Binalotan kami ng katahimikan. Ang titig ni Matteo ay nakipaglaban kay Rocky. Maging ang tatlo ay pabalik-balik din ang tingin sa dalawa.
Subokan lang nilang mag-away ulit, kundi ako mismo ang tutulak sa kanila palabas ng condo ko.
Sobrang init ng awra ni Rocky habang si Matteo ay sobrang lamig naman.
"Oh my ghad. Hinog na mangga," naputol ang katahimikan naming lahat ng sumigaw si Grace palapit sakin. Mabilisan niyang inabot ang mangga at kinain iyon.
Maging si Jessica at Ivony ay natawa rin.
"Grabe ang sarap. Hmhmh! Ang sarap talaga," she eat the manggo with her facial expression. Tila nang-aasar samin, sakin. Kinakain niya iyon habang nakatitig sakin na may ngiti.
Nanatiling tawang-tawa ang dalawa sa ginawa niya.
"Ngayon ka pa ba nakakain ng mangga, Grace? Wala ba iyan sa bukid nyo?" sambit na pang-aasar ni Ivony. Tinignan lang sya nito na may ngiti.
"M-Meron. Kaya lang ay walang bunga." napatikhim ako. Sa pagkakataong ito ay natawa ako. Gusto kong humalak-hak ngunit nasa tabi ko si Rocky. Si Matteo naman ay nasa gilid lang ni Jessica. Pinipigilan kong tumawa ng malakas dahil ayaw kong magmukhang baliw sa harap nila. Kahit kailan ay hindi talaga nila ako binibigo.
"Dalhin nanatin iyan sa lobby. Doon na tayo kumain." anyaya ko bago nag-aagawan ang tatlo sa dadalhin nilang plato.
"Sa lobby daw tayo. Lets go," si Jessica at naunang lumabas ng kitchen. Sumunod naman ang dalawa na tila nagtutulakan pa. Napailing ako sa tawa dahil nagmumukha talaga silang bata. Hanggang ngayon, wala parin silang pinagbago. Beside, masaya akong naging kaibigan sila.
"Mga sira talaga," iling kong tawa bago ko napagtantong kami nalang tatlo ang naiwan sa kitchen. Sumulyap ako sa gilid ko at nakapamulsa lang si Rocky. While Matteo, looking at me directly. "Lets go outside," anyaya ko bago nag-simulang maglakad.
Naramdaman kong sumunod si Rocky sa likuran ko. Si Matteo naman ay malapit lang sa pintoan nakatayo. Halos nabalotan ako ng pagkailang sa pagitan naming tatlo. Halos hindi ko silang matignang dalawa. Nahihiya, natatakot o di kaya'y kinakabahan, dahil kasama ko ang dalawang lalaking ito.
Hindi pa ako nakakalapit sa pintoan ay sabay hinawakan ni Matteo at Rocky ang doorknob ng pinto. Nabigla ako sa ginawa nila. Di umano'y nag-uunahan akong pag-buksan ng pinto. Gentlemen way. Kumunot ang noo ko sa ginawa nila.
Hindi parin nila binibitawan ang doorknob. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa dahil naglaban ulit ito ng titig.
"Guys. I can handle myself. Ako na!" hinawi ko ang kamay nilang dalawa at dali-daling lumabas ng kitchen. Iniwan ko sila sa loob.
Sige magpatayan kayo dyang dalawa. Ano bang naiisip nila at pati sa pagbukas ng pinto ay kailangan pa nilang gawin iyon para sakin? Natawa tuloy ako at the same time, naiinis.
Lumapit ako sa direksyon ng mga kaibigan ko. Nakaupo sila sa isang silya na nakaround sa isang maliit na mini mesa. Halos maubos na yata ang prutas sa plato.
"Maey nasan ang dalawa?" sinalubong ako ng tanong ni Jessica. Hindi ko magawang sumagot at tinititigan lang sila.
"Ayun oh." bahagya akong lumingon sa ngusong turo ni Grace. Sabay silang naglakad palapit samin. Tila nagmumukhang action star ang bawat lakad ng dalawa.
