webnovel

Chapter 295

Maya-maya bumukas yung pinto ng office ni Martin, pumasok si Yago may bitbit na paper bag and based sa amoy nun, pagkain yung laman nun at di nga ako nagkamali kasi mabilis niyang inilatag yun sa mahabang lamesa at pagkatapos nung ay niyaya niya kaming dalawa.

"Salamat nalang Yago pero kumain na ko." magalang kong tanggi.

"Pero Ma'am...!" nag-aalalang sabi ni Yago. Pasagot na sana ako kay Yago ng may narinig akong nalaglag kaya napa lingon ako sa pinanggalingan nun. Sa dereksyon ni Martin nanggaling yung tunog.

"Dumulas sa kamay ko!" tanging nasabi niya bago niya dinampot yung nalaglag na mga papel. Muli kong binaling yung tingin ko kay Yago na lumakad papunta kay Martin para tulungan siyang pumulot ng papel. Pagkatapos nun ay lumapit na si Martin sa lamesa at tahimik na kumain, samantalang si Yago ay lumabas na.

Tanging tunog lang ng kubyertos yung maririnig sa loob ng opisina kasi ako nagsusulat sa notebook ko.

"Alvin!" sabi ko sa may telepono ko.

"Michelle!" sagot naman niya sakin. Tinawagan ko kasi siya kasi nga may kailangan akong itanong.

"Musta?" masaya kong bati.

"Okay naman, ikaw?"

"Okay lang din!"

"Napatawag ka?" tanong ni Alvin.

"Ask ko lang sana kung itong plano sa blue print is as is dun sa building?"

"Alam ko, Oo, as built yan! Bakit may nakita ka bang problema sa design ko?" kinakabahag tanong niya sakin.

"Wala naman as of today kaya lang nasa 3rd floor palang ako malay mo nasa 5th floor ka pala nagkamali!" pang-aasar ko kay Alvin.

"Michelle naman, lalo akong kinakabahan diyan sa sinasabi mo eh!"

"Haha...haha... OA ah! Alam ko naman kung pano ka magtrabaho kaya imposible kang magkamali saka hayaan mo tutulungan naman kita eh!"

"Talaga tutulungan mo kong mapatunayan na inosente ako?"

"Hindi tutulungan kitang mag-ipon ng pang piyansa mo haha...haha...! tuwang-tuwa kong sabi. Ang sarap asarin ni Alvin.

"Michelle naman! Di ko pa nga nakikita yung anak ko!" malungkot na sabi ni Alvin na parang maiiyak na.

"Para ka naman sira napaka negative mo! Yaan mo mapapatunayan din natin kung sino ang may mali at sabi ko nga sayo kung ikaw yun tutulungan kitang magpiyansa haha...haha!"

"Baliw ka talaga, di ko tuloy alam kung matutuwa ako o maiiyak sa sinasabi mo."

"Labas tayo sa Friday!" mabilis kong yaya kay Alvin para kahit papano ay pagaanin yung loob nya kasi alam ko mabigat yung pinagdadaanan niya ngayon.

"Sige ba, basta libre mo!" masayang sagot naman nito.

"Bakit ako, di ba dapat ikaw?"

"Alam mo naman suspendido ako ngayon, wala nga akong maibigay kay Dina pang pa-check up niya." nalulungkot nanaman na sabi ni Alvin.

"Okay lang yun madami naman pera si Dina."

"Kaya nga eh, ma-swerte ako sa kanya kasi matipid na babae si Dina!"

"Buti alam mo! Ikaw lang eh tatanga-tanga ka."

"Kaya nga eh buti nalang talaga umalis ka at narealize ko na kay Dina pala ako nakalaan."

"Ayos ka ah, parang sinabi mo na tama lang na umalis ako"

"Haha..haha... tama lang talaga, pero kung di ka umalis malamang kasal ka na kay Martin at sigurado akong di ka papayag na sisihin niya ko."

