webnovel

Skill Get-o!

Samantala..

Ang monster na nakatago ay isang High Level Chameleon. Nang makita ng Chameleon si Ye Song ay dali-dali nitong ginamit ang kanyang skill na [Cloaking] upang lumapit sa kanya ng hindi niya namamalayan.

Sinusubukan niyang i-ambush si Ye Song at kainin pagkatapos!

Nang sinubukan na ng Chameleon na ambush-in si Ye Song ay bigla niyang nakita si Ye Song na naging maingat sa paligid. Nagulat ito sa ginawang aksyon ni Ye Song kaya tinigil niya ang balak at inobserbahan ng maigi kung ano ang mangyayari.

Nakita niya si Ye Song na tumitingin sa kaliwa't kanan na para bang may hinahanap. Na-realize niya na siya ang hinahanap ng binata sa kanyang harapan.

Ang Chameleon ay dahan-dahang umikot papunta sa likuran ni Ye Song at biglang umatake gamit ang kanyang buntot.

Sinubukan niyang tusukin si Ye Song sa likuran gamit ang kanyang buntot!

-

Nang mag concentrate si Ye Song ay bigla siyang may naramdamang killing intent mula sa kanyang likuran. Dali-dali siyang tumingin sa likod ngunit wala siyang nakitang anuman doon pero nakakasigurado siya na meron siyang naramdaman sa kanyang likuran.

Tinaas ni Ye Song ang kanyang kanang paa at I-nistomp (sorry di ko alam tagalog ng stomp haha) ang lupa ng malakas.

Sa sobrang lakas ng kanyang stomp ay nabiyak ang lupa at nagkaroon ng para bang sapot ng gagamba. Nagsiliparan ang mga bato sa lakas ng impact.

Napansin ni Ye Song ang isang Chameleon na para bang bigla na lang lumabas mula sa hangin. nang makita niya ito ay sigurado siyang ito ang monster na nagtatago sa paligid at sinubukang pagtangkaan ang kanyang buhay.

-

Habang ang Chameleon ay nakalutang sa hangin dahil sa stomp na ginawa ni Ye Song, nagsimula itong mag panic pero kahit anong gawin nito ay wala siyang magawa kundi hintayin niyang bumagsak siya sa lupa para makapagtago ulit.

Pero bago pa man siya makatapak sa lupa, nakita niya si Ye Song sa kanyang harapan..

Nagsalita siya at sinabing,

"Anong ginagaw-"

Pero bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin...

Sumabog bigla ang kanyang katawan.

-

Nang makita ni Ye Song ang monster na mukang chameleon, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at sinugod ito.

Nawala na parang bula si Ye Song at biglang napunta sa harapan ng chameleon.

Sinuntok niya ito ng buong pwersa!

Sa sandaling kumonekta ang suntok niya sa chameleon, Ang katawan nito ang biglang sumabog at nagkadurog-durog sa sobrang lakas ng impact.

Ikinagulat ni Ye Song ang pangyayari na nasaksihan niya.

Pakiramdam niya ang napakalakas ng kanyang pangangatawan.

Habang siya ay nasa ere, may narinig siyang tunog sa kanyang ulo..

*DING*

[Congratulations sa pagkakapatay sa Commander General Chameleon]

[Nakuhang Title : Hunter]

[92,389 Exp gained]

[Status Updating]

[Chameleon Meat 1 obtained]

[Copper Gloves 1 obtained]

[Copper Armor 1 obtained]

[Chameleon Crystal 1 obtained]

[First time makapatay ng monster, nakakuha ka ng bonus title!]

[Nakuhang Title: F-First time ko, Be gentle]

[Nakapatay ng monster sa isang suntok, nakakuha ka ng bonus title!]

[Nakuhang Title: One Punch Man]

[Nakakuha ka ng skill!]

*Gusto mo bang matutunan ang skill: [Cloaking]?*

-

Nang makalapag si Ye Song sa lupa ay labis ang pagkagulat niya sa kanyang sarili at napatulala siya ng mahabang panahon.

Hindi siya makapaniwala sa nangyari.

Natalo niya ang monster sa isang suntok lang.

"Di naman kaya parang sobra naman to? bakit sobrang lakas ko?" Tanong ni Ye Song sa kanyang sarili.

Hindi napansin ni Ye Song ang notification sa kanyang harapan dahil sa labis na pagkabigla. Ang tanging nasa isipan niya ngayon ay nakapatay siya ng monster sa isang suntok lang.

Baril, Missiles, Cannon at iba pang uri ng armas na ginamit ng sangkatauhan para labanan ang mga monster ay walang nagawa kundi galusan lamang ang kanilang balat. kaya sobrang nagulat siya ng matalo niya ang monster sa isang suntok lang.

Nang kumalma si Ye Song ay huminga siya ng malalim at sinabi sa kanyang sarili.

"Lumakas na ako.. Sobrang lakas na kaya ko ng baguhin ang kapalaran ng aking pamilya"

"Mag dadalawang taon na rin ang nakalipas simula nung nangyari ang "Monster Invasion"

Biglang pumasok sa isipan ni Ye Song ang mga nangyari nung nakalipas na dalawang taon....

-

-

-

-

-

Heyaaaa!!

Kamusta kayo! nagbabalik ako hahaha!

Alam ko wala ng nagbabasa nito dahil madami akong tao na pinaasa nung umpisa.

Mga tao na disappointed saken dahil hindi ko tinuloy itong novel na to. Maraming nangyari saken nitong mga nakaraang taon. sa totoo lang, nagsimula akong magsulat ng novel para lang may paglipasan ng oras ko. ayoko na mapunta pa sa personal kaya di na ko mag bibigay ng specific na rason kung bakit. lahat tayo may pinagdadaanan haha.

So anyway~

Nag umpisa ko sa pagsulat ng Monster Invasion sa english. Medyo challenging siya pero kinaya ko naman kahit "english barok" ang kinalabasan (puro mali grammar) haha.

Ginawa ko ang Monster Invasion para I-advertise ang isa ko pang novel pero hindi ko inakala na mas magiging popular pa ito kaysa sa nauna kong sinulat.

Kahit na puro mali ang grammar, sobra ang pasasalamat ko dahil marami ang tumangkilik o natuwa sa sinulat ko na galing lang sa aking imahinasyon.

Ngayong napagdesisyunan ko na ituloy ulit ito(pero sa tagalog na) susubukan kong ibigay ang best ko. mag uupload lang ako ng mag uupload kahit isang beses isang araw, meron man magbasa o wala ay okay lang saken.

Umabot yung english version sa 50 chapters. Susubukan ko habulin yon dahil alam ko marami ng may alam kung ano mangyayari sa istorya at pag natapos natin yun ay dun na talaga ako mag uumpisa magsulat.

Hindi ako makakapangako ng mabilis na release pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mag release ng mag release. Wala akong specific time ng pag release.

Basta pag natapos ko na isulat, publish ko agad.

Para sa mga taong makakabasa nito....

Maraming salamat sa inyo at pasensya na rin sa paghihintay!

Let's go!

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts
Next chapter