Napahawak ako sa railing ng lobby habang pinapanuod sila. Ang tangkad at kisig ng katawan ng dalawa ay walang pinagka-iba.
Si Matteo na mabagsik at si Rocky na marahas.
Ang kanilang titig ay nasa akin lamang. Tila pinag-aagawan ang mata ko kong saan ako titingin. Mabilisan akong umiwas ng tingin.
"Akin 'yong isa huh?" si Grace na tila humagik-ik sa tawa habang tinuturo si Matteo.
"Sayo na. Basta't akin 'yong kasama niya." si Jessica at sabay silang nag higifive. Tinignan nila ako bago sila nag-tawanan ulit.
"H-Hoy. Kayo talaga ang lalandi nyo. Walang sainyo dyan noh. Kay Maey iyan lahat." putol ni Ivony sa tawanan ng dalawa. Napakalmot lang ito sa mga batok nila. This time ay hindi ko maiwasang humalak-hak sa kaloob-looban. Nananakit na yata ang tyan ko sa kakatawa.
"Hi, Sir Matteo. Gusto nyo ng mangga?" malambing boses ni Grace kay Matteo. Umiling lang ito habang kinaway ang isang kamay niya.
"Nah, thank you. Mas gusto ko si Mary." nagulat ako sa sinagot ni Matteo. Maging ang tatlo ay nagtutulakan sa kilig. Napalunok ako ng ilang sandali.
Anong keneksyon non? Mangga ang itinatanong ni Grace, hindi tungkol sakin.
Sumulyap sakin si Matteo na nakangiti. Sinamaan ko sya ng tingin. Hindi ako masaya kaya huwag na huwag niya akong ngitian.
"I-Ikaw Sir, Rocky? Gusto nyo ng mangga." tanong ni Jessica habang naka puppy eyes pa. Nasa kanya ang atensyon naming lahat.
Ngumiti sya kay Jessica bago tumango. Buong akala ko ay hindi sya kakain, ngunit lumapit sya kay Jessica at kumuha ng isang hiwa ng mangga mula sa plato.
"Yeah, sure. Si Mary ang humiwa nito kaya kakainin ko," kinain niya ang mangga pagkatapos ay sinulyapan ako. Sobrang lapad ng ngiti ni Rocky.
Nagtutulakan ulit si Jessica, Ivony at Grace sa ginawa ni Rocky. Kumuha ulit sya ng isa at kinain iyon. Sa puntong ito ay bumuo ang iilang laway sa bibig ko. Mukhang sarap na sarap si Rocky sa mangga na medyo hilaw.
"I think I'll eat that, too. Nagutom kasi ako ulit." natahimik kami ng kumuha si Matteo sa hawak na plato ni Grace. Kinain niya iyon habang nakatingin sakin.
Kumuha ulit si Rocky sa hawak na plato ni Jessica. Maging si Matteo ay ganon rin.
Kumunot ang noo ko sa dalawa at mukhang nagkukumpetensya. Ang tatlo ay halos hindi makakain dahil nag-uunahan ubosin ni Rocky at Matteo ang isang platong mangga.
"Sir,wala din bang mangga sa bukid nyo?" natatawang tanong ni Jessica kay Rocky. Umiling si Rocky habang punong-puno ang bibig.
"Meron naman. Pero mas masarap 'to," sagot niya bago sumulyap sakin. Napailing ako sa tawa.
"Eh. Ikaw Sir Matteo? Wala bang mangga sa bukid nyo? Haha." natatawang tanong ni Grace. Hindi ko alam kong nakapunta na ba ng bukid si Matteo. Naiisip ko palang iyon ay malabo ng mangyari. Sa yaman niyang iyan?
"There is. But natatakam ako ngayon at paborito ko ito, lalo na ang hinog." sagot naman ni Matteo habang nakatingin sakin. Talaga paborito niya iyan? Eh halos hindi maguhit ang mukha niya habang kinakain iyon.
Ang galing talagang umakteng.
