webnovel

More than a Friend

SYNOPSIS Si Harrysen Bautista ay isang dating nerdy guy, na masyadong study hard palagi at advance kung mag-isip hanggang sa makilala niya si Mandyzon McBride na akala niya ay pinsan lang ng kanyang kanyang matalik na kaibigan mula bata na si Kriston McBride dahil masyadong magkalayo ang katangian ng dalawa, mula sa panlabas na anyo at ugali ng dalawa. Naging mas matalik na magkaibigan sina Harry at si Mandy kaysa kay Kriston hanggang sa hindi na lang niya namalayan na nahuhulog na pala siya kay Mandy. At isang araw sumubok siyang umamin na, kay Mandy kahit alam niyang kaibigan niya si Mandy na baka mafriend-zone lang siya nito na iyon nga ang nangyari dahil may mahal itong iba. At ng pagkatapos ngang umamin ni Harry kay Mandy na may pagtingin siya rito ay lumipas ang mga araw at taon na hindi sila nagkikibuan. Hanggang sa magdesisyon na siyang magbago ng anyo ng pangangatawan at iba pang stilo niya. Pati na rin ang baguhin ang nararamdaman para kay Mandy, ngunit hindi pala niya kayang limutin ang nararamdaman para sa dalaga. Ano kaya ang gagawin niya kapag mahalata niyang may gusto si Mandy sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ang dalaga? Paano siya makakamove kung sa puso niya ay alam niyang hindi pa niya limot ang nararamdan niya para kay Mandy? Paano kung umamin sa kanya si Mandy na may gusto ito sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ito. Anong gagawin niya kung alam niyang may nagmamay- ari na rito? Paano niya haharapin ang sitwasyong ito kung alam niyang maaaring talo na siya. Guguluhin pa ba niya ang magkasintahan o maghahanap na lamang siya ng mas nararapat sa kanya? Hahayaan ba niyang makasira siya ng relasyon o magmomove na lamang siya? O ipaglalaban niya na lang ang nararamdaman para sa kaibigang dalaga?

darkranger143 · Realistic
Not enough ratings
27 Chs

Chapter 23

Chapter Twenty_Three -->> HAVE VISITOR

Harrysen Bautista Point of View

"Hi guys, we have visitor" bungad ni Kriston sa mga kasama namin sa bahay.  Napatingin naman sa amin sina Mandy, bakas naman sa mga mukha nito ang pagkagulat kung sino ang bisitang tinutukoy ni Kriston.

"NICOLE" hindi parin makapaniwalang sambit ni Queeny. Tumango naman si Nicole rito. "As is Nicole De Leon"

"Oo nga Girl, ang kulit" sabi naman ni Nicole.

"Ano namang masamang hangin ang napadpad at pumunta ka rito" sabi naman ni Ericka na mahahalata mong may pagkaselos sa boses, Ex kasi ni Kriston itong si Nicole, at isa sa iniyakan ni Kriston.

"Nagkakitaan lang naman kami sa books store ehh, nandito rin pala kayo nagbabakasyon" sabi naman ni Nicole.

"Sa tingin mo girl" sabi pa ni Ericka rito.

"Babe, are you jealous" sabi naman ni Kriston kay Ericka.

"No I'm not, why should I jealous, I'm not your girlfriend, so don't call me babe" sabi ni Ericka na mahahalata mong may konting galit sa boses nito.

"Now!!! But I know that, you are my future girlfriend or for worst my future wife" sabi pa ni Kriston rito. Na dahilan para kiligin sina Queeny.

"Ayyieee, sana all" tumitili pang sambit nina Mandy, Queeny, at Nicole. Dahilan naman iyon para ms lumala pa ang pamumula ng pisngi ni Ericka.

"At tsaka, huwag kang mag-alala. Ex ko na si Nicole. At tsaka may boyfriend na iyan si Nicole, diba Nicole" sabi pa ni Kriston rito.

"Yeah, tama si Kriston girl, Mayroon na akong boyfriend ngayon, actually nandito nga siya ngayon ehh" nagtaka naman kaming lahat, maliban kay Kriston na nakangisi pa.

