalimutan. Inuna kong tignan kung sasakto ba ang mga damit kong dinala, pangalawa ay hinanap ko ang mga gadgets mula sa headset at headphones, charger, power bank para sa byahe at kapag magbrown out doon, ang hinanap ko naman ngayon ay ang shade ko dahil kung wala iyon hilo ang aabutin ko dahil nahihilo ako kapag nakatingin sa daan o kahit na hindi man ako nakatingin sa daan.

Kaya kinuha ko na iyon sa drawer ko at ang bonamin na gamot para hindi mahilo sa byahe, at ang inhaler kong Vicks dahil may sipon rin ako ngayon.

Nilalagay ko na lahat ng muntik ko ng malimmutan ng makarinig ako ng mga busina ng sasakyak na parang nasa harapan lang namin. Pumunta na ako sa bintana mula sa second floor ng bahay namin.

"Bip bip..... Bip bip..... Bip bip....." rinig kong pagbubusina ulit ng sasakyan.

Pagdungaw ko sa aking bintana ng makita ko ang isang Van sa tapat nga namin at nandoon si Mandy na nakadungaw sa bintana ng Van at nakita ko rin na kumakatok sa pintuan namin si Kriston at Queeny.

"Ano ba yan si Harrysen mukhang tulog pa ata" rinig kong sabi ni Queeny.

"Baka naman hindi sasama si Harrysen" sabi naman ni Ericka na lumabas mula sa Van.

"Hindi ehh!!! sabi niya sasama siya, di ba Queeny" sabi naman ni Kriston.

"Oo nga nag promise siya sa amin" sabi ni Queeny na panay pa rin ang pagkatok sa pinto namin.

"Ako ba hinahanap niyo mga pard's" sabi ko sa kanila habang nakangiti, at sila ay gulat na gulat ng makita akong nakadungaw lang sa bintana habang sila ay mukhang galit na ngayon, dahil rin siguro sa kanina pa sila nandiyan sa labas ng bahay namin na hindi ko man lang namalayan.

"Hoy Harrysen, kanina pa kami narito!!! katok ng katok at nagkakaroon na ng kalyo kakakatok sa malaki niyong pinto, pero ikaw nakatingin ka lang sa amin habang kami naiinip na" sabi ni Ericka ka akin habang dine describe kung gaano kalaki ang pinto namin habang sa tingin ko ay umuusok na ang ilong at tainga sa inis.

"Huh!!! Ano bang gagawin natin!!!" Pagdedeny ko na wala akong alam...

"Ede ano pa!!! Aalis na tayo" sabi ni Queeny sa akin habang nakapa meywang.

"Actually, hindi pala ako makakasama. Wala pa si mama. Nag eempake na nga ako ngayon ehh!!! Ang akala ko kasi bukas pa tayo aalis" sabi ko kay Queeny

"Bukas pa nga sana kaso etong si Ericka ay excited na pumunta kasi ngayon na lang daw tayo magiging kompleto, kaya tara na nga" sabi naman ni Kriston.

"Ehh panu ba yan, wala pa si Mama, walang magbabantay sa bahay, amoy pawis pa ako kasi katatapos ko lang gawin lahat ng gawain ko rito sa bahay" pagdadahilan ko.

"Problema ba yan, ede maligo ka na, diyan lang naman ako sa kapitbahay ahh!!!" sabi ni mama na lumabas sa likod ng Van na sasakyan namin.

"Ma! naman bat ka naman lumabas agad" sabi ko habang nagpapapadyak sa kwarto ko.

"Aba!!! nainip na ako ehh, ang init pati doon kaya umalis na ako" sabi ni mama na pinapaypayan nito ang sarili.

"Harry!!! Ikaw talaga" sabi ni Ericka sa akin. "Ang rami mong dada, sasama lang naman yan" dagdag nito.

"Oo sasama ako, maliligo lang ako at amoy pawis na ako" sabi ko sa kanila.

