webnovel

MONSTEROngoing

A French teen boy who has lived long enough in the Philippines to live and forget his past.He's a french exprimental human when he was young.But after one year, his life will be in trouble,and all the human like him wants to find him and kill him.Everyone knows how is he so strong.Everyone needs to think a wise decisions before they make a plan to kill him. In one single body, there's a lots of bloods.

MakMakTheRude · Action
Not enough ratings
10 Chs

Chapter 5

*Black Mambas' House*

Darius Boucher is in his room.He's drinking his glass of wine while thinking about on his promise to higher rank red mambas.

Umupo siya sa kanyang silya at iniisip parin nito kung ano ang kanyang susunod na gagawin.Hindi na niya inaalala ang tatlong demon monster dahil alam niyang mamatay din ang mga ito sa bandang huli.Marami siyang kailangang tapusin lalo na ang buhay ni Louis,ngunit hindi niya ito magagawa kung wala itong katulong.

Napatigil sa pagkatulala si Darius nang marinig niya ang isang katok aa likod ng pintuan ng kanyang silid.

"Come in"

Pumasok ang isang maputing lalaking itim ang lahat ng kasuotan at napaka pormal nito manamit.Napaka itim din ng buhok nito at para bang isa siyang bangkay dahil sa pamumutla ng kanyang mukha.

"Pasensya na po sa pang-iistorbo,may nais lang po akong sabihin sa inyo bilang kanang kamay mister Darius"paliwanag nito at yumuko pa ito para magbigay paumanhin.

"Ayos lang sa akin iyon,ano ba ang kailangan kong malaman Denver?"tanong ni Darius sa kanyang kanang kamay.

"Matapos ang ilang taon ay muling nakabalik na ang mga lower rank ng black mambas.Andito ang limang lower ranks at ang nawawalang lima ay wala pang balak bumalik sa ating headquarters"sagot nito at ngumiti ito ng bahagya.

Napatayo si ginoong Darius at napangiti siya sa kasiyahang nakabalik na ang limang lower rank monsters ng Mambas.

"Sino,sino sila?"napaka lamig na boses nito.

"Unang dumating ang pangwalong lower rank na si Trystan Brice,sumunod ang pang-apat na si Triana Hales sumunod ang pinsan nito na pang-anim na si

Alejandro Easton.Sabay na dumating ang pangatlo at panglima na sina Shekainah Snow at Jed Cooper"

"Sayang,inaasahan ko ang pagdating ng lower rank mamba number one ngunit hindi ito dumating"panghihinayang ni Darius."Ngunit ayos lang sa akin iyon dahil dumating ang limang napaka laki ng kwenta sa misyon na ipauutos ko sa kanila"

Lumabas ng silid si Darius at naglakad sa corridor ng buong bahay.Nakangiti itong naglalakad at iniisip na niya ang kanyang gagawin sa oras na malaman niya ang tunay na kalagayan ni Louis.

Maraming masamang binabalak si Darius Boucher at siya lamang ang nakakaalam ng bagay na iyon.Lahat ay gagawin niya upang mapasama siya sa samahan ng Red Mambas at maging isa sa Higher Rankings.

Malapit na siya sa main hall at naririnig na niya ang iba't-ibang lengguwahe na nanggagaling sa lugar na kanyang pupuntahan.Pagkatungtong niya sa gilid ng ikalawang palapag ay napalingon siya sa ibaba ng unang palapag.

Limang nakatalikod na nilalang ang kanyang nakikita at pare-parehas itong nakasuot ng itim na kasuotan.Tatlong lalaki at dalawang babae ang kanyang nakikita ngayon at napangiti siya nang tumingala na ang lima sa kanyang direksyon.

Lumuhod at yumuko ang mga ito sa harapan ni Darius.Lumamig ang prisensya ng buong lugar ngunit naging mainit ang pagtanggap ni Darius sa kanyang mga tauhan na nagsibalikan na sa tahanan ng mga Black Mambas.

"Denver,hayaan mo 'na kami dito"utos nito sa kanyang kanang kamay.

Yumuko si Denver at sa isang iglap ay naglaho na lamang ito na parang bula.

