webnovel

Finally

Napatayo si Angel nang makita ang kanyang mga magulang kasama ang mag-asawang Quinto at si Raul de Vera. Nagtataka namang napagaya sa kanya si Bryan, na naliwanagan lang nang makita ang mga paparating.

"Bakit nandito kayo sa labas?" bungad ni Benjie sa dalawa. "Iniwan ninyo iyong kapatid mo?

Nagkatinginan sina Angel at Bryan. Si Angel ang sumagot sa ama.

"Kausap po ni Alex si Richard."

"Si Richard?" Napatingin si Benjie kina Glory at Ricky.

Si Bryan naman ang nagpaliwanag. "Gusto na daw po kasi niya talagang makita si Alex. Nagmakaawa po kaya pinagbigyan ko na."

"Si Richard talaga," naiiling na wika ni Glory. Tsaka niya binalingan ang asawa. "Mana talaga sa iyo iyong anak mo. May katigasan ng ulo minsan."

"Eh ganoon talaga. Nagmamahal, eh," ang sabi naman ni Ricky.

"Oo nga. Hayaan na natin ang mga bata," ang sabi naman ni Alice. "Mabuti na rin siguro iyong makapag-usap muna sila bago natin sila kausapin."

"Mom, okay na ba kayo?" tanong ni Angel.

Nakangiting tumango si Alice. "Oo, anak. Finally, everything is over. Ayos na kami ng mga Quinto, at itong si Daddy mo at Tito Raul, okay na rin. Wala na kayong problema. Pasensiya na kayo, ha? Dahil sa mga kalokohan namin nadamay pa kayo."

Napangiti na si Angel. "Okay lang po iyon, Mom. At least maayos na ngayon ang lahat."

Niyakap ni Alice ang anak. "Salamat. Salamat at napakabait mong anak, Angel. Patawarin mo ako doon sa nagawa ko sa'yo noon. Hindi ko naisip na ganoon pala ang maaaring maging epekto noon sa iyo."

"Huwag na po nating isipin iyon. Okay na naman po ako ngayon, eh. Nandoon naman si Alex. Tapos ngayon, nandito na si Bryan. Pati na rin si Richard. I don't need a lot of friends. I just need a few who are true."

"Tama ka doon." Tsaka muling niyakap ni Alice ang anak. "Nga pala, Tito Ricky at Tita Glory mo."

"Nakilala ko na po sila, Mom." Nginitian ni Angel ang mag-asawa.

Ngumiti rin ang dalawa kay Angel.

"Mabuti nga siguro na hindi tayo nagkatuluyan, Alice," ani Ricky. "Dahil doon, nagkaroon ka ng dalawang magagandang anak."

"At magiging manugang pa natin sila in the future, 'di ba?" ang sabi naman ni Raul na umakbay pa kay Ricky.

"Hoy! Ano'ng manugang?" kunot-noong tanong naman ni Benjie. "Baby pa ang anak ko, ano? Nasa Pediatrics section pa nga siya."

Natawa ang lahat sa sinabi ni Benjie, maliban kay Raul.

"Pare, SOP kasi dito sa TGH na kapag wala pang eighteen years old ang pasyente, dito sa Pedia floor i-admit kung meron namang bakanteng kwarto. Pero hindi ibig sabihin na baby pa iyong anak mo. May boyfriend na nga, eh."

"Ah basta! Baby pa iyon. Ang mabuti pa, puntahan na natin iyong dalawa at nang masabi ko na kay Richard ang mga house rules ko," ang sabi pa ni Benjie.

"House rules?" tanong ni Raul.

"Yes, Dad," nakangiting wika ni Bryan. "He has house rules. And they are many."

"Tumigil na nga kayong mag-ama! Halina kayo kay Alex!" ang sabi naman ni Benjie.

Nagpunta na nga ang lahat sa kwarto ni Alex. Napapangiti naman si Angel habang nakasunod sa ama. Natutuwa siya na nakakapagbiro na ito ng ganoon. Doon niya nasigurong okay na talaga ang lahat. Tapos ginagatungan pa ni Raul. Mukhang tapos na nga ang anumang unos na namagitan sa mga ito noon.

🌺🌼🌸🌻🌹

Si Benjie ang nauna sa hospital room ni Alex. Nagulat naman si Richard nang makita ang pagpasok nito. Napatayo itong bigla.

Maging si Alex ay nagulat din. "Dad..."

