webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 201

"Mamaya na! Stay ka muna sa tabi ko!"

"Martin gabi na!" Reklamo ko pero nanatili ako sa yakap niya.

"Hirap akong maka tulog kagabi mukang sanay na ko na katabi ka." Reklamo niya.

"Nuku feeling mo lang yun ako ng sarap ng tulog ko." Pang-aasar ko sa kanya pero isiniksik ko yung muka ko sa dibdib niya.

Actually ganun din yung naramdaman ko kagabi parang hinahanap hanap ko yung amoy ni Martin at yakap niya sa akin pero syempre ayaw kong sabihin yun kasi ang magiging ending nun di nanaman niya ako papauwiin ang masaklap nun kapag nangyari yun yung labahan ko sang katutak na at kumakaway na sila sa akin kagabi pa dapat nga kasi ngayon ako maglalaba eh dahil sa pangako ko sa kanya pinagpaliban ko muna yun pati paglilinis ng kwarto ko at di na yun pwedi pagpaliban pa kasi nga may pasok na ko sa Lunes. Speaking sa pasok sa Monday di ko pa nga pala yun nasasabi sa kanya.

"Siya nga pala Hon nagkausap na kami ni Boss Helen kaninang umaga papasok na ko sa Monday."

"Oo nga tinawagan niya ko kung okey daw sa akin."

"Huh, ikaw pa talaga tinanong niya ha kung okey sayo."

"Sympre ako yata big client niya kaya dapat niyang consider yung desisyun ko tungkol sa trabaho mo."

"Ayos ah! So dapat pala ikaw nalang kagad tinawagan ko?"

"Oo dapat ako na lang!" Bulong niya sa akin sabay kagad sa tenga ko.

"Hmp!" Singhal ko sa kanya.

"Ayaw mo ba talagang consider yung position na maging secretary ko?"

"Hon naman andiyan na si Yago plus meron ka pang four ladies sa labas na mag aasist sayo idadagdag mo pa ba ako?"

"Iba naman yung magiging papel mo dito ka lang sa kwarto!" Seductive niyang sabi.

"Bwisit hindi secretary hanap mo sex-retary!" Sagot ko sa kanya at tuluyan na kong kumawala sa pagkakayakap niya.

"Haha... haha... di naman ganun alam mo naman wife ang kailangan ko"

"Wife tapos dito ako sa office mo tatambay baka Nanny need mo!"

"Ikaw ang magiging spoiled na Nanny kapag nagkataon kasi dito ka lang sa kwarto papainitin yung kama ko!"

"Ikaw nalang magpainit ng kama mo!" Sagot ko sa kanya habang tumakbo na ko papuntang banyo.

"Hon!" Muling tawag niya sa akin.

Sumunod siya sa akin sa banyo pero di na siya pumasok nanatili lang siya sa may pintuan habang nakasandal sa may door frame. Pinagmamasdan niya ako habang nag tooth brush ako ng ngipin.

Tiningnan ko lang siya para malaman niya na nasa kanya yung atensyon ko.

"Sa office ka lang ha, wag ka ng mag field." Sabi niya.

"Opo!" Sagot ko naman pagkatapos kong idura yung bula sa bibig ko at nagpatuloy sa pagmumumog.

"Bawal ka parin mag suot ng dress ha or short sa office niyo." Parang batang nagdedemand.

"Bawal naman talaga mag short sa office saka di naman ako nag dress, maliban na lang kung may formal event." Sagot ko sakanya habang inirapan siya.

"Bawal na din magsuot ng sleeve less saka V-neck na damit bawal na din yung manipis ha tapos....!"

Di ko na hinayaang tapusin ang gusto niya pang sabihin dahil pibigilan ko yun sa pamamagitan ng labi ko.

Dahil nga sa height difference namin nag tip toe ako para maabot yung labi niya habang nakakapit sa leeg niya at sa ganong posisyun namin pinagsaluhan ang isang mainit na halik.

Nung maghiwala yung labi namin saka ako nagsalita.

"Di rin ako titingin sa mga lalaki guapo man at pangit di rin ako makikipag-usap sa kanila tapos lagi kitang text kapag break time tatawagan kita tapos pagdating ng uwian hintayin kong sunduin mo ko tapos pag di mo ko masusundo pupunta ako dito sa office mo! Happy?" Tanong ko sa kanya habang nakakapit parin ako sa leeg niya samantalang siya naman ay naka yakap sa baywang ko para bigyan ako ng suporta para di ako matumba.

"Very Happy!" Sagot niya sa akin at muli akong hinalikan.

Di ko tuloy alam kung sa sinabi ko siya happy o sa halik ko eh.

"Pero alam mo Hon mas magiging happy ako talaga kung dito ka lagi sa tabi ko."

"Kala ko settle na tayo tapos nag-uumpisa ka nanaman!" Nanggigil kong sabi at para may mapagbalingan ako ng gigil ko yung ilong niya yung piningot ko.

"Settle naman na wala naman akong magagawa kasi AYAW MO!" Sagot niya sa akin habang binuhat ako ng princess style papuntang kama at mabilis niya kong inibabawan.

Bago niya pa ako muling halikan agad ko na siyang pinigil sa pamamagitan ng pagtakip ng labi ko.

"Gabi na!" Saway ko.

"Saglit lang... I just want you!" Pagmamakaawa niya sa akin.

"No! Kailangan ko ng umuwi kaya tumigil ka na!" Sabay tulak sa kanya at muli akong tumayo. Siya naman ay nanatiling naka tihaya sa ibabaw ng kama habang naka dipa halatang nagmamaktol.

"Tayo na!" Muling utos ko ng di siya kumikilos.

Tapos na kong magsuklay ng buhok at mag-ayos sa sarili halos patapos narin akong magsuot ng sapatos ko pero siya nanatiling ganun habang naka tingin sa kisame na akala mo ang lalim ng iniisip.

"Mr. De Ocampo?" Tawag ko sa kanya habang naka tayo na ko sa gilid ng kama at nakapa maywang na sa harap niya.

"Bakit Mrs. De Ocampo?" Sagot niya sa akin habang naka grin. Tuwang tuwa siya sa itinawag niya sa akin.

"Kailangan na po nating umalis gabi n po at mag didiner pa tayo!" Panenermon ko.

Samantalang siya naman naka ay pumulupot na sa baywang ko at isinubsob yung muka niya sa dibdib ko.

"Next time na lang ha!" Pag-aalo ko.

"Kailan? Bukas?" Sunod sunod niyang tanong.

"Di pwedi bukas madami akong gagawin sa Friday na lang dun ako matutulog sa Pad mo." Paliwanag ko sa kanya habang sinusuklay ung buhok niya ng mga daliri ko.

"Tagal nun! Sunduin kita bukas ng gabi!" Mabilis niyang sagot sabay tayo na at dirediretso ng lumabas. Di na niya ako hinayaang magprotesta pa.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya palabas at nakita ko siyang nag aayos ng gamit niya.

Nang matapos ay agad niyang hinawakan yung kamay ko at tuluyan na kaming umalis.