webnovel

Moonville Series 2: Maybe This Time

Two years after her mother died, Darlene received a letter telling her to help her dad, Kenneth Oliveros, to fall in love again. Ang instruction ng kanyang mommy, find Samantha de Vera, ang high school best friend ni Kenneth at first love nito. Sa tulong ng mga kaibigan ng kanyang mga magulang at pati na rin ng 'divine intervension' ay nagawang matagpuan ni Darlene si Samantha de Vera. Nagawa rin niyang magkalapit ulit si Sam at Kenneth sa isa't isa. Pero, paano ba niya magagawang maibalik ang dating nararamdaman ni Kenneth kay Sam gayong hindi naman alam ng daddy niya na ang best friend ang first love nito? At ang isa pang problema, may boyfriend na si Samantha at hindi ito basta-basta papayag lang na pakawalan ito at ibigay ng ganun-ganun na lang kay Kenneth. Kahit pa nga mapatunayan nito na si Kenneth din ang mahal ni Sam. Magawa pa kaya ni Darlene ang misyong itinalaga sa kanya ng kanyang ina?

joanfrias ยท Urban
Not enough ratings
52 Chs

The Letter: Part 1

๐˜•๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช ๐˜š๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ง๐˜ช๐˜ณ๐˜ด๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ค๐˜ญ๐˜ข๐˜ด๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ ๐˜ด๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ญ. ๐˜›๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ธ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜บ ๐˜ง๐˜ช๐˜ณ๐˜ด๐˜ต ๐˜ต๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ ๐˜Š๐˜ข๐˜ณ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜—. ๐˜™๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜œ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜บ. ๐˜‰๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ง๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ง๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฎ ๐˜ก๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ด. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ง๐˜ช๐˜ณ๐˜ด๐˜ต ๐˜ต๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฆ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜Š๐˜—๐˜™๐˜œ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ต-๐˜ด๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜Š๐˜—๐˜™๐˜œ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข. ๐˜•๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฅ๐˜ช๐˜บ๐˜ข.

********************************************************************************

๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ๐Ÿ—๐Ÿ—๐Ÿ–

"Excuse me po. Saan po dito iyong high school building?" tanong ko sa guwardiyang nakatayo sa may gate ng CPRU.

"Doon sa kabila iyon. College dito," sagot naman nito.

"Ho?" Napatingin ako sa kabilang gate. So doon pala ako dapat pumasok? Nagpasalamat na lamang ako sa guwardiya at lumipat na doon sa gate na itinuro nito.

Muli akong nagtanong doon sa guwardiyang nakatayo sa may kabilang gate. "Excuse me po. Dito po ang high school?"

"Oo. First year ka?" anang manong guard.

"Hindi po. Fourth year na po ako. Transferee."

"Ahโ€ฆ Hayan iyong building. Doon iyong entrance." Itinuro pa nito ang tinutukoy nito.

Napatingin ako sa itinuro nito, nang isang estudyante ang bigla na lamang nakisali sa usapan naming dalawa ng guwardiya.

"Manong, ako na ang tutulong sa kanya."

Napatingin ako sa nagsalita. There stood someone na kasing-tangkad ko yata. Medyo kayumanggi ang kulay nito. Maikli ang bob cut nitong buhok at naka-jumper ito na pula.

"O sige. Mabuti pa nga," ang sabi ng guard sa kanya.

Tumingin ako sa estudyante. Hindi ko mawari kung babae ba ito o lalaki. Para kasi itong Pinoy version ni Aaron Carter. I-research mo na lang kung ano ang istura ni Aaron Carter noong una itong sumikat bilang pop singer. Katulad ng hairdo niya ang buhok noong estudyanteng kaharap ko.

"Hi! I'm Sam." Inilahad nito ang kamay.

Tinanggap ko naman iyon at saka nagpakilala na rin. "Kristine."

"First time mo dito sa CPRU?" tanong ulit nito.

Tumango ako. "Doon sa kabila ako nag-enroll, eh. Akala ko doon din iyong mga classrooms."

"Doon kasi lahat nag-eenrol ang mga estudyante, mula elementary hanggang college. Doon kasi iyong school admin pati registrar."

