69 Bagong mga residente

Si Ye Song at ang lemons ay mabilis na bumalik papuntang bayan ng Malaya.

Nang makarating sila malapit sa bayan, nakita ni Ye Song ang ilang mga tao sa labas ng gate na nakatingin sa loob ng bayan.

Pagkalito ang kanyang naramdaman ng makita niya ang mga tao sa labas.

Dahil dito ay sinimulan niyang i-scan ang paligid at nakita ang isang pamilyar na mukha.

Si Tango ay nakatayo malapit sa gate at sa kanyang likuran ay ang mga taong maingat na nagmamasid sa paligid ng bayan. mayroong isang daan at pitumpu't walong tao na nasa likod ni Tango na kabadong nagmamasid sa kapaligiran at sa kabilang bahagi ng gate ay ang mga alipin na iniligtas nila sa Rockcliffe Mansion.

Ang mga taong ito ay ang mga nagdusa sa kamay ng mga everest guard at ng gobernador.

Kumunot ang kilay ni Ye Song nang makita ang mga tao sa labas ng bayan. itatanong na niya sana kung ano ang nangyayari nang marinig niyang magsalita si Kuchi.

"Ayaw nilang pumasok sa bayan, master"

Nagulat si Ye Song sa sinabi ni Kuchi at tinanong ito.

"Bakit?"

"Uhhmβ€”"

Hindi makasagot si Kuchi sa kanyang katanungan kaya't sinagot ito ni Richi.

"Natatakot sila na baka maparusahan sila kapag pumasok sila sa bayan"

Nang marinig ito ni Ye Song ay napagtanto niya kung ano ang ibig sabihin ni Richi. ang mga taong ito ay nasanay na sa patakaran ng Everest kaya't hindi sila maglakas-loob na subukan at pumasok nang walang pahintulot ng may-ari o gobernador.

Nang mapagtanto niya ang sitwasyong kinakaharap ng mga taong ito ay bumuntong hininga si Ye Song ng malalim at naglakad papunta kay Tango at sa mga alipin.

Nang makita ng mga tao ang maraming halimaw na naglalakad papunta sa kanila ay nakaramdam ito ng matinding takot.

Dose-dosenang halimaw na ang nakita nila kanina ngunit ngayon ay mayroong higit sa limang daang halimaw ang naglalakad papunta sa kanila.

Bago magsimulang mag-panic ang mga tao, sumigaw si Tango at sinubukang pakalmahin ang mga ito.

Ilang saglit lamang ay nakarating na si Ye Song sa harapan ni Tango.

Bago pa makapagsalita si Ye Song ay napakamot na ng ulo si Tango at sinabi.

"Sorry, hindi ko sila makumbinsi na pumasok. naniniwala pa rin sila sa Everest"

Iniling ni Ye Song ang kanyang ulo at ngumiti.

"Hindi, mahusay ang ginawa mo. hindi natin sila mapipilit dahil mayroon silang sariling pag-iisip at hindi lahat ng mga tao sa Everest ay tulad ng gobernador at kanyang anak"

"Tama ka"

Matapos ang isang maikling pag-uusap kay Tango, tiningnan ni Ye Song ang mga kasama nito na nasa kanyang likuran at sinabi.

"Alam kong nagtataka kayo kung paano nagkaroon ng bayan dito sa malawak na bukirin na ito. alam ko rin na nagtataka kayo kung sino ako at bakit ko kayo iniligtas"

Ang mga tao ay nakatingin lamang sa kanya na may pag-uusisa sa kanilang mga mata. nagtataka rin sila tungkol dito kaya't tahimik lamang naghihintay na matapos ang sinasabi ni Ye Song.

Nang makita niya ang mga taong nakatingin na sa kanya, nagpatuloy si Ye Song sa pagsasalita.

"Katulad niyo rin ako dati. araw-araw ay laging gutom at takot na baka may mangyari sa akin dahil hindi ko alam kung kailan aatake ang mga halimaw. alam ko ang pakiramdam na iyon kaya't nang mag-evolve ako ay napagpasyahan kong tulungan ang mga ordinaryong tao sa halip na pumasok sa bayan bilang isang chosen"

Nang marinig ng mga tao ang sinabi ni Ye Song, tiningnan nila siya nang may luha sa kanilang mga mata at sabay-sabay na sumigaw.