"Ahh, ikaw siguro yung naamoy ko kanina pa" sabi naman ng mabait kong kaibigan na si Kriston. Oo ng, ikaw pala yun" sang ayon naman ni Ericka at Queeny na katabi ni Kriston.

"Gago" sabi ko sa kanila at nang paalis ako sa may bintana ay nahagip naman ng mata ko si Mandy na lumabas na sa Van at ang lalaking kasintahan nito na si Alexander, bago siya umalis sa bintana tinungo ko ang CR sa kwarto niya 'Kasama pala yan, bakit di ako na inform, ede sana hindi na talaga ako sumama' sabi ko sa isip ko habang naglalakad papuntang CR. Alam naman niya na maaari itong sumama dahil nga kasintahan ito ng dalaga. At alam rin niyang masasaktan siya kapag makita niya itong naglalampungan.

"Pasok muna kayo Iho't Iha" sabi ni Mama sa mga kaibigan ko na huli ko ring narinig dahil nakapasok na ako sa sariling CR ko.

ILANG minuto rin siguro akong nag ayos ng sarili ko sa CR at pagkalabas ko ay nakita ko ai Kriston at Queeny na kinakalikot ang mga gamit ko sa kwarto, kahit ang book shelf ngmga libro ko ay pinakialaman rin ng mga ito.

"Hoy, mga gago bakit niyo pinapakiaalaman mga gamit ko ha!!!" sabi ko sa mga ito na napatingin naman sa direksyon ko.

"Grabe ka naman maka gago samin Harrysen, di porket matalino ka at palaging nasa first section ehh may lakas ka na kng loob na sabihan kami ng gago" sabi ni Kriston na nakayuko pa at mukhang nakapout pa.

"Oo nga Harrysen Bautista kahit nasa last section kami palagi nito ni Kriston ehh may isip rin naman kami, remember kami kaya yung pinaka active sa room namin" sabi naman ni Queeny na parehas rin ang ekspresiyon ng mukha kay Kriston.

"Emote pa tong mga to, ang dadrama niyo, Bakit ba kasi kayo nandito" sabi ko naman sa kanila at nilaptan at inakbayan ang mga ito. "Ano bang ginagawa niyo rito" rugtong sa kanila na hindi na umiimik. Ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin ang mga ito kumikibo. "Hoy!!! Ano ba" sabi ko na naman dahil talagang hindi ang mga ito kumikibo sa mga binabato kong tanong.

"Nandito lang naman kami para kunin na yung mga gamit mo ehh, kaso hindi namin alam kung alin dito sa mga bag na to ehh" sabi ni Kriston sa akin sa boses na pang isip-bata.

"Aalis na muna kami,tutal di naman kami welcome dito sa kwarto mo ehh" sabi naman ni Queeny na tumingin na sa kanya habang naka pout ito. "Tara na Kriston hindi naman tayo welcome rito" dugtong pa nito.

"Hoy wait, grabe naman kayong magtampo, welcome naman kayo dito ahh, nagtanong lang na anong ginagawa rito natampo na kayo ng ganyan" sabi ko sa mga ito.

"Hindi kami nagtatampo, ayaw lang talaga naming magdala ng gamit mo sa Van" sabi ni Kriston habang tumatawa ito at si Queeny. Babatuhin sana niya ito ngunit nakalabas na ang mga ito.

"Nag-abala pa kayo, kaya ko naman" sabi ko sa kanila.

"Your welcome" sabi ng mga ito na nasa labas pa pala ng kwatro ko.

"Bumaba na mga kayo ron. Susunod na lang ako" sabi ko sa kanila at nang pagkasabi ko non ay mabilis na nagtakbuhan ang dalawa pababa ng second floor ng bahay nila. Nalaman niya iyon dahil malalakas ang mga yabag ng mga ito.

Pagkatapos niyang pakalmahin ang sarili ay bumaba na nga ako, at kinuha na ang bag na dadalhin niya, kinuha na rin niya ang cell phone niya mula sa pagkakacharge at inilagay ang charger sa part ng bag na puro gadget at nilabas naman ang head phone na sinabit niya sa may balikat at sunod naman kinaha niya ay ang bonamin nasa isa pang bulsa at ininom ito.

