webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

QUITE YOUR JOB 1

Habang pinupunasan ko yung muka niya bigla niya kong niyakap ng mahigpit.

"Di ka ba niya sinaktan?" Tanong niya sa akin habang naka subsob yung muka ko sa dibdib niya.

"Sinabunutan niya ko tapos hinablot niya yung braso ko!" Sumbong ko.

"Patingin! Saan?"

"Dito!" Tinuro ko yung braso ko na bakat na bakat pa yung pagkakahawak ni Mr. De Jesus kanina. Agad yung hinaplos ni Martin para pawiin ang sakit nun.

"Saan yung sinabunutan niya?"

"Dito oh, sa bandang batok! Tingnan mo nga baka nakalbo na ko!" Pagbibiro ko. medyo masakit parin yun pero di na big deal gusto ko lang paga-anin yung sitwasyon at syempre kasama narin dun ang paglalambing ko kay Martin. Kagaya ng ginawa niya sa braso ko hinaplos niya rin yun para mapawi ang sakit.

"Di ka ba niya...." Di ko na pinatapos yung sasabihin ni Martin dahil agad ko siyang sinagot.

"Hindi!

"Hays!" Buntong-hininga ni Martin habang muli akong niyakap. Di na siya muling nagsalita at ganun din ako pinakikingan ko lang yung tibok ng puso niya. Nung feeling ko ang tagal na namin magkayakap kumawala na ko sa kanya.

Muli akong kumuha ng wet wipes para ipagpatuloy ang pagpunas sa muka niya pero pinigilan na niya ko.

"Okey lang, maligo na lang tayo pag dating sa bahay!" Di na ko nagpumilit at muli na niyang pinaandar yung sasakyan.

Pagdating namin sa Pad niya agad niya kong pina unang maligo dahil may aasikasuhin pa daw siya kaya nauna na kong pumasok sa banyo.

Paglabas ko wala si Marin kaya sumilip ako sa sala andun siya naka tayo sa may pintuan sa labas at may kausap sa cellphone niya naka kunot ang noo at halatang galit. Iniisip ko baka yung tungko sa nangyari kanina marahil si Yago yun nag-rereport sa kanya.

Nag-susuot na ko ng underwar ko ng pumasok si Martin sa kwarto namin. Di na ko pumasok sa banyo para magbihis kasi wala naman na dapat akong ikahiya kasi nakita naman na ni Martin ang lahat sa akin. Tinulungan niya kong i-hook yung clasps ng Bra ko dadaputin ko na sana yung t-shirt ko nung pigilan ako ni Martin.

"Dumapa ka muna sa kama, Hintayin mo ko may kukunin lang ako!" Utos niya sa akin at muling lumabas sa kwarto. Nagtataka ako pero sumunod parin ako sa utos niya. Naka slant ako sa kama kaya medyo lagpas yung paa ko kaya habang hinihintay ko siya tinataas baba ko yung mga binti ko na parang ini-exercise ko ang mga ito habang naka unan ako sa naka cross kong mga braso. Naka tingin ako sa gawing pintuan para tingnan kung anong kinuha ni Martin.

Pagpasok niya may dala siyang compress bag kaya lalo akong nagtaka.

"Para saan yan?" Tanong ko habang papatayo pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pagtulak ng bahagya sa likod ko kaya muli akong dumapa. Sa halip na sagutin niya ko inilagay niya yung compress bag sa bandang spine ko malapit sa balakang. Nakaramdam ako ng lamig at nabawasan yung sakit yun yung parte na bumangga kanina sa lamesa nung ibalya ako dun ni Mr. De Jesus kanina.

"Nagpasa ba?" Tanong ko kay Martin na di kumikibo at naka tingin lamang sa likod ko.

"Di naman kaya lang pulang-pula na siya kapag di natin ito nilagyan ng cold compress malamang magpapasa ito bukas. Masakit ba?" Tanong niya sa akin habang humiga na rin sa tabi ko. Naka side position siya habang isiningit yung braso niya sa ulo ko para gawin kong unan. Umusok ako sa pwesto niya para magdikit yung katawan namin.

Hinalikan niya ko sa noo na siyang nagbigay ng ngiti sa labi ko. I feel safe ang secured sa tabi ni Martin para wala na ko dapat pang alalahanin basta andiyan siya kaya di ko mapigilang mapapikit.

"Wag kang matulog basa pa yung buhok mo." Paalala niya sa akin.

"Opo!" Magalang kong sagot.

"Natakot ka ba kanina?"

"Oo" Muli kong sagot sa kanya di ko naman kailangang umarteng matapang sa harap ng boyfriend ko at kahit naman sigurong sinong babae na nasa ganung sitwasyon ay matatakot din pero syempre dapat gamitin mo yung takot para lalo kang maging matapang at di para panghinaan ka ng loob.

"Nasa kulungan na siya. Bukas pupunta tayong police station para magsampa ng formal complaint pero innayos na yun ng abogado ko kailangan mo lang magbigay ng statement pero kung takot ka pa rerequest ko na dito na lang sa bahay gawin."

"Doon na lang sa presinto baka kasi magtaka yung mga tauhan mo kung bakit may pulis na pupunta dito sa bahay mo."

"Wag mo yung alalahin ang iniisip ko ikaw baka kasi may truma ka pa?"

"Ano ka ba okey na ko, Saka sasamahan mo naman ako diba?"

"Hmmm di kita iiwan!" Sagot niya sakin na full of sincerity at muli akong hinalikan sa noo.

"Thank you!" Sagot ko naman sa kanya at sabay dampi ng halik sa labi niya.

Hinaplos ni Martin yung muka ng punong-puno ng pag-aalala.

"Okey lang ako wala ka ng dapat alalahanin." Pag-aasure ko sa kanya.

"Hon, magresign ka na sa trabaho mo." Buling niya sa akin.

"Hon naman!" Protesta ko.

Mahal ko yung trabaho ko at nag-eenjoy talaga ako. Ayaw kong maging dahilan yung nangyari kanina para huminto ako at magresign kahit papano alam ko naman kaya kong pangalagaan ang sarili ko kaya agad akong nagprotesta. Nang makita ni Martin na nagprotesta ako di na niya pinagpatuloy yung topic sa halip ay tumayo na siya.

"Ligo muna ako!" Paalam niya sa akin.

"Okey!" Pag-sang ayon ko. Wala ng dugo sa muka si Martin or sa kamay niya hinubad na rin niya yung suot niyang damit na may dugo malamang nung nasa banyo ako ay nagpalit na siya marahil di rin siya naka tiis dahil dugo iyon ng taong nanakit sa akin.

Tinanggal ko na yung compress bag sa likot ko at tuluyan na kong tumayo at nagbihis kasi nga nilalamig na rin ako. Di nga ako magkakaroon ng pasa sisipunin naman ako kanina kasi yakap ko pa si Martin kaya di ko masyadong ramdam pero ngayon ramdam ko na. Nag-suot ako ng mint green na t-shir at pantalon. Binili ito sa akin ni Martin na if ever mag stay ako dito sa place niya ay may damit ako pero ngayon lang ako gumamit ng damit na binili niya kasi usually pagpumupunta ako dun may dala na kong extra.