webnovel

Moonville Series 1: Secret Lovers

Alex's first day as a college student was great so far. Nag-enjoy naman siya sa mga bago niyang klase at kaklase, lalo na iyong lalaking nakatabi niya sa first subject niya. The guy's name is Richard. He's handsome and nice, and Alex cannot help but be mesmerized with him. And then she met him again on her last subject. Tadhana nga sigurong magkita silang muli, at mukhang the feeling is mutual between the two of them. May isa nga lang problema. Richard is a Quinto, at ang mga Quinto ay mortal na kaaway ng mga Martinez, ang pamilya naman nina Alex. Buti na lang at nandiyan ang ate niyang si Angel. Kahit na masunurin ito sa mga rules ng kanilang mga magulang ay kinampihan pa rin siya nito at tinulungan sa relasyon nila ni Richard. At sa panig naman ni Richard, nandoon ang pinsan nitong si Bryan na parang kapatid na rin ang turing sa binata. Mukhang nakikiayon ang lahat kina Alex at Richard. Nagawa nilang ilihim sa mga magulang nila ang kanilang relasyon. Hanggang sa mapagkamalang girlfriend ni Bryan si Angel. And then things started to become complicated. Gaano nga ba katibay ang pagmamahalan nina Richard at Alex? Kaya ba nitong buwagin ang alitang nag-ugat pa 20 years ago? At ano naman kayang kapalaran ang naghihintay kina Angel at Bryan, na dahil sa pagtulong sa dalawa ay siyang laging napapahamak?

joanfrias · Teen
Not enough ratings
85 Chs

Free Ride

Ilang saglit pang nanatili sa may student lounge si Alex. Doon ay hinayaan lang niya ang sarili na umiyak. Pinilit na lang niyang inignore ang mga estudyanteng tumitingin sa kanya at nagtataka kung bakit siya umiiyak. Mabuti na lang at walang nag-approach sa kanya at nagtanong kung ano ang dahilan ng pagluha niya.

Kahit nga yata sinong umiiyak ang makita ng mga estudyanteng nagdaraan ay sapat na para mapukaw ang interes ng mga ito. Tapos, hindi lang siya basta estudyante. She's Alexandra Nichole Pascual Martinez. Grade school pa lang siya ay sikat na siya sa CPRU. Siguro kasi inumpisahan ng ate niya. Grade school pa lang kasi ito ay exceptional na ito sa mga studies nito. Kaya noong mag-aral na siya doon ay kaagad din siyang nakilala. Angelica Martinez' younger sister.

She doesn't mind being called like that. Proud pa nga siya sa achievements ng ate niya. Number one fan siya nito. And she didn't mind being compared to her ate. Ito pa nga ang dahilan kaya nag-strive siya na mag-excel din para hindi mapahiya ang pangalan ng ate niya. At dahil doon, nagawa niya ring sumikat as Alex Martinez and not just as Angelica Martinez' sister.

Ngayon lang niya naisip na mahirap palang maging sikat. Siguradong number one topic na naman siya niyan sa mga kwentuhan ng mga estudyante. But what can she do? Sobrang sama ng loob niya.

Nang medyo mahimasmasan na ay nagpasiya siyang umuwi na lang. Wala na siyang ganang pumasok pa sa klase niya. Ayaw rin niyang makita muna ang ate niya dahil siguradong mag-aalala na naman ito sa kanya at malulungkot na naman sa kinahinatnat nilang dalawa ni Richard. Ayaw muna niyang abalahin ito.

Nagpasiya siyang mag-taxi na lang muna. Dito sa Tarlac, konti pa lang ang mga taxi na pumapasada. At hindi tulad sa Manila na papara ka sa daan ng taxi. Dito, kailangan mong tumawag sa kanila para sunduin ka nila sa kinaroroonan mo at ihatid ka sa pupuntahan mo. Call-A-Taxi nga ang pangalan ng kumpanyang iyon.

Pero sa harapan ng CPRU, merong paradahan ng Call-A-Taxi. Dahil nga sa puro mayayaman ang nag-aaral dito, tiyak na sa taxi sasakay ang mga ito sakali mang wala silang sundo sa pag-uwi o kaya naman ay nasiraan ang kotse ng mga ito. Maging ang mga empleyado ng unibersidad ay suki din ng Call-A-Taxi.

Sa tapat mismo ng gate ng CPRU and paradahan ng Call-A-Taxi sa kabilang daan. Pagdating doon ni Alex ay kaagad siyang sinalubong ng isang lalaki. Dispatcher yata ito doon dahil ito ang nag-a-assign ng taxi na sasakyan ng mga pasahero.

"Miss?" tanong nito sa kanya. Napakunot ang noo nito nang makita ang namumugto niyang mga mata.

"Moonville po, Manong," sagot ni Alex.

"Ay Ma'am, wala po tayong available na driver, eh. May pasahero po lahat. Iyong iba naman po nag-break muna." Lunch break na nga naman.