Napatingin kaagad si Benjie sa kamay ni Alex na hawak ni Richard.

"Good morning po, Sir." Halata ang kaba kay Richard habang nakatingin kay Benjie, though hindi naman nito binitiwan ang kamay ni Alex.

Pumasok na rin ang iba sa loob ng silid. Si Alice ang unang lumapit sa dalawa.

"Richard." Hinawakan nito ang kamay ng binata. "I'm Alice, Alex's mother. I'm glad to finally meet you."

Bahagyang nagulat si Richard sa nangyari. Ganupaman ay nakasagot pa rin ito kay Alice. "Ako rin po."

"I know nahirapan kayo dahil sa problema namin ng mga magulang mo. Now I'm telling you, okay na kami. Okay na kami ng mommy't daddy mo," ang sabi pa ni Alice.

"Mom!" Parang maiiyak si Alex sa tuwa.

"Maraming salamat po." Parang napakalaking problema ang nalutas kay Richard. Halata ang galak sa mukha nito.

"And I also want you to know na welcome ka sa bahay namin, kagaya rin ni Bryan. Pwede mong dalawin si Alex anytime you want," ang sabi pa ni Alice.

"And I prefer that!" singit naman ni Benjie. "Kaysa naman sa labas kayo magkita, doon na lang sa bahay."

"Maraming salamat po," ani Richard kay Benjie. Tapos ay si Alice ulit ang kinausap nito. "Salamat po, Ma'am."

Tinignan ito ni Alice. "Tita. Tita na lang."

"Salamat po, Tita..."

Niyakap ni Alice si Richard bago nilapitan si Alex. Umupo ito sa tabi ng anak at ito naman ang humawak sa mga kamay nito.

"Thanks, Mom."

Alice smiled. "We just want you to be happy."

Sa tuwa ni Alex ay niyakap niya ang ina.

Napatingin naman si Richard sa sariling ina. "Mom!" Niyakap rin niya ito. "Thanks."

"Anything for you, Anak," ang sabi naman ni Glory.

Pagkatapos noon ay si Ricky naman ang niyakap ni Richard.

"Salamat, Dad."

"Walang anuman. Basta ipangako mo lang na good boy ka. Lalo na kay Alex. At susundin mo lahat ng gusto nitong Tito Benjie mo."

"Mabuti at nabanggit mo iyan," ang sabi naman ni Benjie na balik na naman ang pagiging istrikto. "Richard, umpisa pa lang gusto kong malaman mo na ang mga house rules ko."

"Honey naman! Huwag naman muna ngayon," ani Alice sa asawa.

"Oo nga naman, Dad," ani Angel. "Nakakahiya..."

"Anong nakakahiya? Kailangan malaman na ni Richard ang mga do's and don'ts ko. At de Vera, iyang kamay mo, ha? Kanina pa iyan. Porke hindi ko sinisita, hindi ibig sabihin hindi ko napapansin."

Dali-daling inalis ni Bryan ang kamay na nakaakbay kay Angel.

"Dad!" Namula na sa kahihiyan si Angel.

"Pare naman!" ani Raul. "Hayaan mo na ang mga bata. Parang hindi ka nagdaan sa mga ganyan."

"Anong hayaan? Palibhasa, style mo. Kaya iyan, namana ng anak mo."

Inakbayan ni Ricky ang asawang si Glory na parang sineseryoso ang mga sinasabi ni Benjie. Alam naman kasi niyang biro lang ang mga sinasabi nito.

"Ganyan lang talaga si Benjie," ani Ricky sa asawa. "Palabiro."

"Seryoso ako, Ricky. Richard, iyong mga house rules-"

"Nasabi na po sa akin lahat ni Bryan," ani Richard.

"Mabuti naman kung ganoon."

"Tito, absuwelto na po ba ako?" tanong ni Bryan kay Benjie.

"Konti pa," ang sabi naman ni Benjie.

"Dad..." Alex reached out for his hand.

Lumapit naman si Benjie sa anak. Siya na ang pumalit sa pwesto ni Alice kanina.

Hinawakan ni Alex ang magkabilang pisngi ni Benjie. "Don't be so grumpy na. Ha?"

Sumali na rin si Angel sa paglalambing sa ama. Lumapit ito kay Benjie at saka binack hug ito. "Oo nga naman, Dad. Huwag ka nang magsungit."

"You told us that you want us to be happy, 'di ba?" tanong ni Alex.

"And that you'll support us all the way," ang sabi naman ni Angel.