"Really? Kanina lang ay ayaw mo? Bakit ngayon gusto muna?" nagulat ako sa sambit ni Rocky. Bahagyang tumawa si Matteo na tila nang-aasar.
"Yes really. Because I can barely open my fucking mouth. I can eat that, anyway. Whats your problem dude?" padabog na boses ni Matteo. Natigilan kaming lahat. Natatakot ako na baka maghampasan sila ng dala nilang plato.
"It's all about what you can eat, not what you can't eat. Don't be so stupid, Matteo. I know you can't eat mango. This is not your favorite fruit, as I remember though." naging hamon ang boses ni Rocky. Sa pagkakataong ito ay may malaking question mark ang gumuhit saking mukha.
Hindi ko alam na ayaw pala ni Matteo sa mangga? Hindi ko rin alam kong bakit nag-sinungaling syang paborito niya ang mangga.
"Oh yeah I forgot. Ok fine I won't eat either." ibinalik niya ang plato sa mesa. Nanatili akong nakatingin kay Matteo at ibang-iba ang awra ng kanyang mukha.
"Why are you doing it yourself?" sambit ko na ikinalingon ni Matteo. Naging blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha ngayon.
"Because I want to eat that because you prepared that for me, for them." kalmado niyang sagot. Kumunot ang noo ko sa sagot niya.
Nang dahil lang don?
"Now you can't lie about what you eat," wika ko ulit na ikinayuko niya. Binalotan kami ng katahimikan. Nanatiling nakayuko si Matteo habang nakapamulsa.
"Because he want to compite me." mabilisan kong tinignan si Rocky na kunot noo. Ang gilid ng kanyang labi ay may ngiti.
"I'm sorry, Rocky. But I dont compite against anyone else, or you. I can do better and capable, I believe myself." ma awtoridad na sagot ni Matteo. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.
"Okay. I'm just telling. I just thought you dont like this fruits." sagot naman ni Rocky pagkatapos kainin ang isang hiwa ng mangga.
"Yes, I dont. But it comes to Mary? Kakainin ko ang bawal." sagot naman ni Matteo habang nakatingin sakin.
Nagulat ako sa sinabi niya. Bawal? Pano naging bawal sa kanya ang mangga? Sa pagkakaalam ko ay masustansya ang prutas na ito.
"B-Bawal kayo sa mangga, Sir? Pero bakit?" nakangusong tanong ni Grace. Tinignan sya ni Matteo na nakangiti.
Pano nalaman ni Rocky ang tungkol dito? Bakit alam niyang hindi gusto ni Matteo ang maasim na prutas na ito. Oo nga pala't magkaibigan sila.
"I just found out that im allergic to mango." namilog ang mata ko sa narinig.
Allergic sya sa mangga? Bakit hindi ko alam iyon? Bakit hindi niya sinabi sakin ito noon? Damn, Mary. Why are you interested? Past na iyon.
"Oh my ghad, Sir? Ano pong mangyayari pag makakain ka ng ganito?" nag-aalalang tanong ni Grace. Naging tahimik kami at tila naging interesado ako sa maririnig.
Sumulyap sakin si Matteo. Isang sulyap na may ngiting pilit ipinapakita.
"I have direct contact with the cut skin. The skin has some kind of compound that's similar to poison oak. I stop eating mango, that time." salaysay niya. Hindi ko alam na may tao din palang allergic sa mangga.
"Nakapag pa check-up ka na ba, Sir? Anong sabi ng Doctor?" natawa si Jessica at Ivony sa kanina pang pangu-ngulit na tanong ni Grace.
Sumulyap ulit ako kay Matteo. Ngumiti lang ito.
"Yah. It's just the skins not the actual mango. I can eat a mango with no issues, but I was lazy and just cut it open and ate around the skin. Now is extremely broke out my skin." wika niya ulit. Nakagat ko ang ibabang labi ko. This time ay hindi ako makapagsalita. Ano kayang kalabasan sa kinain niya ngayon? "Mango almost killed me, actually." mabilisan kong sinulyapan si Matteo.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko subalit sya ay nakangiti lang at hindi manlang natakot sa sinabi niya.