Pagkatapos ay bumababa na nga siya at tumambad sa kanya ang mga kaibigang nasa sala at nag aasaran, at ang napagtripan na naman ng mga ito ay si Ericka at mukhang si Kriston na naman ang pasimuno. May ito sa dalaga ngunit ganito talaga itong lalaking ito paiiyakin muna ang babae pagkatapos ay susuyuin, pagkatapos ay liligawan. Sa sobrang tagal na nilang magkaibigan ni Kriston ay kilalang kilala na niya ito at lalo na ang pagdiskarte nito sa mga babae, minsan na niya itong sinabihan na may magiging katapat itong babae balang araw at mukhang si Ericka ito dahil ilang beses na nitong nabara ang kaibigan, iba kasi si Ericka kumpara sa mga unang babae na dumaan kay Kriston, itoy palaban at walng inaatrasan, hindi rin ito tumitigil kapag hindi nakakganti sa kaaway.

"Tara na guys" sabi ko sa kanila at don naman napatigil ang tatlo sina Mandy at ang kasintahan nito naman ay nakaupo lang habang magkahawak ang kamay say couch na mahaba. Tumayo na ng tuwid ang mga ito.

"Tara na" sabi naman ni Ericka sa galit na boses. "Maghintay ka Kriston gagantihan kita, makikita mo" sabi nito at dunuduro duro pa si Kriston. "Ikaw rin Queeny, maghanda ka na" sabi rin nito sa katabi na niyang si Queeny. At nauna na itong lumabas.

"Hoy Bakla, sandali lang naman naki join lang naman ako kay Kriston ehh" sabi naman ni Queeny habang hinahabol si Ericka palabas.

"Maghihintay ako sa ganti mo Ericka" sigaw naman ni Kriston kay Ericka na mukhang hindi naman nito narinig.

"Kriston, tara na nga" sabi ko kay Kriston na sinunod naman nito at sumunod naman dito ay si Mandy at ang nobyong si Alexander.

"Ma, aalis na po kami" sigaw ko kay mama na nasa kusina.

"Wait lang anak, juice niyo para sa biyahe niyo may sandwiches na rin yan para may pangbara, malayo pa naman yang pupuntahan niyo" sabi nito sa akin habang may dalang icebox na may loob nga ng sandwiches at juice. "Ito juice mo anak, hiniwalay ko na para di ka na makiagawan pa sa mga kasama mo, Happy Trip anak" dagdag ni Mama sa unang sinabi nito.

"Thanks Ma, Ingat ka rin dito sa bahay ha!!! Baka anong mangyari sayo rito, lalo na't ikaw lang dito sa bahay ng ilang weeks siguro" sabi ko naman kay Mama, hindi ko alam kung hanggang kailan kami roon kasi baka magextend pa ang days na naroon kami lalo na at summer, walang dapat na asikasuhin ng masyado.

"Ingat kayo ulit anak ha!!! Sabihin mo kay Kriston na mag ingat sa pagpapatakbo ng Van na sasakyan niyo ha" sabi ni Mama sa akin na kinatawa kasi nagiging OAna naman ito

"Okay Ma!!!" sabi ko rito at lumabas na ng bahay.

Pagkapasok ko sa Van ay nagulat na lang ako na ang makakatabi ko ay si Queeny, si Ericka at si Kriston naman ang nasa passenger seat, sina Angela at ang lola nila nina Kriston ay nasa pangalawa, kami ni Queeny ay sa pangatlo at si Mandy at ang kasintahan nito na si Alexander ay nasa likod namin.

"Ano yan Harrysen na dala mo" tanong ng makakatabi ko sa byahe na si Queeny.

"Icebox" sagot ko sa tanong nito.

"Alam ko,pero anong laman niyan" sabi ni Queeny namay konting galit sa boses.

"Padali ni Mama para sa atin baka magutom raw tayo kaya nag padala siya ng Sandwiches at drinks" sabi ko sa kanila habang nililibot ang mata sa kanila.

