"Kring...Kring...." Tunong ng alarm clock ko.
"Shit!" Reklamo ko paano inaantok pa ko.
"Hays!" Muli kong buntong hininga.
Wala akong nagawa kundi tumayo na sa kama at dumiretso na sa banyo. Dahil nga gabi nakatulog halos hirap na hirap ako sa pagkilos.
Isang system engineer ako sa isang malaking company sa Maynila. Ang trabaho ko ay ang mag test ng system kung functioning at maayos ang takbo nito.
Habang tinutuyo ko ang ko buhok ng tuwalya sa harap ng salamin di ko maiwasang tingnang mabuti ang aking muka. Mayroon akong hanggang baywang na kulay itim na buhok na straight. Mayroon maputi at makinis na ang muka ko, matangos din ang ilong ko, samantalang ang mga mata ko naman ay bilugan at may natural na mapupulang mga labi. Kung titingnang mabuti masasabi ko na maganda akong babae. Sa taas na five feet at six inches na proportion sa balingkinitan kong katawan. Pero di gaya ng tipikal na dalagang Pilipina medyo boyish ako sa kilos pero wala sa muka at kilos.
Agad kong isinuot yung kulay pula kong office uniform na polo shirt na may nakasulat sa likod na system engineer. Pinarisan ko yun na tipikal na maong na pantalon at isang puting rubber shoes. Dahil sa porma ko ay nagmuka akong teen ager pero kung tituusin ay nasa twenty six years old na ko.
Naglalagay lang ako ng powder at lip balm sa muka at hinyaan ko lang munang nakalugay ang buhok dahil basa pa. Agad inaayos ang mga dapat dalhin at lumabas ng kuwarto
Makalipas ng labin limang minuto nasa harap na ko ng bagong tayong hotel sa Laoag City. Ang Casa Milan isang pinaka malaking hotel company sa buong Pilipinas. Ang company naming Web Security Solution Inc. ang nagdesign ng security system ng buong hotel mula sa pagpasok ng hotel, pag check-in, pagpunta sa kwarto, paglabas at pagcheck out. Ito yung pinaka malaking project na hinawakan ko kaya need gawin ang best para di kami mapahiya.
Ngayong araw gagawin yung initial testing para sa security ng buong hotel.
"Hello po..good morning!" Bati ko sa guard na nagbabantay sa gate.
"Sir may appointement po ako kay Mr. Ronald Sy, Ngayong nine ng umaga." Paliwanag ko sa purpose ng pagpunta.
"Ano pong name nila Ma'am?" Tanong ng guard habang nagsusulat sa log book niya.
"Michelle de Vera from Web Security Solution Inc. po!" Mabilis kong sagot.
"Wait lang Ma'am ah, tawag ko lang po muna!"
"Sige lang po Kuya!"
Habang hinihintay ang go signal ng guard. Pinagmamasdan ko ang paligid at di ko mapigilang mapahanga.
"Napakaganda talaga ng Hotel na to pang mayayaman!" Sabi ko sa isip.
"Ma'am pasok na daw po kayo, diretso nalang daw po kayo sa security room sa bandang likod po ng hotel sa first floor." Sabi ng guard sa akin.
"Ay.. pano kuya pumunta?" Muli kong tanong paano kasi napaka laki ng hotel di ko alam baka maligaw ako.
"Pasok po kayo diyan sa unang pinto tapos diretso lang po tapos liko po kayo sa kanan tapos nasa bandang dulo andun po yung security room." Matiyagang turo ni Kuya guard.
"Ah..okey po Kuya salamat!" Masaya kong bati at tuluyan ng umalis.
Agad kong sinundan yung itinurong daan ng Security Guard.
"Diretso...lakad lakad... kanan lakad lakad." Usal ko habang lumalakad. Parang bata lang kung maka asta.
"Security Room!" Sigaw ko nung makita ko yung signage nung kwarto.
Agad kong kinuha yung ko cellphone para sinipat ang oras.
"Eight fifty five sakto sa oras! Maaga pa siya ng five minutes!" Masaya kong usal, ginamit ko yung camera ng phone ko para sipatin yung muka ko buti nalang di ako pinawisan sabagay maaga pa naman kasi.
"BEAUTIFUL!" Puri ko sa sarili ko.
Sabay katok na sa may pinto.
"Knock...Knock...!" Agad naman itong bumukas mula sa loob. Bumungad sa akin yung medyo may katabaang lalaki na medyo maitim at singkit din ang mata siya si Sir Ronald Sy yung General manager nung hotel.
"Hi Ms. Michelle!" Magiliw na bati niya sa akin sabay lahat ng kamay para makipag daupang palad na agad ko naman tinanggap.
"Hello Sir Ronald!" Masayang ko ring bati.
Ito yung una naming pagkikita ng personal pero nagkaka usap narin kami during installation via video chat and phone kaya medyo palagay na yung loob ko sa kanya.
"So.. kamusta naman ang biyahe?" Tanong niya.
"Ito Sir medyo nakakapagod ten na ng gabi ako dumating hays... naiwan kasi ako ng bus sa La Union." Reklamo ko habang pinapasok niya ako at pinaupo sa bakanteng upuan sa may harap ng server kung saan may apat na computer na naka bukas.
"Ah.. bakit nasa La Union ka?"
"May pinadaanan po dun si Boss Helen, para dun sa isa din namin project sa school kaya medyo na delay ako tinapos ko pa po kasi yung naging problema dun." Paliwang ko naman.
"Buti naman nakaabot ka pa sa Van, sabihin mo kasi sa Boss mo bigyan ka na ng sasakyan para di ka na nagcocomute!" Pabiro ni Sir Ronald.
"Sana nga Sir magdilang anghel ka hahahaha!" Sagot ko sa kanya habang kinakalikot na yung server.
"Pag naging maganda ang resulta nitong Casa Milan de Laoag, malamang may kotse ka na ang mahal kaya ng system niyo haha...haha...!" Lalong nawala yung mata ni Sir Ronald dahil sa pagtawa niya para na tuloy siyang budda.
"Grabe ka Sir, di naman po!" nahihiya kong sagot.
"Ay by the way andito ngayon yung anak ng Boss namin dumatin din siya kagabi, gusto niya kasi tingnan yung progress ng hotel kung kakayanin ng magbukas ngayong December. Tamang tama mag iinitial testing tayo ng security atleast macheck niya narin para kung may pagbabago magagawa kagad at di ka na pabalik balik."
"Oh... talaga Sir maganda po yun... napakalapit pa naman ng Laoag sa Manila kung sakalaing babalik." Sarkastikong sagot ko.
"Malapit lang naman kung mag-eeroplano ka." naka ngiting sagot ni Sir.
"Sabagay nga po!" Sagot ko din.
"Wait lang Michelle, puntahan ko lang si Boss sa kwarto niya. Upo ka muna dito.
Saglit lang!" Paalam ni Sir Ronald.
"Okey Sir!" Pagsang-ayon ko at tuluyan niya na kong iniwan.
Paglabas ni Sir Ronald sakto naman pagpasok ni Sir Arnold head technical nung buong hotel.