webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 179

"Magaling ka ng mang-uto!" Sabi niya sa akin habang naka ngiti.

"Ikaw naman magaling ka ng magtampororot!"

"Sino ba namang di magtatampo, eh kinalimutan mo ko!"

"So... pagtatalunan natin uli?" Tanong ko sa kanya habang naka taas ang kanang kilay ko.

"Hindi naman! Sinasabi ko lang naman yung reason kung bakit ako nagtatampo!" Paliwanag niya.

"Okey, Hayaan mo sa susunod di na kita kakalimutan!" Pag-appease ko sa kanya.

"Talagang di mo ko dapat kalimutan kasi ikaw laging laman ng isip at puso ko, Kung pwedi nga lang lagi na tayong magkasama para di na napapagod yung utak ko kakaisip sayo."

"Parang di ko alam kung anong iniisip mo?" Pang-aasar ko.

"Anong iniisip ko?" Pa-inosente niyang tanong.

"Wala naman iniisip mo lang yung maganda kong muka at yung sexy kong katawan lalo na yung..." Sinadya kong putulin yung sasabihin ko at tumingi ako sa bandang dibdib ko.

"Haha...haha.... syempre kasama na yun sa mga iniisip ko! Di maiwasan eh!" Naka ngisi niyang sagot na parang nabuhayan ng loob.

"Naku Martin tigilan mo ko! Umuwi ka na at mag twelve na nga gabi at ako ay matutulog na." Pagrereklamo ko.

"Matutulog ka nanaman eh natulog ka nga maghapon, Buti may itutulog ka pa niyan."

"Meron noh, inaantok na nga ako!"

"Ayaw mo na kong kausap?" Tampororot nanaman niya.

"Hello, gabi na at ikaw uuwi pa sakin okey lang kasi wala naman akong pasok bukas kaya lang mag-aayos pa ko ng mga dadalhin natin sa Monday saka gagawa pa ko ng iterenary nating dalawa."

"Punta ako diyan bukas tulungan kitang mag-impake!" Offer niya sa akin.

"Pwedi ba Martin, Sa Monday magkasama na tayo hanggang Friday. Bukas na nga lang ang pahinga ko para di kita makita tapos pupunta ka pa dito!" Galit-galitan kong sabi.

"Anong sabi mo?" Galit din niyang tanong.

"Ang sinasabi ko lang naman is give me a break!" Pang-aasar ko. Akala ko agad siyang aalma sa sinabi ko pero di siya sumagot at naka tingin lang sa akin. "Patay mukang sineryoso!" sabi ko sa sarili ko kaya agad kong dinaan sa tawa.

"Haha... haha.... joke lang yun! Galit ka nanaman!"

"Lagi mo nalang sinasaktan yung damdamin ko!" Mahina niyang sgaot sa akin.

"Di naman sa ganun kaya lang gabi na, kailangan mo ding magpahinga. Sa halip na pupunta ka pa dito bukas ipahinga mo yun para may energy ka sa Monday. Yun lang naman yung point ko."

"Bakit kasi di mo sabihin ng maayos?" Pag-rereklamo niya.

"Gustong-gusto ko kasi kapag nagagalit ka. Lalo kang gumaguapo!" Pambobola ko.

"Humanda ka sakin sa Monday!"

"Bakit anong gagawin mo?"

"Gagawin ko yung sinasabi mong iniisip ko sayo!" Sabay ngisi ni Martin.

"Ah talag! Kinabahan pa naman ako, akala ko ano na buti na lang yung iniisip ko yung balak mong gawin." Bigla siyang nagtaka sa pahayag ko kaya di niya naiwasang magtanong.

"Bakit ano ba yung iniisip mo na ginagawa ko sayo?"

"Ginagawa mo sakin, yung mamasahiin mo ko, ipagluluto, i-shoshoping, hahatiran mo ko ng pagkain sa bed, basta ituturing mo kong prensesa." Pagsasalysay ko.

"Ah... tama ka naman gagawin ko naman talaga sayo yun saka alam mo naman di lang prinsesa ang turing ko sayo kundi reyna."

"Mabuti naman pala kung ganun at iisa lang ang iniisip natin dalawa."

"Oo naman kaya nga meant for each other tayong dalawa basta wala ka lang damit kasi yun talaga ang gusto kong mangyari." Nagpupugay niyang sabi.

"Matulog ka na nga!" Sagot ko sakanya kasi ayaw ko na yung tinatakbo ng usapan naming dalawa. Bigla kong naisip yung sinabi ni Anna tungol sa size. Bigla tuloy akong napatingin sa palad ko, parang di ko ata nasukat ng maayos yung kay Martin. Anong size ba ang considered na malaki o yung sinasabi nilang tama lang or maliit.

"Anong iniisip mo na parang bigla kang napatingin sa palad mo?" Takang tanong ni Martin kasi nga parang nag space out ako.

"Wala may sumagi lang sa isip ko." Nonchalant kong sagot. Mukang nadala ako sa usapan namin kanina ni Anna kaya kung ano-anong pumasok sa utak ko.

"Ano naman yun?" Pag-uusisa niya uli.

"Wala nga, sige na umuwi ka na at anong oras na!"

"Michelle.... parang may binabalak ka?"

"Anong binabalak ang pinagsasabi mo?" Takanga tanong ko pero actually ang nasa isip kong tangalin yung kanya para malaman ko kung malaki ba o hindi, di dahil sa gusto ko ng malaki or magkakaroon ako ng descrimination ang akin lang ma-prepare ko yung sarili ko in the future kung masasaktan ba ko o magiging okey lang, pero paano ko naman sasabihin yun sakanya?

"Alam mo naman Michelle na mahal kita kaya kung may balak kang masama sa akin, don't woory tatanggapin ko yun ng buong buo ng walang pag-aalinlangan o takot!"

"Ewan ko sayo! Uwi na!"

"Oh siya... by the way ikaw na bahala sa iterenary natin ha!"

"Oo, gagawin ko bukas pero diba sa Puerto Princesa tayo?"

"Hmmm dun na tayo mag check-in. Nagpareserve na ko dun sa isa sa mga hotel namin para tuluyan natin pag dating natin sa Palawan if ever naman na masyadong malayo sa gusto mong puntahan We can just transfer sa other hotel nearby and don't worry sa expense basta lista mo lang lahat ng gusto mong puntahan. Okey?"

"Okey!" Masaya kong sagot.

"Gawa ka ng pang five days natin."

"Parang ang tagal naman natin nun." Pagrereklamo ko. Sympre ako kasi regular employee lang kahit mawala ako ng isang linggo or isang buwan mag function parin yung company namin pero ibang usapan yun sa kanya lalo pa nga at malapit na siyang appoint bilang President ng company.

"Okey lang yun diba sabi ko nga sayo nagsabi na ko kay Daddy gusto ko munang magbakasyon bago niya ko appoint na President. Saka naaayos ko naman na lahat ng documents na for turn-over kaya wala ka ng dapat pang alalahanin. Isipin mo na lang na mag-eenjoy tayo dun."

"Sabagay, sige gawa ako ng for five days itinerary na pwedi nating puntahan." Exited kong sabi. Syempre matagal ko na talagang gustong pumuntang Palawan lalo na sa under ground river nila and the beaches panalo.

"Ay sorry Honey four days lang pala gawin mong itinerary." Utos ni Martin sa akin.

"Bakit, Uuwi tayo kagad?" Takang tanong ko.

"Hindi yung one day gusto ko magkukulong lang tayong dalawa sa hotel at di tayo lalabas."

Sorry medyo busy na uli...

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

pumirangcreators' thoughts