Nakatitig sa kawalan si Alejandro nang maulingan niya ang mga yabag ni Shaina sa likuran. "Sir! Napagutusan po ako ni sir Orlando na pirmahan ang mga documents na dala ko."
Humarap siya rito saka pinapirma ang mga yun, tatalikod sana ito nang tawagin niya, napalingon ito. "Samahan mo muna ako."
"Sige po habang wala pa po si sir Orlando."
"Samahan mo ako." paanyaya niya, saka medyo dumikit sa ding ding, humugot muna siya ng lakas bago magsalita.
"Medyo di na kayo nagbabangayan ni Orlando, parang kay laking pagbabago."
Napatingin ito sa kaniya saka natawa ng bahagya, maaliwalas ang paligid at kay ganda ng tanawin.
"Medyo nga ho!"
"Wag kang 'mag-po at opo' lalo na kung ako ang kaharap mo." sabi niya na nakapamulsa na humarap rito, nahihiya ang nakikita niya sa anyo nito saka niya ito tinawanan.
"Wag kang mahihiya sa akin kapag tayong dalawa lang, call me 'Alejandro' or 'alejan' for short."
"P-pero! Marami pong makakapansin nito."
"Ako ang bahala sa kanila." anya bahagyang lumapit kay Shaina at hinawakan ang baba nito.
Namula ang mga pisngi nito na parang kamatis, natulala ito nang bahagya, mas lalo siyang nagagandahan rito. Bumaba ang mga mata niya sa mata na kulay brown, ilong na napakatangos, at mga labing pulang-pula kahit walang lipstick at kay lambot parang sarap hagkan. Kung tutuusin ay may hawig ito kay Kathryn Bernardo, medyo kapag side view.
"Sir! Baka po may makakita sa atin." itag nito, saka inalis ang pagkakahawak niyang kamay sa baba nito.
Yumuko ito at umalis, di niya ba alam kung nahihiya ito sa ginawa niya o nagblush. Nawala ang ngiti niya, kapag Ito ang kaharap niya ay nawawala siya ng ulirat.