webnovel

Mary's Sweet Revenge

-BOOK [2] OF THE VIRGIN MARY- Di kailangang matalo para mapatunayang matatag akong tao. Minsan mas mabuting manahimik di dahil takot ako, kundi hinahayaan kong sila mismo ang magpapabagsak sa kanilang pagkatao. Virgin, Innocent, Tahimik at Mahin-hin. Oo, yan ako three years ago. Ang apat na bagay na bumabalot saking pag-katao ay bigla nalang naglaho. Inaapi, nagpapa-api at lalong hindi lumalaban. Lahat ng bagay may hangganan. Lahat ng tao ay nagbabago. Lahat ng sakit ay naiibsan. May umaalis pero napapalitan. May nawawala meron ding bumabalik. Umalis ako para palitan at bagohin ang aking sarili. At nawala ako para paghandaan ang pagbabalik sa mga taong nanakit. Im Virgin Mary and im back for my Sweet Revenge. [MARY's SWEET REVENGE] WRITTEN BY: Mommy_J (All rights reserved 2016)

Mommy_J · Urban
Not enough ratings
43 Chs

KABANATA 39

Nagsisimula na ang laro sa pagitan ng dalawang grupo. Sa larong ito ay team si Clifford at Matteo, habang sa kabilang team naman ay si Rocky at Robi. Kanina pa ako kinakabahan dahil sa totoo lang ay kanina pa ako hindi pinapansin ni Rocky. Kahit anong gawin kong huli sa kanyang mga mata ay hindi sya nagpapahuli. Kasalanan ko naman diba? Kasalanan ko kong bakit pa ako sumama kay Matteo. Siguro ay kakausapin ko sya mamaya at manghingi ng tawad.

"Hoy Maey.." Bigla akong siniko ni Grace sa may tagiliran. Katabi ko ang tatlo ngayon na mukhang na e'excite narin sa laro. "Bakit kayo magkasama ni Sir kanina? Saan kayo galing?" kumikinang pa ang mata ni Grace sa katanongang iyon. Nag-taas ako ng kilay dahil nasa akin ang tingin ng tatlo.

"Business," sagot kong maikli ngunit natawa lang sila.

"Business? Diba patapos na yong shop mo? This month ay magbubukas kana. Ano pa ang pag-uusapan nyo? Kong sino ang mag ca'cut ng ribbon?" nanliit ang mata ko sa sambit ni Jessica. Kumunot ang noo ko dahil malakas silang nagtawanan. Anong meron? Bakit trip nilan mangbully ngayon?

Dahan-dahan akong nagbuntong hininga. Ayaw kong magmumukhang guilty sa harap nila. Umayos ako ng upo bago sila tinignan ng nakangiti.

"Isipin nyo na ang gusto nyong isipin," sagot ko at agad binalik ang tingin sa court. Narinig ko ang iilang tawanan nilang apat. Isang tawa na pilit at nagsisihan.

Nagsimula na ang laro ang bola ngayon ay nasa team nila Clifford at Matteo. Hawak ni Clifford ang bola habang dinidribol ito. Bawat galaw at takbo ni Clifford ay hindi maiiwasang namamangha ang mga nanunuod sa kanya. Ang kanyang tangkad at laki ng katawan ay sobrang sakto lang. Inilipat ko ang tingin kay Rocky na ngayon ay binabantayan si Matteo. Kumunot ang noo ko dahil sa nasaksihan. Bawat titig ng dalawa ay may galit at pagbabanta. Napahawak ako saking dibdib. Hindi ko alam pero kinabahan ako ngayon. Kaliwa, kanang umiilag si Matteo subalit hinaharangan lang ito ni Rocky.

"Go Papa Rocky! Go go..." napalingon ako sa sigaw ni Grace. Nakatayo na ito habang tumatalon.

"Kaya mo yan Papa Matteo. Go lang ng go..." sigaw naman ni Jessica habang tumatalon rin. Napalingon ako kay Ivony subalit sobrang tahimik niya lang. Mas lalo akong kinabahan ng lumingon sya sakin at agad namang nag-iwas ng tingin. Magsasalita sana ako ng bigla syamg tumayo at humarap samin.

