84 Courting (2)

"Good morning Manoy Henry." Pataas na kumurba ang gilid ng mga labi ni Cody nang bumukas ang pinto at nang masilayan si Henry na nakasuot na nang puting uniporme.

"O-oh... Cody. Napaaga yata ang bisita mo rito ah. Haha. Papaalis na kami eh." Tumawa nalang si Henry at iginulong ang mga mata sa mukha ni Cody mula sa sandosenang pulang rosas.

Gumalaw bigla ang mga kilay ni Cody at napangiti na rin.

"Ah... Mmh. Alam ko nga po. Hehe. Actually andito ako para sunduin si Bea."

Naunat nalang ang pisngi ni Henry nang marinig ang sinabi ni Cody. Tila ba dinaganan ng napakalaking tipak ng yelo ang kanyang mukha upang mafreeze ito ng ilang segundo.

'Totoo ba ang narinig ko?'

Napakagat nalang nang marahan si Henry sa kanyang babang labi. Hindi naman ito napansin ni Cody bagama't hindi naman manhid ang binata na hindi mahalata na parang nailang bigla si Henry sa kanya.

'Baka dahil hindi siya sanay na ganto ako kumilos. Perstym niya ata ako makitang manligaw.' Tuldok ng kanyang isipan.

Ngunit iba ang tinatakbo ng thoughts ni Henry. He was not mad about Cody being so sweet with her sister, he was just worried.

Worried? Saan ba siya nag-aalala?

Pinilit na hindi alisin ni Henry ang kanyang pagkangiti.

"Ah. Ganun ba. Sige sige. Pasok ka muna. Nagpapaganda pa kasi ang mangkukulam dun sa taas."

Hindi naman nagdalawang isip si Cody na pumasok, tutal feel at home na rin naman siya sa boarding house nila Bea.

"Mukha yatang nakaporma ka ngayon ah. May date ka ba? Tyaka sosyal na sosyal yang dala mong mga bulaklak. Para kanino ba yan?" Panay sulyap ni Henry sa mukha ni Cody habang parang iniexamine ng husto ang magiging reaksyon ng binata.

"Hmm." Biglang sumingkit ang dalawang mga mata ni Cody at kumurba ang mga labi. His hand slowly scratched his bowed head na tila hiyang hiya sa kanyang sasabihin.

"Actually-"

"Cody! Andyan ka na pala!"

Both guys na nakatayo sa may sala suddenly flinched nang marinig ang sigaw ni Bea nang bumakas ang kanyang pinto sa taas.

Because of that, napakunot nalang ang mga noo ni Henry dahil sa pagkairita. Panira ng tyempo ah!

"Bianca naman! Wag ka ngang - 😶😶"

Napatikom nalang ang mga labi ni Henry when his eyes dotted on the young girl na nakatingin sa kanila.

"Pft! HAHAHA!!" Bumagsak si Henry sa tiles at napakapit sa kanyang tiyan. Halos naubusan na siya ng hininga dahil sa lakas ng pagsabog ng kanyang tawa.

"Haha! A-anong... hahaha... anyari sayo, Bianca? Hahaha!" Mas lalong lumakas ang halaklak ni Henry. This time he was already crying and his face turned red ready to burst blood.

It was because of Bianca. Masyadong nasobrahan ang pagkakamake-up. Hardcore!! Kulay maroon na lips stick ang ginamit niya, at masyadong makapal ang pagkakalagay niya nito. Super maitim din ang kanyang pagkakakilay with matching dark brown eye shadows. Naglagay din siya ng mascara para mas humaba pa ang kanyang pilikmata. Tyaka ang blush on kulay brown. Tapos her hair was curled na para bang manghohook ng lalaki sa may kanto. It was a disastrous transformation. Kulang nalang magsasabit siya ng dangling na hikaw para masabihan mo siya na ang aga niya para sa night life!

"Pft!" Hindi na rin napigilan ni Cody ang mapatawa. Ubod lakas niya itong pinigilan upang hindi magalit si Bea. But it was indeed really funny. His hand immediately slapped his mouth as his mouth tightly pressed together. No. He couldn't hold it!

Eh first time pa lang nila makita si Bea in a heavy make up eh.

With that inevitable reaction mula sa dalawa, the glistening look of the young girl suddenly fell until she pursed her lips and knitted her eyebrows.

"Grabe kayo ah! Pinaghirapan ko 'to" Her voice broke until it punched both of the guy's ears.

"Bwahahaha!"

Ngunit hindi nagpaawat si Henry. Kinakalma niya sana ang sarili but sa tuwing titingnan niya ang kanyang kapatid, hindi niya talaga kayang hindi tumawa. The heck! Ang sakit sa tiyan!

But not Cody. Nang marinig niya ang sinabi ni Bea, he immediately cleared his throat sa nagsuot ng seryosong ekspresyon.

Habang nakahandusay pa sa may sofa si Henry, Cody moistened his lips saka ngumiti.

"Don't worry. You're already beautiful... kaya... hindi mo na kailangan ng ganyang make up. Just be on your natural look and you would be in your most beautiful face."

His eyes narrowed until it made a smiling curve na parang nang-aakit sa dalaga. His eyes was stuck on her eyes. Parang Romeo and Juliet lang ang peg. Nakatingala kasi si Cody tapos nasa taas ng hagdan si Bea plus kung titingnan mo ang titigan nila, super lagkit! Dinaig pa ang mga kakanin.

Dugdug! She couldn't help herself but to be moved sa sinabi ni Cody. She gently cupped her chest para ifeel ang nag adrenaline rush niya na puso. With that, naunat bigla ang nakakunot niyang noo as her lips softly wore a smile and continued staring at the young man na nakatingala sa kanya while holding a bouquet of red roses.

Seconds passed pero nakatingin pa rin sila sa isa't isa na tila ba sila lang ang nandun sa loob ng bahay. Fineel talaga nila na nasa kdrama sila.

Natigil tuloy si Henry sa katatawa as his eyes fell on those two na nilalanggam na. Bigla siyang tinaasan ng balahibo nang makita ang tinginan ng dalawa. His blushing visage immediately turned pallid.

avataravatar
Next chapter