Pagbalik sa kwarto namin agad akong pumasok sa kwarto ko, di ko na pinansin si Martin. Basta ang alam ko lang is pagod ako di dahil sa physical activities kundi sa pag-iisip. Para kasing nakapalaking puzzle si Martin sa akin na di ko ma-solve. Agad akong humiga sa kama at di ko na namalayang naka tulog pala ako.
Parang naalimpungatan ako nung maramdaman kong may dumadampi sa pisngi ko na parang may humahalik sakin. Agad ko iyong tinabig baka kung ano lang pero laking gulat ko ng may humawak sa kamay ko kaya agad akong nagmulat ng mata.
Ang tumambad sa akin ay ang guapong muka ni Martin na nakangiti habang naka higa rin sa kama ko parang ang tagal ng pagproseso ng utak ko sa sitwasyon pero nung muli niya kong halikan sa labi saka ko lang napagtanto na totoong nasa loob ng kwarto ko si Martin kaya agad ko siyang itinulak.
"Pano ka nakapasok?" Takang tanong ko kasi alam ko sinigurado kong ini-lock ko yung pintuan. Mabilis akong umupo para check kung may saplot ba kong nawawala.
"Secret!" Naka loko niyang sagot sabay upo narin.
Tiningnan ko lang siya ng masama kasi alam ko naman di niya aaminin kung paano niya nabusan yung pinto. Nung ma check kong okey naman ako, tuluyan na kong tumayo at sinipat yung relo ko sa kamay.
Nine na ng gabi halos three hours din pala akong naka tulog. Muli kong inulit yung tanong ko kay Martin na muling humiga sa kama ko.
"Pano ka nakapasok?"
"Pumasok ako sa pinto." Pabiro niyang sabi. Doon ko lang napansin na bukas na ito.
"Wag mong sabihing may susi ka ng pintuan ko?" Pag-uusig ko kasi di naman sira yung lock so di siya pinewersa so isa lang ibig sabihin nun may susi siya.
"Kanina pa kasi ako kumakatok, di ka sumasagot kaya akala ko napano ka na. Kaya hiningi ko yung emergency key sa admin." Sabay tayo.
"Ewan ko sayo!" sabay tulak sakanya kasi nga lumalapit nanaman siya sa akin at tuluyan akong lumabas sa kwarto at dumiretso sa banyo.
Paglabas ko naka upo na siya sa sofa at may binabasa sa cellphone niya pero agad naman niya iyong itinago nung makita niya ko.
"Kain na tayo!" Yaya niya sakin.
"Sige," Tanging sagot ko habang dinampot ko yung wallet ko.
Dinala niya ko sa restaurant sa may ground floor at kasalukuyan na kaming naka upo sa two seater na upuan kaya magkaharap kaming dalawa.
"Asan si Mang Kanor?" Tanong ko habang naka tingin ako sa menu.
"Nagpapahinga na, Nauna na siyang kumain tagal mo kasing gumising." Sagot niya sakin habang naka tingin din sa menu.
"Bakit di ka nalang kasi sumabay sa kanya kung natagalan ka sa akin?" Pagsusungit ko.
"Bakit si Mang Kanor ba yung girlfriend ko para sabayan ko siyang kumain?"
"Hindi mo siya girlfriend… Boyfriend mo!"
"Ang cute mo talaga!" Sabay kurot sa pisngi ko.
"Cute mo muka mo!" Sabay hampas sa kamay niya.
"Good Evening Sir and Madam!" Tawag atensiyon ng Waitress na lumapit samin.
"Miss ano yung pinaka mahal na pagkain dito sa menu niyo?" Naka ngiti kong tanong.
"Pinaka mahal po madam?"
"Yes, yung pinaka mahal na pagkain sama mo narin yung pinaka mahal na drinks. Mayaman kasi itong boyfriend ko. Kaya oorder kami ng mahal!" Pagyayabang ko, talagang sinadya ko yun para kunyari gold digger ako at ng maturn-off na tong naka hawak nanaman sa kamay ko. Akala ata nito mawawala ako kaya sige ang kapit.
"Ah… Okey po Madam! Ito po yung pinaka mahal naming pagkain dito sa restaurant."
Sabay paliwanag ng mga mamahaling pagkain.
"Lechon de Leche Served with Aromatic Rice, Mango Chutney, Balsamic Caramelized Pearl Onion, Grilled Spring Onion & Assorted Mushroom & Housemade Liver Sauce with a price of fourteen thousand pesos. Sa wine meron po kaming Napa Valley 2006 Opus One price niya po is thirty-eight thousand five hundres thirty-five pesos. Sa soup po yung Nido Soup ang nasa top price po niya is twelve thousand per bowl. Sa desert po we have Frrrozen Haute Chocolate ice cream five thousand po yung price." Mahabang salaysay ng waitress bigla akong napanganga sa mga presyo ng pagkain. Parang bigla na kong nabusog.
Ano bang meron sa mga pagkain na yan at ganun ang mga presyo? Dun sa kinakainan ko ang pinaka mahal lang na naririnig ko ay one thousand to two thousand at sa ganung presyo lulang lula na ko. Parang gusto ko ng bawiin yung sinabi ko. Baka mamaya kasi di ako matunawan sa ganyang kamamahal na pagkain di sanay yung bituka ko.
"Madam?" Muling tanong ng Waitress.
Bigla akong napatingin kay Martin. Nakatingin din siya sa akin habang naka ngiti halatang natatawa siya sa akin. Siguro nakita niya na gulat na gulat ako sa mga presyong sinabi ng waitress. Inirapan ko siya sabay sabi ng "hmmp!"
"Place the order," sabi ni Martin sa Waitress. Siya na yung sumagot on my behalf. Buti naman kasi pag ako yung sumagot ng "OO" tapos di niya binayaran patay ako. Isang taon ko na atang sahod yung total ng kakainin namin. Sayang yung pera!
"It is our first meal bilang mag boyfriend at girlfriend kaya dapat talaga mag celebrate tayo." Sabay piga sa palad ko.
Hinila ko yung kamay ko pero di niya binitiwan. Ibinaling ko nalang yung tingin ko sa iba. "Seryoso ba talaga siya willing siya gumastos ng ganung kalaking pera para sa akin?" tanong ko sa sarili ko. Yun talaga yung gumugulo sa isip ko di ko kasi alam kung binibiro niya lang ako or like niya lang magkaroon ng ka fling habang nasa biyahe siya. Pero sa pinakikita niya parang minsan naniniwala na ko na seryoso talaga siya. Naputol yung pag-iisip ko nang bigla siyang magsalita.
"Is he more handsome than me?"
"Huh?" takang tanong ko sa kanya.
"Siya!" Sabay turo nung lalaki sa kabilang table. Agad ko naman sinundan yung kamay niya. Doon ko napansin na itinuro niya yung isang lalaki kung saan ako nakatingin kanina. Pero kung tutuusin wala naman talaga sa lalaki ang isip ko nakatingin lang ako dun pero di ako dun naka focus.
Pinagpali-palit ko yung tingin mula sa lalaki pabalik kay Martin. Kung tutuusin may itsura yung lalaki mistiso, matangkad pero medyo payat pero kung ikukumpara kay Martin malayo kaya agad akong sumagot ng,
"You are more handsome!" Agad naman siyang ngumit ng marinig yung sagot ko.