Huminga ng malalim si Darius at iniangat ng bahagya ang kanyang mga kamay.Nagagalak ang kanyang nararamdaman ngayon dahil masisimulan na niya ang kanyang masamang binabalak.

"Gagawin ko lahat para mapasama ako sa pinakamalakas na samahan.Lahat ng pangarap ko ay dapat matupad,at ikaw ang nag-iisang susi Louis Moreau"pananalita niya sa kanyang isipan.

_____••••_____

Kanina pa naglalakad si Mateo para hanapin si Henry ngunit hindi parin niya ito nakikita.Naging masukal na ang buong paligid at mga huni na ng uwak ang kanyang naririnig.Alam ng binata na nakalayo na siya sa park at nawalan na siya ng direksyon.

"Nasaan na ba kasi ang lalaking iyon?"inis na sabi nito habang sinisipa ang mga halaman na kanyang nadaraanan.

Napahinto siya sa paglalakad nang makarinig siya ng kakaibang tunog.Isang tunog na papalapit sa kanya.Lumingon siya sa kanyang paligid ngunit walang tao maliban sa kanya.

Nakarinig na si Mateo ng ilang mga yapak na sobrang bilis at sa tingin niya ay nanggagaling iyon sa mga nagtataasang puno at palakas ng palakas ang mabilis na mga yapak.

"HAAAAAAAA!!!"

Nang marinig ni Mateo ang matapang at malakas na sigaw na iyon ay napalingon siya sa kanyang itaas.Isang lalaking mistiso at napaka tapang ng mukha ang balak siyang sipain mula sa itaas.Agad nakailag si Mateo at muntikan na siyang mawalan ng balanse nang tumama ang sipa ng misteryosong kalaban sa lupa at yumanig ang buong lugar.

Ang mga tuyong dahon sa lupa ay nagsiliparan at natakpan nito ang pigura ng lalaking umataki kay Mateo.Sa pagkabagsak ng mga dahon sa lupa ay nawala bigla ang lalaking iyon.

Mateo heard some quick footsteps again and he carefully inquired in which direction will enemy attack.He heard a sprint sound and was moving in the opposite direction.The footsteps were lost and Mateo did not know that the man who wanted to kill him was behind his back.

Napalingon si Mateo sa kanyang likuran at parang bumagal ang oras nang makita niyang tatama na sa kanyang mukha ang isang patalim na hawak nito sa kanang kamay.

"HIIIYYYAAAAHH!"

Tumalsik ang kalaban palihis kay Mateo at dumausdos ito sa lupa.Nahirapan ito sa pagtayo at tinignan ng masama si Mateo.

Napalingon si Mateo sa gawing kanan at nakita niya si Henry na nasa tabi na nito at nakita niya ang mata nito ay parang katulad sa ahas na pahiwa ang itim na mata nito.

"Salamat"pananalita ni Mateo.

Pinagtuunan ng dalawa ng pansin ang lalaking nanggugulo ngayon sa kanilang buhay.Pinakita nito ang matapang na mukha at bumunot ng patalim sa kanyang tagiliran.

"Isang taon bago niyo kami nahanap.Hindi namin inaasahan na hindi pala kayo sumuko sa paghahanap sa amin"pananalita ni Mateo at naging mala-ahas narin ang mga mata nito.

"Alam ninyo namang hindi kami titigil hahang hindi namin kayo napapatay.Kaya magdasal na kayo dahil kami ang tatapos sa mga buha ninyo.Dadanak ang mga dugo sa buong kalupaan at hindi magtatagal ay magiging pataba ang mga nabubulok ninyong katawan dito sa lugar na ito!!!!"at humalakhak ito ng malakas.

"Masyado kayong mataas ang tingin sa sarili ninyo at ikaw ang pinakamayabang Carson.Wala kang pinagkaiba sa kapatid mong si Codey at mga wala kayong kwenta sa mundo ng mga Monsters"naiinis na sabi ni Henry.

"So what? Because we're brothers we know our limits,we know are levels and our power are unstoppable"Carson was proud of what he had said.