"Meet my new bofriend" at umakbay ito sakin, mukhang hindi maganda kutoh ko rito ahh. "Mr. Harrysen Bautista" Bakas naman sa mga mukha ng ito ang pagtataka at pagkagulat.

"Really girl, kailan pa" tanong ni Harrysen kay Nicole.

"Ngayon lang, sabi ko kasi sa kanya, sasagutin ko na siya kapag nagkita kami, so ngayon ko na siya sinagot" dere-deretsong sabi nito sa mga kasama ko.

"Ehh kailan pa nagsimulang manligaw sayo si Harrysen, Nicole" sabi naman ni Ericka rito. Tiningnan ko nan kung anong expression ni Mandy sa nangyayari.

"Almost a month narin siguro"

"So, ede congrats sa inyo. I wish more monthsary to you guys, And of course anniversary na rin syempre. Ahm, dito na muna ako sa kwarto" sabi ni Mandy bago pumunta sa kwarto, nabigla naman ako sa inasal nito, pero mukhang hindi lang naman ako ehh.

"Ano nangyari don" sabi nga ni Ericka saming naiwan.

"Ewan namin, sundan mo nga girl" sabi naman ni Queeny rito, na ginawa naman ni Ericka. Pumunta ito sa kwarto. Pagkaalis nga ni Ericka ay umalis na rin si Alexander, na may ngiti sa labi, hindi namin alam pero mukhang may kakaiba sa ngiti nito, na mukhang ako lang pala sa amin ang nakapansin.

"So, kayo ba talaga huh" tanong ni Queeny sa amin.

"Bakit, hindi ba obvious" sabi naman ni Nicole.

"Hindi, mukhang may iba kayong planong tatlo ehh"

"Anong kaming tatlo si Kriston lang nakaisip nito, no"

"Sabi ko na ehh. Hindi naman talaga kayo ni Nicole. ehh. Gusto niyo lang paselosin si Mandy, diba diba"

"Pwede ba hina- hinaan mo yang bibig mo" sabi naman ni Kriston.

"Sus, sabi ko na talaga ehh. At tsaka ano iyon papatulan ni Nicole kayong dalawang magkaibigan na halos magkapatid na" sabi pa ni Queeny

"Ehh ano naman iyon, wala namang problema ehh" sabi ni Nicole.

"Anong wala, ehh halos maubusan na nga tong si Kriston kakaiyak noong magbreak kayo ehh" napakamot naman si Kriston ng sabihin iyon ni Queeny sa harap ni Nicole. Napatawa naman si Nicole dahil sa narinig.

"Basta huwag kang maingay girl, okay. Alam niyo namang boto rin ako sa team HARdyzon diba"

"Ayy ikaw rin pala" naghalak-hakan naman yung dalawa ako naman napakamot nalang ng ulo. Pero masaya ako kasi mas maraming gusto na kami na lang ni Mandy, pero syempre huwag naman nilang masyadong i-push kasi hindi naman namin hawak buhay ni Mandy ehh.

"Hoy quiet nga kayo, marinig kayo ni Alexander, at tsaka ano ba kayo, may jowa yung tao kani- kanino niyo nirereto, magtigil nga kayo" sabi ko naman sa mga ito.

"Anong kani-kanino ehh sayo lang naman ahh, at tsaka mas bagay kayo ehh, diba girl" sabi ni Queeny.

"Appear tayong dalawa diyan" sabi naman ni Nicole rito.

"Anong dalawa, tayong tatlo" sabi naman ng isip bata kong kaibigan na si Kriston.

"Hephephep, anong meron at nagkakasiyahan kayo" dumating naman si Lola Berta.

"Lola Berta, nandito ka rin pala" sabi naman ni Nicole rito.

"Nicole, Nicole tama ba, ikaw ba talaga iyan Nicole De Leon" hindi makapaniwalang saad pa ni Lola Berta.

"Opo Lola Berta ako po ito" at nagyakapan nga ang dalawa.