"Cr muna ako," saad niya at dali-dali kaming tinalikuran. Maging ang dalawa ay nahahalata ang kinikilos ni Ivony. Kanina pa sya hindi mapakali na para bang may itinatago samin.

"Anong problema non?" si Grace na nakatingin na pala sakin ngayon. Nagkibit ako ng balikat bago ibinalik ang tingin sa court.

Sobrang bilis ng pangyayari dahil nakalimang puntos na ang team ni Matteo at Clifford samantalang sina Rocky at Robi ay tatlong puntos lang. Binigyan sila ng isang minutong time out. Gustohin ko mang tumayo para lapitan si Rocky ngunit may pumipigil sakin. Tanging sulyap lang ang ginagawa ko sa dalawa. Bakit ganito? Parang nag-aaway ang aking puso at isipan. Gusto kong tumayo, gusto kong bigyan ng pampunas si Rocky, gusto ko syang alagaan.

"Hoy Maey wala ka bang balak tumayo dyan? Mukhang kailangan ka ng dalawa oh." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jessica habang tinuturo si Matteo at Rocky gamit ang kanyang nguso. Nagtawanan ang dalawa habang ako ay hindi mapakali.

"Sira ka talaga Jessica," binatokan ni Grace si Jessica sabay tawa nilang dalawa. Dahan-dahan kong nakagat ang aking labi bago yumuko. Bakit nga ba ako nalilito sa tuwing naiisip kong gustong tumayo?

"Ayan na magsisimula na ulit! Wooooo go Sir Clifford." tumayo ang dalawa at nagtatalon sa excite. Hinayaan ko nalang silang sumigaw habang ako ay nakaupo lang. Hinahanap ng mata ko si Ivony. Bakit hindi pa sya nakakabalik dito? Bakit natagalan yata sya sa banyo?

Sobrang ingay ng gym. May iilang tao rin ang nanunuod sa apat. Larong pang kaibigan lang naman ito para sa apat. Siguro ay bonding narin nila itong magkakaibigan. Napasinghap ako at wala sa sariling nanuod. Hawak ni Matteo ngayon ang bola, hindi ko alam kong bakit ako napatuwid ng upo ng hinarangan sya ni Rocky. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang bawat ilag ni Matteo ay sinusundan ni Rocky. Sobrang bilis mag dribol ni Matteo halos hindi ito naagaw ni Rocky. Mas lalong lumakas ang sigaw ng mga tao sa gym.

"Gosh go Papa Rocky..." sigaw ni Jessica na halos umalingaw-ngaw sa gym.

"Go Papa Matteo." sigaw naman ni Grace.

Napailing ako sa tawa ngunit may kaba. Itinuon ko nalang ang pansin sa dalawa na hanggang ngayon ay nag aagawan sa bola. Bawat dribol ni Matteo sa bola ay inaagaw ni Rocky. Kitang-kita sa mukha ng dalawa ang pagod at pawis ngunit may bangis na titig. Nagulat ako ng biglang lumingon si Matteo saking direksyon. May sininyas syang salita.

"This is for you baby girl," kumunot ang noo ko sa sinabi niya bago sya tumalon ng mataas at ipinasok ang bola sa ring. Sabay non ay ang malakas na sigaw ng mga tao sa paligid. Ang dalawa ay halos kiligin dahil niyugyog nila ang balikat ko.

"Gosh Maey nakita mo yon?" yugyug sakin ni Jessica na kilig na kilig. Bahagya akong nag-taas ng kilay na para bang wala akong nakita sa ginawa ni Matteo kanina.

"Oh my ghad girls ang sabi ni Papa Matteo. This is for you baby girl, tapos sakin sya nakatingin. Waaah!" natahimik si Grace sa kakasigaw ng pareho naming narinig ang sinabi ni Jessica. Sa puntong ito ay natawa ako ng palihim. Natawa ako habang umiiling sa tuwa. Hindi ko lubos maisip na yon ang sasabihin ni Jessica.

"Baliw.... para kay Maey 'yon. Ambisyosa." biglaan hinampas ni Grace si Jessica sa balikat. Binalik ko ang tingin sa court. Napalunok ako ng mahuli ko ang paninitig sakin ni Rocky. Isang titig na sobrang lalim at may halong galit. Dahan-dahan akong ngumiti sa kanya subalit nag-iwas agad sya ng tingin. Lumapit sa kanya si Robi at tinapik ang balikat nito. Sobrang bigat ng damdamin ko. Wala ba syang balak ngumiti sakin?