"You are so pathetic and weak Carson, don't underestimate us co'z we're not the same levels"Mateo crossed his arms.

"You said so..."Carson disappear on his place and attack Henry.

Tumalsik si Henry at tumama ito sa puno,mabilis s'yang tumayo at tumakbi ng mabilis.Mateo punch Carson to the neck and it fly's way.

"Masyado siyang mabilis para hulihin"ang sabi ni Henry.

"Mabilis din naman tayo ah"at muling sumugod si Mateo.

Salit-salitan ang mga binibigay nilang mga atake.Hanggang sa sumali na si Henry at nayanig ang buong kagubatan.Wala pa ni isa sa kanila ang nagkakaroon ng sugat at dahil pare-parehas silang mabibilis ay sobrang lakas din ng binibigay nilang atake.

"Ahhhhhh!"sigaw ni Henry at simipa sa mukha si Carson at tumilapon ito paitaas

Tumalon ng malakas si Mateo at sinabayan sa ere ito at pinagsusuntok sa katawan si Carson.Sa huling atake ay sinipa niya ito sa sikmura at nayanig ang buong kalupaan nang bumagsak ang kalaban.

Tumalon-talon sa mga puno si Mateo para tuluyang makababa ng maayos.Mabilis naman siyang nilapitan ni Henry at hingal na hingal pa itong kinapitan siya sa balikat.

"Babangon pa yan panigurado"ani nito at hinubad ang kanyang polo.

"Kailangan talaga maghubad?"tanong sa kanya ni Mateo.

"Ayokong madumihan 'tong polo ko at saka may shirt naman akong suot"

Natigilan sila sa pag-uusap nang mabilis na tumama kay Henry ang isang kutsilyo sa kanyang balikat at napasigaw ito sa sakit.

"Henry-"

Nakarinig si Mateo ng tunog ng patalim na papalapit sa kanya at agad siyang umilag at muntikan na siyang tamaan sa mata.

Nabaling ang atensyon ni Mateo sa pigura ni Carson na naglalaro ng mahabang patalim sa kanyang mga kamay.

"Mateo.."

Lumingon si Mateo kay Henry na duguan ang parte ng braso.

"Hindi ako makagalaw,ikaw na muna bahala sa asungot na yan"nakangiwing sabi nito kay Mateo.

Nakarinig muli ng kakaibang tunog si Mateo mula sa itaas at nang lumingon siya rito ay papasugod muli si Carson.Kailangan niyang ilayo ito kay Henry upang hindi ito mapuruhan sa gagawin niyang atake.

Umilag si Mateo sa atake nito at dinakma niya ang leeg nito at tinapon paitas.Mabilis na tumakbo si Mateo papunta sa babagsakan ni Carson at nang malapit nang bumagsak ito ay susuntukin niya sana ito habang nada ere palang ngunit naglabas ng maramig patalim ang kalaban at walang nagawa si Mateo kundi umilag.

"Bwisit"inis na sabi nito.

Tumawa ng malakas si Carson na may halong pang-aasar at nilalaro pa nito ang dagger sa kanyang kanang kamay.

"Too weak Mateo,too weak"pang-iinsulto nito.

Nag-init ang ulo ni Mateo at nagsisimulang mandilim ang paningin nito.Nawala ang lahat ng reaksyon nito sa kanyang mukha at pinagpag ang kanyang mga kamay.

"Pasensya na kung mahina ako,pero 'wag kang mag-alala dahil seryoso na ang laban natin"seryosong sabi nito.

"Gusto ko ng mabilisan at seryosong labanan!"sigaw ni Carson at naghanda ito sa pag-atake.

"Ganon ba?Sige,isang limang segundo"

Isang malakas na hangin ang bumalot sa buong lugar dahil sa bilis ni Mateo.Sa isang iglap ay hindi nakalaban si Carson dahil dinakma ni Mateo ang kanyang ulo at pinugutan siya nito.

Umagos ang dugo na nanggagaling sa pugot na katawan ni Carson at natumba na lamang ito sa lupa.Nakatayo lang si Mateo at bahagyang nakaangat ang kanya kamay na may hawak ng nakatirik na ulo ng kanyang kalaban.

