webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

I'm Faithfull

Mag five na ng hapon ng tumunog yung cellphone ko. Si Martin yung tumatawag kaya agad kong sinagot.

"Hello!" Maiksi kong bati.

"Uy... tumatawag na yung boyfriend niya!" Pang-aasar sakin ni Sir John kaya napilitan akong pumunta muna sa pantry at least dun walang tao.

"Sino yun?" Tanong ni Martin sa akin.

"Si Sir John, inaasar lang ako." Mahina kong sagot habang nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakit sinabi mo na may boyfriend ka na?"

"Hmmm... sinabi ni Alvin."

"So dapat pala magpasalamat ako kay Alvin kasi sinabi niya kasi kampante na ko na wala ng manliligaw sayo diyan sa office niyo?"

"Oo magpasalamat ka kaya wag ka ng magalit dun sa tao!"

"Di naman ako galit sa kanya basta wag ka lang niya popormahan."

"Ewan ko sayo... By the way papunta ka na?" Pagbabago ko ng topic.

"Yun nga pala kaya ako napatawag di kita masusundo." Halata sa boses ni Martin na nalungkot siya.

"Okey lang ano ka ba, commute na lang muna ako." Sabi ko kasi nga alam ko inihahanda na siya ng Daddy niya sa pagiging Presideng ng company nila kaya magiging busy na talaga siya.

"Hindi on the way na si Mang Kanor para hatid ka. Hintayin ka niya sa parking area."

"Huh... kawawa naman si Kuya mag commute na lang muna ako." Sabi ko naman naisip ko kasi yung magiging biyahe ni Mang Kanor papunta samin at pabalik.

"Okey lang yun trabaho niya yung babayaran ko nalang overtime niya saka susunduin niya pa ako pagkatapos niyang hatid ka."

"Bakit overtime ka?" Takang tanong ko. Sympre sobrang late na nun maliban na lang kung overtime siya sa office or may importanteng meeting pa siya.

"Hays... Nagyaya kasi yung mga Japanese Investor na lumabas. Gusto ko nga sanang tumakas kaya lang di pumayag si Daddy kasi nga daw kailangan ko daw maki pag social gathering sa mga investor namin kaya di kita maihatid." Halata sa boses ni Martin na labag sa kalooban niyang sumama kaya lang no choice siya kasi nga yun ang utos ng Tatay niya at kaialngan niya iyong gawin.

"Ah... San kayo punta?" Curious kong tanong.

"Baka diyan sa isa sa Bar sa Malate gusto daw kasi nilang uminom." Paliwanag ni Martin.

"Iinom lang... Baka naman maghahanap ng babae marami yan diyan sa Malate." Pang-aasar ko.

"Iinom lang ako bahala sila kung gusto nilang maghanap ng babae." Depensa naman niya.

"Huh kunyari ka pa malamang pag may babae ng kumandong sayo di mo rin yun mapipigilan lalo pa nga at matagal ka ng di makaranas ng heaven." Pang-aasar ko.

"Ano ka ba para sakin kuntento na ko sa malambot mong palad kaya wala kang dapat alalahanin."

Pang-aasar din sakin ni Martin.

"Kadiri ka! Haha... haha...!" Tawa ko. Pero nag-iinit yung dulo ng tenga ko paano naiimagine ko yung ginawa namin kagabi.

"I'M FAITHFULL!" Mahinang sabi ni Martin sa akin.

"I know... pero ingat ka parin sa mga babaeng di nakaka intindin." Babala ko sa kanya sympre kahit anong faithfull o pilig ng lalaki kung ang babae mismo ayaw magpapigil malamang may chance parin di ba? Sabi ko sa isip ko.

"Opo... ingat ka sa pag uwi ha! Text-text tayo mamaya!" Bilin sa akin ni Martin. Narinig ko sa kabilang linya na tinatawag na siya para umalis na sila.

"Sige na hinahanap ka na ng Daddy mo!"

"Hintayin mo si Kuya ha, Ingat ka I love you!" Huling bilin ni Martin sa akin.

"Ikaw din yung bilin ko ha! I love you too!"

