webnovel

System ng Langit?

Hey guys! its ur boy again here! The one and only! Ye Song ng puso mo! Ingat lang mga girls! baka kayo ma-fall!

Skrrrrt!

hmm?

nice wala nagbasa. kala ko pa naman dudumugin tayo ng fans. hahahaha huhuhuhuhu

(Ganun talaga matagal kasi tayong nawala..)

*Ding*

*Tumigil ka na baka magreklamo na naman kung meron man magbasa kasi mahaba na naman sidestory*

Tama ka, Sige wag tayo susuko.. kakayanin natin to! oraoraoraora!

Ito na chapter 2! salamat sa paghihintay!

-

-

-

Habang tinititigan ni Ye Song ang screen sa kanyang harapan, hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita.

Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o hindi. kinurot niya ang kanyang pisngi para malaman niya kung totoo lahat ng nangyari.

"Aray masakit! hindi nga ako nananaginip..." sinabi ni Ye Song sa kanyang sarili.

Siya ay napangiti at tumawa ng malakas sa sobrang galak at tinanong niya ang boses na nasa loob ng kanyang isipan.

"Sino ka?"

*Ding*

*Ako ang System ng Langit*

"System ng Langit? Ano yun?"

*Ding*

*Nang ang sangkatauhan ay malapit ng maubos dahil sa pagsakop ng mga halimaw, Nag release ng update si Old Man Heaven sa loob ng Heaven System para bigyan ng kapangyarihan ang sangkatauhan upang malabanan ang mga halimaw*

"Old Man Heaven? Sino yun?"

*Ding*

*Siya ang diyos nitong daigdig*

Hindi makapaniwala si Ye Song sa kanyang mga narinig. pilit niyang iniintindi ang mga sinabi ng boses sa kanyang isipan ngunit nahihirapan siyang tanggapin ang mga ito.

"Kaya pala nag simulang mag evolve ang mga tao nung akala namin na wala ng pag asa... tinulungan pala tayo ni Old Man Heaven"

Nakaramdam ng kaunting galak si Ye Song ng malaman niyang may nag poprotekta sa kanila. tinanong niya ulit ang boses sa kanyang isipan.

"Kung gayon, Ikaw ba ang tinatawag na Heaven System?"

*Hindi, Isa akong prototype. Ang tawag sakin ay System ng Langit*

Medyo nakaramdam ng pagkalito si Ye Song ngunit binalewala na lang niya ito.

"Bakit ka nasa loob ng isipan ko?"

*Ding*

*Habang nag uupdate si Old Man Heaven, aksidenteng nailagay niya ako sa folder kung saan niya ginawa ang mga special power para sa sangkatauhan*

Nagulat si Ye Song sa kanyang narinig. hindi siya makapaniwala na aksidenteng nailagay ni Old Man Heaven ang prototype ng system.

Hindi niya alam kung tatawa ba siya o iiyak dahil sa pagiging careless ng diyos. Habang iniisip niya ito, bigla siyang may narealize na isang bagay.

"Aksidente!?!? Eh di babalik ka na sa langit?"

*Hindi mo kailangan maging balisa, sa oras na natapos na ang update sa system, hindi na ito pwede mag rollback. Isa ka ng evolved. Isa ka na sa mga napili*

Hindi mapigilan ni Ye Song ang excitement ng makumpirma niya sa system na isa na siyang evolved.

"Sa wakas! makakalipat na rin kami sa bayan!"

Hindi na nila kailangan mamuhay sa gutom. makakain na nila lahar ng gustuhin nila. hindi na sila maghihirap. maraming mga bagay ang pumasok sa kanyang isipan. mga bagay na dati pinapangarap niya lang. ngayon ay pwese ng matupad. Napangiti siya habang iniisip niya ang mga ito.

Nang siya ay medyo kumalma, Tinanong niya ulit ang system.

"Alam mo ba kung paano nakapasok ang mga halimaw dito sa Earth?"

Nang malaman ni Ye Song na ang boses sa kanyang isipan ay ang prototype ng Heaven System, nagkaroon siya ng hinala na baka alam nito ang dahilan kung bakit biglang nagkaroon ng mga halimaw dito sa mundo. maraming misteryo ang nakapalibot dito kaya gusto niya malaman kung ano ang tunay na nangyari.

Nagkaroon ng pause bago sumagot ang boses sa kanyang isipan.

*Ding*

*Sigurado ka ba na gusto mong malaman?*

Kinutuban ng masama si Ye Song sa naging sagot sa kanya ng system. Ito ang unang pagkakataon na hindi siya direktang sinagot nito.

Nag isip siya ng malalim tungkol dito. ang impormasyon na tulad nito ay confidential kaya naiintindihan niya ang response sa kanya ng system.

Pero gusto niya pa ring malaman kung ano ang tunay na nangyari kaya lumunok siya at sinabi.

"Oo! gusto kong malaman!"

*Ding*

*Updating System*

Nang marinig niya na nag update ang system. inihanda niya ang kanyang sarili sa mga rebelasyon na kanyang malalaman.

Huminga siya ng malalim at tinalasan ang kanyang pag iisip.

*Update Complete*

*Si Old Man Heaven ay may dinownload at nakakuha siya ng virus dahil dito. itong virus na ito ay naging flaw sa Heaven System na naging dahilan para magkaroon ng space crack. Ang space crack na iyon ay ang portal patungo sa Monster World*

Nagulat si Ye Song sa kanyang mga narinig.

"Virus?! Ang Heaven System ay pwedeng magka virus?!"

*Oo*

Biglang sumakit ang ulo ni Ye Song dahil sa narinig niya. hindi niya alam kung paano siya mag rereact sa rebelasyon na ito.

Nasorpresa na siya na ang mundo ay kinokontrol ng isang system at ngayon nalaman niya na ang system na ito ay pwede ring magka virus.

"Ano ba kasing dinownload niya para magkaroon ng virus ang Heaven System..."

Pabulong na sinabi ni Ye Song sa kanyang sarili. Habang nag iisip siya ay biglang sinagot ng boses sa kanyang isipan ang tanong na pabulong niyang sinabi.

*Nag download siya ng mga videos sa Heaven Website na ang tawag ay Pornhub-Universe.com.galaxy. Ito ay isang adult website kung saan lahat ng race sa universe ay nandoon*

Napatulala si Ye song na nakabukas ang kanyang bibig sa dahil narinig niyang dahilan at hindi ito naka recover ng matagal.

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts
Next chapter