Binitawan nito ang ulo ni Carson at mabilis na tumungo sa direksyon ni Henry.Nakahiga ito at namimilipit sa sakit dahil sa nakatarak na kutsilyo sa kanyang balikat.

"Tatanggalin ko yung patalim,tiisim mo ang sakit"sabi ni Mateo kay Henry.

"Susubukan ko"tugon nito.

Dahan-dahang hinawakan ni Mateo ang patalim at hinila ito ng malumanay.Halos mapasigaw si Henry dahil unti-unting sumisirit ang mga dugo kasabay ang patalim na binubunot ni Mateo.

Natatalsikan na ang mukha ni Mateo g dugo ngunit binabaliwala niya lang ito.Kailangan niyang matanggal ang patalim sa balikat ni Henry upang makakilos ito ng maayos.

Ilang mga sandali ay nagawang tanggalin ni Mateo ang patalim at hinubad nito ang suot nitong polo upang ipangtakip sa umaagos na dugo sa balikat ni Henry.

Mula sa malayo ay nakaramdam si Henry ng mabigat sa pangangatawan.Doon niya nalaman na may nangyayari ding masama kay Louis at Dominic.

Pinilit ni Henry na tumayo kahit na kumikirot ang kanyang sugat sa bawat paggalaw nito.Hindi siya nag-aalala sa kalagayan ni Louis ngunit nag-aalala siya sa kalagayan ni Dominic.

"May dalawa pang kalaban"mahinang sabi ni Henry kay Mateo.

Sinubukang abutin ng pandinig ni Mateo ang lugar na kung saan ay naroon sina Louis at Dominic.

"Magkahiwalay ng direksyon si Dominic at Louis,ikaw na bahala kay Dominic at ako na ang tutulong kay Louis"sabay punas ni Mateo sa naliligong mukha dahil sa dugo.

Hindi na nagsalita si Henry at mabilis na kumaripas ng takbo para tumungo sa lugar na kung saan ay naroon si Dominic.

"Darius Boucher,hindi mo kami matatalo gamit ang demon mambas mo"bulong nito sa kanyang sarili.

_____••••_____

Nakatayo lang si Dominic at masamang tinitignan ang kalaban niyang si Jeffrey.Naaalala nito ang mukha ni Daniel,ang maamo at napakagalang na si Daniel.

Tumikom ang kanyan dalawang kamay dahil sa pagkagalit.Samantalang nakangisi ang kanyang kalaban at naghahanda sa pag-atake nito.

Nilingon ni Dominic ang kanyang dalawang kamay at pinahaba pa niya lalo ang kanyang mga kuko.Naging itim ang kanyang mga kuko dahil nilagyan niya ito ng lason.

"Hoy bata,gusto ko nang makipag laban.Tara na!!!!"sigaw ni Jeffrey sa kanya.

Bumalik sa kanya ang atensyon ni Dominic at lalong namula ang mga mata nito.Ang itim sa kanyang mga mata ay naglaho at lumabas ang mga naglalakihang ugat nito sa kanya mukha.

"You can attack anytime"a very calm voice came from Dominic.

Humalakhak ng napaka lakas si Jeffrey at pinatalim ang kanyang mga kuko.He started to cast a spell to make him deadly monster.

"Mamba Technique,Deadly Claws"

He quickly ran to attack DominicHe gave a powerful attack with his long nails, using a deadly claws that could destroy anything.He thought he had hit Dominic, but for a moment he lost his presence.Jeffrey look at his back and sees Dominc standing near at him and and was kicked with great force.Jeffrey flew to the tree and was weakened by Dominic's powerful attack.

"Don't underestimate me Jeffrey,we a have a differences"Dominic step forward with a serious face.

"You're so confident that you gonna kill me!"Jeffrey starting to annoy.

"Yes,I am"Dominic is smiling with no showing of his teeth.

"Stupid!!"

Jeffrey would have been attacked but Dominic had disappeared around him.Sa isang iglap ay lumitaw ito sa kanyang likuran na walang ginagawang anumang ingay.