"Myghad, Sir. Huwag na po kayong kumain niyan. Sayang ang iyong magiging anak," nagtawanan ang dalawa sa sinabi ni Grace. Subalit si Rocky ay tahimik lamang habang nakatitig kay Matteo.
Tawang-tawa si Matteo sa sinabi ni Grace.
"Okay lang iyan, Sir. Ako nga eh allergic sa saging." mas lalong lumakas ang tawanan ng tatlo dahil sa binitawang salita ni Grace.
Napailing ako sa tawa. Nagawa talaga nilang magbiro sa harapan ng mga lalaki?
"Then you must aware. That might even kill you, Grace." sambit ni Rocky na ikinatahimik nilang tatlo. Sobrang pula ng pisnge ni Grace at tila nahihiya na ngayon.
"Nakakamatay ba iyon, Sir?" mapaklang boses ni Grace habang nakahalukipkip.
"Oo. Lalo na't malaki," si Jessica na tawang-tawa. Humalakhak din si Rocky at sumabay sa tawanan nila.
"Girls kayo talaga!" putol ko sa tawanan nila. Nakakailang ang kanilang topic. Agad namang nag peace sign ang tatlo.
Sumulyap ako kay Matteo at nakangiti lang ito sa kanila. Bumagsak ang mata ko sa braso niya. Kumunot ang noo ko dahil pulang-pula ito. Para syang kagat sa lamok. T-Tika? Ito na ba? Ito na ba ang epekto sa allergic niya?
"M-Matteo," lalapit na sana ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. Bumagsak ang mata ko sa bulsa ng aking short. Bumungad sakin ang pangalan ni Meo, ang aking executive assistant.
Nasa akin ang atensyon nilang lahat. Isa-isa ko silang tinignan.
"Excuse me, I need to answer this." ipinakita ko ang phone ko bago sila tumango. Umalis agad ako sa lobby at tumungo sa sala. Sinagot ko agad ang tawa ni Meo. I know this is important.
"H-Helo, Meo."
"Good morning Ma'am. May goodnews po akong natanggap galing sa St. Peters hospital." bungad niya sakin. Sumilay ang ngiti ko sa labi.
"What is it, Meo?"
"They informing you that they officially introducing and welcoming you for they're coming party. Your the guest honor of that night, Ma'am. Ginawan ka nila ng party para ma meet kayo in personal. They just need your approval po." sobrang lapad ng ngiti ko sa narinig. Alam kong mangyayari ito and I guest, I'am ready to meet my father again.
"Thank you for that, Meo. Sabihin mong pupunta ako." sagot ko.
"Okay po, Ma'am."
"Anyway, Meo. Can you please get my gown at Gabrielles bride ocassion salon. Just tell them my name. Hindi ako makakapunta ngayon, pakihatid nalang dito sa condo unit ko." wika ko bago sumulyap sa lobby. Papalapit sakin si Matteo na malumanay ang ngiti.
"Copy, Ma'am. Ako na po mismo ang maghahatid." sagot ni Meo sa kabilang linya.
"Okay." mabilisan kong pinatay ang tawag na makalapit sakin si Matteo. Nagkasalubong ang aming mga mata.
"Hmhmhm..." kagat-kagat niya ang kanyang ibabang labi tila nagpipigil sa pagsasalita. "I have to go." bahagya akong nag-taas ng kilay.
"Okay." kibit balikat ko. What he wanted to expect for? Pipigilan ko sya? Malalim niya akong tinititigan.
"Thank you for having me here. I have a great day. My ngiti akong papasok sa trabaho nito," ngisi niya. Bahagya akong nag-taas ulit ng kilay.
"So? What are you trying to say?" sarkastiko kong tanong. Bahagya syang ngumiti. Damn! I hate that smile.
"Because, I see you." nanliit ang mata ko. Ang galing mambola. "You have a lack of vitamins, Mary. You make me healthy. Pano nalang kong hindi kita makita araw-araw?" natawa ako ngunit pilit.
