"Nag-bake kami ni momsy kagabi ng chocolate cupcakes with nutella frosting. Kuha kayo oh!" Viola was holding the box. Sa tingin ko may dala siyang limang boxes ng cupcakes at binigyan ang buong klase ngayong recess time.
Kumuha ako ng cupcake, "Thank you!" and smiled at her. "Mahilig ka mag-bake?"
"Mahilig ako mag-bake kasi mahilig rin ako sa pastries," she giggled.
"Ui, salamat," kumuha rin si Lucy. "Nag-abala ka pa at binigyan ang buong class."
Napatingin ako kay Kayla na tinitingnan sa salamin ang bagong lagay niyang braces. Nakita ko rin na umirap siya nung siya naman ang inofferan ni Viola.
Lucy nagged her arms ang whispered, "Ano? Sinusumpong ka na naman? Kumuha ka na ng cupcakes—"
"Ayoko. I'm allergic to chocolates kaya," she groaned.
"In my dreams—"
"Okay lang kung ayaw niya," Viola smiled pero I'm sure medyo nahurt siya. Come on, Kayla. Pwede mo naman siyang tanggihan in a nicer way, diba? "Di lang naman siya ang bibigyan ko e," she then turned around and walked to Nathan who just entered the room while drinking cola. This is interesting. Ngayon ko lang makikita si Nathan na makipaghalubilo sa ibang tao aside sa family namin.
"Hi Nathan," Viola smiled at him, nakatingin lang si Nathan sa kanya habang umiinom ng cola. "Kuha ka oh. Binake namin yan ni momsy kagabi. Chocolate cupcake yan with nutella frosting."
Kumuha si Nathan, "Salamat," at umupo na ulit sa upuan niya. I looked at Viola. Napasigh of relief siya at ngumiti ulit. Bumalik siya sa amin at sinabayan kaming kumain nina Lucy. Bago mag-start ang class, nagpunta muna ako sa comfort room at nandoon rin si Kayla.
"Kayla, ba't ganon ka naman kanina kay Viola? Sana man lang tinurn down mo siya in a nicer way," I told her.
Kayla washed her hands, "Girl, isn't it obvious? Nagpapakasocial climber siya sa ating lahat," and smirked.
"Wow ha," I rolled my eyes. "Social climber na kaagad? Hindi ba pwedeng mabait lang talaga? Bago lang siya dito sa school kaya she's trying her best para mag-fit in, para maging close hindi lang sa atin pero pati sa iba nating classmates. Do you get what I mean?"
"So that's the way it is, huh?" she glared at me.
I sighed, "Parang hindi ka nag-enjoy nung nagshopping kayo last week a."
Medyo nag-brighten ang mukha niya at napasmile ng kaunti, "Anong hindi? I enjoyed, as in! Diba nga nakwento ko sa iyo na ang dami kong napamili! Hay nako, you're not listening to me, Marie," she headed out first.
"Nakinig kaya—"
"I can't wait to visit their house. I bet mansion yun!" she giggled.
"Oh wow. Parang kanina lang naiinis ka at tinawag siyang social climber tapos ngayon gusto mong makita ang bahay nila?" I smirked pero walang response from her.
Then someone grabbed my arm, si Rave. "Wait up."
I glanced at him, "Rave, anong problema? Magta-time na. Balik na—"
"Si Nathan," he looked at me.
"Oh, anong meron kay Nathan?" I crossed my arms.
"Anong ginawa mo? Paano mo siya napabalik?" he released my arm.
"Secret," I chuckled. "Galing ko noh. Ano, napatunayan kong magaling akong VP?" naglakad ako pabalik sa room, ng mabilis. Baka ibombard na naman niya ako ng questions e. LOL. Kinahapunan, after ng klase lumapit sa akin si Nathan, alam na nina Lucy, Kayla at Viola na may tutor ako kaya nauna na silang umalis.
"Sasabay ka ba pauwi?" tanong niya.
"Hindi e. May tutor ako ngayon," inayos ko bag ko at napatingin sa may right side ko, nakatingin sa amin si Rave.
