webnovel

Mary's Sweet Revenge

-BOOK [2] OF THE VIRGIN MARY- Di kailangang matalo para mapatunayang matatag akong tao. Minsan mas mabuting manahimik di dahil takot ako, kundi hinahayaan kong sila mismo ang magpapabagsak sa kanilang pagkatao. Virgin, Innocent, Tahimik at Mahin-hin. Oo, yan ako three years ago. Ang apat na bagay na bumabalot saking pag-katao ay bigla nalang naglaho. Inaapi, nagpapa-api at lalong hindi lumalaban. Lahat ng bagay may hangganan. Lahat ng tao ay nagbabago. Lahat ng sakit ay naiibsan. May umaalis pero napapalitan. May nawawala meron ding bumabalik. Umalis ako para palitan at bagohin ang aking sarili. At nawala ako para paghandaan ang pagbabalik sa mga taong nanakit. Im Virgin Mary and im back for my Sweet Revenge. [MARY's SWEET REVENGE] WRITTEN BY: Mommy_J (All rights reserved 2016)

Mommy_J · Urban
Not enough ratings
43 Chs

KABANATA 14

KABANATA 14: Jealous

Bumalik ako sa mesa na may ngiti. Naabotan ko ang apat mula roon, at mukhang hinahanap narin nila ako.

Kumunot ang noo. Nasan ang mga lalaking kasama nila kanina?

"Maey!? Saan ka galing?" Si Grace. Tumabi ako kay Ivony. Siguro ay hindi nila alam na nandito si Matteo. Pero ano nga bang ginagawa dito ni Matteo? Bakit sya nandito? Oh, sigurado akong nambabae nanaman 'yon. Nakakailang babae kaya sya sa isang gabi? Dinadala niya rin kaya sa bahay niya? O kaya they make love on his car? Cr? Stupid why I am thinking about his company. Wala akong pakialam sa kanya. "H-Hoy Maey," Bumalik ang diwa ko nh sinigawan ako ni Grace. Naipilog ko ang ulo ko.

"Ah...sorry! Hinanap ko rin kayo sa dancefloor. Bigla kasi kayong nawala." Eksplenasyon ko. Kita naman sa mukha nila ang paniniwala.

"Ah ganon ba?" Nguso ni Grace. Nagpatuloy kami sa inuman.

"Tika lang. Nasan na 'yong mga kasama nyong boylets? Bakit hindi nyo kasama?" Biglaan silang tumawa sa tanong ko. Halos pumula ang magkabila nilang pisnge. "Anong nangyari sa mga 'yun? Bakit kayo natatawa?" Natatawa ko ring tanong.

"Iniwan ko 'yong akin. Sobrang hambog nakakaasar!" Si Jessica. Mas lalo kaming nag-ingay sa mesa.

"Ako rin iniwan ko sya, ayaw ko ng madaldal. Panay kwento niya sa kanyang buhay eh hindi naman ako nagtatanong. Nakakainis!" Si Grace habang umiiling sa tawa. Sabay naming sinulyapan si Ivony. Nag-iwas ito ng tingin habang lumalagok ng alak.

"Oh ikaw? Nasan 'yong sayo?" Si Erika ang nag-tanong. Nanatili kaming nakatitig sa kanya. Biglaan syang natawa. Hawak-hawak niya ang kanyang tyan sa kakatawa. Sinabayan namin sya mg tawa kahit wala namang nakakatawa.

These is one of the qualities I really like about my friends, Is that they're very sentimental. 1% Senti and 99% Mental.

Natahimik kami sa kakatawa ng tumigil si Ivony. Lumagok ulit sya ng alak.

"I don't like him. Parang bading." Nagulat kami sa sinabi niya. Tumawa kami ulit.

"Bading? Eh, sobrang laki ng katawan bading ba 'yon?" Halakhak ni Jessica. Napanguso si Ivony. Tila nag-sisisi sa pagsama niya sa lalake kanina.

"Kasi ganito 'yon. Habang nag-sasayaw kami kanina eh, panay silip niya sa likod ko. 'Yon pala may gwapong lalake sa likod ko." Nguso niya. Nagtawanan ulit sila. This time ay sobrang sakit na ng tyan ko. Napakagwapo pa naman ng lalaking 'yon. Kaya lang ay gwapo rin pala ang hanap.