"Anong ginagawa mo rito" sabi ni Lola Berta ng matapos na kanilang yakapan.

"Vacation po Lola Berta, and then Visiting sa farm namin dito"

"Ahh, Alam mo ba nung nagbreak kayo ni Kriston, panay iyang iyak niyan. Siguro nga kung marunong na iyan imunom ng alak nung nagbreak kayo siguro nalunod na iyan, hindi lang kakainom ng alak kasi maging sariling luha niyan ehh nilunod na siya" sunod sunod na saad ni Lola Berta.

"Sus si Lola talaga" sabi pani Kriston, habang nangagngampot ng ulo.

"Bakit hindi ba totoo" sabi pa ni Lola Berta, habang may paita itaas pa ng kilay.

"Totoo po pero--" hindi na natapos ni Kriston ang sasabihin dahil nagsalita na ulit si Lola Berta.

"Ohh tingnan mo. Halika nga rito Nicole, at ipaghahandan kita ng makakain" at tumalikod na ang dalawa sa amin at nagsimula ng maglakad patungo sa kusina.

"Ohh sige po Lola Berta, tulungan na rin po kita" sabi pa ni Nicole ng nasa kalagitnaan na ng paglalakad.

"Ohh sige, pero teka lang nakita mo na rin ba sina Mandy" sabi pa ni Lola Berta, masyado pang rinig ang usapan ng mga ito kahit malayo, layo na samin

"Opo Lola Berta, ehh si Angela nga po pala" sabi pa ni Nicole sa matanda.

"Ahh natutulog ehh" iyon na lang ang mga narinig namin dahil nakapasok na sina Lola Berta sa kusina.

"So ano, Bro what do you think on my plan huh" sabi ni Kriston ng tuluyan na ngang makapasok sina Nicole at Lola Berta sa kusina.

"Gago ka talaga, Kriston" sabi ko naman rito.

"Sus ayaw mo non, ngayon natin malalaman kung ano bang reaksiyon ni Mandy if may girl ka na sa buhay mo" sabi naman ni Queeny sa akin.

"Ehh sus, bakit sure na ba kayong magseselos talaga iyan si Mandy, bakit may nararamdaman ba si Mandy sakin" pakikipagtalo ko sa mga ito.

"Kaya nga susubukan ehh, wala namang masama don diba" sabi pa ni Kriston, ayaw talaga nitong magpatalo, kanina pa ito ehh.

"Masama kasi alam niyo nang may kasintaha na yung tao, nirereto niyo sakin" sabi ko naman rito.

"Harrysen Bro, pinag-usapan na natin ito diba, alam mo naman sayo kami boto ehh" hay kailan ko ba mababago ang mga ulo ng mga ito, na hindi nga magiging kami ni Mandy.

"Ehh kahit na, ayaw ko ng gulo guys, alam niyo namang ayaw na ayaw ko ang gulo ehh" pakikipagtalo ko pa nga sa mga ito.

"Sus, basta Harrysen, huwag ka na lang kasing mag- alala" sabi pa ni Queeny. Hindi na lang ako nakipagtalo pa dahil dalawa sila, hindi ko sila kaya.

Pumunta na lang rin muna ako sa aming kwarto para dalhin doon ang pinamili kong libro, nahiga naman muna ako at nagbasa ng isang librong binili namin ni Kriston.

Unang buklat ko pa lang ng libro y nabasa ko. "Hindi naman ako para sayo noon, sana nama'y para sakin ka na ngayon". Sabi doon ng unang sentence. Masyado akong tinamaan sa unang sentence na iyon, sa tingin ko ay para sakin ang salitang iyon.

Pero sana nga para sakin talaga si Mandy, hindi naman ako para sa kanya noon, sana naman para sa kanya na ako ngayon. Napangiti ako sa naisip ko, sana. nga kasi talaga para sa kanya na ako ngayon. Marami ng nagbago sakin ngayon, kaya sana naman matanggap na niya ako, kung ano ako ngayon.

Natapos ko na ang isang chapter ng story na iyon, ng makaramdam ako ng antok hanggang sa namalayan ko na nga lang ay nakatulog na pala ako, siguro dahil narin sa pagod.

