webnovel

Chapter 318

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Anna samin pagpasok namin sa booth namin.

"Ewan ko ba diyan kay Ate," sagot ni Mike habang hawak-hawak yung kamay ni Xandra at umupo na sa bakanteng upuan. Ako naman ay busying busy sa pagmamasid sa loob ng booth nagbabakasakaling may banyo sa loob or may pweding bihisan pero dahil nga wala akong makita, naisip kong lumabas.

"Saan ka punta?" tanong ni Christopher na muli akong tumalikod.

"Banyo!" matipid kong sagot.

"Bakit ganyan suot mo?" tanong ni Annalyn, marahil di na nakatiis kaya nagtanong na.

"Wag mo ng tanungin, mahabang kwento!" sabi ko nalang saka ako lumabas.

"Kala ko yan na yung bago mong trip!" narinig ko pang sinabi ni Anna bago ako tuluyang makalabas. Di naman ako nahirapang hanapin yung banyo kasi nasa gilid lang siya.

Dahil nga maaga pa wala pang masyadong tao kaya di na ko pumasok sa cubicle at mabilis ko na hinubad yung coat ni Martin. Bago ko yun matanggal pawis na pawis na ko, grabe kasi talaga pagkakatali ng ungas na yun sa paa ko na nga pinadaan muntik pang sumama yung palda ko sa pagkakahubad.

"Hassle!" usal ko habang inaayos ko yung sarili ko. Kung pwedi lang itapon k na yung coat na yun kaya lang baka singilin naman niya ko napaka mabilang panaman ng lokong yun.

Pagkatapos kong ayusin yung sarili ko, inayos ko rin yung pagkakatupi ng coat bago ko isinampay sa braso ko. Sakto naman paglabas ko nakita ko si Zaida papasok sa bar.

"Zai!" tawag ko, kasama niya si Jerold at take note magka holding hands pa silang dalawa.

"Michelle!" santing tawag niya sakin sabay lapit sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" masaya niyang sabi.

"Despideda ng mga kaibigan ko kaya naisip namin lumabas, ikaw, I mean kayo pala?" pag-tease ko sa kanya.

"May ka-meeting siyang investor kaya sinamahan ko!" paliwanag ni Zaida sakin.

"Boring naman yun, hayaan mo na siya makipagmeeting sama ka sakin!" sabi ko kay Zaida sabay hila ko na sa kanya papaunta sa booth na ukupado namin. Walang nagawa si Jerold kundi tingnan na lang kaming dalawa.

"Uy bakit mo hinubad!" pang-aasar ni Anna sakin pagpasok ko.

"Di ko babayaran yang inorder mo!" pagbabanta ko. Pagpasok ko kasi puno na ng pagkain yung lamesa at pati yung alak naka ready na. Talagang handang-handa na silang gastusin yung komisyung di ko pa nga alam kung magkano.

"Kanino ba kasing coat yang suot mo kanina?" curious ding tanong ni Nina.

Lahat sila naka tingin sakin na para bang interesadong-interesado silang malaman kung kanino yun.

"Kay Mar....," sabi ni Zaida pero di ko siya hinayaang tapusin yung sasabihin niya dahil mabilis kong tinakpan yung bibig niya.

"Ingay mo!"

"Haha...haha... sorry!" sabi ni Zaida habang inaalis yung kamay ko sa bibig niya.

"Siya nga pala guys si Zaida kaibigan ko! Zai, kapatid ko si Mike tapos girlfriend niya si Xandra. Friend ko si Anna, kapatid niya si Christophere, Si Annalyn and Nine the husband niya si Robert." pakilala ko sa bawat isa.

"Hello!" sabi ni Zaida habang hinila ko siya sa isang upuan na bakante.

"Kain ka na, wag kang mahihiya ako magbabayad niyan!" sabi ko kay Zaida habang inaabutan ko siya ng pinggan. Di pa kasi kami nagdidinner kaya omorder muna kami ng pagkain para may laman yung tiyan bago uminom para kapag sumuka may ilalabas.

"Kaya pagkulang oorder pa tayo kasi madaming pambayad yan si Michelle!" sabi ni Anna.

"Tama madami akong pambayad kaya kapag kinulang yung pera ko madami din tayong maghuhugas ng pinggan."

"Lang hiya ka wala pa sa 1/8 ng komisyun mo!" sabi uli ni Anna sakin.

"Wait nga bakit mo alam?" taas kilay kong tanong.

"I have my ways! Haha... haha...!"

"You have your ways in your face!" sabay bato ko kay Anna nung isang butil ng mani.

"Di na shoot, isa pa!" sabi ng ungas na ginamit yung bunganga para saluhin yung maning binato ko sa kanya.

"Baliw, galing akong CR di pa ko naghuhugas ng kamay, haha...haha...!"

"Kadiri ka!" sigaw ni Anna sakin na di maka paniwala kasi nasalo niya yung pangalawa kong hinagis. Nagtawanan ang lahat dahil dun, Samantalang si Anna ay gumati ng bato ng Mani sakin buti nalang nasa lap ko yung coat ni Martin na ginamit ko pangtakip para di ako tamaan nun.

Ewan ko nalang kung anong magiging reaksyon ni martin kapag nalaman niya na yung mamahaling coat niya at mapupuno ng mantika at asin na galing sa mani.

Pagkatapos naming kumain ay nag-umpisa na yung inuman.

"Boys bawal sumobra ng inom ha, kayo naka assign magdrive!" paalala ko habang inaabot ko kay Mike yung beer para buksan niya. Ibinuhos namin iyon sa malaking pitchel na madaming yelo. Moment namin yun ng mga girls kasi nga last time na lumabas kami nagkagulo kaya di kami nag-enjoy at ito na yung last na iinom kaming magkakasama kasi nga aalis na si Anna at Analyn. Malamang matatagalan na uli bago kami magkasama kaya sinusulit namin.

"Paikutin na ang baso!" sigaw ni Analyn.

"Gora!" sabi ni Anna na tangera namin na unang uminom ng alak sa baso. Sunod sa kanya si Analyn then Nina, Xandra, Zaida at ako. Yung boys nagbote kasi hanggang three bottles lang sila.

"Sayaw muna tayo!" sigaw ni Anna ng maubos na namin yung isang pitchel. Madami na ding tao sa dance floor medyo lumalalim na rin kasi ang gabi kaya halos puno na rin yung bar.

Dahil lumabas na si Anna wala kaming nagawa kundi sumunod. Tama yun magpapawis muna kami kasi nga medyo tipsy na rin yung pakiramdam ko.

Sakto naman paglabas namin señorita yung tugtog kaya agad gumiling ng sexy dance si Anna habang pumagitna.

"Woah... woah...!" sigawan ng mga tao more on boys ang sumisigaw, paano ba naman six girls ang nasa gitna at nagsesexy dance.

Di rin nagpatalo si Xandra sa paghataw and knowing Zaida walang hirap siyang gumiling. Si Nina naman kahit bahagyang tumaba, malambot parin ang katawan. Samin namang tatlo sa legs palang mapapasigaw ka na parehas kasi kaming tatlong labas ang mapuputing mga binti.

Samin okay lang appreciate nila kami basta wala lang hawakan at bastusan.

Next chapter