Napatingin siya sa mga taxi na nakaparada sa garahe. Eh kung siya na lang kaya ang magmaneho? Ayaw lang kasi niyang abalahin ang Ate Angel niya. Kung hihiramin niya ang susi nito, siguradong magtatanong ito kung ano ang problema. Malamang na alam na nitong si Richard ang problema niya, lalo na't nakausap na pala siya nito bago sila mag-usap na dalawa.

Eh kung si Bryan na lang kaya ang hiraman niya ng sasakyan? 'That's a worse idea, Alex,' aniya sa sarili. Kaya Call-A-Taxina lang talaga ang last resort niya. Pero...

"Wala na po ba talaga? Moonville lang ako, Kuya." Not that Moonville is just a block away, pero hindi naman ito sa kabilang bayan pa at sa mga oras na ito ay wala pang gaanong traffic.

"Sorry Miss. Wala talaga, eh."

Parang biglang naawa sa sarili niya si Alex. Ayaw man niya, pero parang maiiyak na naman siya dahil sa kamalasang nararanasan niya. She really felt so pathetic, so hopeless.

"Ako na lang ang magmamaneho."

Ang tuluyang pagluha sana ni Alex ay biglang napigilan ng lalaking nagsalita. Napatingin siya dito. Isang lalaking nasa mid-twenties yata, matangkad, makisig, malakas ang dating. Hindi ito mukhang driver, kahit na naka-white T-shirt lamang ito, ripped blue jeans at black high top canvass sneakers. He actually looked like a model, because of his ruggedly handsome face, mesmerizing eyes and unruly black wavy hair. At nakadagdag pa ng dating iyong balbas at bigote nito. Feeling tuloy ni Alex ay kaharap niya ang isang Filipino Johnny Depp.

Nginitian siya ng lalaki bago nito kinausap ang dispatcher ng Call-A-Taxi. "Susi."

Atubiling kumuha ng susi ng taxi ang dispatcher. Ibinigay nito iyon kay Johnny Depp look-alike.

"Tara na Miss?" tanong nito sa kanya.

Napatango na lamang si Alex at napasunod dito. Binuksan ng lalaki ang pintuan ng isang taxi, saka hinintay na makasakay si Alex bago isara ang pintuan at ito naman ang pumasok sa may driver's seat.

"Moonville?" tanong nito sa kanya.

"Yes."

Saka na nito pinaandar ang sasakyan. In fairness, smooth ito magmaneho. Kahit mukha itong action star ay pang-romcom naman ang swabe ng pagmamaneho nito. Kahit papaano ay na-relax si Alex sa pagsakay niya ng taxi. Pero dahil nga yata sa napakalma siya kaya bigla na naman niyang naalala iyong nangyari sa kanya kanina sa CPRU.

Hindi tuloy niya maiwasang maiyak ulit. Pilit niyang pinigilan ang pagluha, pero hindi niya mapigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata niya. Kaya hinayaan na lamang niya ang mga iyon. Bahala na kung ano ang iisipin ni Manong Driver. Masama ang loob niya, wala itong magagawa.

Pagdating nila sa gate ng Moon Village ay pinunasan niya ang mga luha at saka dumungaw sa may bintana para makilala ng security guard.

"Good afternoon, Ma'am," bati sa kanya ng guwardiya.

Ngumiti lamang siya at saka isinara ulit ang bintana. Saka na sila pinapasok sa loob ng village. Sinabi niya ang number at kanto ng bahay nila sa driver, at ilang sandali lang ay nakarating na rin sila doon.

"Magkano po?" Medyo basag pa ang boses niya. Tumikhim siya to clear her throat.

"Libre ko na lang sa'yo, Miss."

"Huh?" Napatingin siya sa lalaki.

Umayos ng upo ang driver paharap sa kanya. Saka ito ngumiti. "Libre ko na lang. Mukhang hindi maganda ang naging umaga mo. At least kahit papaano, may magandang nangyari sa iyo ngayong araw."

Napatulala siya dito. This guy whom she just met - she doesn't even know his name - gave her a free ride home? Ganoon na ba ka-pathetic ang istura niya? Pero gaya nga ng gusto nito, medyo gumaan ang pakiramdam niya knowing there's someone who's willing to do a good deed just to make her feel better. But still...

"Salamat," aniyang nakangiti. "Pero, baka mapagalitan ka ng boss mo."

"Hindi, okay lang. Mabait naman ang boss ko."

Napaisip si Alex. "Talaga? Alam mo kasi, kilala ko iyong anak niya. Medyo hindi siya masyadong mabait."

"Anak?" Napakunot ang noo ng lalaki.

"Oo, si Gina Aguilar. School mate ko siya."

Sina Gina ang may-ari ng Call-A-Taxi pati na rin ang The Garage na tindahan ng kotse. Meron din silang auto repair shop na ang pangalan ay, well, The Mechanic.

"Talaga?" There's mirth in his eyes.