"Hawk Technique,poisonous claws"at kinalmot nito ang batok ni Jeffrey at muling naglaho.

Napahawak si Jeffrey sa kanyang batok dahil nakaramdam siya ng unting pananakit.Humalakhak siya ng napaka lakas dahil simple lang ang binigay na atake ni Dominic.

Lumitaw si Dominic sa ilalim ng puno na 'di kalayuang kaharap ni Jeffrey.Nakasandal ang binata sa puno at may bahid ng dugo ang kanyang kanang kamay.

"What a simple attack from you, weakling"Jeffrey chuckles and do some form.

"Mamba Technique,Tiger Cla-"

Natigilan ito sa pagsasalita nang hindi na niya maigalaw ang kanyang panga.Hindi na 'rin nito kayang igalaw ang kanyang katawan at lumalabas ang ugat sa kanyang mukha at iba pang bahagi ng katawan nito.

"In one minute you will be paralyze,in two minutes you will feel pain to your head and heart and in three minutes your blood will start to boil inside your body.After that, your head and heart will explode like a bomb"masayang sabi ni Dominic kay Jeffrey.

Lumipas ang isang minuto at nakaramdam ng pananakit ng ulo at dibdib si Jeffrey,namula ang mga ugat sa kanyang katawan at unti-unti itong nagiging kulay berde.

Dominic sense that someone is standing beside him and when he look on his left.A girl with a long red dress is standing and holding a white umbrella.

"Kiannah,kailan ka 'pa nakauwi?"naglakad si Dominic papalapit dito at huminto rin agad.

A pretty and cute face of a girl shows to him.This girl is Dominic's long time bestfriend and after a year the girl is came back from United Kingdom.

"Kahapon pa ako nakauwi,pinapunta ako dito ni Dad dahil alam nyang may nangyayaring masama sa inyo.Hindi niya sinabi sa Dad mo ang tungkol dito"mahinhin na sagot nito.

"Si tito August kasama mong umuwi?"gulat na sabi nito.

"Si Kalvin din,tinawagan kasi siya ng daddy mo dahil sa isang bagay na hindi ko rin alam"sabay ngiti nito na hindi pinapakita ang mga ngipin.

Natuon ang pansin ni Kiannah sa naghihirap na si Jeffrey.Namumula na ito at lumuluha ng dugo.

"Your ability was so unforgivable"Kiannah said.

"He deserves death,he killed my personal guard na tinuturing kong kapatid"

And suddenly, Jeffrey's head was explode including his chest.The blood splattered at the surrounding of the place.

_____••••_____

Ang mga duyan at padulasan na nilalaro ng mga bata ay nasira na dahil sa paglalaban nila Louis at Codey.Pinipilt nilang magkahulihan kahit na magkatumbas sila ng bilis.Kapag nagkakasalubong sila ay nagbibigayan sila ng bawat atake at katumbas nito ay ang pagyanig ng buong lugar.

Mabilis kumilos si Codey ngunit mas nalalamangan siya ni Louis.Bawat nahahawakan ni Codey-mga tipak ng bato o parte ng sirang mga bagay ay kanyang inihahagis kay Louis.Mabilis naman naiilagan ito ni Louis at kahit hindi ito nakatingin ay naamoy niya ang bawat bagay.

Hindi maingat sa pagbigay ng atake si Codey kaya naman palagi siyang natatamaan ng sipa at suntok ni Louis sa mukha at tumitilapon sa lupa.

Sa haba ng kanilang paglalaban ay unti-unti nang natatalo si Codey,ngunit hindi parin ito tumitigil sa pag-atake dahil may isa siyang hangarin na gustong matupad.

Nagkabanggaan muli ang dalawa at papalit-palit sila ng suntok hanggang sa hindi na nakapalag si Codey.Sinubukang suntukin ni Codey si Louis sa mukha ngunit nahawakan siya sa braso at binali ang buto niya sa siko,sumigaw ito ng napaka lakas at hinapas siya sa ulo ni Louis gamit din ang ulo nito at napaatras siya ngunit nakayanan parin nitong manatiling tumayo.