"Opo... Bye!" Pagpaalam niya sa akin. Saktong end ko na yung call ko kay Martin ng marinig ko yung boses ni Dina.

"Sino yang ka I love you-han mo?" Tanong niya sa akin habang naka sandal sa may pintuan ng pantry at naka cross pa yung dalawang kamay na akala mo ay teacher na nakahuli sa student niyang nakikipaglandian.

"Pinsan ko!" Maiksi kong sagot. Palabas na sana ako pero di niya ko hinayang lumabas ng pinto hinarangan niya iyon.

"Anong pinsan? I lOVE YOU PINSAN?" Nanlalaki nanaman ang mata niya habang tinatanong ako.

"Oo naman nagsasabi naman talaga ako ng I love you sa pinsan ko pati nga sayo I love you Dina!" Sagot ko sa kanya at inginuso ko pa yung labi ko sa muka niya para sana halikan siya.

"Ew... kadiri ka Michelle!" Dahil sa pandidiri niya agad siyang lumayo sa akin.

"Gusto mo si Alvin lang hahalik sayo!" Sagot ko naman sa kanya na parang nagtatam po.

"Shhh... wag kang maingay baka may makarinig sayo!" Sagot niya sa akin habang tinakpan pa yung bibig ko.

"Makikipaghalikan ka tapos ayaw mong malaman ng ibang tao!" Sagot ko sa kanya pagka alis ng kamay niya sa bibig ko.

"Ikaw nga diyan pa boyfriend boyfriend tapos ayaw sabihin." Sagot niya sa akin habang iniirapan ako.

"Alam mo na nga tanong-tanong ka pa!" Ginaya ko rin yung pag irap niya.

"Di ko nga alam kaya ko tinatanong!" Matigas niyang sabi sa akin habang pinikot yung tenga ko.

"Aray ko! Obvious naman kasi tatanong ka pa... nakita mo na nga may humalik sakin lalaki may ka i labyuhan ako alangan naman di ko yung boyfriend." Depensa ko.

"Sympre kailangan kong maka siguro na totoo yung sinabi ni alvin na may boyfriend ka na talaga."

"Sinabi sayo ni Alvin?" Takang tanong ko.

"Ay di ko ba na kwento sayo niyaya kasi ako uminom ni Alvin last Friday maglalabas lang daw siya ng sama ng loob sympre dahil I am a good friend sinamaha ko siya..."

"Good friend may pagnanasa ka kamo sa kanya!" Buska ko kay Dina.

"Sympre kasama na yun... Haha... wait nga tapos ganito sinabi nga niya sakin na may boyfriend ka na nga daw kaya wala na siyang pag-asa sayo."

"Tapos dun mo siya sinamantala kaya hinalikan mo siya?"

"Tumigil ka nga Michelle pakinggan mo nga muna ako! Syempre I am a good friend kaya sinabi ko sa kanya di pa naman kayo kasal boyfriend pa lang naman kaya may pag-asa parin siya kaya pwedi ka pa niyang ipaglaban."

"Plastic.... Haha...haha..!" Di ko mapigilang matawa nung makita kong tumirik yung mata ni Dina sa sinabi ko.

"Plastic ka diyan mamaya!" Pagbabanta niya sa akin.

"Okey tapos!" Sagot ko sakanya habang pinipilit kong wag tumawa.

"Tapos sabi niya di daw niya kayang banggain yung status ng boyfriend mo rich kid daw kasi! Totoo ba yun Michelle?" Bigla akong natahimik sa tanong ni Dina di ko alam kung anong isasagot.

"Papaniwala ka dun kay Alvin baka naman nalasing na kaya ano-ano na yung pinagsasabi." Sabay akma na kong lalabas para matapos na yung usapan naming dalawa.

"Bakit di ako maniniwala eh di kotse nga saka di mumurahin yung kotse niya ah pang SOSYAL!"

Exarge na sabi ni Dina sa akin.

"OA mo, Diyan ka nga!" Tuluyan na kong lumabas para maka iwas sa interogation ni Dina kasi alam ko di niya ko titigilan hangga't di niya nalalaman yung pangalan ng boyfriend ko.