12 Naseenzoned

Namangha si Ye Song sa deskripsyon ng skill na kanyang nakuha. Ang akala niya ay magiging invisible lang siya ngunit iba ito sa kanyang inaasahan.

Hindi na siya nag paligoy-ligoy pa at dali-daling minax-out ang skill hanggang level 10.

"Dahil sa skill na ito, makakahunt na ako ng mga monsters ng hindi napapansin. Mas mapapadali ang paglalakbay ko sa iba't-ibang lugar"

Napatawa ng malakas si Ye Song habang nakatingin sa kanyang status na nasa screen.

Hindi niya mapigilan ang galak na kanyang nararamdaman ngayon.

Nang siya ay kumalma ng kaunti ay sinimulan niyang pag aralan ang screen na nasa kanyang harapan.

"Ano itong [Heaven Browser] sa may taas ng [Item Shop]"

*DING*

*Ito ay isang browser na ginagamit upang mag navigate sa Heaven Wide Web*

"Ang ibig mong sabihin ay pwede ko itong magamit upang mag browse o mag search?" Nagtatakang tanong ni Ye Song.

*Yes*

Dahil nalilito si Ye Song sa paliwanag sa kanya ng system ay sinubukan niyang pindutin ang [Heaven Browser] upang malaman kung anong klaseng mga web ang meron dito.

Nang buksan niya nag browser ay may isang notification ang nag pop up na nagsasabing kailangan niya munang gumawa ng account para makapag browse dito.

"Paano ako makakagawa ng account dito?"

*Kailangan lamang kitang i-scan at i-upload ito sa web browser*

*DING*

*Gusto mo bang gumawa ng account sa [Heaven Browser]?*

"Yes!"

*Scanning the host, please wait a moment*

*DING*

[Scan complete]

*Congratulations! isang bagong username ang ibinigay sa host! maaari mong tingnan ang iyong username sa [Heaven Browser] at i-setup ang iyong profile*

Napangiti si Ye Song nang makita niyang natapos na ang pag gawa niya ng kanyang account.

Dali-dali niyang pinindot ang browser para ma-setup ang kanyang profile ngunit nang makita niya ang binigay sa kanyang username ay labis na pagkagulat ang kanyang naramdaman.

[Congratulations sa paggawa ng account!]

[Welcome sa Heaven Browser Mr. Left hand becomes immortal!]

[Pwede mong i-setup ang iyong profile sa pamamagitan ng pagpindot sa settings!]

[Enjoy!]

Napatitig na lang si Ye Song sa screen ng mahabang panahon.

Nang makarecover siya ay tinanong niya ang system tungkol dito.

"Bakit ganyan ang username ko? Saan binase yan?"

*DING*

*Para makagawa ng account, ang user ay kailangan ma-scan dahil dito matutukoy o ibabase kung anong klaseng username ang pinaka-angkop sayo. Ang scan ay sinusuri ang iyong katangian, pagnanasa, skills at marami pang iba. Lahat ay dumadaan sa ganitong proseso upang hindi ka makagawa ng isang pekeng account sa [Heaven Browser] dahil pag nahuli ka, paparusahan ka ng langit*

"Ok naiintindihan ko pero bakit ganyan ang username ko?"

Ayaw niyang paniwalaan na ito ang binigay sa kanyang username. gusto niyang magkaroon ng maangas na username tulad ng Emperor of the galaxy, King of the world o kaya naman ang inaasam niyang Harem Prince ngunit ang nakuha niya ay Mr.Left hand becomes immortal.😂

*Dahil mahilig kang mag mastur-*

"Stoooooop!"

Bago pa man matapos ng system ang kanyang sasabihin ay pinigilan na siya ni Ye Song upang maiwasan ang kahihiyan na kanyang madarama.

"Gets ko na ok? hindi mo na kailangan sabihin pa, kuha ko na"

Kahit siya ay dismayado, kinalimutan niya agad ito para makaiwas sa kahihiyan.

Nag focus na lamang siya sa [Heaven Browser].

Pagkatapos niyang masetup ang kanyang profile ay tinanong ni Ye Song ang system tungkol kay Old Man Heaven.