"Anong kasalanan ko dyan? It's not my problem anymore, Matteo." ngisi ko. Napaawang ang labi niya. Ang mapupula niyang labi ay mas lalong pumula.
"Alam ko. Nais ko lang naman makita ka. I just have to optimizing my body." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Aakmang hahampasin ko sya sa dibdib ng dinugtongan niya agad ang sinabi niya. "You help me reduce overall my mortality, Mary. You help me eliminating and reduce my heartaches. Kong araw-araw lang naman kita makikita. Siguro sobrang ganda ng gising ko." nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi niya.
Hindi ko ipagkakaila kong gano kainit ang pisnge ko. Ang kulay palubog na araw niyang mata ay nakikita ko ulit na ganito kalapit. Bahagya akong nag-iwas ng tingin.
Kuyom ang aking kamao.
"Sige na't umalis kana." aakmang lalagpasan ko sya ng hinila niya ang braso ko. Nabangga ng braso ko ang dibdib niya. Halos mapamura ako sa sobrang lapit niya sakin.
Bumagsak ang mata ko sa braso niya. Nanlaki ang mata ko. Ito 'yong pula na nakita ko kanina. Nangi-nginig ang kamay ko sa nakita. Isa-isang nag sitaasan ang mga balahibo ko dahil sa mga pulang iyon.
"Yong braso mo," hinimas ko iyon sabay ng pagmura niya ng ilang ulit. Halos manginig ang kamay ko ng hinawakan niya iyon. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay ko sa ere. Tila ayaw niyang mahawakan ko sya.
"Please, Mary. Dont do that again." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "You dont have no idea how much I really missed your touch." napaatras ako sa sinabi niya. Bakit sa bawat bitaw na salita ni Matteo ay halos may bumara saking lalamunan.
"M-Matteo," pagbabanta ko na may galit. Ngumiti sya sakin ng nakakaasar. "Wala akong pakialam sa sinasabi mo. I just care about your, allergic. May gamot ba iyan? Gamotin natin 'yan. Anong gamot ang ginagamit mo? Baka meron ako sa kwarto ko." nawala ako sa sarili ko dahil sa mga katanongan kong iyon. Nakagat ko ang ibaba kong labi. Shit! Bakit ko ba iyon natanong? Wala akong pakialam sa kanya. Wala akong pakialam kong mama---
"Are you afraid of me dying?" halos mabali ang buto ko sa tuhod. Nawawala ako sa konsentrasyon. Hindi iyon ang punto ko. Nais ko lang naman gamotin ang allergic niya.
"No. I'm not. Masyado mo namang kinapalan ang mukha mo." umiwas ako ng tingin. Kitang-kita sa gilid ng mata ko kong pano sya ngumuso. Tila nadismaya saking sinagot. Naikuyom
ko ang aking kamao. Fine! "Sorry. I just cared about your allergic. It's big defferent about I care you," pagtatama ko. Napailing sya sa tawa. Dahan-dahan syang lumapit sakin na may ngiti. Umatras naman ako!
Kagat-kagat niya ang kanyang ibabang labi.
"Don't worry. I wont die. Liligawan pa kita diba?" nanlaki ang mata ko dahil pinaalala niya pa. Sobrang taas ng kilay ko sa inis.
"Ligawan mo sarili mo," agad ko syang tinalikuran ngunit hinila niya ang braso ko. Nagtama ulit ang mga mata namin.
"This is my first time to court a girl. Honestly, I don't believe in courtship. Its a waste of time . If I love the person, I'll tell her right away. But for you, I'll make an exception. Just love me again, and I will court you, forever." huli niyang sabi bago ako iniwang nakatulala. Naikuyom ko ang aking kamao.
Pinanuod ko syang palabas ng condo ko. Dire'diretso lang ang kanyang lakad at hindi na ako muling nilingon pa. Dahan-dahan akong napasandal sa mesa.
Liligawan niya ako at liligawan din ako ni Rocky? Napapikit ako ng panandalian. Bakit ganito kahirap?
Continue...