"Ahโ€ฆ" Napatango na lamang ako.

"Don't worry. I could be your guide on your first day." Punong-puno ng enthusiasm ang pagkakasabi nito noon. "Anong section ka ba?"

"Section 1."

"Talaga?" Parang lalo pa itong na-excite."Magkaklase pala tayo."

"Talaga?" Hindi ako makapaniwala sa narinig. Para kasing masyado itong bata para maging 16 years old, kahit pa nga kasing-tangkad ko ito at alam kong may katangkaran ako sa ordinaryong kaedaran ko.

"Wow! Mabuti pala at nakita kita. Halika! Doon tayo sa classroom natin."

Hinila nito ang kamay ko ang the next thing I knew, we were heading towards our classroom. Halos tumakbo ako dahil sa bilis ng paglalakd ni Sam, na napapahinto lamang kapag meron itong nakakasalubong na kakilala.

"Hi Joanne! Hi Nick! Jim! Ang cool ng jacket mo, ah! Mrs. Mendoza, good morning po."

Nakibati na lamang ako sa mga binabati ni Sam kahit pa nga wala naman akong kakilala sa mga ito. Mukhang kakilala ni Sam ang lahat ng estudyante at teacher sa CPRU.

"Mr. Castillo!"

"O, Samantha."

Noon lang ako nakasiguro na babae pala ang kasama ko. Wala naman sigurong lalaking may pangalang Samantha, kahit pa nga ang energy at vibe nito ay parang sa lalaki.

"Good morning po, Mr. Castillo. Ah, Mr. Castillo, heto nga po pala si Kristine. Kristine, si Mr. Castillo, principal natin."

"Good morning po, Sir," bati ko sa punong-guro.

"Good morning Kristine," ganting bati ni Mr. Castillo. "Sam, mukhang nakahanap ka na naman ng bagong kaibigan, ah."

"Oo nga po, Sir."

The man smiled. "Bueno, I'll go ahead. Nice to meet you, Kristine."

"Nice to meet you din po."

Umalis na ang principal at kami naman ni Sam ay tumuloy na sa classroom namin.

"Iyong si Principal Castillo, friends kami nun. Basta dumikit ka lang sa akin, akong bahala sa iyo sa kanya."

Napangiti na lamang ako sa sinabi nito. Medyo nag-alangan ako sa sinabi nitong 'pagdikit' sa kanya. Base kasi sa ayos at kilos, parang tomboy iyong si Sam. Gusto ko tuloy dumistansiya na dahil baka iba palang 'pagdikit' ang ibig nitong sabihin.

"So, kalilipat n'yo lang dito sa Tarlac?"

"Oo." As much as possible, ayaw kong mag-divulge ng anumang information tungkol sa akin.

Pero sadya lang talagang makulit Sam. "Saang probinsiya kayo nanggaling?"

"Sa Zambales."

"Mabuti at lumipat kayo sa Tarlac?"

"Dito kasi nadestino iyong tatay ko."

"Ano bang trabaho ng tatay mo?"

"Pulis siya."

"Wow! Ang cool naman! Alam mo ba iyong The X-Files? Favorite ko iyon. Ang cool nung dalawang bida, sina Mulder and Scully. Ang galing nilang detective. Tapos mysteries pa iyong sino-solve nila."

Ngumiti na lamang ako.

"Hindi ba mahirap iyong ganoon? Iyong palipat-lipat kayo ng tirahan?"

"Hindi naman kami palipat-lipat. Ngayon lang kami lumipat ng tirahan."

"Ah... Well, welcome sa Tarlac!" Buong kagalakan pa itong ngumiti.

Nginitian ko rin siya. "Salamatโ€ฆ Ikaw? Dito na ba talaga kayo nakatira?"

"Oo. Since birth." Sam grinned.

"Siguro hindi pulis ang tatay mo, ano?"

Natawa si Sam sa biro ko. "Hindi. Sa hospital siya nagtatrabaho."

"Doktor?"

"Hindi. Sa Admin siya... Heto na iyong room natin."