"Guys. Nandito ang mag pinsan." Biglaang sambit ni Jessica. Sinundan namin sya ng tingin. May kasamang babae ang tatlo. Hindi ko alam kong bakit nakaramdam ako ng galit, nag-iinit ang katawan ko sa iritasyon.

Siguro ay gabi-gabi silang nandito. Maybe, but I don't care.

"Oh my gosh...nandito si Sir Clifford at Sir Robi. At si----" Si Grace. Tinignan nila ako. Isang tingin na may halong pang-aasar.

"Si Sir Matteo baby," Halakhak nilang apat. Napailing ako bago umiwas ng tingin. Naikuyom ko ang aking kamao.

"Maey? Okay ka lang?" Tanong sakin ni Ivony. Tumango ako tanda ng sagot.

"Sigurado ka? Wala ka na ba talagang nararamdaman para kay Matteo? As in zero balance na?" Naging maamo ang mukha ni Grace sa tanong niya. Tinawanan ko silang apat.

"I already forget about everything to him. Maybe I know his name, but the feelings are all disappear." Mapakla kong sagot. Natahimik silang apat. Napailing ako sa tawa, dahil naalala ko nanaman ang katangahan ko noon. Natatawa nalang ako habang iniisip 'yon.

"Pano kong mahal ka pa ni Matteo? Pano kong nag-sisisi na sya sa ginawa niya. Kitang-kita namin noon kong gano ka niya ka mahal, Maey. Oo galit kami sa kanya, pero nong umalis ka ay halos gabi-gabi syang umiinom. Parang nasasaktan o ewan. Minsan nga ay nanununtok sya ng costumer sa bar. Panay tanong niya samin kong nasan ka. May time na pinapasundam niya kami. Buong akala niya kasi ay itinago ka namin. Hindi nga namin alam kong bakit nag ka ganon si Matteo. Parang may mali sa paghiwalayan nyo." Naningkit ang mata ko sa sinabi ni Erika. Ewan dahil naramdaman ko ulit ang paninikip saking dibdib. Nasasaktan parin ako. Sinaktan niya ako, hiniwalayan niya ako. He choose Venus than me.

Imposible naman! Hanggang ngayon ay sobrang bago pa sakin ang sinabi niya noon. Hindi niya ako mahal at ginagamit niya lang ako. Sapat na 'yong rason para kalimutan sya.

"I don't know. Kong mahal nya ako hindi niya ako hahayaang masaktan. He just used me to enjoy." Mapakla kong sagot. Rinig na rinig ako ang buntong hininga niya.

"Pano nga? Pano nga kong mahal ka talaga niya? Pano kong sabihin niya ulit sayo na mahal ka niya?" Tanong ulit ni Erika. Naikuyom ko ang aking kamao habang pinapanunuod si Matteo na nilalandi ng kasama niya.

"It's all lies, Erika. How do you know if a guy is telling the truth?When he says he loves me, but he always flirting with other girls and acting like I don't exist. Ibig sabihin, hindi sya nakontento sakin." Ma awtoridad kong sagot. Bahagyang yumuko si Erika. Natahimik kami ng ilang segundo.

"Alam niya bang bumalik ka?" This time ay napangiti ako sa tanong ni Ivony. Dahan-dahan akong umupo ng matuwid. Pinapanunuod ko ang tatlo sa kabila sofa. They enjoying thier girls huh!?

"Yes, apparantly kasayaw ko si Matteo kanina," Namilog ang mata nila sa gulat. Ang kanilang titig sakin ay tila sinusuri ako ng ilang ulit. I know what their thinking for now.

"Oh my gosh. Kong ganon? Nag-usap kayo harap-harapan?" Halos bulyaw ang tanong ni Grace. Natawa tuloy ako!

"Oo, two times already. Una nong pinuntahan ko sya sa office niya. Pangalawa dito sa bar. We just talk, thats all." Depensa kong tanong. Naningkit ang mata nilang apat.

"Talk lang? Walang flirt?" Si Ivony na taas kilay.

"Same," Sagot ko na ikinatawa nilang apat. Inikot-ikot ko ang baso na may lamang alak. Nakatitig parin ako sa direksyon nila Matteo. Ang saya nilang tignan.

"So hows the feeling? Bumalik ba? May spark ba ulit? What about the butterflies they came ba?" Sunod-sunod na tanong ni Jessica. Nilagok ko ang alak bago tumayo. Sinulyapan ko si Jessica.

