webnovel

Military Academy

Hychii Rhianne Zhyjein Almeria o mas kilala sa tawag na Hychan Zyler Almeria na ginagamit niyang pangalan sa pagpasok niya sa school na tinatawag na Military Academy. Ang pinakamalaking pamantayan ng school ay bawal ang babae sa school nila. Ano ang kanyang gagawin para hindi siya malaman na nagpapanggap lang siya? Ano kanyang motibasyon sa kanyang ginawa? Paano siya makakaalis kung nalaman na ang kanyang sekreto?

missHYchii · Urban
Not enough ratings
16 Chs

Prologue

(POV OF Hychii)

Nakasakay ako ngayon sa tren, pupunta kasi ako ngayon sa Lavisa. Isang lugar na maraming mga mayayaman ang naninirahan.

Pinadalhan ko ng sulat ang aking bestfriend na si Tanya na hintayin niya ako sa babaan ng kanilang lugar.

Naramdaman ko na lang na tumigil na ang tren hudyat na narating na namin ang Lavisa. Isang maleta na hindi kalakihan ang aking dinala. Hindi naman ako 'yung tipong tao na maraming dalang baggahe.

Bumaba na ako saka nakita ang si Tanya na kumakaway sa akin, agad ko naman siya nilapitan.

"Maligayang pagdating sa Lavisa, musta ang biyahe?" Bati niya sa akin habang nakangiti.

Inaamin ko na maganda ang lugar nila kaysa sa lugar namin na Sunya. Maliit lamang ang aming bayan kumpara sa bayan nila na malaki.

"Ayos lang naman. Tara na, hindi magandang tingnan na nakaabang tayo dito"

Natawa naman siya sa tinuran ko pero sinawalang bahala ko na.

Naglakad lamang kaming dalawa dahil malapit lamang ang bahay nila sa sakayan ng tren. Napatingin ako sa mga batang naglalaro, hindi man lang naisip ang nangyayari sa bansa namin.

Hindi nila naisip na magkakaroon ng giyera ang lugar na ito.

"Diyaryo! Sinong bibili?! Binuksan na po ang Military Academy!" Sigaw ng batang lalaki na nagbebenta ng diyaryo.

May isang matandang lalaki ang bumili sa benta niya. Napalingon ako sa harap dahil tumigil kami sa bahay nila Tanya.

Maganda naman ang disenyo ng kanilang bahay kahit simple lang. Binuksan ni Tanya ang gate kaya naman pumasok na ako.

Naabutan ko ang kanyang ina na masaya kaming sinalubong.

"Hychii, nakarating ka na pala. Musta naman ang biyahe?" Masaya tanong ni tita.

Ngumiti naman ako.

"Ayos lang po saka magpapahinga sana ako"

"Sige hija, nand'yan lang sa pinto na 'yan ang kwarto mo"

Tinuro niya ang isang pinto na kulay brown. Ngumiti ako saka nagpaalam sa kanya.

Binuksan ko ang pinto saka nilagay sa kama ang aking gamit.

****

"Sigurado ka ba sa gagawin mo? Ang Military Academy ay hindi birong school" Tanong sa akin ni Tanya.

Nakaupo ako sa salamin at nakatingin naman siya sa salamin habang nakaupo sa kama niya.

"Nakaisip na ako ng plan a, pero wala akong sunod na plano"

Pinutol ko ang aking sasabihin saka ngumiti.

"I gotta do this"

Pinutol ko tuluyan ang aking mahabang buhok. Ginawa ko itong gupit na panlalaki.

Welcome self sa Military Academy because girls are not allowed.

Starting tommorow. I am Hychan Zyler Almeria.