Nakaabot din kami sa classroom namin. Sa may fourth floor kasi iyon. Doon daw kasi nagkaklase ang mga fourth year students. Pumasok kaming dalawa sa loob ng classroom, at kagaya kanina sa may corridor, kung sino-sino ang binati ni Sam. Siguro, kung hahabol ito ng pagka-presidente ay mananalo ito by a landslide victory.

"Dito tayo, Kristine."

Naupo kami sa dalawang magkatabing upuan sa may bandang gitna. Isang lalaking estudyante ang lumapit sa amin. The guy is taller than average, at masasabi mong kabilang ito sa mayamang pamilya dahil sa suot nito. Bukod doon, likas na cute din ito kaya mas lalong nagiging maganda ang dating nito sa magara nitong suot.

"Hi Sam! Ipakilala mo naman ako diyan sa kasama mo," ang sabi ng lalaki sabay kindat sa akin.

Napasimangot si Sam sa sinabi nito. But, as if she has no choice ay ipinakilala rin niya ako sa lalaki.

"Si Kristine."

"Hi Kristine!" Inilahad ng lalaki ang kamay nito, na tinaggap ko naman dala ng kagandahang-asal. "I'm Ryan Arcilla. I'm very pleased to meet you."

Nginitian ko na lamang ito.

"Our family owns the biggest couturier in the province. So if you need anything about clothes and dresses, just talk to me and I'll help you anytime, anywhere."

"Ryan... hindi ka naman OA, ano?" Sam asked sarcastically.

"I'm just being friendly."

"Friendly? Sure? Alam mo ba, Kristine, iyang si Ryan ang number 1 bully dito sa klase."

"Hoy, hindi na ako bully, ha? Nagbago na ako."

"Mabuti nga at napagbago ka namin ni Kenneth. Alam mo ba Kristine, iyang si Ryan dati laging binu-bully iyong isa pa naming friend, si Kenneth. Kung hindi ko pa siya inaway dati, hindi siya titigil."

"Noon nga iyon. Pero ngayon, mabait na ako. Pero promise ko sa'yo Kristine, ikaw hinding-hindi kita ibu-bully."

Napangiwi na lamang ako sa pagpapa-cute ni Ryan. Nagtanong na lamang ako para maiba ang topic.

"May friend pa kayo?" tanong ko sa dalawa.

"Oo, si Kenneth," sagot ni Sam. "Best friend ko iyon."

"Wala pa iyon kasi malamang na-traffic. Wala kasing sariling sasakyan iyon, eh. Isa kasi siyang dukha," ang sabi naman ni Ryan.

"Hayan ka na naman," saway ni Sam kay Ryan.

"Siya rin naman ang nagsasabi noon, 'di ba?" ani Ryan. "Siya rin bumu-bully sa sarili niya."

"At ginagatungan mo pa."

"Masyado mo talagang mahal si Kenneth. Nagseselos na talaga ako. Buti na lang andito na itong si Kristine. At least, mero na akong bagong..." Tinignan ako ng makahulugan ni Ryan.

"Idadamay mo pa itong si Kristine," ani Sam. "Asan na nga kaya iyong Kenneth na iyon? Malapit nang mag-start yung class, ah."

"Baka na-traffic? Kasi nga hindi naman makapag-shortcut at walang pambayad sa tricycle," muling sagot ni Ryan.

"Dapat kasi pumayag na siyang magpasundo sa akin. Dadaanan din naman namin iyong bahay nila."

"Alam mo naman iyon, ma-pride."

Sa daloy ng usapan nina Ryan at Sam ay na-curious tuloy ako sa Kenneth na iyon. At parang perfect timing, dumating na rin ang lalaking pinag-uusapan ng dalawa. Simple lang kung manamit si Kenneth, pero hindi naman ito pahuhuli pagdating sa good looks. Kung mestisuhin ang dating ng anak-mayamang si Ryan, si Kenneth naman ay parang si Jericho Rosales ang tipo. Pilipinong-pilipino sa kayumangging balat at wavy na hair pero matangos ang ilong.

Humihingal pa ito nung lumapit sa amin. "Grabe iyong traffic sa may-"

Natigilan si Kenneth nang mapatingin ito sa akin. Natigilan di ako, at parang hindi ko malaman ang gagawin o sasabihin.