Hingal na hingal ang dalawa dahil sa pagod sa pakikipaglaban.Napalingon si Louis sa likuran ni Codey at mat nakausling bakal na mahaba na 'di kalayuan sa direksyon ng kanyang kalaban.

Sumigaw ng mabilis si Codey at nagtangkang umatake,ngunit sinipa siya ni Louis sa sikmura at tumilapon.Tumarak ang mahabang bakal sa puso likuran ni Codey at tumagos ito sa kaliwang dibdib nito at lumabas ang puso nitong tumitibok parin.Sumuka ang binata ng maraming dugo.

Naglakad papalapit si Louis rito at huminto nang makarating sa kinalalagyan ni Codey.Kung titignan ang itsura ni Louis ay galos lang ang natamo nito at walang matinding sugat na makikita sa buong katawan nita.

"Pagpugot lang talaga sa ulo ang makakapatay sa inyo"ani nito kay Codey.

"Hindi pa pwedeng mangyari iyon,dahil hindi mo 'pa nababayaran ang malaki mong utang!"galit na sabi nito.

"Wala akong iniwang malaking utang na loob sa iyo,kaya wala kang masisingil sa akin"mariin na pagpapaliwanag ni Louis.

"Ang mga peklat sa aking mukha at leeg,ito ang naging simbulo ng pagkapanalo mo noon nang paglabanin tayo ni Boucher!!!"pagpapaalala naman ni Codey.

Bumalik kay Louis ang lahat ng nakaraan nila ni Codey.Naalala niya kung paano niya sinugatan sa leeg at mukha ang kanyang kaharap ngayon gamit ang kanyang mga kamay.

"Sa huling gabi mo sa mundong ito,humihingi ako ng tawad sa nagawa ko"yumuko pa si Louis at naisip nitong nakakaawa ang sinapit ni Codey.

Lumaki si Codey sa tabi ni Darius Boucher at nakitaan siya ng malaking potensyal nito bilang isang monster.Isang taon pa lamang siya ay napatay nito ang sariling magulang niya gamit ang matatalas niyang ngipin.Siya ay isang rank number one demon mamba at kung makakaipon pa siya ng lakas ay magiging lower mamba na ito.

Yumuko si Codey at ngumiti ng mapait."Isang malaking bagay na sa akin ang paghingi mo ng tawad,ngunit hindi sapat iyon para patawarin ka sa lahat ng ginawa mo sa akin!!!"

Napaatras si Louis nang biglang humaba ang leeg ni Codey.Naging apat ang mata nito at ang mga ngipin nito ay naging triple.Isang nakakatakot na sigaw ang pinakawalan nito at ngumanga ito ng napaka laki at sinubukang atakihin si Louis.

Isang lalaking tumatakbo papalapit sa direksyon ni Louis ang tumalon at bumunot ng matalim at mahabang espada at pinutol ang mahabang leeg ng halimaw na si Codey.

Walang ingay itong bumagsak sa lupa at nilagay sa lagayan ang kanyang espada.Hindi na bumagsak sa lupa ang ulo ni Codey at nasunog ito pati narin ang iba pang katawan nito.

Hindi nakapag salita si Louis dahil sa kanyang nakita.Napalingon siya sa lalaking nakapatay kay Codey.Napaka tangkad nito at dark red ang buhok nito.Humarap ito kay Louis,napaka singkit ng mata nito,matangos ang ilong at napaka puti.

Nagtaka si Louis kung bakit may kalakihan ang tainga nito.Hindi nito alam kung inborn ba ang tainga nito.

"Sino ka?"kalmadong tanong ni Louis.

"Kalvin Ruiz,panganay na anak ni August Ruiz.Kailangan na namin kayong dalhin sa mansion at doon magpagaling"seryosong sabi nito kay Louis.

"Wala naman akong natamong sugat"pagtatama ni Louis dito.

"Ikaw.....wala,pero ang mga kasamahan mo oo"

Napalingon si Louis sa kanyang likuran at nakita niya si Mateo na akay-akay si Henry na malalim ang sugat sa balikat.Sa kaliwang bahagi naman niya ay si Dominc na may sugat sa kamay at kasama nito ang isang singkit na babae.