webnovel

Chapter 31 | Bothered

Chapter 31 | Bothered

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sinalubong ako ng walang hanggang kadiliman. Hanggang sa tuluyan na kong napadilat.

"Aaahhh!" Napaiyak na lang ako nang maramdaman ko ang hirap makagalaw. Pawang nakatali kasi ang maliit ko pang mga kamay at paa. Nagpalinga-linga ko sa paligid at lalo akong napuno ng takot nang makitang tila nasa isang hindi pamilyar na lugar ako.

Ang huling naaalala ko lang ay ang pagharang ng isang puting van sa sasakyan namin. Ang pagtutok ng baril ng mga taong nakamaskara kay Mang Jun at ang pagtakip ng panyo sa bibig ko, bago ako nawalan ng malay.

"Where am I? Is somebody there? Please help me! Someone please help me out of here!"

Nag-echo sa bawat sulok ng lugar na kinaroroonan ko ang boses ko. Wala kong ibang magawa kung hindi ang umiyak. Ano nga ba ang magagawa ng isang batang tulad ko na hindi pa naiintindihan ang nangyayari?

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng papalapit na mga yabag.

Hanggang sa tuluyan ng bumukas ang pinto na nasa harap ko pala. Wala pa ring tigil sa pagtulo ang mga luha ko at pilit akong nagsusumiksik sa gilid na tila ba mayroon akong matataguan do'n.

Pumasok ang dalawang lalaki na pawang malalaki ang katawan at mayroong tattoo sa braso. Mahaba ang buhok ng isa sa kanila at pareho silang nakangisi sa 'kin.

"Ang ingay-ingay mong bata ka! Kung ako sa 'yo ay mananahimik na lang ako dahil kahit anong sigaw pa ang gawin mo riyan ay walang makakarinig sa 'yo rito! Kaya hintayin mo na lang na tubusin ka ng mga magulang mo!"

Gusto kong takpan ang mga tainga ko. Dahil para kong nabibingi sa malademonyo nilang mga tawa.

"Mom... Dad..." nanginginig at paulit-ulit kong usal hanggang sa maiwan na naman akong mag-isa sa karumal-dumal na lugar na 'to.

"Wag kang mag-alala. Ililigtas kita rito."

Natigilan ako nang may biglang nagsalita. Napaangat ako ng tingin at sa tulong ng kaunting liwanag na pumapasok mula sa siwang ng pinto ay naaninag ko ang isang batang kasalukuyang nagkakalas ng pagkakatali ng mga paa at kamay ko. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling at basta na lamang sumulpot sa tabi ko. But he looks familiar.

"Help me! Please help me!" pagmamakaawa ko pa sa kanya. I am just 8 years old and fear was all I can feel.

"Oo, tutulungan kita. Katulad na lang ng ginawa mong pagtulong sa 'kin kanina." His voice was too cold that made me shiver. Tila ba nanggaling pa 'to sa kailaliman ng lupa.

Ilang segundo akong napatitig sa kanya. Mayamaya pa ay may bigla kong naalala.

"Ikaw 'yong bata sa labas ng ice cream parlor kanina. 'Yong inaaway ng iba pang mga bata!"

Tama. Kaya pala pamilyar siya sa 'kin. Siya ang batang lalaki na ipinagtanggol ko kanina mula sa mga nang-aaway sa kanya.

Natigil kami sa pag-uusap nang marinig namin ang muling pagpihit ng seradura ng pinto.

Nang dahil sa sobrang takot ay napapikit na lamang ako. Ayoko na silang makita. Ang mga taong hindi ko alam kung bakit ako kinuha, maging ang nakakatakot nilang mga hitsura.

If only my Mom and Dad was here.

Nang bigla kong maramdaman na tila lumakas ang hangin. Nakakahilo. Para kong nililipad patungo sa kung saan.

Ilang sandali pa ay muli akong napamulat ng mga mata.

And I was too shocked at what I saw.

I am now lying on my bed in my room.

"Nicole! Nicole! Gising!"

Napamulat ako at hinihingal na napabangon. Ramdam ko ang namumuong pawis sa noo ko maging ang panunuyo ng lalamunan ko.

"Here."

I looked up and saw Steph's worried face. Inabot ko ang hawak niyang baso na mayroon ng lamang tubig at mabilis 'tong ininom.

"Thanks."

"Nasa banyo ako kanina ng marinig kitang sumisigaw at umiiyak. Kaya dali-dali akong lumabas. Okay ka na ba? Ano bang napanaginipan mo?" Bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala.

I shook my head and massage my temple. "It's just a bad dream."

Hindi na siya muling umimik pa. Pero kitang-kita ko sa mukha niya na tila naghihintay pa siya ng susunod kong sasabihin.

"Let's get ready. The royalties were expecting us to come and help them."

I gave her a small smile, then hurriedly went inside the bathroom.