"Salamat sa pagligtas sa amin!"

Tumango si Ye Song at sinabi.

"Pwede kayong lahat na manirahan sa bayang ito. hindi ko pipigilan ang inyong kalayaan at bibigyan ko kayo ng disenteng pagkain araw-araw. isa lamang ang kahilingan ko sa inyo ..."

Sinuri ni Ye Song ang lahat ng mga tao upang makita kung anong uri ng reaksyon ang mayroon sila bago sabihin,

"Gusto ko lang na manirahan kayo kasama ng mga halimaw"

Lahat sila ay nabigla sa kanilang puso nang marinig ang sinabi ni Ye Song. ang ilan sa kanila ay nalilito habang ang ilan naman ay nanginginig sa takot.

Nang makita ang kanilang reaksyon, dali-dali na sinabi ni Ye Song.

"Alam kong mahirap para sa inyong lahat na tanggapin ito ngunit ang mga halimaw ay hindi katulad ng iniisip niyo. hindi lahat ng halimaw ay masama at kumakain ng mga tao. marahil ang iba sa inyo ay alam na ito dahil mga halimaw ang nagligtas sa inyo kanina"

Kahit na ganoon ang sinabi ni Ye Song, ang mga tao ay nakaramdam pa rin ng pag-aalinlangan sa kanilang mga puso. hindi niya agad mababago ang kanilang isipan dahil lamang sa isang insidente. ngunit gayon pa man, ang pagtingin na ibinibigay nila sa mga halimaw sa likod ni Ye Song ay hindi na masungit tulad ng dati.

"Alam ko na hindi ko kaagad mababago ang isip niyo sa maikling panahon pero gusto kong makihalubilo kayo sa kanila upang ma-realize niyo na hindi sila masamang nilalang. hindi ko rin kayo palalayasin dahil hindi kayo sumasang-ayon sa akin. pwede pa rin kayo manirahan sa bayan, ang gusto ko lang ay bigyan niyo ng pagkakataon ang mga halimaw"

Matapos marinig ang sinabi ni Ye Song, ang mga tao ay nakahinga na ng maluwag.

Si Tango na nakikinig sa gilid ay nagulat sa mga sinabi ni Ye Song. hindi niya inaasahan na malaki ang pagtitiwala ni Ye Song sa mga halimaw. ngunit nang makita niya ang ginawa ng mga ito kanina, napagtanto din niya na mayroon din palang mabubuting halimaw.

Pagkatapos niyang sabihin ang gusto niyang masabi ay pinayagan na ni Ye Song ang mga tao na pumasok sa loob ng bayan. si Suzy at ang mga residente na nasa loob ay nakahinga na din ng maluwag sa wakas.

Kanina ay sinubukan nilang kumbinsihin ang mga tao sa labas na pumasok ngunit ang mga ito ay natatakot na gumawa ng isang hakbang kaya't napagpasyahan na lamang nilang antayin si Ye Song.

Nang dumating si Ye Song ay mabilis na nalutas ang problema at kaagad na tinulungan ang mga tao na mag-settle sa bayan.

Sinimulan din ng LEMONS ang pagtulong upang mag-settle ang mga tao sa bayan. kahit na malamya sila at hindi alam kung ano ang gagawin ay sinusubukan pa rin nila ang kanilang makakaya.

Sa una ay natatakot ang mga tao na lumapit sa mga ito pero nang makita nila ang mga halimaw na nagsusumikap nang husto para sa kanilang kapakanan ay nagbago ang kanilang isip at nagsimulang makipag-ugnayan dito.

Kung titingnan sa labas, ang mga LEMONS ay mukhang nagsusumikap alang-alang sa mga tao, ngunit iba ang nasa loob ng kanilang mga isipan..

"Sana makita ako ni master na nagsusumikap .."

That's right.

Lahat sila ay iniisip ang isang bagay. nais nilang makita ni Ye Song na nagsusumikap sila nang husto para mabigyan sila ng mga posisyon sa bayan.

Nang makita ni Ye Song ang mga tao at halimaw na nagkakasundo ay naglabas siya ng isang ngiti sa kanyang mukha.

Pagkatapos ay tumingin siya sa langit at sinabi sa kanyang sarili.

"Simula pa lang ito .."

*DING*

[Bayan ng Malaya]

Populasyon:

Tao: 326

Monster: 556

avataravatar
Next chapter