webnovel

Kabanata 4

Nakauwi na ako sa bahay, nag pasalamat ako kay Mr. Pogi na Jake pala ang pangalan, nung una kinakabahan pa ako pumasok sa bahay kasi baka pagalitan nga ako ni daddy at anong oras na. Buti nalang wala si daddy saka si mommy, nag date daw sa mall. Buti nalang talaga. Kundi sermon ang aabutin ko.

Nasa kwarto na ako pero di ko padin makalimutan yung nangyari kanina ang ganda nang boses niya. Nakakainlove. Tas yung matangos niyang ilong at brown na mga mata. Saka yung labi niyang mukhang malambot. SARAP HALIKAN! charot! Harot ka be? Nung una nahihiya pa ako mag pasalamat na hinatid niya ako kasi nag inarte pa ako bago ako sumama sa kanya.

Flashback.........

Tinikom ko ang aking bibig dahil sa mangha na ang ganda nang boses niya. Akala ko di siya marunong kumanta saka akala ko din di niya alam yung kanta na yon.

Di ko namalayan na nasa tapat na pala kami nang bahay namin.

"Andito na tayo" sabi niya sakin sabay ngiti. Ngumiti ako pabalik at bumaba na, nag dalawang isip pa ako kung mag papasakamat ako o hindi. Pero syempre kahit papaano may hiya ako, hinatid na nga ako tapos di pa ako magpapasalamat diba?

"T-thankyou mr?" natawa naman siya kasi nautal pa ako.

"Jake De leon"

Ngumiti naman ako "Thankyou Jake kasi hinatid mo ako kahit na sinungitan kita kanina" nahihiya kong sabi.

"Walang anuman, sige na pumasok kana baka hinahanap kana nang mommy at daddy mo."

Tumango ako at ngumiti "Thankyou ulit! Ingat ka sa pag uwi!" tumalikod na ako at bago pa ako makapasok sa gate ay sumigaw siya

"SEE YOU TOMMOROW KATE!" tas pinaharurot agad yung kanyang sasakyan.

"See you tomorrow din Jake" bulong kong sabi saking sarili at ngumiti.

Ewan ko kung bakit parang gumaan bigla ang pakiramdam ko sakanya, kasi mabait siya? at maganda ang kanyang boses? HINDI KO ALAM! NAGUGULUHAN AKO!

End of flashback............

Kasalukuyan akong nag  cecellphone at tamang scroll lang sa fb nang biglang may nag pop up na "Jake De Leon sent you a friend request" syempre cinonfirm ko, di naman kasi ako famous hahahaha. Pag ka confirm ko inistalk ko agad. Dami palang nag popost sa time-line niya na

"Sakin ka nalang papi Jake"

"Kainin mo ako papa Jake"

"Todo na to Prince Jake! Para mapansin mo lang ako!, sasayawan kita habang naka hubad"

Natawa nalang ako sa mga kabalastugan na pinag cocomment nang mga to. Puro kagagahan saka puro kabastusan pinagsasabi. Parang di nag aaral sa mamahaling school. Ghad!

Sobrang pogi ba at saka sobrang galing mag basketball ni Jake? Tas Captain pa siya nang team? Edi ang angas niya pala? Hahahaha dami ding  babaeng nag kakandarapa para pansinin sila ni Jake. Halata naman.

Inaantok na ako. Di ko namalayan na 11:30 na pala nang gabi kaya napag pasyahan ko nang matulog dahil may pasok pa bukas.