webnovel

Chapter Seventeen

Maaga akong gumising kinabukasan at naligo dahil kailangan na maaga ako sa paaralan para kunin ang sagot, number ko at sash ng Fine Arts Department.

Si Miya, tulog pa dahil sa event kagabi sa paaralan. Sabi niya pupunta raw siya bago magsimula ang pageant for Mr. and Ms. Hentai Imore College.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako sa binili nina Athena at Ezra sa akin. Asymmetrical styled dress at ballet flat. Kinuha ko ang shoulder bag ko at papaerbag na naroon ang susuotin kong heels at lumabas ng condo ni Kyron.

Dito na kami tumuloy ni Miya noong tinaggap ni Miya ang alok ni Kyron. Parehas kaming nagday-off ni Miya ngayong araw, mabuti at pinayagan kami ni Ms. Vine na magday-off.

Pagkalabas ko ng building, agad akong naglakad patungo sa paaralan. Mas malapit lang ang HI College kesa sa club ni Ate Liana na hindi ko na nakita noong nakaarang linggo.

"Good morning, Linar!" Ngiting bati sa akin ni Jenny na nasalubong ko papasok ng gate sa paaralan. Nginitian ko din siya at tinapat ang I.D. ko sa I.D. scanner para mainform sila Aling Perla na nasa loob na ako ng paaralan.

Walang cellphone sila Ama at Ina kaya ang numero ni Aling Perla ang ginamit kong numero para mainporma sila at nina Ama at Ina na pumasok ako sa paaralan.

"Good morning rin." Bati ko pabalik kay Jenny ka kakatapos lang tinapat ang I.D. niya sa I.D. scanner at lumapit sa akin dala ang hand bag niya.

Ang ganda niya Jenny sa suot niyang high waist jeans at off-shoulder na kulay blue, lalo na ang ngiti niya. "Let's go, Linar." Tumango ako sa kanya at sabay kaminh nanglakad sa pathway na patungo sa gymnasuim.

"By the way, you're cute in your dress." Kumento ni Jenny na tinignan ang suot ko habang paliko kami sa kaliwa. Nginitian ko siya.

"S-salamat." Pasalamat ko at inayos ang dala kong papaerbag. Hindi ako sanay papuri lalo na kapag sa suot ko, at nahihiya pa rin ako kay Jenmy dahil ang tangkad niya at makinis kumpara sa akin.

"You are truly cute. Sigurado akong ikaw ang mananalo sa photogenic award." Namula ang pisnge ko sa sinabi ni Jenny. Sobra na ang papuri niya, kaya tumahimik na ako.

Pagkarating, naroon na ang ibang kandidata at ang event organizer. Nagsimula agad kami, suot ang heels na binili ni Ezra sa akin at sinabing ito raw ang susuotin ko.

"Linar," inangat ko ang ulo ko habang inaayos ang heels. Kiniya ni Jenny ang kapares ng heels ko at tinignan. "Is this T-Strap Peep Toe D'Orsay Platform?" Manghang sabi niya at lumingon ako habang naka-upo ako sa bench. "This is half million, Linar!"

Nanlaki ang mga mata ko sinabi niya at tinignan ang binili ni Ezra sa akin na heels. H-half million? Half million iyan!? Ang l-laki ng halaga ng heels na iyan— tapos binili ni Ezra? Ano pa kaya ang presyo ng ibang binili niya?

Siguradong nasa millions rin yun. Namutla ako habang tinitignan ang heels na iyan habang si Jenny ay namangha sa heels na binili ni Ezra na siguradong namamahalan noong binili niya.

Gusto kong ibalik kay Ezra ang heels dahil nakakahiya at half million pala ang halaga ng heels na 'yan at sigurado ako sa iba rin niyang binili. Ayaw kong gamitin ito, baka may kapalit si Ezra.

"Linar, sa Girl's Wear mo ito binili?" Tanong ni Jenny. Tumango ako sa kanya habang tinitignan ang heels na nakakabutas ng bulsa— hindi, nakakasira ng bulsa. Nanalaki ang mga mata niya.

"Bakit, Jenny?" Tanong ko sa kanya dahil sa reaksyon niya. Baka sasabihin niyang lahat ng presyo ng tinitinda ng Girl's Wear, naghahalaga ng half million pataas.

Umupo siya sa katabing bench, isang espasyo ang sa aming dalawa. "The owner of that store is the most requested designer in Asia— Irish Hana Millionaire." Nanlaki ang mga mata ko sa nalamang inpormasyon.

