webnovel

"Bisita"

Laking gulat ni Miriam nang makita niya ang kanyang kaibigan sa labas ng kanilang bakuran.

Miriam: Friend! Anong ginagawa mo dito?! Halika pasok ka. Buti naman at pinapasok ka ng mga security. Gabing gabi na ah. Saan ka ba nanggaling? Anong nangyari sayo? May sugat ka ba, may nangyari bang masama sayo?

Alalang-alala si Miriam sa kanyang kaibigan na si Regina, kaklase niya mula high school hanggang nagcollege. Tinuring na rin nilang parang kapatid ang isa't isa. Tiningnan ni Miriam ang buong katawan ni Regina pero wala naman siyang sugat ni galos ay wala. Nakasuot pa ng uniporme si Regina at masyadong malumanay kung magsalita na para bang pagod na pagod, gutom o nauuhaw.

Miriam: Wala ka namang sugat. Ano ba talaga ang nangyari?!

Regina: Okay lang ako, walang masamang nangyari sa akin. Pero friend pwede ba sa loob na lang tayo mag-usap, kung hindi mo mamasamain?

Miriam: Oo naman, para ka namang hindi pa nakakatulog dito.

Agad na pumasok ang dalawa baka kasi umulan bigla.Inalalayan ng konti ni Miriam si Regina, para na kasi itong matutumba sa kadahilanang hindi niya pa nasasabi. Pagpasok nila sa loob ng mansyon, dumiretso na sila sa may sala kung saan sila nag-usap. Pag-upo na pag-upo nila....

Miriam: O ano ba talaga ang nangyari? Nag-aalala na tuloy ako sayo.

Regina: Si Bogs. Iniwan na ako ni Bogs nang tuluyan. Hindi ko alam kung bakit, ni hindi niya nasabi sa akin kung bakit siya nakikipaghiwalay. Friend ang sakit....

Miriam: Sssshhhhhh... tama na yan. Para namang si Bogs na lang ang lalaki sa mundo kung makaiyak at makasisi ka sa sarili mo.

Si Miriam ang parating takbuhan ni Regina sa tuwing may kasalanang nagagawa si Bogs sa kanya, nag-aaway sila kahit sa konting bagay lang at kung may pinagseselosan siya na hindi niya masabi-sabi sa kasintahan. Saksi na si Miriam sa saya, lungkot at galit na dumaan sa buhay pag-ibig ni Regina. Ilang ulit na rin siyang naging tulay para magkaayos ang dalawa.

Miriam: Ano ba talaga ang nangyari? Sige nga kwentuhan mo nga ako.

Regina: May babae si Bogs.

Miriam: Babae? Para namang bago pa yan sayo. Eh diba nga ilang ulit na kayong nag-away dahil lang sa mga babaeng lumalapit sa kanya na pinaghihinalaan mo.

Regina: Pero iba 'to Miriam. Totoo na talaga 'to. At ako mismo ang nakahuli at nakakita sa kanila. At ang masakit pa....

Hindi maipagpatuloy ni Regina ang gusto niyang sabihin sa kaibigan na para bang may nag-uudyok sa kanyang 'di sabihin kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. Tinitigan nya lamang si Miriam. Nanginginig ang kanyang mga labi, unti-unting namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Pulang-pula na ang ilong ni Regina. Pilit niyang pinipigilan ang kanyang nararamdaman. Hanggang sa bumuhos na nga ito.

Miriam: Ssshhhh... hhhooooooyyy. Parang malala na itong pag-aaway niyo ah. Hindi na ito healthy. Kung parati lang naman palang ganito. Why don't you leave him na?

Biglang bumalik sa katinuan ang mukha at pag-iisip ni Regina at muling tiningnan ang kaibigan.

Regina: Para saan? So that he can have a happy ending with that... with that....

At muling bumuhos ang emosyon ni Regina.

Miriam: Abah, himala, 'di mo tinuloy. Gaano ba kayaman, o ka-espesyal o ka-emplowensya 'tong babaeng to at 'di mo siya kayang murahin, ha?

Umupong muli nang matuwid si Regina at inayos ang sarili. Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mga mata, ang kanyang mukha at pati na ang kanyang damit. Inayos niya ang kanyang buhok ng kanyang tali at muling hinarap ang kaibigan na may tapang at walang takot sa mga mata.

Regina: Sobra.

Rrrrrrriiiiiiiinnnnnnggggggg....

Next chapter