webnovel

I don't like you

Nung makita ko ang mag iyon di ko naiwasang muli silang isuot sa ring finger ko at kagaya dati fit na fit sila sa daliri ko. Mabilis ko din silang hinubad kasi nga engage na si Martin sa iba pero ewan ko ba kung bakit yung promise ring di ko na matanggal kahit anong pilit ko kaya hinayaan ko nalang muna siya sa daliri ko kaya hanggang nagyon suot ko siya. Yun marahil ang dahilan kung bakit ko napanaginipan yung pangako ni Martin sakin.

"Hays!" Buntong hininga ko bago ko muling ipinikit yung mga mata ko.

Seven ng gabi yung umpisa ng party pero dahil nga need pang mag-ayos at magbihis naisip kong umalis ng maaga.

Nagsabi ako kay Mama na magcheck-in nalang ako sa hotel at dun na matutulog kasi nga alanganin ng maka-uwi ako lalo pa nga at party yun baka di ko maiwasang uminom.

Eksaktong one ng hapon ng magcheck-in ako sa Oasis. Opposite hotel ng Casa Milan and one of their competitors. Ayaw ko lang kasi na may mamakita sakin sa Casa Milan at makilala ako kaya di ako nagcheck-in dun. Isa pa kung maari lng talaga ayaw ko na sanag pumunta nung nalaman ko na dun gaganapin yung venue kasi nga dun ako pinahiya ni Ellena dati.

Dahil di na ko maka tangin kay Boss Helen nilakasan ko yung loob kong pumunta. Tapos na ko mag-ayos at ready to go na pero ewan ko ba para akong kinakabahan kaya parang gusto kong magback-out.

Muli kong tiningnan yung muka ko sa salamin. I choose to have nude make-up. Natural lang yung eyeliner ko and mascara. Matte lipstick yung ginamit ko para sa labi ko na nude din nag kulay. Sabi nga nila natural beauty ako kaya no need for more effort. Bahagya kong kinulot yung maiksi kong buhok para may dating. Naka close shoes ako na kulay silver na may taas lang ng three inches.

Halos mag seseven ng ng tumunog yung phone ko si Dina ang tumatawag.

"Hoy asan ka na?" Nag-aalalang tanong nito sakin.

"Malapit na!" Palusot ko pero kung tutuusin malapit naman na talaga ako kasi tatawid lang ako nasa Casa Milan na ko.

"Bilisan mo mag-uumpisa na!" Pagmamadali sakin ni Dina.

"Oo, malapit na!"

Nung matapos yung tawag, wala akong nagawa kundi tumayo na. Ayaw ko naman kasi maging pa-importante masyado. Sumakay ako ng taxi para itawid ako sa kabila kasi ayaw ko naman maglakad ng naka gown sa gitna ng kalsada.

"Bayad Kuya!" Sabi ko sa driver nung nasa Casa Milan na kami.

Pinagbuksan ako ng pintuan ng taxi ng valet personel at inalalayan akong makababa.

"Thank you!" Sabi ko dito ng tuluyan akong makababa.

"Sa bithday party po ba kayo ni Miss Helen?" Tanong niya sakin.

"Yes!" Mabilis kong sagot.

"Guide ko na po kayo!" Offer niya sakin habang naka ngiti.

"No need I can manage!" Pagtangi ko. May itsura yung valet pero muka siyang bata parang kaka-graduate lng ng college at iba yung tingin niya sakin na para bang nabighani sa kagandahan ko pero wala akong balak pumatol sa mas bata sakin kahit desperado ako ngayong magka jowa.

"Hays 29 na ko, Sa july 30 na kaya badly needed ko na!" Yun yung sagot ko sa isa kong pinsan ng magtanong kung desperada na daw ako kasi nagpost ako ng ganun. Di naman ako desperadang desperada pero ewan ko ba kung ano-anong kalokohan ang pumapasok sa utak ko.

"Pero okay lang Miss hatid kita!" Muli niyang offer.

"Sorry but I don't like you!" Diretso kong sabi sa kanya para tumigil.

Yun yung sinasabi nila na di pa nga nanliligaw or nagpapahay ng formal na pagkagusto ay binasted mo na. Medyo nagulat yung valet sa sinabi ko pero di ko na siya pinansin at diretso akong lumakad papunta sa party.

"Michelle!" Sigaw ni Dina ng makita ako sa may pintuan.

Actually lalapit palang sana ako reception na nasa area para magpakita ng invitation pero dahil nga sumigaw si Dina at bigla akong natigilan.

"Sige po pasok na kayo kanina pa kayo hinihintay ni Dina!" Sabi ng receptionist sakin. Nginitian ko lang siya bilang tugon at tuluyan na kong pumasok habang si Dina ay tumatakbong palapit sakin.

Di pa nag-start yung party pero halos madami na ding tao kaya nung sumigaw si Dina halos lahat sila ay tumingin sa direksyon ko.

"Ang ingay mo!" Saway ko kay Dina.

"Ang ganda-ganda mo at ang sexy-sexy mo pa!" Sigaw uli ni Dina habang pinagpmamasdan ako mula ulo hanggang paa na parang wala siyang paki sa paligid na pinagtitinginan na kami.

Ewan ko ba pero biglang nag-init yung muka ko kasi kahit kailan di ako sanay sa papuri ng ibang tao tungkol sa physical appearance ko.

"Michelle kainis ka naman eh, bakit ganun lalo kang gumanda sa America?" Madramang sabi ni Dina habang pinapadyak pa yung paa.

"Ewan ko sayo!" Sabay takip sa bibig niya para di na magsalita kasi ako na yung nahihiya sa mga pinagsasabi niya.

"Michelle!" May sumigaw uli sa pangalan ko at kung di ako nagkakamali si Alvin yun at siya nga talaga kasi gaya ni Dina tumatakbo rin siya palapit sakin. Balak niya sana akong yakapin ng biglang humarang si Dina.

"BAWAL!" Saway nito sakin habang itinago ako sa likod niya para di ako makita ni Alvin.

"Bakit, na miss ko lang naman si Michelle ah!" Paliwanag ni Alvin.

"Basta bawal!" Galit na singhal ni Dina.

"Patay mukang magbreak na yung dalawa dahil sa pagbabalik mo Michelle!" Sabi ni Sir John na nasa likod ko. Kadarating niya lang at kasama si Sir Dariel.

"Sila na ba?" Exited kong tanong. Kasi alam ko naman matagal ng mag gusto si Dina kay Alvin at nagkataon lang na sakin si Alvin may gusto pero nung naging kami ni Martin pinipilit kong ma-divert yung pagtingin niya sakin kay Dina at di ko akalain sa pagkawala ko at magiging sila.

"Pinilit niya lang ako!" Sabi ni Alvin habang sinisilip ako sa gilid kasi nga tinatakpan parin ako ni Dina.

"Pinilit mo muka mo!" Sabi ni Dina sabay sipa sa binti ni Alvin.

Di namin mapigilang matawa nila Sir John at Sir Dariel sa pinagagawa nilang dalawa.

Next chapter