webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Don't Pollute My Mind

Pagdating ko ng office agad kong tinext si Martin. "Morning! May meeting ka ba ngayong lunch? Baka pwedi tayo kumain sa labas?" Kagabi kasi pagkatapos na nangyari di ko na siya tinext at natulog na ko, paggising ko kanina wala siyang message sakin. Kaya ako na nagkusa na magkausap kami ng maayos kasi mahirap ng lumaki yung problema.

"Ting!" Tunog ng phone ko indicating may nareceive na text message.

"Sunduin kita mamayang 12." Reply niya sakin.

"Ok!" Matipid ko ding sagot, after that di na siya nagreply kaya hinayaan ko nalang at nagsimula na kong magtrabaho.

Maya-maya tumunog yung cellphone ko indicating na may caller ako. Pagtingin ko si Anna yun kaya agad ko ding sinagot.

"Hello!"

"Musta ka?" Tanong ni Anna sakin.

"Okey lang, bakit?" Tatakang tanong ko.

"Pinasa ko pala yung resume mo sa office namin!"

"For what?"

"Para magkakasama na tayong tatlo dun nila Analyn sa Dubai!"

"Baliw ka, di ako aalis kaya widrahin mo yun!" Mabilis kong sagot, kasi naman bakit ako aalis eh ikakasal na ko next year at isa pa maganda naman yung kita ko dito sa company na pinapasukan ko.

"Bakit tuloy pa ba yung kasal next year?" Pang-aasar ni Anna sakin.

"Oo, naman! Wag mo ngang sinasabi na di matutuloy para ka pa namang demonyo!" Sagot ko kay Anna.

"Eh kala ko kasi nag break na kayo!"

"Hoy wag mo ngang kini-curse yung relationship ko kay Martin!" Sigaw ko.

"Haha...haha... so di pa pala kayo break? Sa itsura niya kasi kagabi parang gusto ka na niyang bigtin ng patiwarik!" Muling pang-aasar nito sakin.

"Baliw ka kasi, iniwan mo kami dun!" Paninisi ko sa kanya kasi kung di siya umalis sana di kami naabutan ni Martin sa ganung sitwasyon.

"Aba, Pano k naging kasalanan? Malay ko bang TH pala yang fiance mo!" Paninisi niya kay Martin.

"Ano ka ba? Syempre normal lang yun ikaw ba naman makita mo fiancée mo kasama Ex niya di ka mag-iisip ng masama!" Pagtatangol ko kay Martin kaninang umaga ko lang din kasi na realize na may point naman siya kaya nga ako na yung unang nag text para maka hingi narin ako ng sorry at maayos namin yung di namin pagkaka-intindihan.

"Hay naku sana man lang pinakinggan niya yung paliwanag mo! Hindi yung basta ka nalang niya hihilahin palabas, pasalamat na lang siya di ko siya naabutan kundi bubugbugin ko talaga siya kasi di nga yan ginawa sayo ni Christopher na ipahiya ka niya sa harap namin tapos siya ganun-ganun ka nalang niya bitbitin!" Galit na sabi ni Anna. Parang na-touch naman ako sa reaction ng kaibigan ko, sabagay kapatid nga niya tinalo niya para sakin si Martin pa kaya.

Bigla tuloy akong nalungkot kasi sa sinabi ni Martin na bawal na ko makipag kaibigan sa kanila pero siguro madadala naman sa paliwanag si Martin mamaya at baka maintindihan niya ko.

"Actually, medyo nagtalo kasi kami ni Marting nung mga nakaraan kaya ganun yung reaction nun, pero mabait naman yung fiance ko. Hayaan mo set ako ng meeting sa inyo para ma meet niyo siya. Wag niyo munang judge, pleasssssssssssssse!" Lambing ko kay Anna.

"Hay naku! Bahala ka pero kung ako sayo pag-isipan mo! Ganyan yang mga lalaki, gusto nila sila lang laging tama!" Reklamo nanaman ni Anna.

"Hay naku girl di kagaya ng Ex mo yung fiance ko kaya tigilan mo yan! Kapag nakilala mo ito tiyak magugustuhan mo rin siya kaya pagpasensyahan mo na ha!"

"Oh siya...siya... wala naman akong magagawa, mahal mo eh! Pero isinuko mo na ba yung pandera mo sakanya? Yung totoo?"

"Tado, di pa noh!"

"Good kung ganun basta wag mong isusuko para kung biglang ma-realize mo na iba talaga ugali niyan di ka agrabyado!"

"Siraulo ka talaga noh, parang gustong gusto mo talagang magbreak na kami!"

"Haha... haha.... nahalata mo?"

"Baba ko na ito, walang kwenta pinagsasabi mo!"

"Wait!" Sigaw ni Anna para pigilan ako sa pagpindot ng end button.

"Ano?"

"Di ka ba sinasaktan niyan? Yung totoo, di ka ba niya sinaktan kagabi?"

"Haha..haha... baliw ka talaga! Di ganun si Martin kahit pitik di ako sinaktan nun at saka subukan niya kong saktan baka siya bugbugin ko!" Mayabang kong sagot. Bigla ko tuloy naalala yung una naming pagtatagpo kung saan siniko niya ko. Di ko tuloy maiwasan hawakan yung parteng siniko niya, kasi inaalala ko kung nagpaliwanag na ba siya sakin kung bakit niya yun ginawa at saka naka ganti ba ko sa kanya nun?

"Hoy bruha nasan ka na?" Muling sigaw ni Anna kasi nga bigla akong natahimik.

"Ano nanaman?"

"Ano nanaman, nag day-dreaming ka ng sex position na gagawin niyo ni Martin sa honeymoon niyo at kinalimutan mo na kausap mo pa ko?"

"Ang dami mong sinabi! Kahit kailan ka napaka palengkera mo!" Saway ko kay Anna.

"At ikaw naman soft hearted lagi ka nalang nagpapauto!"

"Manahimik ka na nga, Sige na at may trabaho pa ko!" Pagmamadali ko kay Anna.

"Basta pag nahirapan ka sa pakikipag usap sakanya at hirap ka sa pagpapaintindi, Suntukin mo kagad para matauhan!"

"Galing mo talaga magpayo!"

"Syempre di ko naman pweding ipayo sayo na settle that on bed yan, yun pa naman mabilis na paraan para matapos ang away at tampuhan."

"Don't pollute my mind! Sige na, Bye na!" Di gaya kanina di na ko nagpapigil at tuluyan ko ng ibinaba yung tawag.

"Baliw!' Side comment ko at bumalik ako sa ginagawa ko sa harap ng computer. Inistorbo niya lang ako sa walang ka-kwenta kwenta niyang sabi.

Kahit kaylan di nagbago si Anna ganun parin siya, sabagay sabi nga niya sakin sanggang dikit daw kami at kahit anong problema daw handa niya kong damayan lalo pa nga daw kung puri ko ang naka salalay. Parang baliw lang pero ganun naman talaga siya at normal na yun para saming mga kaibigan niya.

"Michelle!" Tawag sakin ni Alvin na kadarating lag galing site.

"Uy!" Sagot ko naman sabay lingon sa kanya.

"May tawag ka sa phone!" Sabay kaway sakin yung handset nung landline namin.

"Sino?" Tanong ko, pero usually pag sa landline it's either ka officemate ko yan or client namin. Kaya di ko masyadong inalala.

Baka naman pwedi niyong Add yung isa kong gawa,

"Let's Start Again" pleasssssssssssssssss

Thanks in Advance!!!

pumirangcreators' thoughts