"Baliw!" pagkasabi ko nun di ko maiwasang mapatingin kay Martin. Siguro nga kung di ako umalis nun, asawa ko na siya ngayon. Siguro may anak na din kami, bigla kong ibinaling sa iba yung tingin ko ng makita kong mag-aangat ng tingin si Martin, mahirap ng mahuli.

"Oh siya sige na at may gagawin ako. Text-text tayo kung saan tayo sa Friday!"

"Sige! Basta ha sagot mo!"

"Oo!"

"Thanks Michelle!"

"Sige na bye!" sabi ko sa kanya sabay baba ng phone ko.

Muli kung ginugol yung oras ko sa trabaho para di ko mapansin si Martin na kasama ko sa iisang kwarto. Ang masaklap lang para siyang papasin, maya-maya may kumakalabog sa pwesto niya kaya di ko maiwasang lingun siya. Andiyan yung may malalaglag yung leger niya, yung handset ng telephone, lalakasan niya yung pagsara ng drawer niya at paghila sa upuan niya. Ultimo sa pakikipag-usap ang lakas ng boses sarap batuhin.

Mag-twelve na ng tanghali ng tumunog yung phone ko si Lucas yun. Iniisip ko reremind niya ko tungkol sa lunch namin kaya mabilis ko itong sinagot habang pinapatay ini-sleep ko yung computer ko.

"Saan mo ko hihintayin?" diretso kong sabi.

"Sorry Michelle, di pa tapos yung meeting ko!" malungkot na sabi ni Lucas.

"Di pa? twelve na ah!" sagot ko habang sinisipat ko yung relo ko.

"Oo nga eh, ituloy nalang daw namin habang naglulunch Gusto mong sumama?" offer niya sakin.

"Naku, wag na!" mabilis kong tangi habang kinukuha yung wallet ko sa bag ko at sabay tayo.

"Paano yun?" malungkot na sabi ni Lucas.

"Kain nalang muna ako sa canteen, sama ko nalang yung kapatid ko!" sagot ko sa kanya habang palabas na ko ng pinto.

"Oo, masarap din dun! Bawi nalang ako sayo bukas."

"Sige no prob!"

"Bye Michelle!"

"Bye!" sabi ko habang hinahanap ng mata ko si Xandra ng makita ko siya agad ko siyang nilapitan.

"Lunch ka na?" tanong ko.

"Oo, ate!" kiming sagot nito sakin.

"Sabay ako!"

"Sige po!" sagot nito saka tumayo narin. Malapit na kami sa elevator ng masalubong namin si Yago na may bitbit uli ng paper bag, malamang lunch ni Martin yun at bago pa siya magsalita ay inunahan ko na siya.

"Kain muna ako sa baba ah!"

"Pero Mam!" sabi niya na parang iniisip pa yung idudugtong niya.

"Balik ako bago mag-one!" sabi ko sabay pasok na sa elevator kasama si Xandra.

Pagdating namin sa canteen, andun na si Mike naka-upo na sa may lamesa at kinakawayan kami kaya mabilis kaming lumapit sa kanya.

"Bakit wala akong pagkain?" tanong ko habang naka nguso. Paano kasi may pagkain na dun para sa dalawang tao, malamang para sa kanya yun at kay Xandra.

"Di ko naman kasi alam na dito ka mag-lunch." paliwanag ni Mike.

"Akin na yang pagkain mo, bumili ka dun ng sayo!" sabi ko sa kanya at wala akong hiyang kinuha yung pagkain na nasa tapat niya.

"Pambili?"sabi ni Mike sabay lahat sa palad niya pero sa halip na lagyan ko yun ng pera tinapik ko yung palad.

"Muka mo!" Wala siyang nagawa kundi magkamot ng ulo at umalis para bumili ng pagkain niya. Nginitian ko lang si Xandra na mukang nagulat sa pagbabangayan naming magkapatid.

Next chapter