Pagkasara ng pinto ay napasandal na lang ako sa likod nito at napatulala sa kawalan. Hindi ko maiwasan ang mapaisip kung bakit bigla kong napanaginipan ang isa sa madilim na parte ng nakaraan ko.

But I can't help to wonder where the hell was that little boy right now and what is his name.

-----

Kyle Ethan's POV

"Bakit hindi mo sinabi kay Nicole na nakausap mo si Dave Croven no'ng nakaraang araw?"

Napalingon ako kay Vince at agad na tinakpan ang bibig nya. I looked around and I felt relieved the moment I noticed that there's no one here aside from the two of us.

We are currently here in the gymnasium. The other royalties were too busy doing their responsibility to renovate the Student Council office. Nicole and Steph are helping them.

"I don't think she needs to know. Besides, we don't know what is his real intention."

"Pero hindi ka man lang ba nagtataka sa kung sino man ang tinutukoy niya at kung ano ba ang kinalaman ng nanay niya?"

That made me caught off guard. I open my mouth to speak, but no words have come out.

Vince shrugged. "Okay. If that's what you want. Whatever your decision is, I'll support you." He tapped my shoulder and started to walk away.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang ng tuluyan na siyang nakaalis.

My grip on the railings tightened when I suddenly remembered about the sudden show up of Dave Croven while we're on our way back to the academy.

"Kyle Ethan Clarkson."

Vince and I were about to go back in our car, when someone called out my name that made us stop on our tracks.

Hindi namin kasama 'yong apat dahil napagdesisyunan naming maghiwa-hiwalay para mas mapabilis ang pangangalap namin ng impormasyon. Magkikita-kita na lang kami sa labas ng academy.

Hindi ko na kailangang lumingon pa para alamin kung sino man 'to. Boses pa lang niya ang naririnig ko ay ramdam ko na ang paglabas ng kakaibang aura mula sa katawan ko.

"Kyle not here. Baka may taong makakita sa 'yo. So please calm down," Vince whispered.

I closed my eyes and started to calm myself as much as possible. He's right. I shouldn't let my emotions control me.

"What are you doing here? Ang lakas din naman ng loob mo magpakita sa 'min ng nag-iisa?" My jaw clenched and my fist balled, with my back still facing him.

"I came here because I want to say that I can help you to fight with my father."

What he said had caught my attention. That made me to finally look at him. "And why is that? You're his son. He's your father. Tingin mo ba ay mapapaniwala mo kami?"

His face was void of any emotion. Hindi ko rin mabasa kung ano ang iniisip niya dahil pinananatili lamang niya 'tong blangko.

"Hindi ko kayo pinipilit maniwala. But don't get me wrong. Helping you doesn't mean that I'm on your side. I'm just doing this for my mother and..."

Natigilan kami ni Vince. Tila ba may isang mahalagang bagay ang sasabog sa harap namin ngayon.

"A friend."

With that, he vanished from the wind. Leaving us behind with our mouth hanging open.

Now, who the hell is the friend he's referring to? And what did his mother got to do with this?

-----

Miley's POV

"Ate, okay ka lang ba? Pwede ka naman na pong magpahinga. Kaya naman na namin dito." Nag-aalala ko siyang tiningnan.

Kanina ko pa kasi napapansin na madalas siyang natutulala. O di kaya ay kukunot bigla ang noo niya na para bang may malalim na iniisip.

Ate Nicky, Steph, Kira, Hiro, Rei and I were currently here at the Student Council Office to renovate the area. Habang ang ibang officer naman ay sa labas nag-aasikaso.

Actually, Mikan wanted to help as well. But I declined her offer and told her that we can manage so she doesn't need to absent in her class anymore.

But the truth is, I am just not comfortable being with her in one place. Kung tutuusin ay wala naman siyang ginawang masama sa 'kin. Kaya nakokonsensya rin naman ako kahit papaano, lalo pa at matalik na kaibigan din siya ni Ate.

Mabuti na lang din ay hindi na niya ginugulo pa si Kira. Dahil kapag nagkataon ay hindi ko alam ang pwedeng mangyari.

Nakangiting napatingala sa 'kin si Ate Nicky mula sa ginagawa niyang pagle-lettering. That made me back to my senses.

"I'm okay. I'll just finish this."

Napatango na lang ako. Kahit hindi sabihin ni Ate sa 'kin ay alam ko na mayroong bumabagabag sa kanya. Sa totoo lang ay no'ng isang araw pa siya parang laging wala sa sarili, eh.

Kung bakit naman kasi wala rito si Kuya at pinairal na naman ang katamaran at pagiging bored niya.

Napatingin ako kay Ate Steph na kasalukuyang nagpupunas ng mga gamit. She looked worried as well. Mukhang pareho lang kami ng napapansin.

"Wag ka ngang umarte riyan na para bang hindi mo kaya 'yan. Sa simpleng paglalampaso lang ba lalabas ang kahinaan mo?"

