webnovel

The best!

Maka-ilang minuto pa ang lumipas bago kami makarating sa under ground parking lot ng hotel.

Sabay kaming lumabas ng kotse at dahil nga hawak ko na yung bag ko ako na ang nagbitbit. Pero agad akong nilapitan ni Martin para kunin yun.

"Kuya pahinga ka na po. Akin nap o yung susi!"

"Sige po Sir! Mauna na po ako!"

"Ingat po Mang Kanor!"

Agad kaming sumakay ng elevator paakyat. Pag dating namin sa itaas mabilis na inilagay ni Martin yung tumb niya sa door lock agad naman siyang ina- acknowledge nun. Kaya nagtaka ako bakit di niya pa binuksan yung pinto sa halip may mga pinindot-pindot pa siya.

"Sira ba?"

"Hindi! Ire-register lang kita para kahit anong oras pwedi kang pumasok!"

"Di na kailangan saka lagi naman kitang kasama pag pumunta dito kaya di na yan kailangan."

Pero sa halip na pakinggan niya yung paliwanag ko agad niyang hinawakan yung thumb ko at inilagay sa sensor ng matapos yung kanang kamay ko kinuha niya yung kaliwa at ganun uli ang ginawa. Hinayaan ko na lang, alam ko naman sa sarili ko na di ako pupunta dun na di siya kasama kasi ayaw ko invaid yung privacy niya.

Nang matapos kami agad na kaming pumasok sa loob. Mabilis akong nagtanggal ng sapatos at ganun din siya. Pero laking gulat ko ng may ilagay siyang kulay pink bunny house slippers sa tapat ng paa ko.

Nagtaka ako kasi last time na bumisita ako sa bahay niya hindi ito yung sinuot ko. Pero bigla akong natawa nung makita ko yung suot niyang house slippers parehas ng design ng sakin ang pinagka iba lang kulay gray yung kanya. Mukang ito yung sinasabi niyang pinaghandaan niya.

"Binili mo?"

"Oo, nagustuhan mo?"

Naka ngiti niyang sagot sa akin.

"Ang cute! Salamat!"

"Pahinga ka muna dun sa sofa! Lagay ko muna itong bag mo sa kwarto!"

"Wait akin na yung tupig, lagay natin sa ref para di masira."

Mabilis ko yung kinuha at pumunta ako sa kusina. Pag bukas ko ng ref niya doon ko nakita na puro lang inumin ang laman andun ang beer, soda, juice at tubig. Inilagay ko yung tupig sa vegetable section kasi yun lang ang walang laman.

Muli akong bumalik sa sala at umupo sa upuan. Try ko sanang magbasa ng magazine kaya lang puro naman yun tungkol sa business kaya muli kong binalik sa lamesa ng tawagin ako ni Martin.

"Michelle!"

Iniaabot niya sa akin yung remote ng TV na agad kong kinuha para manuod at ng malibang dahil nga busy pa si Martin sa pag order ng pagkain namin. Agad akong nag stroll ng channel pero wala akong nagustuhan hanggang sa mapunta ako sa cartoon channel kung saan ang palabas ay Mr. Lupin. Dahil young of hearts parin ako pinanuod ko yun.

"Bakit yan pinapanuod mo?"

Tanong ni Martin na umupo narin sa tabi ko. Hinubad na pala niya yung coat niya at naka long sleeve polo shirt na lang siya. Wala narin siyang suot na neck tie.

"Bakit yan pinapanuod mo?"

"Wala naman magandang palabas. Nakatuwa kaya ito! Pinapanuod ko ito nung bata ako!"

"Talaga! Anong kwento?"

Muling tanong niya sa akin habang ipinatong yung kanang kamay niya sa balika ko at lumapit siya sa akin ng bahagya.

"Si Lupin magaling na magnanakaw tapos patay na patay siya diyan kay Fujico.

"Para kang bata!"

Sabay pisil sa ilong ko.

Maya maya dumating na yung pagkain namin kaya agad narim kaming tumayo para maghapunan.

"Kain na!"

Di na ko nagpatumpik at nag umpisa ng kumain. Ako na ang nagpresentang maghugas ng kinainan ng matapos kami at pinauna ko na siyang maligo.

Pagkatapos kong magligpit muli akong umupo sa sofa at nanuod ng Tv. Pero nagulat ako ng tapikin ako ni Martin.

"Ligo ka na para makapag pahinga na tayo!"

"Okey!"

Mabilis akong tumayo at pumasok sa kwarto niya. Kumuha muna ako ng damit na isusuot ko bago pumasok ng CR.

Sa loob ng CR kapansin pansin yung kulay baby pink na bathrobe at baby pink na tuwalya. Merun na ring shampoo at sabon na usual kong ginamit at take note may toothbrush na rin para sa akin.

Kanina ko pa inaala yung mga gagamitin ko sa paliligo kasi nga naiwan ko yung sabon at shampoo ko buti na lang totoong pinahandaan ni Martin ang pagpunta ko.

Paglabas ko nakita ko si Martin na naka upo pa kama at may hawak na cellphone pero nung marinig niyang bumukas yung pinto ng CR agad siyang tumayo at hinila yung upuan sa tokador.

"Halika tuyuin ko buhok mo!"

"Bakit wala kang damit?"

"Ganito talaga ako pag natutulog di ako nag susuot ng damit usually nga naka brief lang ako pero dahil andito ka nagsuot ako ng short."

"Baka naman sipunin ka niyan?"

"Di naman! Ayan tuyo na! Akin na yung tuwalya mo sampay ko."

Hinila niya yung tuwalya ko at pumasok ng CR para isampay. Ako naman mabilis tumayo at lumapit sa aparador niya para kuhaan siya ng damit. Naasiwa kasi akong makita siya naka hubad lalo pa nga at nakakasilaw yung mga muscle niya sa dibdib at mga braso.

Pagbukas ko ng aparador ang bumungad sa akin ay mga damit na pambabae na labis kong pinagtakhan. Nang biglang magsalita si Martin.

"Para sayo yan binili ko para kung bigla mong maisip mag sleep over dito may maisusuot ka."

"Ang dami naman! Saka if ever naman magdadala ako ng damit kaya di na ito kailangan."

Muli kong sinarado yung aparador at lumipat ako sa kabila dun ko nakita yung mga damit ni Martin na naka ayos kaya agad akong nakakita ng t-shirt na pwedi niyang suot. Bago ko pa maisara yung aparador ng magsalita uli si Martin.

"Binilhan nga din kita ng panty at bra eh!"

"Binilhan mo ko?"

Ulit ko sa sinabi niya habang nanlalaki yung mata ko.

"Oo andiyan sa drawer katapat ng damit mo."

Agad ko yung binuksan para masigurado kong totoo yung sinabi niya. Namula yung pisngi ko sa nakita ko paano ba naman puro sexy bra at panty ang andun. Merong t-back, lace na halos kita na ang lahat at kung ano anong style na makikita mo sa mga porn movies. Di ko mapaliwanag yung nararamdaman ko parang gusto ko siyang sakalin.

"Nagustuhan mo? Hirap na hirap ako sa pagpili ng mga yan kung pwedi nga lang bilhin ko lahat na andun pero di naman pwedi kasi alam ko di ka papayag kaya pinili ko na lang ang mga the best."

"THE BEST?"

Ulit ko sa sinabi niya. Sa tingin mo the best ang lahat ng ito sabay angat nung panty na halos yung butas lang ng hiyas mo ang natatakpan.

"Oo yan ang the best!"

Next chapter