"Honestly. I don't feel the same way." Iminuwestra ako sa mesa at nilagpasan silang apat. Iniwan ko silang may malaking question mark sa mukha.

"Tika lang Maey. Saan ka pupunta?" Hinila ni Ivony ang kamay ko. Bahagya akong ngumiti sa kanila.

"Flirting is better, than falling in love. Watch me guys." Dahan-dahang binitawan ni Ivony ang kamay ko. Tuluyan ko silang tinalikuran. Rinig na rinig ko pa ang cheer nila sakin.

Hindi ko alam pero kinabahan ako. Inayos ko ang sarili ko. Mula sa damit at buhok. Just I always says. Destroy, who destroy you. Nag-simula na akong maglakad patungo sa direksyon nila. Humanap ako ng tsempo. Nag-hintay ako na may dumaan na waiter sa kanila bago ako tumulak papalapit.

Good timing. May waiter na palapit sakin. Sinalubong ko sya na may ngiti. Hawak-hawak niya ang isang tray na naglalaman ng floats champagne. Sinigurado kong malapit sa table nila Matteo ang gagawin kong eksena.

"Hi boy, Can I?" Nguso kong turo sa dala niyang drink. Ibinaba niya ang tray na kanina pa niya itinataas.

Nasa gilid ko ay ang table nila Matteo na nakikipaglandian sa babae niya.

"Sure Ma'am," Binigyan niya ako ng isa. Tinanggap ko 'yon ngunit sa mababaw na pag abot. Bumagsak ang champagne sa sahig sabay ng pag-sigaw ng tatlong babaeng kasama nila Matteo. Nice shoot!

Kita mula sa gilid ng mata ko ang paglapit ni Robi.

"Oh boy, I'm sorry my mistake." Maarte kong paumanhin sa waiter. Natataranta sya sa kinatatayuan niya ngayon.

"Ma'am sorry po. Nasaktan po ba kayo? Sorry Ma'am, hindi ko sinasadya. Sorry talaga." Paulit-ulit na yuko ng waiter.

"Miss are you okay?" Dahan-dahan akong lumingon kay Robi. "What the----" Literal syan nagulat. Halos lumuwal ang mata niya.

Kita sa gilid ng mata ko ang pagtayo ni Clifford na ganon din ang reaksyon.

"M-Mary?" Halos paos ang boses niya.

"Noy!? Anong nangyari dito?" Biglaang dumating ang manager. Tinignan ko sya na nakangiti subalit humalukip-kip lang ito. Mukhang madadamay pa yata ang waiter sa kagagawan ko. Lumapit ako sa manager.

"Sorry kasalanan ko ang nangyari. Nadulas sa kamay ko ang baso. Tinulongan lang ako ng waiter nyo. I'm sorry for the mess, Mr. Manager." Mahin-hin kong salaysay bago kinindatan ang waiter.

Yumuko ng ilang ulit ang manager.

"Papalitan nalang namin ang champagne na kinuha nyo, Ma'am." Ikinaway ko agad ang kamay ko.

"It's okay Mr. Manager." Sumulyap ako sa lalaking waiter. "Thank you boy," Kindat ko bago sinulyapan si Robi. Nanatili itong nakatitig sakin. Habang si Clifford ay nakatayo parin.

"Hi..Long time no see," Ma awtoridad kong bati. Nanatiling nakatayo si Robi.

"Whoa, Is that you Mary? I can't believe." Cool na saad ni Robi. Natawa ako ngunit ang mata ko ay nanatiling nakatingin kay Matteo.

"Oo, sorry sa nangyari huh." Maarte kong paumanhin. Baka kasi tumalsik 'yong alak sa kanila.

"Mary! Mary! you came back." Iling ni Clifford. Natawa ako sa reaksyon niya.

"Hi Clifford, It's nice to see you huh." Kaway ko. Tinignan ako ng masama ng babae niya at hindi ko na 'yon pinansin.

"Why you just dont enjoy us for a while. Mag-isa ka lang ba?" Si Robi. Kanina niya pa ako sinusuri. Nice idea! Buti nalang at inanyayahan ako ni Robi.

"No, I'm with my friends." Saad ko. Sumulyap ulit ako sa mga babaeng kasama nila. "But If you're girls don't mind me. I can enjoy here." Ngiti ko.

