webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

ARE YOU FLIRTING WITH ME?

Paggising ko ng umaga wala na sa tabi ko si Martin. Pagtingin ko sa relo six pa lang ng umaga. Usually kasi ang gising namin is six thirty. Saktong seven thirty umaalis na kami papuntang trabaho para di ma-late kaya nagtataka ako kung bakit wala na siya sa tabi ko. Marahil nag exercise sagot ko na rin sa sarili ko.

Medyo malamig na yung pwestong inalisan ni Martin marahil kanina pa siya bumangon kaya tumayo na rin ako. Naligo na ako at nag-ayos bago lumabas ng kwarto namin. Laking gulat ko ng makita kong may umuusok sa kusina kaya agad akong tumakbo papunta doon.

Nadatnan ko dun si Martin na naka suot ng apron na itim habang hawak ang isang sandok sa harap ng umuusok na kalan.

"Ano yari?" Agad kong tanong habang binuksan ko yung exhaust fan para mawala yung usok.

Kinuha ko na rin yung kawali na nangigitim na at agad kong itinapat sa gripo para lagyan ng tubig para mamatay yung init nun.

"Gusto ko sanang magluto ng itlog." Mahinang sagot ni Martin sa akin habang tinatanggal yung apron niya. Mukang dissapointed siya sa kinalabasan ng niluto niya.

"Kung gusto mong kumain ng itlog sana omorder ka na lang sa baba or sana ginising mo na lang ako para ipagluto kita."

"Gusto ko sanang pagluto ka ng breakfast."

"Haha...haha..." Di ko mapigilang matawa paano ba naman nakita ko yung ilang itlog na nasa pinggan sa gilid nung kalan kung saan halos sunog yung di naman sunog halos di mo na maintindihan yung itsura. Makikita mo rin yung kalat sa buong paligid parang binagyo yung buong kusina. Saka ano naman aasahan mo sa isang taong di nga marunong humawak ng sandok.

Huminto ako sa pagtawa ng nakita kong malungkot si Martin. Mukang napahiya kaya di ko na inasar.

"Mabuti pa omorder ka na ng breakfast natin sa baba saka mo na ako pag luto, baka ma late pa tayo!" Utos ko sa kanya. Tango lang yung itinugon niya sa akin at tuluyang lumabas ng kusina.

Inumpisahan ko ng magligpit sa kusina. Itinapon ko yung mga balat ng itlog na nagkalat at inumpisan ko naring punasan yung counter at yung kalan. Dinampot ko yung platong naglalaman nung mga nauna niyang nilito. Pinili ko yung medyo maayos-ayos yung itsura at tinikman ko baka sa kaling edible sayang naman effort ni Martin saka sabi nga niya para daw sakin ang mga iyon pero sana di ko na lang ginawa dahil pagdampi pa lang sa dila ko agad ko na yung isinuka.

"Blaargh... Blaargh...!" Di mainitindihan yung lasa ng kinain ko para siyang ewan na grabe di ko ma-describe, basta ang sama ng lasa.

"Bakit?" Alalang tanong ni Martin sa akin habang hinahaplos yung likod ko.

"Anong nilagya mo sa itlog bakit ganun ang lasa?" Di ko maiwasang tanong sa kanya habang inabot ko yung tissue na ibinigay niya sa akin na agad ko namang pinunas sa labi ko.

"Nilagyan ko ng asin saka betsin." Inosenteng sagot niya sa akin. Doon ko lang napansin yung isang garapong bensin na halos wala ng laman. Di ko alam kung matatawa ako magagalit eh.

"Hays... kung gusto mong maglason wag mo kong idamay. Maligo ka na nga! Amoy usok ka!" Pagtataboy ko kay Martin. Nagkakamot ng ulo muling lumabas si Martin ng kusina.

Dahil sa lasa ng niluto niya di na ko nanghihinayang at agad ko ng diniretso sa basurahan yung niluto niya. "Ayaw ko ng bumula yung bibig ko dahil dun."