Tumunog na ang malakas na pito. Nagsimula ulit ang laro ngunit hindi pa bumabalik si Ivony hindi nalang namin iyon pinansin magkakaibigan. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng hawak ni Rocky ang bola. Nakagat ko ang aking ibabang labi at seryosong tinitigan ang bawat galaw niya. Gusto kong hulihin ang kanyang mga mata subalit ayaw niyang lumigon sa direksyon ko. Papalapit na sana sya sa may ring ng bigla syang hinarangan ni Matteo. Mas lalong kumabog ang puso ko ng sumulyap sakin si Rocky, walang ekspresyon at mas lalong walang emosyon. Hindi ko maintindihan kong bakit ganito sya manitig sakin ngayon.

"Don't try to touch my property, Matteo." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Rocky habang dinidribol ang bola kaliwa-kanan. Napahawak ako saking dibdib. Hindi ako nagkakamali dahil nababasa ko ang bawat buka ng kanilang bibig. Tawang-tawa naman si Matteo habang hinaharangan si Rocky.

"My property Rocky, my first property." sagot naman ni Matteo na may pang-aasar.

"I don't care if i was not her first, but i wanna be her last, Matteo." matapang na sagot ni Rocky na ikinaigting panga ni Matteo. Bawat patak ng pawis sa kanilang noo ay may pagbabanta at labanan. Nangi-nginig ang tuhod ko sa inuupoan ko ngayon. Natatakot ako sa mangyayaring eksena ngayon.

"Edi kabahan ka." mabagsik na sagot ni Matteo. "Kabahan ka sa maari kong gawin, Rocky. Tandaan mo ang basketball ay parang love may second chance." nanliit ang mata ko sa sinabi ni Matteo. Nagkasalubong ang kilay ni Rocky sa narinig. Ang bawat bitaw niya sa bola ay may galit.

"Let me know when you're ready to try and win back her, Matteo. Dahil pagsisihan mo ang gagawin ko. Tandaan mo yan!" biglaang tumakbo ng mabilis si Rocky sa gilid ni Matteo at tumalon ng mataas bago ipinasok ang bola sa ring. Halos yumanig ang gym dahil sa sigawan ng mga tao. Maging ang dalawa ay sumisigaw sa tabi ko.

Halos hindi ako makagalaw sa nasaksihan. Bakit nila iyon ginagawa? Laro lang naman ito pero bakit nasali ako? Ayaw ko ng gulo sa puntong to. Hindi ko balak sirain ang pagkakaibigan nila. Dumaan ang ilang minuto ay ganon parin ang laro ng dalawang team. Si Matteo at Rocky ay hindi natatapos sa palitan nila ng salita. Masasakit at pang-aasar na salita ang lagi kong nahuhuli sa dalawa gustohin ko mang pigilan at itigil ang kanilang laro ngunit pinipigilan ako ni Jessica at Grace.

Binigyan sila ng isang minutong time out. Nanatili kaming nakaupo sa may hagdanan. May tubig at towalya namang dala ang apat at mukhang hindi na nila kailangan ng tulong. Hindi ko mapigilang hindi mag-alala sa dalawa, dahil pag naglalaro sila sa court ay may galit ang bawat titigan nila. Ngunit pag oras na ng time out ay nag-uusap usap naman ang apat.

"Hayaan muna Maey, normal lang talaga yan sa isang laro lalo na pag basketball." tinapik ni Grace ang likod ko. Napalingon ako sa kanya na may ngiti. Siguro nga at tama si Grace.

"Normal? Eh halos magsuntokan si Matteo at Rocky? Normal ba yon?" sambit ni Jessica sa mataas na tono. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-alala.

"Kong makapag react ka naman dyan Jessica. Eh kahit naman siguro ako hindi ko hahayaang makuha ng ibang tao ang mahal ko." natahimik kami sa sinabi ni Grace. Napaisip ako sa sinabi niya, kaya ba ginagawa ito ni Matteo at Rocky ngayon dahil pinag-aagawan nila ang bola na ini'imahe nila sakin.