"Sure, walang problema yan sa mga kasama namin. Let's take a sit, Mary." Inabot ni Robi ang kamay ko. Umupo ako sa tabi ni Clifford sa may gilid. Si Robi ay bumalik sa kanyang babae at tumabi.

Pinakilala sakin ni Robi at Clifford ang mga kasama nilang babae. Actually they pretty but, insecurity kills them the way they look at me. Pinakilala sakin ni Robi ang katabi ni Matteo.

"And lastly, This is Queenie Matteo's----"

"Girlfriend," Sagot agad ng babaeng kasama ni Matteo. Naglaban kami ng titig. Tumikhim ulit si Robi bilang putol saming titigan.

"Queenie, met Mary---"

"Matteo Ex-girlfriend." Sagot ko na ikinalaglag ng panga niya. Sobrang sama ng tingin ni Matteo sakin. May halong pang-aasar at galit. Hindi ko maguhit dahil sa totoo lang ay kinabahan ako.

"Kumusta kana? Kaylan ka lang bumalik?" Sobrang lapit ng mukha ni Clifford sakin. Natawa ako! Bagama't noon paman ay sobrang komportable ko na sa kanya.

"Last week lang. Ikaw kumusta? Kasama ko ang apat ngayon. Pumunta ako sa bar kanina. Pero wala ka!" Bulong kong sabi.

"Nasa gym ako that time. So? You are back for what?" Sobrang lapad ng ngiti ni Clifford. Hindi ko tuloy maisip na sobrang lapit pala namin.

"Ahem," Tikhim ni Robi na ikinalingon namin. Sobrang sama ng tingin ng babae ni Clifford sakin. "Kayo lang ba ang mag uusap?" Nguso ni Robi. Actually I find his cuteness now. Nagtawanan kami ni Clifford.

"Sorry. May pinag-usapan lang." Kindat sakin ni Clifford. Umayos ako ng upo. I clasped my hands together in my lap, like a little girl.

"Anong nangyari sayo Mary? Bakit bigla kang umalis?" Unang katanongan ni Robi. Nag-salin sya ng alak sa baso ko saka ito inabot sakin. Tinanggap ko 'yon na may ngiti.

"Pumunta ako ng State." Sagot ko bago nilagok ang alak.

"Whoa, State? I though it was Gregoria?" Kunot noo ni Clifford. Yon kasi ang sinabi ko sa kanya noon.

"I'm sorry for not telling the truth Clifford. I don't want Matteo to know about it." Napaubo si Robi at Clifford sa sagot ko. Ininum ko ang alak habang nakatingin kay Matteo. He lean on the backrest, habang si Queenie ay nakasandal sa balikat niya. Sobrang pula ng lipstick niya at tila niriregla ang labi. Funny!

"Ahem! I think sobrang ganda ng eksena ngayon dito.Right Robi?" Nagkatinginan ang dalawa habang tawang-tawa. Si Matteo ay halos gumuhit lahat ng galit sa mukha.

"What is she talking about, babe?" Malambing na tanong ni Queenie kayi Matteo. Umayos ng upo si Matteo bago may ibinulong kay Queenie. Halos umusok ang tenga ko sa sobrang dikit nila. "Oh!? She's one of your playtime." Dugtong ni Queenie sa pabulong subalit rinig na rinig ko naman. Nilalaruan niya ang dulo ng kanyang buhok paikot at tila nang-aasar.

Playtime? What I am expecting for. Nilalaro niya lang naman ako noon. Inayos ko ang aking sarili.

"Yes, I heard he was good at playing. But sorry, he didn't know Im the coach." Nilagok ko ulit ang alak na may ngiti. Sobrang sama ng tingin sakin ni Matteo. Kitang-kita ang pag-igting ng kanyang panga. Mas lalo kong napagkitaan ang kulay palubog na araw niyang mga mata. Magalit ka lang Matteo!

"Mukhang magandang pag-usapan ang mga 'yan." Si Robi bago sumandal sa sofa. Inakbayan niya ang babae at tila may ibinubulong ito.

"O-h sorry, I didn't know you're a coach. As far as I know. Walang silbi ang coach kong wala si player." Pang-aasar na sagot ni Matteo. Nag-tawanan sila ng babae niya. Naikuyom ko ang kamao ko sa ilalim ng mesa.