"She's just same age with us but she already made her own name in Fashion and Modeling Industry in her young age. She has beauty and brains too— of course, she's a Millionaire." Natatawang sabi niya. "And this," tinuro niya ang heels. "She designed this heels and it worth millions—"

"Linar? Where's Linar Mayordoma—" Nagtagpo ang mata namin ni Ezra na nanlaki at ngumiti sa akin. "That's her." Turo ni Ezra sa akin na ngiting lumapit kasama ang isang dalaga na kasing taas ni Ezra at parang modelong maglakad.

"Holy mother—" tumayo si Jenny sa pagkakaupo at humarap kins Ezra na ngumiti sa akin. "Y-you are— you are Clifford Millionaire fiancé and..." Tinignan ang dalaga na ngumiti sa kanya. "you a-are..."

"Hello, Linar's friend. I'm Irish Hana Millionaire. Nice to meet you." Nakipagkamay siya kay Jenny na natulalal sa ere. Sumalubong ang kilay ni Irish kay Jenny at sa akin. Biglang nagbago ang reaksyon niya.

"Hey, Linar! " Nanlaki ang mga mata ko nang yumuko siya at nagbeso sa dalawang pisnge ko at ngiting bumalik sa kinatatayuan niya. "I'm Irish Hana Millionaire." Ngiting pakilala niya.

Tumayo ako sa tabi ni Jenny na paran ngayon lang bumalik ang isip sa ulo niya. "I'm Polinar Mayordoma, uh— and," nilingon ko si Jenny. "This is my friend. Jennifer Entrada."

Nanlaki ang mga mata ni Irish at tinakpan ang bibig niya gamit ang dalawa niyang kamay at tinignan si Ezra na ngumiti sa kanya. "Whoa! You're Fer—"

"Shh, Irish. You can't spoil her and her secret admirer." Putol ni Ezra kay Irish na mahinang natawa. "I'm sorry about Irish, Ms. Entrada. We definitely know that she's—" tinuro ni Ezra si Irish na natatawang humarap sa cellphone nito. "sassy but her brain is." Tinaligid ni Ezra ang palad niya at mahinang pinukpok ang ulo niya. Mahina kaming natawa ni Jenny.

"Hey, Ate Ez. Where did you learn that?" Napalingon kami sa pamilyar na boses nakakarating lang. Si Athena. Kita kong lumaglag sa ere ang bibig ni Jenny.

"L-linar... I think— I'm sure that I need to go to the bathroom. My dream just came true!" Sabi ni Jenny at nagmadaling pumunta sa direksyom sa comfort room. "Later!" Pahabol ni Jenny at nawala ang presensya niya.

"Learn what, Athena?" Bumalik ako sa mga pinsang babae nu Kyron. "What you are talking about?" Tanong muli ni Irish kay Athena na umupo sa kinauupuan ni Jenny kanina.

"Can you wait a sec, Irish Hana." Reklamo ni Athena at tinignan ako, ngumiti siya sa akin. "Hey, Ate Linar! Nice dress." Tinignan niya ang suot ko at dumako ang tingin isang paa kong walang suot na heels.

Kumunot ang noo ni Athena sa akin. "Where's the another shoe?" Tanong ni Athena sa akin. Kinuha ko ang heels at umupong sinuot. "You can get rid of it." Bulong ni Athena sa akin na sapat na marinig nina Ezra at Irish na napatigil sa tawanan nila.

"Hey! You can't tear apart my product!" Sabi ni Irish kay Athena na umirap lang at lumingon sa akin. Kita kong aambang susuntokin ni Irish si Athena nang pinagilan ni Ezra.

"Ate Linar, her designs are boring. Mine, well." Arte niyang hinawi ang mataas niyang buhok at kumindat. Lumingon kami pareho kay Irish na nagreklamo.

"My designs are beautiful like me, Athena Millionaire. And Linar, don't listen to that bitchy designer—"

Padabong na tumayo si Athena. "I'm not bitchy, I'm gorgeous!" Tadyak ni Athena sa sahig na sigaw kay Irish na masama siyang tinignan.

"I'm not boring, I'm sassy!" Sigaw rin ni Irish kay Athena sabay tadyak sa sahig. Tumayo ako sa lumapit kay Ezra na nasa gitna nang dalawang dalaga na Millionaire.

"Stop arguing who's bitchy and boring. You are both—"

"We aren't—"

"Yes, you do." Putol ni Ezra sa dalawa na naka-tingin kay Ezra. "Stop it. Everyone are watching," sabay nilingon ni Athena at Irish ang buong gymnasuim na pinagtitingnan sila ng mga estudyante. "Be professional, ladies. Don't trash talked each other's designs, they are more gorgeous and please, don't show your behavior here." Sabi ni Ezra na ikinatahimik nang dalawa.