"Tama ka nga naman dyan. Kaya siguro double team dahil dalawa silang umaagaw sa isang tao." sambit naman ni Jessica habang sakin nakatingin. Nanliit ang mata ko sa pinagsasabi nila ngayon. Mariin akong pumikit at umayos ng upo.

"Anong akala nila sakin bola na pwedeng ipag-pasapasahan?" sagot kong may inis. Nagtawanan ang dalawa sa sinabi ko.

"Oo," sabay nilang may ngiti. Kumunot ang noo ko.

"A-Ano? Nagjo'joke ba kayo?" bulyaw ko sa inis. Umusog sakin si Grace at hinawakan ang kamay ko. Tinititigan niya ako ng may ngiti.

"Oo Maey... isa kang bola pagkatapos bolahin tinitira." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Grace kaya kumunot ang noo ko. Tawang-tawa ang dalawa at tila nasisiyahan sa sinasabi nila. Sa puntong ito ay nasampal ako sa katotohanan. "Joke lang noh, ano ka ba hindi ka naman mabiro." tinapik ni Grace ang balikat ko na may pagsisi. Napasinghapa ako bago binalik ang tingin sa court.

Joke ba talaga yon? Oh may halong katotohanan? Matagal na akong sanay sa mga kaibigan ko hindi na ito bago.

"T-Tika lang si Ivony hindi pa nakakabalik," napalingon ako sa sambit ni Grace. Kanina pa ang laro at kanina pa hindi nakakabalik si Ivony.

"Ah guys nag text sya sakin ngayon lang. Umuwi raw sya saglit babalik din daw sya agad." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jessica. Nagkatitigan kami ni Grace bago nagkibit ng balikat.

Tumunog ang malakas na pito at mukhang magsisimula ulit ang laro. Hawak ni Robi ang bola at ipinasa niya kay Rocky. Tumakbo si Rocky palapit sa ring ngunit naagaw ito ni Clifford. Tumakbo ng mabilis si Clifford at itinapon ang bola pataas para mapasok sa ring. Sabay non ay ang malakas na sigawan ng mga tao. Hindi ko nalang pala namalayan na pumalakpak ako sa tuwa. Hanggang ngayon ay sobrang galing parin ni Clifford. Sa puntong ito ay may parehong score ang dalawang team, kinakabahan ako sa maaring mangyari. Sa titigan palang ng dalawa ay gusto na nilang manalo.

Hawak ni Robi ang bola at tumakbo ito kaliwa-kanan para ilagan si Clifford, bawat dribol ng bola ay hindi ipagkakaila kong gano kalaki ang braso ni Robi. Bawat galaw niya ang nag fli'flex ang kanyang braso. Sobrang kinikilig ang mga taong nanunuod. Samantala ang dalawa sa tabi ko ay tumitili na halos bumabasag ng pinggan. Hindi makadaan si Robi dahil sa pinsan yang nakaharang. Bawat titigan ng dalawa ay tila nang-aasar sa isat-isa. Tumigil sa pag didribol si Robi at marahang umatras bago tumalon ng mataas at itinapon ang bola sa ring. Namangha kaming lahat sa nakita. Sobrang layo ni Robi sa ring subalit napasok niya ito ng walang ka hirap-hirap.

"Waaaah.... Sir Robi I love you ang galing-galing nyo po." sigaw ni Grace at Jessica na ikinalingon ni Robi. Kumaway sya samin kaya kilig na kilig ang dalawa. Napailing ako sa tawa dahil may naaalala ako noon.

Kinabahan ako ulit dahil hawak ni Rocky ang bola. Nakatayo lang sya ng matuwid habang dinidribol ang bola. Sa ginawa niya ngayon ay mas lalo kong naipagtanto na gustong-gusto ko na talaga si Rocky. Ang bawat suklay niya sa kanyang buhok gamit ang kanyang daliri ay mas lalong nagpapakabog saking dibdib. Sobrang gwapo ni Rocky habang ginagawa iyon. Sumulyap sya sakin na walang ekspresyon. Hindi ko magawang ngumiti o kaya'y kumaway sa kanya ngayon. Tanging kagat labi lang ang ginawa ko sabay ng paghuli ko sa kanyang mga ngiti. Tila sumigla ang aking katawan sa binitawan niyang salita.