"Oo, at sabi ko nga, hindi siya masyadong mabait. Baka magalit siya sa iyo. Knowing her, baka mamaya mas mahigpit pa siya sa mga empleyado nila kaysa sa daddy niya. Baka sisantihin ka pa noon. Kaya sige na. I appreciate your action, but I don't want to cause you any trouble."

"There's no trouble at all."

Natulala siya sa pagsasalita nito ng English. Hindi naman sa minamata niya ito na porke taxi driver lang ito ay wala na itong karapatang mag-English. Pero the way he spoke, parang sanay itong mag-English at perfect pa ang pronunciation. Pati iyong 'H' sa 'there' ay nasabi nito ng tama.

"Ah... Nag-aalala lang naman ako para sa'yo, Kuya."

"Hindi naman siguro ako sisisantihin ng tatay ko."

"Tatay?" Napaisip si Angel.

"Hmn-hmn." Tumango ang lalaki. "Tatay ko ang boss ko. And that Gina Aguilar, she's my sister."

"Oh crap..." Biglang nahiya si Alex sa mga sinabi niya kanina.

Natawa ang lalaki sa reaksiyon nito. "Okay lang. Alam ko naman that Gina is a spoiled brat. Na-spoil kasi talaga siya ng parents namin. Pasensiya ka na, ha? Inaaway ka ba niya?"

"Not me. My sister. Inaway niya ang ate ko at ipinahiya sa buong Business School."

"Ganoon ba?" Parang ang lalaki naman ang nahiya sa narinig. "Pasensiya ka na, ha? Hayaan mo, pagsasabihan ko iyon."

"Naku! Huwag na, Kuya! Hayaan mo na po..."

Ngumiti ang lalaki. "Well then, if that's what you want. Pero kapag inaway ulit niya ang ate mo, o kaya ikaw, magsabi ka lang, ha? Basta itanong mo lang ako sa paradahan ng Call-A-Taxi sa may CPRU. Sabihin mo, si Kuya Tomas. Sikat ako doon."

Napangiti siya. "Salamat, Kuya Tomas."

"Ah, hindi naman si Gina ang dahilan ng pag-iyak mo, ano?"

"No." Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. "Hindi siya."

"Buti naman," ani Tomas. "But whatever it is, I hope, maayos kaagad para naman hindi ka na umiyak."

"Salamat." Tuluyan nang bumuti ang pakiramdam niya dahil sa kabaitan ng lalaki. "Medyo gumaan na ang pakiramdam ko, Kuya."

"Mabuti naman kung ganoon."

"Sige, bababa na ako. Salamat po ulit sa libreng sakay."

"Sige lang. Pero sa susunod, sisingilin na kita, ha?"

Natawa siya. "Talaga po bang pumapasada kayo?"

"Uhm..." Kunwa'y napaisip ang lalaki. "Hindi naman. Ngayon lang."

Napangiti si Alex. "Sige po, sa susunod magbabayad na ako. Pero ngayon, thank you muna."

"Okay."

Bumaba na siya mula sa taxi. Sumaludo pa sa kanya si Tomas bago nito pinaandar ang kotse. Kinawayan naman niya ito.

Yeah, somehow she felt better. Pero pagbukas niya ng gate at ng front door nila, bigla na namang bumigat ang dibdib niya. Nasa opisina ang mommy at daddy niya, at mukhang ang mga katulong ay nanonood na naman ng paboritong noontime show sa kwarto ng mga ito. May susi nga lang siya sa gate at front door kaya nakapasok siya ng bahay.

Hindi na siya nag-abala pang sabihan ang mga kasambahay na nakarating na siya. Hindi rin naman siya nagugutom at walang ganang mag-tanghalian. Dumiretso na lamang siya sa kanyang silid at doon ipinagpatuloy ang pagdadalamhati dahil sa mga nangyari kaninang umaga.

💙💙💙

𝙱𝚎𝚒𝚗𝚐 𝚊 𝚐𝚘𝚘𝚍 𝚙𝚎𝚛𝚜𝚘𝚗 𝚍𝚘𝚎𝚜𝚗'𝚝 𝚍𝚎𝚙𝚎𝚗𝚍 𝚘𝚗 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝚛𝚎𝚕𝚒𝚐𝚒𝚘𝚗, 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝚛𝚊𝚌𝚎 𝚘𝚛 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝚜𝚔𝚒𝚗 𝚌𝚘𝚕𝚘𝚛 𝚘𝚛 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝚌𝚞𝚕𝚝𝚞𝚛𝚎. 𝙸𝚝 𝚍𝚎𝚙𝚎𝚗𝚍𝚜 𝚘𝚗 𝚑𝚘𝚠 𝚐𝚘𝚘𝚍 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝚑𝚎𝚊𝚛𝚝 𝚊𝚗𝚍 𝚑𝚘𝚠 𝚐𝚘𝚘𝚍 𝚢𝚘𝚞 𝚝𝚛𝚎𝚊𝚝 𝚘𝚝𝚑𝚎𝚛𝚜. - Jʜᴏɴɴʏ Dᴇᴘᴘ