webnovel

Kabanata 7

Pabalik na kami sa room at si Angeline naman ay naiwan don sa cafeteria dahil iintayin niya pa daw yung mga ka group niya.

"Kinilig ka sa sinabi ko kanina no?" biglaang sabi ni Jake

"huh? HINDI HA!" umiwas ako ng tingin dahil baka makita niya na namumula yung pisngi ko.

"Weh? Namula ka nga kanina nung sinabi ko yon eh"

"Tumahimik ka nga kung ayaw mong masungalngal ko yang bunganga mo." inis kong sabi.

"Bat pa kailangan sungalngalin? E halik mo palang matatahimik na agad ako"

Babatukan kona sana siya dahil sa kalandian niyang taglay. Kaso bigla siyang umiwas at humalakhak.

"Puro ka kalandian Jake! Bwisit ka!"

"Sayo lang naman ako lalandi hindi sa iba" Sabay kindat niya sakin.

Nagulat nalang ako sa sumunod na nangyari dahil nag nakaw siya ng halik sa pisngi ko at biglang kumaripas ng takbo papunta sa room.

"JAKE! PUNYETA KA TALAGA!" sigaw ko bago siya makapasok.

Papasok na ako sa room kaso nakatingin silang lahat saakin. Pagtingin ko naman sa harapan nagulat ako dahil may teacher na pala at ako nalang ang wala sa room.

"Sorry ma'am i'm late" nahihiya kong sabi, sabay diretso saaking upuan.

Kala ko ba naman wala pang teacher, yun pala late na ako.

"Hoy girl narinig namin yung sigaw mo sa labas" sabi ni Athena. namutla ako dahil ang lakas pala ng pagkakasigaw ko kaya pati sila ay narinig din. Kaya din pala nakatingin silang lahat sakin kanina nung papasok ako sa room. Shocks nakakahiya pati si ma'am narinig din.

Inis akong tumingin saaking likuran at inirapan si Jake dahil nakangiti pa siya na nakakaasar. Yung mga tropa niya naman ay umiiling at tumatawa.

"Yari ka sakin mamaya punyeta ka!" pabulong kong sabi bago tumingin sa harap at makinig sa teacher namin.

"Panong yari ba? rarapin mo ako?" tumindig yung balahibo ko sa bulong niya na yon.

"Ano ba?! Tumigil ka nga!" inis kong sabi.

Tumawa nalang siya habang umiiling.

Kainis talaga kahit kelan! ilang araw palang kaming mag kakilala pero sobra sobra na yung pang asar. SARAP DAGUKAN!

___________________________________

YES! UWIAN NANAMAN!!

Nag aayos na ako nang gamit nang biglang sumingit si Athena.

"Hoy girl mag kuwento ka nga kanina at bat ka sumigaw"

Oo nga pala hindi kami nakapag kuwentuhan dahil walang late na teacher.

Uminit nanaman bigla yung ulo ko dahil naalala ko nanaman yung nangyari kanina.

"Ninakawan ba naman ako nang halik! Nakakabwiset!"

"SA LIPS?! OMGGG" gulat na tanong ni Athena

"GAGA! SA PISNGI LANG!"

"Ay! Kala ko ba naman sa lips hahaha, sa susunod baka lumevel up ha?! Natatawa niyang sabi.

"Gaga ka talaga!"

Sabay na sana kaming lalabas ni Athena ng biglang humarang si Jake sa daraanan namin.

"ANO NANAMAN?!" inis kong sabi

"Bat galit?" natatawa niyang sabi

"Pano nakakabwiset ka!" sabay batok ko sakanya at irap.

"Sorry na! Sa susunod sa lips na para solid!"

"GAGO!"

humalakhak naman yung mga tropa niya at lumapit samin.

"Pare gago ka pala e!" natatawang sabi nang isa niyang tropa.

"Tanginamo Charles!"

"So bakit ka humarang?" tanong kong sabi. dahil uwing uwi na ako at manonood pa ako ng partners for justice sa netflix.

"Aayain sana kita manood sa practice namin ngayon e." nahihiyang sabi ni Jake.

"Maybe next time? Uwing uwi na ako e, manonood pa kasi ako sa netflix" mahinahon kong sabi. nakakahiya naman kung sisigawan ko pa siya.

"Sure sure! Pwedeng mahingi nalang yung number mo?"

"Dami mo pang dahilan pare! hihingin mo lang pala number ni Kate!" Sabi naman nang isang tropa niya na pogi din.

"Tanginamo din Prince!"

Para di na magtagal binigay ko na sakanya yung number ko. Yung number niya naman ay sinave kona sa cp ko para di na ako mag taka kung sino yung nag text. Kung magtetext!

__________________________

May nagbabasa ba? comment naman kayo! Thankyouu.

-crystal