Lahat kami ay napatingin sa nagbabangayan na namang sina Rei at Kuya Hiro. Ang ingay talaga sa tuwing kasama namin silang dalawa.

"Hey! I'm not complaining because I can't do this and most especially not because I am weak. It's just that, I already cleaned the whole office for six times already. Six times!"

Natigilan kaming lahat. Tila biglang may dumaan na anghel sa sobrang katahimikan. Kahit si Rei ay napanganga nang dahil sa pagsagot ni Kuya Hiro sa kanya.

Mayamaya pa ay napuno ang buong opisina ng napakalakas na tawa ni Rei. Baliw din 'tong isang 'to, eh. Pero sino nga ba ang hindi matatawa? Eh, halos nagpipigil lang din kami ng tawa.

"Hey! What's funny?!" Kuya Hiro's face looked so innocent. Poor boy. Mas lalo lang kaming natatawa sa hitsura nya.

"Oh my! Did you just speak in straight english? Kung ganyan din naman pala ang epekto ng paglilinis sa 'yo ay araw-araw na lang kitang paglilinisin."

Napahawak na lang si Rei sa tiyan niya, habang wala pa ring tigil sa pagtawa. Si Kira naman ay biglang lumapit kay Kuya Hiro at tinapik ang balikat nito.

"Congrats, man. Finally." Seryoso ang mukha niya pero halata mo pa rin na nagpipigil lang siya ng tawa.

"Hay, ewan. Ang yabang. Kala mo naman kung sinong magaling mag-english." Sinamaan ng tingin ni Kuya Hiro si Rei.

"Guys, chill lang. Ikaw kasi Rei, eh. Ano ba talagang mayroon at nitong mga nakaraan ay napapasunod mo ang ugok na 'to, ah?" Kira wiggled his eyebrows.

Bigla namang napangisi si Rei at tiningnan ang kawawang si Kuya Hiro na ngayon ay...

Pinagpapawisan! Bakit?

"Ah. W-Wala naman. Ang totoo niyan ay matalik na magkaibigan na nga rin kami ng babaeng 'to. S-Sige maiwan muna namin kayo at may nakalimutan pala kaming kunin."

Hindi na kami nakaimik lalo pa at mabilis ng kinaladkad ni Hiro si Rei paalis.

Pero hindi rin nakaligtas sa paningin ko na bahagyang natigilan si Rei at namula. This is bad.

-----

Third Person's POV

"HANGGANG NGAYON ay hindi n'yo pa rin siya nakikita? Mga walang kwenta!"

Napuno ang madilim na silid na 'yon ng malakas na sigaw ni Marcus. Ilang araw na rin niyang ipinapahanap ang kanyang anak at hanggang ngayon ay wala pa ring nakakakita rito.

"Paumanhin po. Hindi po kami titigil sa paghahanap, Master," nakatungo at nanginginig na aniya ng dalawang kawal sa harap ni Marcus.

Halos lumabas na ang mga ugat at ang mahahabang pangil nito nang dahil sa sobrang galit at pagkadismaya.

"Dapat lang! Dahil kayo ang magdurusa sa oras na hindi n'yo siya mahanap! Naiintindihan n'yo ba 'yon? Lumayas na kayo sa harapan ko at baka kung ano pang magawa ko sa inyo!"

"O-Opo!" Sa isang iglap ay mabilis na naglaho ang dalawa.

Nagngingitngit ang kalooban ni Marcus. Hindi niya maiwasang isipin na baka traydurin na siya ng sarili niyang anak. Lalo pa at alam na nito ang totoong nangyari sa ina nito.

"Pasensyahan na lang tayo, Dave. Pero wag mo ko pilitin na isunod ka sa ina mo."

SAMANTALA, SA kabilang dako ay ilang araw ng malalim na pinag-iisipan ni Dave ang tungkol sa alok nito. Kakausap pa lang niya kina Kyle ng bigla 'tong nagpakita sa kanya.

May pag-asa pa raw na mabuhay ang kanyang ina. Dahil dito ay mas lalo siyang sumigla at nabuhayan ng loob.

"Pero sa isang kondisyon. Kailangan ng kapalit. Ang kapalit ng kanyang pagbabalik ay ang pagkawala ng isa...

At 'yon ay walang iba kung hindi si Nicole."

Tila bomba na sumabog sa kanyang haparan ang mga salita nito at parang sirang plaka na paulit-ulit na sumasagi sa kanyang isipan.

Napabuntong-hininga ito. Ang paggawa ng masama at ang pagpapahamak ng iba ay hindi paraan para maitama at maibalik ang buhay na nawala na. Alam nitong masaya na rin ang kanyang ina at ang kanyang kapatid saan man ang mga ito naroroon ngayon. Kung kaya naman ay hindi na niya 'to gagambalain pa.

"I will always be here for you, Nicole. I won't let any harm make its way towards you. Like what I always did."

Napatungo ito, bago malalim na napabuntong hininga.