webnovel

Minsan Pa

Calista Rodriguez hated at despised Drake Lustre the most. Para sa kanya, isang malaking pagkakamali sa kanyang buhay ang nakilala ito. Drake was her first in everything. Her first love, first kiss... and her ex-husband. She gave her heart to him without any reservation - minahal niya ito ng higit sa ano pa man sa mundo but he had hurt her and broke her heart into a million pieces. Their marriage ended after a year and Cali went away to mend her broken heart and start all over. 5 years later, Cali found herself trapped into working for the very bastard who broke her heart, and as if that wasn’t enough, Drake seemed to be making every effort to make her life a living hell, na para bang siya pa ang may atraso dito! Cali's certain she couldn't forgive him for what he did, ngunit paano kung ang estupidang puso niya ay tila muling nag o-overdrive sa tuwing magkakalapit sila ng dating asawa?

aprilgraciawriter · Urban
Not enough ratings
47 Chs

Chapter Twenty One

Sinipat ni Calista ang relong suot sa kanyang bisig: 5:30 P.M.

She sighed at hinigop ang orange juice na nasa kanyang harapan. Mahigit apat na oras na siya sa mall upang magpatay ng oras at magpalipas ng sama ng loob. Dinukot niya mula sa bag ang telepono at ini-on iyon, kanina kasi ay sadya niyang pinatay ang telepono upang hindi siya matawagan ng asawa.

Hindi niya maiwasan ang disappointment na naramdaman dahil wala man lamang ni isang text si Drake sa kanya. Galit pa rin ba ito sa kanya? Hindi ba dapat siya ang magalit rito?

Muli siyang bumuntong hininga. She better get going, makulimlim ang kalangitan at tila nagbabadyang umulan. Dinampot niya ang bag na dala mula sa kanugnog na upuan at isinabit iyon sa balikat, pagkatapos ay lumabas na ng shop.

Cali groaned a little bit when she saw the queue for the taxi. Ang haba ng pila at kung mamalasin siya ay baka abutan na siya ng pagbagsak ng ulan.

Tsk! Your own damn fault! paninisi ng tinig sa kanyang utak. Kundangan ba naman kasing naisipan pa niyang umalis ng bahay kanina!

Hindi nga siya nagkamali at hindi pa siya nakakapangalahati sa pila ay bumuhos na ang ulan. Tila pati yata kalangitan ay masama ang loob sa lakas ng patak niyon na sinamahan pa ng bahagyang ihip ng hangin. Buti na lamang at may silong pa ang bahaging iyon ng mall kaya't hindi siya nabasa, hindi pa naman siya nakapag dala ng payong.

Magpasundo na kaya siya sa asawa? Pero hindi ba at medyo nakakahiya iyon? Siya itong umalis tapos ngayon ay tatawag siya upang magpasundo? Nasa ganoon pa siyang pag-iisip ng isang pulang kotse ang huminto sa kanyang tapat.

Bumukas ang passenger window ng naturang sasakyan. "Cali?" anang tinig ng isang lalaki.

Napatingin si Calista sa pinagmulan ng tinig. Hindi niya agad mamukhaan kung sino ang nasa loob ng kotse.

"Cali? Is that you?"

Kumunot ang noo niya at mas lalong pinag igihan ang sipat sa lalaking kumakausap sa kanya.

"Derek?" alanganing tanong niya.

"So it is you!" may tuwa sa tinig ng kausap nang mapagtantong siya nga iyon.

"Sakay na, ihahatid na kita,"  anyaya ng lalaki.

Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Calista. Hindi niya maitago ang excitement pagkakita sa lalaki.

Derek was her childhood friend. Laking San Antonio rin ito ngunit lumipat ng Maynila ang pamilya bago ito mag high school. Paminsan minsan ay nauuwi pa rin ang mga ito sa San Antonio at palagi ay dinadalaw siya nito. Palagi itong maraming mga kwento sa kanya tungkol sa buhay Maynila. Derek could have been her bestfriend kung hindi lamang ito umalis ng probinsya.

She was so excited to see her friend and wanted to accept his invitation ngunit nanaig pa rin sa kanya ang kaisipang baka hindi magandang tignan para sa isang may asawa na makisakay na lamang basta sa kotse ng iba.

"Ok lang, baka maabala ka pa. It's very nice to see you though!"

"Sus! Sumakay ka na at ang haba pa ng pila!" Pamimilit nito sabay baba ng sasakyan upang pagbuksan siya ng pintuan ng sasakyan.

"Hala nabasa ka na!" Protesta niya.