"Hey Bro, tara hapunan tayo, gabi na rin para matulog ka pa, tara na Bro"

"Ano ka ba, Bro. Alam mo namang natutulog yung tao ehh"

"Ehh tara na. Magsisismula na ang Oplan Paselosin Si Mandy, kaya tara na" napatawa ako ng bahagya sa sinabi nito, Oplan Paselosin Si Mandy daw, ano yun.

"Ewan ko sayo, tara na nga kasi, pero maghilamos ka na muna" sabi pa nito, pumasok naman na ako sa  CR at naghilamos.

"Ano bro, handa ka na" sabi nga nito.

"Gago, tara na nga" sabi ko naman rito.

"Are you ready, Bro" sabi pa nito at hinawakan pa balikat ko.

"Ewan ko" Hindi ko talaga alam, basta kinakabahan ako.

"Dapat maghanda ka na" sabi pa nito

"Paano" sabi ko rito

"Basta, act and act and act. Acting-ngan lang iyan Bro, alam kong kaya mo iyan" sabi pa nito at hinilot hilot ang balikat ko at minasahe pa na parang isa ako sa lalaban sa boxing match at si Kriston yung way para lumakas ang loob ko.

Pababa na kami ng hagdan ng salubungin kami ni Nicole. Hindi ko alam nasa likod pala namin sina Mandy.

"Ohh babe, akala ko sususnduin pa kita ehh, tara na nga babe" sabi nito sakin at nakipag- intertwined sa akin ng kamay.

"Makikidaan nga po kami" sabi naman ni Mandy mula sa likod namin. Nagbigay naman kami ng espasyo sa kanya para makadaan sila ni Ericka.

"One point" sabi naman ni Kriston.

"Hoy, ano ba kayo ganon lang inasal binigyan niyo na ng kahulugan. Malay niyo mainit lang yung ulo"

"Sus, Harrysen. Ano ka ba pwedeng dahilan iyon no, may mga ganong tao"

"Ewan ko sa inyo tara na nga" sabi ko pa sa mga ito, nagsimula naman ng maglakad kami patungong dining area. Ng nakrating na nga kami sa dining area ay yumapos sa braso ko si Nicole.

"Ohh magsimula na kayo, mauuna na ako sa inyo" sabi ni Kriston. Bago kami lubusang makalapit sa dining room.

"Okay, Kriston" sabi ni Nicole rito, tinanguan ko na lang ito bilang tugon.

"Don't worry, alam naman na ng lahat yung plano ehh. Sinabihan ko naman na sila about sa plano, maliban kina Mandy at Alexander syempre"

"Good" sabi naman ni Nicole rito.

"Babe talaga nabasa ko na rin yan, babe, at ang ganda nga talaga niyang story na iyan" sabi nga ni Nicole habang nakayapos s a braso ko.

"Talaga babe, alam mo sabi nung author nung story may Part 2 daw iyon babe, abangan mo rin babe, maganda yun sure ako" sabi ko pa rito.

"Sure babe, if you want sabay pa tayong bumili ng book na iyon ehh" sabi ni Nicole.

"Sure babe basta ikaw" sabi pa ni Nicole.

"Hephephep, ano iyan huh" sabi naman ni Lola Berta ng makaloob na talaga kami sa dining area.

"Ahh guys, Mang Ador, Manang Selya, and Lola Berta, meet my girlfriend, Nicole De Leon" sabi ko naman ng pumasok na ako.

"Hi po, kamusta po kayo" sabi naman ni Nicole rito.

"Congrats sa inyo mga iho't iha, sana ay tumagal kayo" sabi naman ni Lola Berta, na kumindat pa sa amin, nagpapatunay na may alam ito sa balak namin.

"Salamat po" sabi pa ni Nicole sa mga ito.

"Abay maupo na kayo, para makakain na kayo" sabi naman ni Mang Ador

"Dito ka na umupo Nicole, tabi na kayo ni Harrysen" sabi naman ni Queeny rito.

