webnovel

TAGUAN

Paminsan minsan ay may dadating sa buhay natin na tao na hinding hindi natin makakalimutan; isang tao na masasabayan ang angking kulit na aking taglay; isang tao na kayang kaya kang pikonin at asarin pero hindi mo magawang awayin; isang tao na hindi mo matawag na kaibigan, pero hindi mo din matawag na mahal.

Si crush mo na crush ka.

Siya yung tipong pagtumingin sayo tunaw ka agad, sagad gang buto yung hagod ng kilig mo. Siya yung tipong tao na mapapangiti ka sa tawa niyang kay cute, sa galaw niyang nakakahumali, sa pananamit niyang bagay na bagay sa pagmumuka niyang kay gwapo. Siya yung tao na mapapaisip ka kung paano siya nagkagusto sa ka-pangitan, ka-simplehan, at sa ka-kulitan ko

Tanda mo pa ba yung mga panahong lagi tayong magkasama pagtapos pauwi galing sa ating silid aralan? Yung naghihintayan tayo kasi ayaw nating umuwi ng wala yung isa sa atin? Tandang tanda ko pa yoon!

Tanda ko pa nga noon kala nila tayo dahil lagi kitang katabi, hindi ako mawalay sa'yo. Sabi nga nila, parang linta daw ako; laging naka dikit, hindi matanggal. Pero ok naman sa'yo, minsan nga inaaway mo pa mga nangaasar sakin.

Tapos tanda mo pa ba yung JS prom natin? Todo ako sa pagpapaganda noon para lang ma-inlove ka sakin pero bakit parang baliktad yata nangyari? Nung dumating ka lahat yata ng leeg bumali sa dereksyon mo. Sakin naman, parang tumigil oras tapos naglaway ako sa kagwapohan mo noon. Bwisit ka talaga, Bes. Lalo kitang pinagpantasyahan.

Sa iisang lamesa lang tayo nakaupo, kasama mga kaklase natin, pero parang tayong dalawa lang nandoon sa paningin ko. Andaming lalaki na nagtatanong kung pwede ba daw nila ako isayaw, pero ayaw ko kasi gusto ko ikaw magsayaw sakin. Lumipas na isang oras tapos wala padin. Hay nako.

Tumunog yung favorite song ko; stolen ng dashboard confessional. Bigla kang tumayo, tapos tinanong mo ako.

"Miss, pwede ba kitang isayaw?"

Ako naman si blush ng todo! Waaaaaah kilig much, Bes! Punyeta ka!

"Yes po." with matching pa-bebe.

Habang sumasayaw tayo sa tunog at himig ng aking paboritong kanta iniisip ko na sana lang makita niya ako bilang higit sa kaibigan, higit sa tao na hanggang landian lang, o tao na higit sa may paglihim na tingin. Sana makita niya ako bilang isang taong hahawak sa kamay niya habang siya ay malungkot man o masaya, bilang isang tao na hahawak sa puso mong babasagin.

Isang taong tatanggapin ka ng buong puso at mamahalin ka kung sino man at ano ka man.

Pero muntik na! Hahahaha

Muntik na talaga!

Kiniss mo ako! Kiniss mo ako sa lips ng biglaan! Nagulat ako na bigla bigla din kitang sinampal. Tapos narealize ko na 'ay gusto ko pala'. So pati ako napakiss sayo habang nasayaw. Sinabihan mo pa ako ng matching 'I love you'. Takte, bes. Kung alam mo lang kung gaano ako nafall ng todo sa'yo maiintindihan mo kung bakit ako masayang masaya ngayon.

Bes, dream come true. Pero tulad nga ng sinabi ko, MUNTIK lang.

Kasi may isa ka pa palang surprise. Isang supresang mapapaiyak mo ako. Iyak na may kasamang luha na hindi pang kasiyahan, kundi pang kalungkutan.

"Kunin na ako ni daddy papuntang america, bes."

Boom, panis.

'to finally have something that you always dreamt of, yet to have it shattered mere moments after receiving it.'

Masakit. Sobrang sakit. Pero hindi ko pa maprocesso sa utak ko dahil masaya pa ako noon. Nakatitig lang ako sayo, iniisip yung ngiti mo, yung titig mong nakakakilig at nakakahumali, yung salita mong matamis at may dalang saysay.

Kinabukasan ko lang narealize. Magiibang bansa kana pala. Hinalikan mo lang ako para mag-paalam, hindi para umamin na mahal mo ako. Sinayaw mo lang pala ako para sumaya ako sa araw na mawawala ka.

Dali dali akong naghanda, nagpaganda ako ng todo para makita ka, para napigilan kita sa iyong pagalis, para manatili ka dito sa tabi ko.

Hindi ko pinakita na mahina ako, na nagluluha na mga mata ko. Hindi ko pinakita na mahirap na kasi mawawala ka sa piling ko, na lalayo ka nanghalos walang paalam. Hindi ko pinakita kasi gusto ko masaya ka pag punta mo doon, pakasaya ka at magpaasenso.

Ayon na nga. Umalis kana. Naiwan akong nakatunganga kasama nanay mo, umiyak nalang ako kasi kakaalis mo lang miss na kita. Ganito karin kaya? Kinaya mo din kaya?

Hay nako. Bata pa tayo noon, matanda na tayo ngayon pero bakit ganoon? Patay na patay padin ako sayo. Hindi na umasenso sa relasyon yung kulitan natin, hanggang landian lang. Alam mo kung bakit?

Kasi nagtataguan lang tayo. Taguan ng ngiting may hinahawak na pagmamahal. Taguan ng mga salitang alam nating ikakatuwa nating dalawa. Taguan ng ating mga pangarap na habang buhay mag kasama.

Taguan ng nadarama.