"Nice, rito mo na yan sa may amin Harry" sabi ni Kriston.

"Hoy Boy takaw baka hindi pa nga tayo umaalis ehh ubos na yan" sabi ni Ericka.

"Grabe ka naman sa akin Ericka" sabi nito na napakamot sa ulo

"Doon mo na lang yan sa kina Mandy tutal nandon naman lahat ng gamit natin. At tsaka pumasok ka na para maka-byahe na tayo" sabi ni Ericka sa akin.

"Osige Ericka, Mandy paki lagay na lang sa likod niyo itong icebox pati na rin itong isang bag ko, paki ingatan lang nandiyan kasi mga gadgets ko" sabi ko habang binibigay sa kaniya ang gamit at icebox ko na kinuha naman ng kasintahan nito.

At pumasok na nga ako sa van at sinara ito. Pagkatapos ay binuhay na ni Kriston ang makina ng Van at pinaharurot ito. Sinuot naman niya sa tainga niya ang head phone na nasa balikat niya at isinalpak ito sa cellphone niya na nasa bulsa niya at naghanap ng magandang tugtog at ang nagutuhan niya ay ang Nag-iisang Muli ng Cup of joe at pumikit na ako at hinilig ang kanyang likod sa inuupuan.

Ilang minuto na pala akong nakatulog ng tumigil ang Van, naramdaman niya kasing tumigil ito at hindi lang pala siya ang nakaramdam dahil lahat pala sila ay naramdaman ang pagtigil ng Van.

"Ano ba yan Kriston, bakit ka tumigil" sabi ng katabi nitong di Ericka.

Imbes na sagutin nito ang tanong ng katabi ay tumingin ito sa amin, mukhang hindi naman sa talaga sa aming part kundi sa direksyon nina Mandy na nasa likuran namin.

"Mandy lumipat ka ng pwesto" sabi ni Kriston kay Mandy.

"Bakit naman kuya wala naman kaming ginagawa rito ahh" sabi naman nito kay Kriston naman nito.

"Basta, dito ka sa tabi ni Harrysen at ikaw naman Queeny don ka sa tabi ni Alexander" sabi ni Kriston.

Kaya bumaba muna ako at si Queeny para makadaan si Mandy at pumunta sa dating inuupuan ni Queeny at si Queeny naman ay umupo sa tabi na ni Alexander at siya naman ay sumakay na at tumabi kay Mandy.

Pagkatapos niyon ay pinaandar na ni Kriston ang sasakyan.

"Before we arrive again, pakikuha nga muna ako ng juice at sandwich sa icebox na pinadala ni Tita" sabi nito at kinuha naman ito ni Queeny at kumuha ng isa at pinagpasa pasahan hanggang maka abot kay Kriston.

"Ohh sino pa hihingi" sabi ni Queeny.

Humingi naman kaming lahat dahil lahat kami ay gutom na gutom na.

"Pwede pa bang humingi gutom pa ako ehh" sabi na naman ni Kriston. "Pwede paki dalawa na" dugtong nito.

"Grabe ka naman Kriston ang takaw mo" sabi ngkatabi nitong si Ericka.

"Ehh syempre ikaw ba naman ang magdrive ng malayo kung hindi ka rin mapagod ano, ikaw naman kaya" sabi naman ni Kriston.

"Huwag na nga kayong mag-away eto Kriston ohh, marami pa naman dito ehh" sabi ni Queeny. "Harrysen pakibigay nga kay Kriston ohh" utos nito.

"Lola pakibigay nga po sa apo niyong matakaw" sabi ko sa lola nu Kriston na sumama para daw bantay, si Kriston naman naka isip na isama ang ito at ang bunso kapatid para malibang rin at mawala na ang troma nito sa nangyari sa States.

At binigay nga ang dalawang sandwich kay Kriston. At pinaandar na rin ang makina at pinaharurot ito. Natulog na ulit ako dahil malayo pa raw ang byahe rinig kong sabi ni Queeny sa akin.

Please Vote and Comment po.....