webnovel

Chapter 2

Nandito ako ngayon sa soccer field ng school kung saan hindi masyadong matao dahil lunch time. May mga kaibigan naman ako pero ayoko munang istorbohin sila lalo na't malapit narin ang exam and I just want to be alone and have peace with myself.

"S-serene, u-uhm matagal na kasi k-kitang gustong tanungin kung ano..." nahihiyang ani ng lalaking nasa harap ko ngayon. Alam ko na kung saan ito patungo kaya inunahan ko na.

"No." agap ko sakanya na mas lalong ikinaputla ng mukha nya. Marami nang nagsubok na tanungin yan saakin ngunit kahit isa walang pumasa. What can I do? I would rather be hopelessly waiting for the right one instead of being in a relationship with the wrong one.

Alam nyo yung feeling na walang spark? yung tipong kahit pakitaan ka ng motibo parang wala lang sayo kasi di mo ma feel na sya yung tamang tao? ganon yung nararamdaman ko everytime na may bumabalak na umamin o di kaya'y manligaw saakin. At isa pa, the reason why they keep on asking me out is because of fame. They think na kapag napalapit sila saakin ay makikilala na sila ng lahat. A total social climber it is.

Habang nagmumuni-muni hindi ko parin maiwasang hindi maisip yung lalaking tinawag ako sa Hushy which is pamilya ko lamang ang tumatawag saakin. My name, Serenity means calm and peace. Hushy ang palayaw ko dahil kapag umiiyak ang isang tao ganto magpakalma diba? kaya ganon. Ang pinagtataka ko ay kung bakit nya ako tinawag sa ganon? kung hindi lang ako nagmamadali baka natanong ko na sa kanya kung pano nya nalaman yun.

Napasinghap nalamang ako at tumayo na para sa klase. Pagdating ko sa corridor ay napatingin ako sa mga varsity player na may pinagtitripan nanaman. Hayyyy same old drama.

Lalagpasan ko na sana sila ngunit nahagip ng mata ko ang lalaki kahapon sa coffee shop at sya itong napiling pagtripan ng mga hambog na ito.

Nakaramdam ako ng awa sa kalagayan nya. Magulong buhok, punit na mga libro, basag na salamin and worst putok na labi.

Nag alangan pa ako kung tutulungan ko ba sya kasi first of all, we are a total stranger! uhm not so total pala hihi. Huminga ako ng malalim at lumapit na.

"Uhm excuse me?" Maingat kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Agad naman silang nag sipag tinginan saakin at sabay sabay silang ngumisi na nagdulot ng nakakakilabot na pakiramdam saakin. Ok? that was absolutely creepy but papanindigan ko na to.

"Pinapatawag na kasi kayo sa court sabi ni coach and bilisan nyo daw dahil may mahalaga kayong pag uusapan. Sorry napag utusan lang." bigla akong napayuko ng wala sa oras dahil sa mga kasinungalingang pinagsasabi ko. I would probably go to hell right now. Nakita ko naman ang pag aalinlangan sa mga mata nila pero kalaunan ay nag si alis na rin. Habang paalis sila ay agad naman akong lumapit sakanya.

"Are you ok? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong ko sa kanya.

"I'm fine. You don't need to compose a lie just to be a hero this time. I can handle myself. I don't need your help tss." masungit nyang ani saakin na dahilan para tumaas ang aking kilay.

"That's it? atleast no thank you? urgh! you're so mean! ikaw na nga tong tinulungan dahil nakakaawa ka nang tignan tapos hindi mo parin kailangan ng tulong?" sigaw ko sakanya out of frustration. Ako na nga tong nag magandang loob para tulungan sya kahit papano tapos wala manlang thank you? wow.

"Hindi mo kailangang maawa sakin dahil hindi ko kailangan ng awa mo. Just leave, will you?" Marahan ngunit may diin nyang saad. Napalunok naman ako at tumalikod na sakanya. I just can't take his attitude anymore. Akala mo kung sino! edi sya na yung bida!

Habang naglalakad, bigla nalang ako napangiti. Hayy ang sungit naman. Pero kung hindi lang ganon yung ugali non? siguro crush ko na yun ngayon hahaha isipin mo, napaka perpekto ng kanyang mukha ugali lang yung hindi tss. I wonder, bakit kaya ang sungit sungit non? dinadalaw ba yun? monthly visit? red days? napatawa na lamang ako sa sariling iniisip. Baliw kailan pa nagkaroon ng dalaw ang mga lalaki ha? ayy ewan.

"I'm homeeee!" sigaw ko pagkapasok ko pa lamang sa bahay. Sinalubong ako ng aming kasambahay at agad ko silang nginitian. Demeretso naman ako sa aking kwarto para makapag pahinga na. Hindi parin talaga maalis sa isip ko yung lalaking naka sabay ko sa coffee shop. Bakit kaya bigla nagsusungit yun? mabait naman sya sakin nung isang araw. Ewan ko ba pero bigla akong na curious sa pagkatao nya. Maybe because I am challenged by his existence. Sya lang ang unang taong tinaboy ako despite being known. Hindi ko sya gusto pero hindi ko din sya ayaw. In between kumbaga. Hindi ko alam kung bakit pero may nagtutulak saakin na kilalanin pa sya.

Hayyy Mr. Masungit na Dean Zyl, are you the one I keep on waiting for?