"Get in." Anito na hawak pa ring pabukas ang pintuan.

Cali indulged him. Wala naman sigurong masama kung ihatid siya ng kaibigan. Isa pa ay medyo madilim na rin at kay lakas pa ng ulan, baka mas delikado pang mag taxi.

"It was really nice to see you!" Bulalas ni Derek ng makapasok ng sasakyan. "It's been what? 3 years since I last saw you?"

Nakangiti siyang tumango. "Sa Maynila na rin kasi ako nagkolehiyo eh."

"Nabalitaan ko nga kay Nanang." Anito na ang tinutukoy ay ang nanay niya. "Saan ka ba nakatira ngayon?" Pinaandar nito ang wiper ng sasakyan at bahagaya siyang sinulyapan.

"Sa Caloocan, malapit lang sa Monumento."

Kumunot ang noo ni Derek at napatingin sa kanya, "ang layo naman ng bahay mo sa eskuwelahan? Hindi ba sa may bandang Greenhills pa ang SBU?" Pinaandar na nitong muli ang makina habang hinahantay ang sagot niya.

"Ah...huminto kasi ako...ikaw ba? Nakagraduate ka na?" Sa kanyang pagkakatanda ay matanda ng dalawang taon sa kanya si Derek.

"Yup, last year lang. Kaka-start ko lang din ng work sa may Ortigas". He smiled broadly at her "I am so glad I saw you today, Cali. I tried looking for you, you know."

"You were looking for me?"

Derek chuckled a bit at tila batang nagkamot ng ulo. "Ano kasi Cali...please don't get mad okay? But I sort of had a crush on you ever since we were in grade school..."

Isang "oh" ang lumabas mula sa kanyang labi. Wala siyang naitugon sa biglaang sinabi ni Derek.

Disimuladong tumawa si Cali, "Naku, crush bata lang 'yon".

"...but I'd never forgotten about you all these years, Calista. So I tried looking for you, thinking that maybe..."

"I"m married." She abruptly said.

Matinding pagkabigla ang bumalatay sa mukha ni Derek. Nilingon siya nito. "Are you serious? You are too young!"

She smiled. "Wala eh, na in-love..." Nagbaba siya ng tingin.

"Wow... I am just seriously blown away..." May panghihinayang sa tinig ni Derek. "Who's the lucky guy? Someone from our town?"

She shook her head. "No. I don't think you know him. He was from Saint Vincent University..."

"Saint Vince? Yung all boys school? Balita ko puro may kaya raw halos ang mga mag-aaral doon? I know a few guys from there? Baka kilala ko? What's his name?" Sunod sunod na tanong ni Derek.

Bahagya siyang tumawa. "Grabe naman mga tanong mo para kang reporter", biro niya na naiiling. "Drake. Drake Lustre is his na-"

"No way!" Putol ni Derek sa sinasabi niya. "Drake Lustre from the affluent Lustre clan?"

Nagkibit siya ng balikat. "I guess that's him."

Katahimikan ang namayani sa pagitan nila sa mga sumunod na sandali binabagtas nila ang kahabaan ng EDSA. Naipagpasalamat ni Cali na kahit paano ay umusad ang traffic kahit pa malakas ang buhos ng ulan ng gabing iyon.

Nagpasalamat siya sa kaibigan matapos iparada nito ang sasakyan sa harap ng gate ng kanilang apartment. Kinuha ni Derek ang cellphone number niya na kanyang namang pinaunlakan.

Pababa na siya ng hawakan ng binata ang kanyang kamay. Malungkot siyang nginitian nito. "I guess I really am too late now, aint I?"

"I'm sure there's a girl out there for you..." she tenderly smiled at him.

Nagulat siya ng bigla siyang kabigin nito payakap. Nais sana niyang itulak ito ,but Derek pleaded for her to stay still for a while. She would've pushed him away kung hindi niya naramdamang walang malisya sa yakap na ibinigay nito sa kanya.

For a while, she was taken back to those times na palagi silang magkasama nito sa probinsya. They were actually inseperable when they were young. Palagi ay hinihintay siya ni Derek paglabas ng klase at sabay silang naglalakad pauwi, sila rin ang palagiang magkalaro.

"I missed you, hindi sa kung ano pa man, Cali, but as a friend," ani Derek.

Cali smiled at marahang tinapik ang lalaki sa balikat. "Namiss din kita."

Hindi napansin ni Calista ang isang pigurang nagtago sa isang sulok hindi kalayuan. Nasa mga labi niyon ang isang malisyosong ngiti mula sa nasaksihan.