webnovel

Chapter 7

Wala sila pasok ngaun kaya di nila alam ang gagawin nila,, ibat iba ang kanilang pinagkakaabalaan pero si nixhie laging sumasagi sa isip nya ang nangyari sa kanila ni yael .. wala parin alam ang mga kasama niya sa nangyari sa kanya ,,kaya minabuti nalang nya itago.. nag sisi sya sa nangyari pero ang nasa isip nya tapos na hindi na siya virgin sa ganung kadaling pangyayari.. binigay nya ang sarili niya sa lalaking hindi niya alam kung matutunan niyang mahalin .. busy siya manuod ng cartoons at sila chelsea at gaill naman nakikipaglaro sa pusa sabay asar kay jessy na kanina pa tili ng tili dahil sa pinag gagawa ng dalawa. .

"pwede ba itapon nyo muna yang pusa na yan may gagawin tayo .kumbaga maglalaro tayo and then pag natapat sa kanya ang bote .eh ..sagot o gagawin .lang consequences. sa tanong na ibabato sayo.. ano payag kayo " saad ni jessy .na kanina pa naboboring at naiinis dahil sa pusa .na alaga nila.

"sure gusto ko yan ..wait lang at ipunta ko muna sa box tong pusa then kuha ako bote at simulan na natin " pagkasabi ni gaill tumayo na at ginawa ang sinabi ..tahimik lang si nixhie .wala siyang mood pero hindi siya pwedeng umayaw baka sabihan nilang killjoy siya . Pagdating ni gaill umupo agad at sumunod naman ang iba nag form sila ng pabilog para makita kung saan tuturo ang ulo ng bote ..

"okey okey sisimulan ko na ah ..ahh wait. .diba may wine tayo jan .. kung sino ang sasagot ng gagawin ... iinom ng tatlong shot ng wine ." saad ni jessy sabay takbo sa kusina para kunin ang wine ..nang dumating siya .sunimulan na niyang paikutin ang bote at tumapat kay chelsea pumalakpak si jessy sa tuwa kasi siya ang magtatanong .

"chelsea sino ang crush mo sa mga classmate natin at bakit .." kanigiting tanung ni jessy .. medyo namula si chelsea sa tanung ni jessy .. ayaw niyang malasing kasi siya ang toka sa pagluluto mamaya .

"sagot.. hmmmm si yael ang gusto ko sa mga classmate natin .. at since highschool pa siya na gusto ko ..siya yung sinasabi ko sa inyo na nagligtas sa akin. nung muntik na akong mahold up .simula nun ..lagi ko syang inaabangan sa room nila magkaiba kasi ang section natin sa kanila kaya hanggang tanaw nalang ako ..diko muna naamin sa inyo kasi. nahihiya ako at dipa ako sigurado sa feelings ko nun kaya .nung nakita kong classmate natin tuwang tuwa ako. . " kinikilig nyang saad....

"woww ah magkakaibigan tayo .. pero matagal ka na palang nagmamahal ng palihim chelsea ..astig gusto ko yan hahahaha " saad ni jessy na nag tumbs up pa kay chelsea. na siya namang kinatuwa niya ..kasi naamin na niya din ang matagal na niyang tinatago. Kinuha ni chelsea ang bote siya naman ang magpapaikot. para magtanong ... sakto namang tumapat kay nixhie ang ulo ng bote.

"besshy .ang tanong ko .. ay gaya ng tanung ni jessy sa akin kanina " saad niyang nakangiti kay nixhie pero si nixhie .. di niya alam ang nararamdaman niya kung natutuwa ba siya sa narinig niya kanina na sagot ni chelsea o baliwalahin. nalang para walang gulo ..

"gagawin nalang hehehe ..wala pa kasi akong gusto alamn nyu naman ang reason diba " alanganin niyang sagot . at si gaill naman nilagyan na niya ng wine ang baso at inabot kay nixhie tatlong beses siyang uminum. .medyo. may tama na agad siya .. mahina siya pagdating sa alak...

kinuha niya ang bote at pinaikot sakto naman tumapat kai jessy.

"jessy may nagtapat naba sayo na gusto ka ng taong yun matagal na " yang ang lumabas sa bunganga niya .. na tanung.

"hmmm wala pa beshhh hehehe wala ata magkakagusto sa akin ..kung meron man diko yun ililihim sa inyo .. at kung meron man ..siguro hindi malayong magustuhan ko din yung taong yun kasi matapang siyang pinagtapat ang pagkagusto niya sa akin. ..hahaha assumera ata ako ... ano ba yang tanong mo nixhie nangagarap na tuloy ako .." saad niya na kinikilig ..habang nagiisip .. pero sa isip ni nixhie natamaan siya sa sagot ni jessy .

"ohh sige iba nalang . may gusto kana kay felix" ngumiti si nixhie kasi alam niyang hindi aamin ang kaibigan niya. malihim kasi si jessy pagdating sa nararamdaman niya ..

"gagawin nalang hahahahaha " tawa niya sabay kinuha ang baso at nagsalin ng alak ... at ininum ng sunud sunud ...natawa nalang si nixhie sa kanya ..

kinuha niya ang bote at pinaikot saktong tumapat kay nixhie ulit.

" besh eto tanung ko ..kung magkagusto sayo si yael.at manligaw ..sasagutin mo ba " ngiting tanung ni jessy ..tumahimik ang paligid at nagkatinginan sina nixhie at chelsea ..kapwa nagtatanung ang isip nila.

"ano bang tanong yan jessy ...iba ata epekto ng alak .. sayo " ..saad ni gaill ..sabay hampas sa braso ni jessy ..

