webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

My Honey

Nauna akong natapos kumain kaya sinilip ko muna yung phone ko habang hinihintay kong matapos si Lucas at Martin.

"Samahan mo muna ako sa taas," sabi ni Martin. Iniisip ko si Lucas yung sinasabihan kaya di ako nag-angat ng tingit at nagpatuloy ako sa pag-scoll ng phone ko kaya nagulat ako ng bigla niyang hilahin yung braso patayo.

"Bakit?"

"Samahan mo muna ako!" ulit niya habang tuluyan na niya kong hinila patayo

"Wait lang!" reklamo ko habang hinablot ko yung wallet ko na nakatapong sa lamesa at sa pilitan akong hinila palabas ng restaurant.

"Bitawan mo na yung kamay ko, susunod ako sayo!" sabi ko habang inaalis ko yung kamay niyang parang bakal na nakahawak sa braso ko pero parang walang narinig si Martin at patuloy akong kinaladkad hanggang makasakay kami ng elevator.

"Bitaw na!" muli kong sabi pero parang wala talaga siyang narinig.

"Sinasabi ko sayo kapag nalaman ni Ellena itong ginagawa mo!"

"Wala akong paki!" poker face na sagot ni Martin sakin.

"Wala kang paki kasi di ka naman yung kakalbuhin niya kapag nagkataon," reklamo ko habang tinitingnan ko si Martin na para bang ewan. Di ko na kasi maintindihan yung kinikilos niya.

"Di niya yun gagawin!"

"Paano mo nasabing di gagawin?" taas kilay kong tanong kasi kahit sinong babae na nilalandi yung fiance niya malamang maghumirantado pero wait di ko naman nilalandi si Martin ah siya yung lumalandi sakin.

"Ting!" tunog ng elevator indicating na nasa top floor na kami kung saan naroroon yung Pad ni Martin.

Lumabas siya kagad habang hila-hila ako, di ko maiwasang pagmasdan yung paligid. Wala itong pinagbago maliban sa full bloom lahat ng rosas na naka tanim dun, di ko maiwasang mapangiti kasi sa ganda ng nakita ko.

Nung maramdaman kong lumuwag yung pagkakahawak sakin ni Martin agad akong umalis at lumapit sa mga bulaklak.

"Ang ganda na nila ah, nag hire ka ng gardener?" tanong ko kay Martin na naka sunod sakin.

"Gusto mo pitasan kita?"

"Wag! Mas maganda pag andiyan lang sila," sabi ko habang hinahaplos ko yung petals ng isang pulang rosas at di ko mapigilang mapayuko at amuyin ito.

"Pasok na tayo sa loob, mainit!" paalala ni Martin.

"Sige!" pagsang-ayon ko kasi nga tirik na tirik yung araw at kahit may bubuong sa pwesto namin ramdam mo parin yung init sa balat mo.

Naunang pumasok si Martin at naka sunod ako sa kanya di na kami naghubad ng sapatos kasi nga saglit lang naman kami. Dumiretso siya sa may office niya at kitang kita kong may hinahanap siya sa mga bugkos ng papel sa ibabaw ng table niya kasi iniwan niyang bukas yung pinto.

Kagaya sa labas wala ding pinagbago yung loob ng Pad ni Martin gaya parin ng dati dalawang taong nakakaraan. Nanatili ako sa sofa at naka upo habang hinihintay siya. Akala ko kasi may balak nananamn siyang masama kaya pinilit akong samahan siya pero di ko parin mainitindihan bakit kailangan pa niyang magpasama.

"Painom ng tubig ah!" sigaw ko kasi medyo nauhaw ako.

"Kuha ka lang sa ref," sigaw din ni Martin. Dahil di naman ako bago sa lugar niya alam ko na kung saan dapat ako pumunta.

Pagbukas ko ng ref niya ang bumungad sakin ay sang katutak na mineral water as in mineral water lang ang laman nun wala ng iba. Pagkakuha ko ng isa, binuksan ko yung freezer niya at viola ice cube lang ang laman, "malamang sa restaurant naman ito kumakain," nasabi ko habang sinasara yun.

Binuksan ko din lahat ng cabinet niya sa taas kung saan nakalagay yung mga can goods and other groceries pero malinis yun walang kalaman-laman. Naalala ko dati nung kami pa, lagi yung puno para in-case na gutumin siya ng alanganing oras ay pwedi siyang magluto o may makakain siya pero ngayon mukang umaasa nanaman siya sa dine-in, deliveries and take out. Ang ebedensya yung mga karton ng pizza at mga take out box na nasa basura niya.

Feeling ko bumabalik nanaman sa dati niyang gawi si Martin, di ko maiwasang malungkot dahil dun kasi walang nag-aalaga sa kanya at nagpapaalala. Napailing na lang ako sa mga idea na pumapasok sa utak ko.

"Di mo na yun problema, Michelle di na ikaw ang fiancee niya," sabi ng utak ko.

Binuksan ko na yung bite ng mineral water na hawak-hawak ko at diretso ko yung tinunga at habang lumalagok ako, narinig ko yung yabag ng paa ni Martin na naglalakad papunta sakin pero di ko lang akalain na lumapit siya sakin ng sobra.

Kaya agad kong inihinto yung paginom ko,"Bakit?" tanong ko. Balak ko sanang umatras kasi nga sobrang lapit namin pero wala na pala akong aatrasan kasi nga naka sandal ako sa kitchen counter.

Naisip kong magside step pero kinorner ako ni Martin sa pamamagitan ng paglalagay ng dalawang braso niya sa magkabilag gilid ko.

"Bakit nanaman?" angil ko habang itinutulak siya ng dalawang kamay ko sa dibdib pero sa halip na sumagot ay hinalikan niya ko.

"Nasasanay ka na talaga!" sabi ko sa kanya habang hinampas siya sa braso at sa halip na masaktan ay nginitian niya lang ako at muling dinampian ng halik sa labi sabay buhat sakin at iniupo ako sa kitchen counter.

"Martin naman!" di ko mapigilang sigawan siya paano ba naman ay bahagya niyang iniangat yung palda ko para maibuka niya yung dalawang binti ko at ipinasok yung katawan niya dun.

"Hon!" tawag niya sakin habang iniipit sa kanang tenga ko yung buhok na tumatakip sa muka ko.

"Sinong Hon mo?" pairap kong sabi.

"Ikaw, My Honey!" sabi niya habang ipinulupot sa baywang ko yung dalawa niyang braso para ma cuddle niya kong mabuti.

"Wag kang ambisyoso di ako pumapatol sa lalaking committed na!" sabay pitik ko sa noo niya para magising.

"Ayaw mo ng Honey tawag ko sayo? Gusto mo Babe, Love o Sweetheart kaya?" sabay kindat sakin at pa-cute.

"Michelle ang pangalan ko kaya wag mo kong tawagin ng kung ano-ano!" sabay tulak ko sa kanya para sana makababa ako. Akala niya madadala niya ko sa pagpapa-cute niya pero sa totoo lang gustong-gusto ko kapag tinatawag niya ko ng ganun pero syempre kailangan kong pigilan.