Patapos na ko maghugas ng kawali ng tumunog yung bell, malamang yung maghahatid ng pagkain namin kaya agad akong lumabas para kunin yun. Dahil nga binigyan na ko ng access ni Martin di na ko nahirapan sa pagpasok at paglabas ng bahay niya.

"Good morning po!" Magalang na bati sa akin ng isang babae. Pero nakita ko sa muka niya na nagulat siya sa akin di niya siguro akalain na may ibang tao sa Pad ni Martin kahit kasi lagi akong nagpupunta dito bihira akong dumaan sa main lobby puro kami elevator sa may parking area sa baba at saka may personal elevator si Martin kaya imposibleng makita nila ako maliban na lang kay Manong guard na laging nakabantay sa may parking area. Naka suot siya ng uniforn na pang chief malamang isa sa mga cook sa hotel.

"Morning!" Ganting bati ko sabay ngiti. Agad kong binuksan yung grills na harang sa pagitan naming dalawa.

"Ito na po yung order ni Sir Martin." Sabay tulak nung trolley na naglalaman ng pagkain.

"Okey, salamat!" Kinuha ko na yung trolley hanggang dun lang kasi siya sa may grills ayaw kasi ni Martin na basta-basta sila papasok sa personal space niya maliban na lang kung pinahintulutan.

"Alis na po ako! If ever may kailangan pa po kayo please call na lang po!" Magalang na sabi nung babae sakin.

"Noted!" Sagot ko sabay muling ngiti sa kanya. Hinintay ko muna siyang tuluyang makapasok sa elevator bago ko muling isinara yung grills. Pagpasok ko ng bahay sakto din paglabas ni Martin ng kwarto niya. Nakaligo na siya at naka suot ng kulay blue na americana at black na slack. Habang naka leather shoes at puting kurbata na may stripe na itim. Napaka guapo talaga ng boyfriend ko sabi ko sa sarili ko.

Agad niya kong tinulungang maghain at nagsimula na kaming kumaing dalawa.

"May meeting ka?" Tanong ko habang humihigop ako ng kape ko.

"Hmmm...!" Sagot naman niya sakin sa pagitan ng pag nguya niya.

"Big client?" Muli kong tanong.

"Oo" Matipid niyang sagot.

"Babae o lalaki?" Muli kong tanong habang titig na titig sa kanya.

"Anong gustong malaman ng girlfriend ko?" Balik na tanong sa akin ni Martin habang tuluyang ibinaba yung mga kubyertos na hawak niya.

"Wala naman!" Sabay kibit balikat pero di nawawala yung ngiti sa labi ko.

"ARE YOU FLIRTING WITH ME?"

"Flirting ka diyan!" Sabay bato ko sa kanya ng nilamukos kong tissue paper na agad naman niyang iniwasan.

"Para kasing ayaw mo na kong paalisin sa mga tingin mo eh!"

"Wag ka ngang assuming diyan! Tinatanong ko lang kasi mukang nagpa-pogi ka talaga ngayong araw eh."

"Sarap kasi ng tulog ko kagabi kasi kayakap kita!"

"Sarap ng tulog, so kapag di mo ko katabi di ka maka tulog?" Tanong ko sakanya habang nililigpit ko na yung kinainan namin dalawa.

"Oo!" Sagot niya sa akin habang niyakap ako sa likuran.

"Arte mo Martin! Wag ka ng magulo at ma-late na tayo!" Sabay siko ko sa kanya para bitiwan niya ko paano ba naman hinahalikan nanaman niya yung dulo ng tenga ko at dahil dun nanayo nanaman yung mga balahibo ko sa batok.

"Ikaw diyan nilalandi mo ko! Tapos pag ikaw nilalandi nagagalit ka!" Sagot niya sakin habang patuloy na hinahalikan yung pisngi ko.

"Manahimik ka!" Tuluyan ko ng hinampas yung kamay niya na naka pulupot sa baywang ko para makapunta ako sa lababo at mailigpit na yung lamesa.