"Okay?" Panigurado ni Ezra sa dalawa na parehas umiwas ng tingin sa isa't isa. Sabay kaming bahagyang napatawa ni Ezra sa dalawa.

Ang cute nila.

Ilang minuto kaming apat natahimik at rinig lang namin ang boses ng SC President na magsisimula na magdecorate. "Let's play a game." Lingong sabi ni Athena sa amin.

"Who's who." Patuloy ni Irish na naka-ikis ang braso sa dibdib niya. Tinignan siya ni Athena na mabilis siyang inirapan, at mukhang ayaw rin magpatalo ni Irish kaya inirapan niya si Athena.

"Okay and Linar will answer my question." Napalingon ako kay Ezra na ngumiti sa akin. Kinakabahan ako dahil sa sinabi niya, hindi ako marunong sumagot.

Umupo kami ni Ezra sa bench at nakatayo sina Irish at Athena na kanya-kanyang pose sa harapan namin ni Ezra habang bahagya akong napatawa sa kanilang dalawa.

"Okay. Who's more sassy?" Tanong ni Ezra. Tinignan ko ang suot nilang dalawa at pose. "Athena Millionaire wears baby blue above the knee skirt and Noteched Cap Sleeve pink silk blouse partnered with black Ankle Strap Pump."

"Irish Hana Millionaire wears the latest grayish skirt made my her talented hands and three-fourth Length Dolman Sleeve partnered with Kitten Heel Peep-Toe D'Orsay from Girl's Wear. So, who's sassy, Linar?" Tanong ni Ezra sa akin.

Nilingon ko siya. "The pleasing to look at is Athena," sabay lahad ko ng kamay kay Athena na ngumiti sa akin. "And the distinctively smart and stylish is Irish." Sagot ko kay Ezra na ngumiti sa akin at hinarap sina Irish at Athena.

"Indeed. She has beauty and brains." Napalingon ako kay Irish na lumapit sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya. "She wisely choose who's who. Even Nanay Lola can't answer our who's who."

"Told you, Irish Hana." Irap na sabi ni Athena kay Irish. "Of course, we're beautiful in Nanay Lola's eyes, right Ez-chan?" Ngiting tanong ni Athena kay Ezra na nasa gitna nina Athena at Irish.

"Yes and she's beautiful like us." Natawa sina Irish at Athena na tinaasan si Irish ng kilay. "Stop that, Athena. Let just prepare for Linar's pageant." Tinignan niya ang wrist watch niya. "It's already lunch time. So, let's go? My treat." Ngiting sabi niya na ikinasaya ng dalawang dalaga na agad unang naglakad kasama si Ezra.

"Yey! I'll choose the restaurent!" Masayang sabi ni Athena na agad pinutol ni Irish ang kasiyahan dahil sumingit si Irish sa kanya.

"No. I'll be the one will choose—" hindi ko na narinig ang boses ng tatlong kababaehan. Inayos ang gamit ko sa bench at sumali sa practice, naroon na rin si Jenny na sinalubong ako.

"Hi, Linar. Where's the three ladies?" Tanong ni Jenny sa akin habang sabay kaming naglakad papunta sa intablado para sa dance number namin.

"Kumain—"

"Ate Linar!" Napatigil ako paakyat sa unang baitang ng hagdan sa backstage nang marinig ko ang sigaw na nagmula kay Irish na kausap ang event organizer at ngiting lumapit sa akin. "Where are you going?" Tanong niya sa akin at tinignan si Jenny na parang nakakita nang anghel.

"Magprapractice pa kami para sa dance—"

"No need to. I already talk my team." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nilingon si Jenny pero wala na sa kinatatayuan nito, nasa intablado na, sumasayaw.

"H-ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya pero nginitian niya lang ako at hinila ako papunta sa bench. Natatakang kinuha ko ang shoulder bag ko at paperbag na nasa loob ang ballet shoes.

Sabay kaming naglakad papunta sa bukana ng gymnasium dala ang gamit ko. Natataka pa rin ako habang nalalakad kami papunta sa malawak na parking lot ng paaralan.

Naroon sina Athena at Ezra na pumasok sa kotse na naka-parada noong nakita kaming paparating ni Irish na tumigil, kaya tumigil rin ako. Ilang layo lang ang sasakyan kung na saan sila Athena at Ezra.

Ngumiti siya sa akin at nilahad ang kamay. "I'm Irish Hana Millionaire, the sassy first princess in Millionaire Mansion. Nice to finally meet you, Linar."