"I'm gonna win your heart, I promise." saad niya bago tumakbo patungong ring. Bagama't biglang sumulpot si Matteo at hinarangan si Rocky. Mas lalong nag ingay ang mga tao sa gym. Halos hindi ako makahinga dahil sa maraming pagkakataon ay nagkaharap ulit silang dalawa.

Masamang titig, pagbabanta sa isat-isa at agawan ng bola. Titig na titig ako sa dalawa. Hindi ko alam kong saan tutungo ang larong ito. Ayaw kong mauwi ito sa suntokan ng magkakaibigan.

"Always keep eye on the ball" basang-basa ko ang sinabi ni Matteo kay Rocky. Nanatiling naka drebol si Rocky habang hinaharangan ito ni Matteo.

"You know that your style and my style will make for an explosive fight." saad naman ni Rocky na ikinalaglag ng panga ko. Maging si Clifford at Robi ay natigilan dahil sa dalawa nilang kaibigan.

"Hey guys. Laro lang ito walang personalan," sigaw ni Robi subalit hindi sya pinansin ng dalawa. Dahan-dahan akong napatayo dahil sa puntong ito ay alam ko na ang mangyayari. Napahawak ako ng mahigpit saking dibdib.

"We're playing selfish basketball Rocky." pagbabanta naman ni Matteo sa matigas na english.

"Bet on yourself Mr. Edelbario. Wala akong pakialam sa bolang hawak ko ngayon. Ang mahalaga sakin ay si Mary. Akin lang ang babaeng sinaktan mo, fuck you." halos lumuwal ang mata ko dahil sa malakas na paghampas ni Rocky ng bola sa mukha ni Matteo. Halos hindi ako makagalaw sa nasaksihan. Nabibingi ako sa kinatatayuan ko ngayon. Nangi-nginit ang buong katawan ko sa takot. Halos wala akong marinig.

Bumulagta si Matteo sa sahig at mabilis itong nakatayo para suntokin si Rocky. Nagpalitan ng suntok ang dalawa. Dali-daling bumaba si Grace at Jessica sa may court. Maging si Clifford at Robi ay inawat ang dalawa. Hingal na hingal si Rocky habang si Matteo ay dumudugo ang ilong. Napahawak ako saking dibdib. Gusto kong gumalaw at bumaba subalit ayaw gumalaw ng aking mgap paa.

"Maey ano bang tinatayo mo dyan!" bumalik ang diwa ko ng may biglang humila saking braso. Naalimpungatan ako dahil si Ivony ang humila sakin pababa. Bakit ngayon lang sya? Saan sya galing. Bakit ngayon lang sya nagpakita?

Nang makarating kami sa gitna ng court ay mabilisan akong binitawan ni Ivony. Nagulat ako dahil tumakbo sya patungo kay Matteo. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Pinupunasan ni Ivony ang dugong dumadaloy sa bibig ni Matteo. Hindi ko alam pero parang may bumagsak na bato saking ulo. Bakit nakaramdam ako ng ganito? Kaibigan ko si Ivony at alam kong nag-aalala lang sya kay Matteo. Naikuyom ko ang aking kamao. Nawala ako sa sarili, nawala ako sa pag'iisip. Bigla nalang akong hinila ni Grace palapit kay Rocky. Bumalik ang pag-iisip ko ng makitang duguan ang gilid na bibig ni Rocky. Dali-dali akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang pisnge.

"R-Rocky ano bang nangyari? Bakit mo ginawa 'yon?" sambit ko na ikinakunot ng kanyang noo. Hindi makasagot si Clifford mula sa gilid ni Rocky. Tumitig ako sa kanya subalit nagkibit lang ito ng balikat.

"Alam mo dude. Kailangan nyong ayosin ang problema nyo ni Matteo. Pati sa laro namimi'rsonal kayo." tinapik ni Clifford ang balikat ni Rocky. "Kakausapin namin si Matteo, mauna na ako sainyo." tinapik ulit ni Clifford si Rocky. Sumulyap syang muli sakin na may ngiti subalit may takot at lungkot. "Ikaw ng bahala sa sugat ni Rocky, Mary. Ikaw lang ang gamot ng gagong to." huling sabi ni Clifford habang tumatawa ito palayo. Nakagat ko ang aking ibabang labi.