"I think it's just same." Napasulyap ako kay Clifford. Nakangiti ito sakin ng malapad. "Coach, player!? If you both lose your game? Pareho kayong talo." Dugtong ni Clifford. Humalakhak si Robi.

"Simple, but full on sense." Aniya ni Robi.

"We should change this topic. Let's back to you Mary. Saan ka nag tatrabaho ngayon?" Natawa ako sa tanong ni Robi. Sumulyap ako muli kay Matteo at tila ayaw niyang mag-salita.

"I manage my own company." Sabay na pa Whoa, si Robi at Clifford. Nanatiling tahimik ang mga babae nila. Akala ko pa naman ay ma cha'challenge ako sa babae ni Matteo. Sobrang tahimik.

"Which company?" Si Clifford.

"Hotel and Restaurant in State." Sagot kong marahan. Sabay ulit napa Whoa. Napailing ako sa tawa.

"Seriously? In State?" Si Robi. Halos hindi makaniwala ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tumango ako bilang sagot. Pasikreto kong sinusulyapan si Matteo habang nakikipaglandian kay Queenie. Hinimas-humas ni Matteo ang hita ni Queenie, pataas pababa. Oo, inaamin ko ang ganda niya. Hindi ko alam kong naikama na ba ito ni Matteo. Ofcourse, Matteo pa? What Am I expecting to him?

"Akalain mo 'yon, Dude. Isa sa mga waitress mo noon ay isa ng mayaman ngayon. Amazing!" Si Robi. Hindi ko aakalaing mabibitawan niya ang salitang 'yan.

"Waitress?" Sabay ng tatlong babae at sobrang gulat ang mga mukha.

Tawang-tawa si Queenie sa narinig.

"You are a waitress?" Ulit ni Queenie. Mahigpit kong hinawakan ang baso. Hindi ko alam kong anong ekspresyon ang mukha ni Matteo ngayon dahil may ngiti mula sa gilid ng kanyang labi.

"Yes, before. Then what's the problem of that?" Sarkaatiko kong sagot. Nanatiling nakatahimik si Clifford at Robi.

"Nothing. I just don't expect. You're a waitress? So you've came from poor family? Maybe, you sleep without knowing what will you eat next day, right?" Umigting ang panga ko sa sinabi niya. This time ay narinig ang kahilingan kong mag-salita sya. I'd really loved to her sarcastic word.

"Yes, I'm a waitress before. What's wrong with that?  I don't see why is it such a big deal for you." Taas kilay ko. Natawa ulit sya. May ibinulong sya kay Matteo habang si Matteo ay nakatingin lang sakin. Sobrang lapit ng mga mukha nila. Kaylangan kong mag-timpi, kundi baka maibuhos ko ang alak na hawak ko sa mukha ng babaeng 'to.

Binaling niya ang tingin sakin.

"I don't have a problem with that. Unless, you got a job and your not there for selling your ass, like some hood rat bitches." Naramdaman ko ang pangi-nginit ng katawan ko. Kuyom ang kamao ko sa galit.

"Queenie, stop it. Hindi totoo 'yan." Pigil ni Clifford.

"What? I'm just telling the truth, Clifford. Imagine that. She is Matteo Ex-girlfriend and she's just a waitress. Isang waitress na pumatol sa isang mayaman!?" Bulyaw niya. Tinaasan niya ako ng kilay. "Now, I ain't sayin she's a gold digger. Right Matteo?" Umusok ang magkabila kong tenga sa sinabi niya. Walang ekspresyon akong tinignan ni Matteo.

Inayos ko ang upo ko. Nilabanan ko ng titig si Queenie.

"Before you call me a gold digger, try to ask Matteo first." Sumulyap ako kay Matteo na may ngiti. "Do you even have a gold, Matteo?" Sarkastiko kong saad. Bahagya syang ngumiti mula sa gilid ng kanyang labi. Hindi nakasagot si Queenie, tila nagkaumbabaga ang kanyang kilos.

"So....inaamin mo narin na isa kang gold digger!? Well, baka nga yumaman ka lang dahil pumatol ka sa matandang mayaman na ugod-ugod na. Pati yang katawan mo ay ibinenta mo para lang mag ka pera." Wika niya. Halos lumabas ang awra kong maitim. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon.