"Ah. Pahiram na lang notes, kokopya ako."
I looked at him, "Masyado ng marami yun kung kokopya ka. Ipapa-photocopy ko na lang bago umuwi tapos bayaran mo na lang ako mamaya," and smiled at him.
Nathan simply nodded and left the room. Lumapit naman sa akin si Rave.
"If Asher's not your boyfriend, then maybe Nathan is?" he cocked his brow.
"Masyado kang assumero," I rolled my eyes at him, sinuot ang bag ko at naglakad na paalis.
"Why are you defensive?" he snickered while following me.
"I'm not," I glared at him. Medyo naiinis na ako sa kanya. Lagi na lang sunod ng sunod. Lagi pang tanong ng tanong. He seems curious about everything! "Oh baka naman tanungin mo ako kung anong pinagusapan namin—"
Rave shook his head and laughed, "I'm curious though."
"Nagtatanong lang siya kung pwede bang mahiram ang notes ko, kokopya daw kasi siya. Sabi ko ako nang magpapa-photocopy kasi marami na yun. Mukha naman siyang mabait at hindi mukhang delinquent. Ano bang problema mo sakanya?" I crossed my arms.
"Sweet," he smirked. "Kailangan talagang ikaw ang magpa-photocopy ng notes mo eh siya na nga 'tong may kailangan?"
"Marami na nga akong notes. Mahihirapan siyang kopyahin—"
"Oh so you're that really concerned, huh?" he fixed his glasses.
"Wait," I stopped and looked at him, "di mo pa nga sinasagot yung tanong ko sa iyo kanina e. Ano bang problema mo kay Nathan at ang init ng ulo mo sa kanya?"
"Hi, Ate Marie," someone greeted me, kumaway pa siya.
Rave and I looked at him. Oh crap. Siya na naman, yung sophomore na nakabangga sakin. Isa pa 'tong feeling close. Nakakainis. Panu niya nalaman pangalan ko?
"You know him?" Rave looked at me.
"No," pagalit ko siyang sinagot at nagmadali nang pumunta sa library. Nakasunod pa rin sa akin si Rave. Subukan mo lang mag-ingay dito, for sure na palalabasin ka ng librarian. Mukhang kaming dalawa lang ang tao dito sa library. I checked my watch and it's 10 minutes past 4. Kung di siguro ako dinaldal ni Rave at kung di ko nakita yung sophomore na iyon, di siguro ako malalate. Okay, I'll wait for that student until 4:30. Baka may meeting lang sa class or club meeting or cleaner siya. Dahil wala naman akong gagawing iba, tumingin lang ako ng libro sa shelves.
"Di ko pala natanong sa iyo," Rave suddenly appeared na may dala-dalang libro. "anong ginagawa mo dito?"
"None of your business," I murmured.
"Look, nakakita ako ng Chemistry book. I'm sure it'd be helpful para sa scientific investigative project natin sa Chem," he moved closer as he showed the book.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tumingin ako sa kanya pero di ako tumingin sa libro at bigla na lang siya nagbasa.
"Phytoremediation...? Hmm," he looked at me. "Nakaisip ka na ba ng project?"
I sighed. Project. Pahirap sa buhay. Joke. "Hindi pa ako nag-iisip. Matagal pa naman yan," I walked slowly papunta sa may photocopier. May photocopier kami at wala ng bayad yun pag magpapa-photocopy ka. Kasama na yung bayad sa miscellaneous fee sa tuition fee namin e."
Nakaisip na ako ng three projects...." nagsasalita pa rin siya pero di ko na nainitindihan yung mga sinabi niya kasi busy na ako sa pagphophotocopy ng mga notes ko para kay Nathan. Si Rave naman ang nag-stastaple.
"You're wearing Victoria's Secret Secret Charms perfume, aren't you?"
My eyes widened. What the heck?! Bakit niya alam yun?! Don't tell me, he's also using that? Shit. Ang creepy na ni Rave ha. Promise, sobra na.