Biglang nakaramdam ang lahat ng halimaw sa buong mundo ng isang matinding takot mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso.
Hindi nila maipaliwanag kung saan nanggagaling ang takot na ito na parang binabangungot sila ng gising!
Habang nagtataka ang lahat ay biglang tumigil ang pag ikot ng mundo at isang portal ang lumitaw mula sa lupa!
Isang napakalaking kamay na mukhang isang kamay ng diyablo ang lumabas sa portal.
Ang kamay na iyon ay nabuo mula sa napakalaking apoy ng impyerno!
Nagpatuloy ang apoy na ito hanggang sa maabot ang [Aegis Sphere] na ginawa ni God Yeti!
"Bang!"
Isang malakas na putok ang tumunog at ang [Aegis Sphere] ay nagsimulang manginig mula sa impact ng kamay ng diyablo!
Nagulat si God Yeti sa mapanirang puwersa ng kamay ng diyablo!
Hindi niya inakala na ang kanyang aegis sphere mula sa kanyang emergency skill ay maaapektuhan ng kamay ng diyablo mula sa impyerno!
Habang tulala niyang pinapanood ang mga nangyayari, ang babaeng may nakakaakit na katawan at may pakpak sa kanyang likuran ay sumigaw sa kanya at sinabi.
"God Yeti, kailangan nating tumakas o mamamatay tayo dito!"
Nagising si God Yeti mula sa kanyang pagkasindak at sinimulang buksan ang portal pabalik sa Monster World.
-
Sa isang lugar sa Heavenly Palace, si old man heaven ay nanonood ng mga video sa [Heaven Browser].
Nag rerelax siya sa kanyang buhay nang biglang gumawa ng nakakaalarmang tunog ang Heaven System at inalerto siya.
[WARNING!]
*Ang [Hell's Judgement] ay na-activate!*
Si old man heaven na nanonood ng mga video ay mabilis na tumayo sa kanyang inuupuan at gumawa ng isang nakakagulat na ekspresyon.
"Anong nangyayari sa Earth?!" nakasimangot siya dahil nakaramdam siya ng hindi magandang premonition sa kanyang puso.
Dali-dali niyang inutusan ang heaven system na alamin kung anong dahilan bakit nagamit ang emergency skill na iyon.
Ang heaven system ay sinimulang i-play ang lahat ng mga eksena bago ma-activate ang [Hell's Judgement].
Matapos na mapanood ang buong eksena ay napasinghap siya at sinabi.
"Hindi ako makapaniwala na ipagsasapalaran ng Monster World ang lahat para gamitin ang Monster System upang salakayin ang Earth"
Gumawa ng isang malungkot na ekspresyon si old man heaven at inisip niya ang mga posibleng mangyari sa hinaharap dahil sa bagay na kanyang natuklasan.
Dahil sa monster system ay hindi na siya sigurado kung makokontrol niya pa ang lahat ng mangyayari sa hinaharap.
Pagkatapos nang kanyang malamim na pag-iisip ay parang tumanda siya ng ilang taon at sinabi niya sa system.
"I-update mo ang firewall ng Earth"
Hindi sumagot ang Heaven System sa kanyang utos, sa halip ay nagtanong ito sa kanya.
*Sigurado ka na ba dito?*
"Wala na tayong ibang pagpipilian. ang [Hell's Judgment] ay na-activate na" sinabi ni old man heaven na may malungkot na ekspresyon.
-
Dahan-dahang iminulat ni Ye Song ang kanyang mga mata.
Bago pa siya tuluyan na magising, ang mga LEMONS ay nasa tabi na niya. nang makita nilang papatayin ni God Yeti ang kanilang master, binalak nila na sumugod sa lugar kung saan walang malay na nakahiga si Ye Song ngunit sa hindi nila inaasahan, bago pa man sila makalapit ay nangyari na ang [Hell's Judgment].
Dahil nasa loob sila ng bayan at meron silang koneksyon kay Ye Song ay hindi sila naapektuhan ng paghatol sa mga halimaw.
Pero sa kasamaang palad, ang bayan ay nawasak dahil sa lindol.
Kahit na ang bayan ay nasira, ligtas pa rin sila dahil fully customize ito upang mapagtagumpayan ang mga ganitong sakuna.
Tumingin si Ye Song sa kanyang paligid at nakita ang maraming bitak at crater sa lupa.
Bago pa siya makapagtanong kung ano ang nangyari ay isang notification ang lumitaw sa screen sa kanyang harapan.
[Si Myterious Old Man ay nais na kumonekta sa iyo]
-
Myterious Old Man: Hey kid, ayos ka lang ba?
Left Hand becomes Immortal: Oo, ayos lang naman ako. ano kailangan mo?
Myterious Old Man: Sige, didiretsuhin na kita. nang gamitin mo ang Hell's Judgement ay parang ginamit mo na rin ang huling alas na makakapagligtas ng sangkatauhan mula sa pagsalakay ng mga halimaw. dahil dito ay napilitan akong i-update ang firewall na nagpoprotekta sa Earth mula sa mga mananakop.
Nagulat si Ye Song sa kanyang mga sinasabi pero kahit na nakokonsensya siya ay wala siyang ibang pagpipilian dahil pinilit ng pangyayari na magamit niya ang emergency skill na iyon.
Ngunit nang marinig niya ang sunod na sinabi ni old man heaven ay napasinghap siya ng maluwag.
Left Hand becomes Immortal: Ano ang problema kung gayon?
Mysterious Old Man: Mapipigilan lamang ng firewall na ito ang mga rank s na halimaw at higit pa sa pagpasok sa portal papuntang Earth. ang ibig sabihin nito ay pwede pa rin makapasok ang mga halimaw na mas mababa ang rank at salakayin ang daigdig. ang pinakamasaklap sa lahat ay sampung taon lang mapipigilan ng firewall ang pagpasok ng mga halimaw sa portal. mapapabilis rin ito kung makakahanap sila ng paraan upang lampasan ang firewall.
Left Hand becomes Immortal: Sampung taon? ano ang mangyayari pag natapos na ang sampung taon?
Mysterious Old Man: Ang mga halimaw ay aatakihin ang Earth nang buong lakas! ipagsasapalaran nila ang lahat upang salakayin ang daigdig at iyon ang magiging pinakamalakas at huling pagsalakay na magaganap kaya maghanda ka para sa paparating na pagsalakay na iyon.
Left Hand becomes Immortal: Hindi ito isang malaking problema. kaya ko silang talunin sa loob ng sampung taon.
Mysterious Old Man: Mabuti na positibo ka. hindi mo kailangang magalala tungkol sa Yeti na may hawak sa monster system dahil nang ginamit mo ang hell's judgement ay nakatanggap ng pinsala ang kanyang system at matagal pa bago ito makarecover.
Left Hand becomes Immortal: Magsusumikap ako para makontrol ko ng buo ang system. kailangan kong tiyakin na mama-maximize ko ang paggamit sa system sa loob ng sampung taon.
Mysterious Old Man: Ha? Hindi mo pa ba tinitignan ang status ng system?
Naguluhan si Ye Song tungkol sa sinabi ni old man heaven kaya't sinuri niya ang status ng system.
Nang makita niya ang kalagayan nito ay hindi maipinta ang kanyang mukha.
Nagkaroon ng pagdududa si Ye Song sa kanyang puso at hindi niya alam kung totoo ang kanyang nakikita sa screen.
Creation is hard, cheer me up!
Like it ? Add to library!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!