" malayong mangyari yun ..kasi halata namang walang gusto sa akin yun .at saka kung sakali man .hindi ko sasagutin . kasi gusto siya ng kaibigan natin .." sagot niya pero ang nasa isio niya si yael ang naka una sa kanya..

"owwwssss really o eto alak inumin mo ..." saad ni jessy at tumawa siya.. sabay abot sa alak ..at ininum may tama na siya..

kinuha ni nixhie ang bote at pinaikot tumapat kay gaill .

"tama na yan...mag inuman nalang tayo ..." saad ni gail ..napansin na nya kasi iba na ang tensyon nila kaya siya na ang pumigil . sa laro nila.tumayo sya at pumunta kumuha ng chicharon .. sa kusina.. para pulutan nila. at sinimulan na nilang uminum .Di nagtagal nalasing silang lahat

"xhie sana hindi ikaw ang maging karibal ko. ang sakit isipin pag mangyari yun " naiiyak na tugon ni chelsea kay nixhie lasing na siya kaya di niya napigilan ng umiyak. Pilit na ngiti ang tinugon ni nixhie kahit mahirap gagawin niya para hindi masaktan ang kaibigan niya.

"wag kang mag alala.chelsea ..di yun mangyayari " saad niya .kahit ang totoo mangyayari kasi sa mga tinapat sa kanya ni yael nung araw may nangyari sa kanila.. naguguilty siya . ngaun palang. naiisip niyang masasaktan niya ang kaibigan niya..

"chelsea alam mo ba ..kung sakaling mangyari yun mag move on ka nalang. wag mong sabihin na ng dahil sa isang lalaki masisira ang pagkakaibigan natin .." tugon naman ni gaill na halata ng lasing.

"tama si gaill.. chelsea. magpaubaya kung sakali.. sabi nga nila ..mahirap mag mahal kung ikaw lang ang nagmamahal . siguro may para sayo talaga.. anjan naman si marco" sabat naman ni jessy ..kahit lasing na sila alam nila kung ano ang sinasabi nila .. habang si nixhie .. gusto niyang maiyak .. kasi di niya alam kung ano gagawin niya ..gulong gulo ang isip at puso niya..

"bakit ang unfair nyo ,,di pa naman gusto ni nixhie si yael ..bakit hindi ako ang pabor.. sana diko nalang sinabi ang nararamdaman ko sa inyo .. di nyo ako naiintindihan ..ikaw nixhie .kung talagang kaibigan kita layuan mo si yael ." umiiyak parin si chelsea lalo siyang nasasaktan kasi wala man lang pabor sa kanya yung pagkagusto niya kay yael ..

"wala akong dapat iwasan chelsea kasi wala naman kaming relasyon ..bakit pati pagkakaibigan natin dinadamay mo ..lalaki lang yan .." taas tono ni nixhie .di na niya napigilan .. ang sarili,, pati siya gulong gulo at nasasaktan para sa kaibigan pero kailangan niyang mag panggap na parang wala lang sa kanya.

"oo lalaki lang. pero yung lalaking yun matagal ko ng mahal" tumaas na din ang boses niya kahit patuloy parin siya sa pag iyak.

"tama na yan ..kung sino man ang piliin ni yael sa inyo kailangan nyong tanggapin ..at magpaubaya"

pagpigil ni gaill sa kanila.

"wala siyang pipiliin kasi wala kaming relasyon ..at di naman siya nangliligaw sa akin ..kung mahal mo siya ikaw ang gumawa ng paraan ,malay mo ba na ako ang gusto niya . baka nga iba ..hindi ako . kaya wag ako chelsea .." naiiyak na rin siya.. yung galit niyang pinipigil at ayaw niyang ilabas sa iyak nalang niya.ginawa para hindi masaktan ang kaibigan niya.. ang nasa isip niya kailangan na niyang pagsabihan si yael. na wag niyang itulot yung balak niyang .. gagawin ang lahat matutunan lang niyang mahalin .. baka masaktan niya ang kaibigan niya at ayaw niyang mangyari yun dahil sa kanya.tumakbo siya palabas para mapag isa.

"nixhie san ka pupunta. . lasing ka .baka ano mangyari sayo jan" habol ni gaill sa kanya para pigilang lumabas .

"gaill .gusto kong mapag isa please " bakas sa mukha niya ang sakit. na nararamdaman ..

"sige pero jan lang ah .. balik ka agad pag ok kana ." sabay haplos sa braso niya at tumango lang ang tanging sagot niya at tumalikod na. Samantala ang tatlo naiwan. .umiiyak parin si chelsea .. sa nangyari sa kanila ni nixhie.

" chelsea. . tahan na.. di nakakatulong yan. sa atin. siguro .palamigin muna ninyo ang ulo niyo ..tama yung sinabi ni nixhie .malay mo sa ibang babae may gusto si yael. kaya wag si nixhie ang awayin mo .." pakumbinsi ni jessy sa kanya para tumigil na siyang umiyak.

"sana nga hindi si nixhie kasi kung siya diko na alam ang gagawin ko ..ang hirap tanggapin na kaibigan ko mismo ang gusto ng gusto ko "

"gusto mo palang naman siya ..di pa kayo .kahit gusto mo siya kung di ka niya gusto ..makakaya mo bang ipilit ang sarili mo sa ganun .. lalo ka lang masasaktan " paalala ni gaill sa kanya,,

"siguro nga pero umaasa akong mahalin din ako ni yael .ipapakita ko sa kanya na mahal ko siya." masakit man na isipin na ipipilit niya ang sarili niya pero yun ang tanging paraan para mapa sa kanya ang lalaking matagal na niyang mahal ..