"Di ba sinabi mo na si Old Man Heaven ay gumagamit rin ng Heaven Web, tama ba?"

*Yes*

"Pwede mo ba akong i-connect sa kanya? gusto ko lang itanong ang ilang bagay"

*Pwede mong makita ang kanyang profile sa Heaven Browser para mas madali mo siyang makausap*

"Anong username ang gamit niya?"

*Mysterious Old Man*

Dali-daling hinanap ni Ye Song ang profile na may username na Mysterious Old Man. Di nagtagal ay nakita niya ito at pinindot niya ang [Add as Friend] icon sa gitna ng profile.

Makalipas ang ilang minuto ay nakakuha siya ng notification na sinasabing ang user ay in-accept siya.

-

Mysterious Old Man: Hu u po?

Left hand becomes immortal: Hello po, Ako po si Ye Song.

Mysterious Old Man: ???

Left hand becomes immortal: Taga Earth po ako.

Mysterious Old Man: Eyyy I see, I see haha :D So ikaw pala ang maswerteng napili na makakuha ng System of Heaven ^_~ Isa ka sa pinaka maswerte bata :)

Left hand becomes immortal: Salamat po...

Mysterious Old Man: haha, hindi mo ako kailangang pasalamatan bata :P. Ginawa ko lang ang aking obligasyon para maligtas ang Earth sa mga mananakop :P Simula ngayon, ikaw ang pinakamahalagang sandata na pag asa ng sangkatauhan. Kailangan ka ng mundo! wag mo akong dismayahin! Binigay ko ang system na yan para makaligtas ang sangkatauhan!

Left hand becomes immortal: Uhh a-

Mysterious Old Man: With great power, comes great responsibility (kinuha ko lang sa Spiderman :P) .Ginawa ko na ang lahat ng aking makakaya para lamang protektahan ang Earth laban sa mga halimaw! >:| . In-overwhelm ko lahat ng kalaban ngunit may nakatakas pa rin sa aking kamay kaya nangyari ang sakuna na ito sa sangkatauhan :(

Left hand becomes immortal: uhm..

Mysterious Old Man: Wag! Alam ko na ang gusto mong sabihin... Ayaw mo na sisihin ko ang sarili ko dahil sa nangyari pero kasalanan ko lahat iyon! T___T. Napakaraming kalaban ang kinaharap ko at nilabanan ko silang mag isa! >:) 1 vs 10,000 ang nangyari pero hindi ko sila inatrasan! Hinarap ko sila para protektahan ang Earth! XD . Kung naging maingat lang sana ako, hindi sana magkakaganito..

Nang mabasa ni Ye Song ang mga pinagsasabi ni Old Man Heaven ay hindi na nito napigilang mapuno at sumabog dahil alam na niya kung ano ang tunay na nangyari kung paano inatake ng mga halimaw ang mundo kaya sinagot na niya ito ng pranka..

Left hand becomes immortal: Anong mga walang kwenta ang pinagsasabi mo? Alam ko na ang tunay na nangyari tandang gurang! nagdownload ka ng porn at ang Heaven System ay nagkavirus kaya tayo nasa ganito!

Mysterious Old Man: Uhh..

Left hand becomes immortal: Magiging mabait sana ako dahil ito ang una nating pagkikita pero kung ano-ano ang pinagsasabi mo! panay pa gamit mo ng emoji dyan kala mo naman cute ka!

Mysterious Old Man: Uhm..

Left hand becomes immortal: Kung makapagsalita ka kala mo humarap ka sa matinding laban at sinakripisyo mo ang system para iligtas ang sangkatauhan. PWE! Nagkamali ka lang at aksidenteng nalagay ang system dahil sa taranta. manood lang ng porn ginagawa mo buong araw eh, pinagsasabi mo.

✓ Seen by Mysterious Old Man.

Left hand becomes immortal: Ano? meron ka pa bang walang kwentang sasabihin?

✓ Seen by Mysterious Old Man.

Left hand becomes immortal: hahaha

✓ Seen by Mysterious Old Man.

[Mysterious Old Man is Offline]

avataravatar
Next chapter