"And you know naman that you will be our first love ni Ate."

"True!" sang-ayon ni Angel sa sinabi ni Alex.

"Kaya huwag ka nang grumpy, okay?"

"Huwag na masungit. Baka dumami pa ng wrinkles, sige ka."

Minasahe naman ni Alex ang mukha ni Benjie. "Halika. Massage natin ang face para hindi na magka-wrinkles."

Medyo nag-lie low na rin ang tono ni Benjie. "O sige na. Hindi na ako masungit." Tsaka ito tumingin kina Bryan at Richard. "Kayong dalawa, nakita n'yo kung gaano kabait at ka-sweet itong mga anak ko? Kapag sinaktan ninyo ang dalawang ito, naku! Sinasabi ko sa inyo-"

"Dad!" muling hirit ni Alex. "Kasasabi lang huwag kang grumpy, eh."

Huminga ng malalim si Benjie. "O sige na. Hindi na."

Angel ang Alex giggled.

"Niloloko n'yo yata akong dalawa, ah!"

"Hindi ha?" natatawang wika ni Angel. "Ima-massage ko pa nga likod mo, oh."

"Masyado ka yatang mabait, Angelica? May gusto ka, ano?"

"Wala!" Natatawa pa rin si Angel.

"Pare, alam ko na ang kahinaan mo," singit naman ni Raul sa paglalambingan ng mag-aama.

"Pare, kapag isiniwalat mo iyan sa iba, hindi na makakadalaw iyang anak mo kay Angel."

"Dad, please!" ang sabi naman ni Bryan. "Alam kong mahal mo ako at gagawin mo ang lahat ng makakapag-pasaya sa akin."

"Huwag kang mag-alala, Anak. My lips are sealed." Kunwari pa ay may zipper na isinara si Raul sa labi nito.

Natawa ang lahat sa ginawa ni Raul. Pagkatapos ay nagpatuloy pa ang lahat sa biruan, lalo na't patungkol sa pagiging istriktong ama ni Benjie. Natigil lang ang lahat nang may kumatok sa pintuan. Si Helen pala ang dumating.

"Oh! Nandito pala ang lahat." Nakangiti kaagad ito pagpasok nito sa kwarto.

"Magra-rounds na ang doktora," ang sabi ni Glory.

"Oo. Kumusta na ang pasyente ko?" Tinignan ni Helen si Alex.

"O, tabi muna tayo at magra-rounds na daw ang maganda kong misis," ang sabi naman ni Raul.

"Maganda lang?" ani Helen.

"Maganda at sexy."

"Good!" Lumapit na si Helen kay Alex.

Tumayo na si Benjie mula sa tabi ni Alex at saka nilapitan si Raul.

"Pare, alam ko na ang kahinaan mo," nakangising wika ni Benjie.

"Pare, hindi ako under. Ako pa! Tigasin yata ito!"

"Raul..." biglang tawag ni Helen.

"Yes, Mahal? Nandito lang ako. May kailangan ka?"

Tawanan ang lahat sa inarte ni Raul. Naging masaya na ang mga sumunod na sandali sa kanilang lahat at ang mga biruan nila ay isang indikasyon na talagang naayos na nga ang kung anumang namagitan sa kanilang lahat.

Cʜɪʟᴅʀᴇɴ sʜᴏᴜʟᴅɴ'ᴛ ʜᴀᴠᴇ ᴛᴏ sᴀᴄʀɪғɪᴄᴇ sᴏ ᴛʜᴀᴛ ʏᴏᴜ ᴄᴀɴ ʜᴀᴠᴇ ᴛʜᴇ ʟɪғᴇ ʏᴏᴜ ᴡᴀɴᴛ. Yᴏᴜ ᴍᴀᴋᴇ sᴀᴄʀɪғɪᴄᴇs sᴏ ʏᴏᴜʀ ᴄʜɪʟᴅʀᴇɴ ᴄᴀɴ ʜᴀᴠᴇ ᴛʜᴇ ʟɪғᴇ ᴛʜᴇʏ ᴅᴇsᴇʀᴠᴇ.

Thanks for supporting MVS1: Secret Lovers.

Please also support my upcoming novel, MVS2: Maybe This Time. A sneek peak is already posted, so please check it out.

Lastly, I also posted another ongoing series, Moonvile Universe: The Blockbuster Cupid. Hope you’ll check it out as well.

joanfriascreators' thoughts
Next chapter