webnovel

MEET THE RICH SEVEN BROTHERS(HANDSOME NA YUMMY PA)

Laging malas si Shaina sa buhay, magmula nang mamatay ang ama niya sa isang car accident. Mas naging malas pa siya nang mabalitaan niya na baon sila sa utang dahil sa pagiging talo ng ama sa sugalan kaya for the sake of god nagawa siyang ireto ng ina sa matandang mayaman at walang gusto ay ang mapangasawa siya at gustong matikman pati ang puri niya. Kaya tumakas siya sa kanila para di matuloy ang pagreto ng ina sa matanda. Sa kasamaang palad, mas lalong malas ang buhay niya nang makilala ang magkakapatid sina Shawn ang pala kaibigan, si Steven ang bolero, si Tom na napakamaniyakis, si Alejandro ang babaero, si Mark ang tahimik ngunit mabait, si Ken na dating ex boyfriend niya, si at Orlando na masungit. Nabasag niya ang vase na nagkakahalagang 3 million dahil sa galit niya kay Orlando at naibato niya ang mga vase ngunit nakailag to. Nagmakaawa siya ngunit di siya pinagbigyan pero sa isang kundisyon, magtrabaho siya bilang waitress ng mga ito sa isang bar dahil nabasag niyang vase. Ako naman si loka loka handang gawin ang lahat mabayaran Lang niya mga ito. Paano kung umibig siya isa sa mga lalaki, at paano kung may mga pagtingin din ito sa kaniya? pagaagawan kaya siya?

Ruth_Rendon · Urban
Not enough ratings
30 Chs

Chapter 27: Jealous And Grunt

Binuhat ulit ni Shaina si Alejandro, this time papasok na ng bahay. Di ko maiwasang mangalay at mabigatan dahil sa bigat at laking tao nito.

Ipinasok ko siya sa sarili kong kuwarto at ipinahiga sa kama dahil sigurado akong di ito sanay sa upuang kahoy. Kumuha ako ng face towel at warm water, habang ginagawa ko yun ay hinuhubaran ko ang damit niya.

Medyo naasiwa ako sa lapad ng dibdib, six pack abs, mas lalo akong naasiwa ng bumaba ang kamay ko sa pantalon niya na basa dahil sa natapong alak.

Pinikit ko nang maigi ang aking mga mata, saka dahang-dahan binaba ang suot nitong pantalon. Marahan ko nabulat-lat ang mga mata ko at nanlaki nang makita ko kung gaano kalaki ang pagkalalaki nito kahit naka- brief ito.

Napa "OH MY!" ako. "Paksyet ang laki naman" bulong ko sa sarili, teka shit pinagpapawisan yata ako.

Kahit di gaano ka-init ang paligid ay pakiramdam ko ay sobrang pawis na pawis ako dahil sa kaniya.

'Teka! Maghunus dili ka Shaina tandaan mo lalaki ito at babae ka' pagalit niya sa sarili pero may bahagi ng utak naman na nagsasabing 'ang yummy niya talaga' napalunok ako bigla.

Kumuha ako ng bimpo, piniga at sabay pinagpupunas ang ulo pababa sa katawan nito. Hangang sa bumaba pa kamay ko sa may abs at bumaba pa. Nang akmang ibaba ko na nang napamulagat at napasigaw ako kasi may humawak sa kamay ko "Aayy!!"

"S-sir! Hehehe!" I did fake laughed when she saw him awake. I gulped, bumangon ito at hinapit ang katawan ko sa katawan niya.

"Shaina!" nagkatitigan kami, base sa nakikita ko ay may pagnanasa yun.

"Hmm!"

Bigla niya ako pinahiga sa kama, kaya ang ending. Nasa taas niya ito habang nasa ilalim naman ako, di ko mabasa ang nasa isip niya pero may pagnanasa pa rin yun.

"Did you like Orlando

"H-huh!"

"I know you do like him, pero di ko maiwasang magselos. Buong buhay ko ay lagi siya ang gusto ng Papa ko dahil siya lagi ang mas magaling, mas matalino pero kahit naiingit ako ay di ako nagreklamo. Ngayon pati sa iisang babae ay maiingit pa ako sa kaniya, bakit napaka-unfair."

Bumutong hininga ako sa napagtanto, pagseselos at ingit ang nangingibabaw rito.

"Minsan ba.. Nagustuhan mo ba ako?" natigilan ako sa sinabi niya, di ako makapagsalita.

"Sir-este I mean Alejandro, bakit ganiyan ang tanong mo?"

Kumalas siya sa akin at hinarap ako, unti-unting bumaba ang halik nito sa akin ngunit namuntikan na dahil tumunog ang cellphone niya "Alejandro saglit lang!"

Umalis siya sa pagkakadagan nito at sinagot ang cellphone "hello! Orlando!" napa-angat ang mukha ni Alejandro sa akin nang malaman kung sino ang tumawag.

"Shaina puwede ba kita ayaing magdate? May supresa ako at siguradong mabibigla ka" tumingin muna ako kay sir Alejandro bago sinagot ulit ang tanong nito.

"S-sige!"

"Bukas! ite-text ko sa'yo ang lugar at oras dahil day off mo pa rin naman ay magkakaroon tayo ng oras para maka-bonding mo siya" bahagya ako ngumiti saka pinatay ang cellphone.

"Dito ka na lang matulog" aya sa akin ni Alejandro, napangiwi ako dahil sa gusto pa niya yata ako tumabi sa kaniya.

"Uhm! Alejandro kasi-!"

"Alam ko! Wag kang mag-alala dahil wala akong gagawing masama sa'yo."

Tumabi ako sa kaniya pero naglagay ako ng unan pang-harang. "Shaina!" tawag ulit nito sa pangalan ko.

"Hmm!"

"Sana kahit nagkakagusto ako sa'yo. Sana wag mo ako layuan" di agad ako makapagsalita.

"O-oo naman!"

"Pagbigyan mo sana ako kahit isa man lang!"

"A-ano yun?"

"I want to kiss you" napabangon ako dahil di ko inaasahan ang gusto nito.

"Please!" pagmamakawa nito.

"Alam mo naman si-!" naputol ang dakdak ko sa kaniya dahil siniil na niya ako ng halik, saka siya bumitaw sa akin at natulog patalikod.

"Goodnight sweet dreams!" anito pahabol.

Napangiti ako na ewan ba.