"Don't you dare call me a gold digger, Queenie. Sabihin muna ang lahat ng gusto mong sabihin sakin. Huwag mulang apakan ang pagkatao ko. Anong problema mo sa pagiging waitress ko noon?" Ma awtoridad kong sagot. Sobrang lapad ng kanyang ngiti at tila iniinis ako.

"Just saying though. I didn't exactly find your thing laying around your background, Mary. Halloback girl, gold digger, gossip girl and lastly you are a SLUT!" Padabog akong tumayo sa sinabi ni Queenie. Nagtawanan sila ng mga kaibigan niya.

"Yuck! Poor little one. HAHA!"

"She is Matteo Ex? I can't believe it. she's not even pretty. Totally damage. Totally not a virgin."

Bulong-bulongan ng dalawa niyang kaibigan kaya pinigilan ito ni Clifford at Robi.

Kuyom ang kamao ko sa galit. May ibinubulong sya kay Matteo at hindi ko alam kong ano ito. Nanatili akong nakatayo habang pinapanunuod sila.

This time ay bastosan na ang gusto niyang mangyari. Sige, babastosin ko din sya.

Binaling niya ang tingin sakin na may ngiting pang-aasar.

"Let say I am a gold digger, Quinee. I wan't you to know that the gold I been digging is from my hardwork. Pinagtrabahoan ko ang lahat kong anong meron ako ngayon. Pinaghirapan kong makuha at maabot kong ano ako ngayon. I hustle my butt of day and night doing my job. So you tell me when do I have time to gold dig and further more Matteo?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "How old are you Queenie? 24? 25?" Mapakla kong tanong. Hindi sya sumagot at tila nagugulohan. "So I'm asking you some question, as your age now. Do you have you're own company? Hotel? Restaurant? Anykind of businesses?" Napatayo sya sa tanong ko. Mag ka level na kami ngayon. And I think ay mag kasing tangkad lang kami. Nag-laban kami ng titigan. Galit na galit ang kanyang mukha.

"What are you trying to say?" Pagbabanta niyang saad. Itinukod ko ang magkabila kong kamay sa mesa.

"Wala ka pa sa kalingkingan ko, Qeeunie. Yes let say you are rich, dahil umaasa ka sa pamilya mo. Anong ranggo mo sa business ng pamilya mo? Are you the CEO? or should I say COO? Child of owner." Aakmang sasampalin niya ako at agad ko 'yong sinalo. "Tama ako diba?" Hinawi ko ang kamay niya. Hingal na hingal sya sa galit. This time ay hindi nila kami pinigilan.

"Bitch! Pinulot ka lang sa putikan, Mary. Mabaho ka pa sa putik. Alam kong hindi mo ako napapansin noon, pero ako pansin na pansin kita noon. Isa kang bayarang babae diba? Madumi ka pa sa basura." Hindi ko alam kong sinong tumulak sakin para buhosan sya ng alak. Napasigaw sya sa ginawa ko. Dali-daling lumapit ang dalawa niyang kaibigan. Napatayo din si Matteo bago binigyan ng panyo si Queenie.

"Mary why you do that?" Ma awtoridad na tanong ni Matteo. Padabog kong ibinaba ang basong alak sa mesa. Halos gumawa ito ng ingay at halos mabiyak ito.

"Walang modo! Bastos!" Si Queenie habang pinupunsan ang buong katawan niya. Ramdam ko ang kamay ni Clifford sa balikat ko at tila pinipigilan niya ako.

"Yan ang nababagay sayo. Wala kang karapatang bastosin din ako. I know who I am. I don't care about your cristism, as long as I know im on the right track. I don't care for your judgemental mind. I accept my flaws fully, so your critism isn't needed." Pinulot ko ang bag ko sa sofa bago sila tinalikuran.

Hindi pa ako nakakalayo ay hinila na ni Matteo ang braso ko. Naglaban kami ng titig. Bumagsak ang mata ko sa kamay niya sa braso ko.

"Mali 'yong ginawa mo." Marahan niyang sabi. Itinulak ko sya.

"Just shut up and fix your own!" Huli kong sabi bago sya tinalikuran.

Kuyom ang kamao ko sa galit.

I don't know if Im not mad, I'm just hurt. There's a difference.

If I'm mad about anything, because of them.

After he hurts me, I'm not the same anymore. Sorry Matteo.

Continue...