"Ehh saan ka girl uupo" sabi naman ni Nicole rito. Kaya nga naman sakto lang samin yung upuan.

"Dito na lang ako uupo, sa tabi ni Mandy" sabi naman ni Queeny rito.

"Ahh okay Queeny, thanks huh, kasi binigyan mo pa kami ni Harrysen ng way para magkatabi kami" pagpapasalamat ni Nicole kay Queeny.

"Sus wala iyon sis. O sige na umupo na kayo dito" sabi pa ni Queeny rito. The plan is starting now at masyado na akong kinakabahan sa kung anong kalabasan ng pagpapanggap namin.

"Ahh tara na babe" sabi sakin ni Nicole. Sumunod naman ako sa gusto ni Nicole.

"Babe ohh, lagyan ko na ng kain plano mo okay" sabi pa ni Nicole. Panay naman ang tingin ko kay Nicole, gusto ko kasing makita kung ano bang expression niya. Pero nakayuko lang ito.

"Osige babe, ako naman maglalagay ng ulam sayo, ano ba gusto mo" sabi ko rito.

"Eto babe, adobo sino nagluto nito babe" sabi panji Nicole.

"Ako ineng nagluto niyan, masarap iyan" sabi naman ni Manang Selya.

"Talaga po, babe, subuan mo nga ako" sabi naman nito sinubuan ko naman ito. "Hhmm masarap nga babe, masarap nga po Manang Selya" sabi pa nito at tumingin pa kay Manang Selya. Tiningnan ko naman si Mandy kung anong expression niya sa mga nangyayari, pero nakayuko parin ito.

"Babe, are you okay" sabi ni Alexander dito. Napatingin naman kami sa mga ito.

"Yes babe, I'm okay why" sabi naman ni Mandy rito.

"Gusto mong subuan rin kita babe" sabi naman ni Alexander.

"Huwag na babe" sabi pa ni Mandy.

"Ahh okay, babe" sabi pa ni Alexander, at binalikan na nito ang kinakain.

"Babe" sabi nito, may konting ibang feelings sakin kapag tinatawag ako nito ng babe, basta iba talaga ehh.

"Hhhmmm"

"Bakit di niyo sinama si Tita" sabi naman nito.

"Gusto niyang bantayan yung bahay ehh, wala daw magbabantay doon" sabi ko lang rito.

"Ahh ganon ba, sayang naman" sabi naman nito.

"Babe diba malapit lang naman dito, house na tinutuluyan niyo" sabi ko naman rito.

"Yes babe, why??" pagtataka nito.

"Dito ka na kaya muna matulog babe" sabi ko nga rito.

"Yeah sure babe, tinawagan ko naman na si Mom ehh about that babe" sabi naman nito.

"Advance ka babe huh" sabi ko pa rito.

"Ehh saan natin siya patutulugin" sabi naman ni Mandy.

"Sa atin na lang si Mandy matutulog"  sabi naman ni Ericka rito. "Ahm, Lola Berta, don na lang po kayo ni Angela matulog sa kwarto nina Tito Mark"

"Ohh sige Ericka" sabi naman ni Lola Berta

"Mago- over night tayong tatlo girls" sabi pa ni Ericka na masyadong excited.

"Gusto ko iyan sis, ahh" sabi naman ni Nicole at tumili pa yung dalawa.

"Kumain na nga muna kayo, bago niyo iyan pag-usapan na mga iyan"

"Okay po Lola" sabi ni Nicole.

"Sorry po Lola Berta" sabi naman ni Ericka kay Lola Berta. At kumain na nga lang kami.

Natapos naman kaming kumain na nakayuko lamang si Mandy. Hindi ko alam pero gusto kong bigyan iyon ng kahulugan pero ano bang mapapala ko kung aasa ako diba.

[A/N: Hi guys, meet new Character.  Nicole De Leon, she is ex of Kriston n iniyakan nito ng lubos- lubusan, oo ng lubos- lubusan. Pero siyempre nakamove-on na si Kriston don. ]

Please Vote and Comments po.....

Just follow me na rin po.....