Lumipat ang tingin ko sa kaibigan kong si Ivony at Matteo kasama si Clifford at Robi na palabas ng gym. Bakit ganito? Parang may tumutusok saking dibdib? Nakaakbay si Matteo kay Ivony palabas at tila tinutulungan si Matteo maglakad. Napapikit ako sa galit at hindi ko alam kong galit ba itong nararamdaman ko ngayon.

Dahan-dahan akong humarap kay Rocky na ngayon ay sobrang lalim ng titig. Namamaga ang kanyang kanang bibig dahil sa suntok ni Matteo.  Sinamaan ko sya ng tingin, mas lalo kong ikiniyom ang aking kamao sa galit.

"Bakit mo 'yon ginawa?" halos bumulyaw ako sa galit.

"Aheem...." napalinga ako sa sambit ni Jessica kasama si Grace. "Mauna na kami sainyo, susundan namin si Ivony. Itetext ka lang namin mamaya. Byee Maey." kumiripas ng takbo ang dalawa palabas ng gym. Napasinghap ako sa galit. Gusto kong magalit sa harap ni Rocky gusto ko syang pagalitan.

"R-Rocky.... Bakit umabot kayo sa suntokan? Bakit mo ginawa yon? Anong problema mo? Bakit mo biglang hinampas ang bola kay Matteo?" sunod-sunod kong tanong na ikinagalit niya. Mas lalong lumalim ang titig niya sakin. Maging ang panga niya ay umigting sa galit.

"Nang dahil sayo--," nanliit ang mata ko sa sinabi niya. Anong koneksyon?

"Dahil sakin?" turo ko saking sarili. "I don't understand you Rocky. Anong koneksyon sa laro nyo kanina? Huh?" sambit ko sa galit na tono. Sa puntong ito ay naikuyom ni Rocky ang kanyang kamao sa galit. Ramdam na ramdam ko sa hininga niya ang pagod at sakit.

"Dahil isa kang bola Mary, kahit marami ng may hawak sayo. Handa akong makipag agawan makuha ka lang." natigilan ako sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto kong magalit sa kanya ng lubos subalit bumara ang lamunan ko sa sinabi niya. Dahan-dahan akong huminga ng malalim.

"Hindi ako bola na ginagamit lang kapag naglalaro." pagod kong sabi. Yumuko sya sa pagkakataong ito habang nakayuko. "Alam mo Rocky hindi kita maintindihan, sana ikaw nalang yong umiwas sana hindi mo nalang pinatolan si Matteo---" natigilan ako sa pagsasalita ng dahan-dahan syang tumalikod. Hindi ko alam kong bakit bigla niya akong tinalikuran. Mas lalo akong nagalit sa ginawa niya. Nagsimula na syang maglakad na nakapamulsa.

"R-Rocky hindi pa tayo tapos--," sigaw ko na ikinahinto niya. Hingal na hingal ako sa galit. Ano bang problema niya? Bakit niya ako ginaganito? Dahan-dahan syang lumingon sakin na nakatagilid. Maging sa malayo ay kitang-kita ang tangos at perpektong mukha ni Rocky. Ang bawat patak ng pawis sa kanyang buhok ay dumadaloy patungong noo hanggang ilong. Halos hindi ako makahinga. Kanina lang ay galit ako bakit ngayon lumambot ang nararamdaman ko ng makita syang ganito? Sobrang tahimik ng gym at tanging kabog lang ng puso ko ang naririnig.

"Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi mo naman ako mahal diba?" nanlaki ang mata ko sa narinig. "Sana bola nalang ako para ishot sa puso mo." bumagsak ang magkabila kong balikat sa huli niyang sinabi.

Wala na akong nagawa kundi tumayo sa gitna ng court na hindi gumagalaw. Tanging ang paglayo ni Rocky lang ang nakikita ko sa puntong ito. Iniwan niya akong nakatulala. Iniwan niya akong may question mark sa pag-iisip. Napahawak ako saking dibdib at tila natamaan sa sinabi niya. Tila ginising niya ang katotohanang nararapat ako sa kanya.

Rocky please don't let me go.

Continue...