webnovel

March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story)

Synopsis/Introduction: Paano kung isang araw, paggising mo, wala na ang taong pinakamamamahal mo? Oo, alam ko. Masakit, at mas gugustuhin mo pang mawala nalang din kaysa mabuhay nang hindi siya kasama. Pero, paano kung mayroong paraan? Paano kung may paraan para baguhin ang nakatadhana? Handa ka bang harapin at isugal ang buhay mo para sa buhay ng taong pinakamamahal mo? Ito ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin na nakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay — si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala nang ibang ninais si Jin kundi ang makabalik sa oras at panahon upang mailigtas niya si Chris mula sa hindi nito inaasahang pagkasawi. Gamit ang isang time machine, isang proyekto ng company na siyang pinagtatrabahuhan ni Jin, naniniwala siya na sa wakas, may sagot na sa kanyang mission na mailigtas si Chris sa pangalawang pagkakataon. 6 years ang itinagal bago natapos ang time machine. Tumanda na rin ang itsura ni Jin. Ngayon, 27 years old na siya. Sa araw na ito, naka-set na ang lahat at handa na siyang bumalik muli sa March 21, 2021 upang iligtas si Chris, at makabalik sa kasalukuyang buhay niya kapiling ang buhay na Chris. Nagsimula na ang pagpapaandar sa time machine. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, nabago ang pagkakaset ng oras nito. Imbis na mapunta si Jin sa tamang panahon at oras, ay napunta siya sa maling timeline. Dinala siya ng kanyang time machine sa March 21, 2020, isang taon bago nangyari ang insidente. Dahil maling oras ang kanyang napuntahan, nais niyang i-set ulit ang time machine sa March 21, 2021, ngunit may isang malaking problema at ito ang hindi napaghandaan ni Jin. Hindi siya makakaalis dahil wala pa ang time machine sa panahon na ito. Ang buong akala ni Jin ay kasama niya ang time machine kahit saan mang oras niya nais pumunta. Makakaalis lamang siya sa oras na mabuo muli ang time machine. Napagpasyahan niya na lamang na manatili at maghintay, hanggang sa dumating ang oras na kanyang ikinatatakot. Naisip niya, dahil mas matanda na siya kay Chris sa mga panahong ito, hindi siya pwedeng makilala nito o ng kahit sino pa man. Kung magkataon, may malaking epekto ito sa kasalukuyan. Maaari ring may mangyaring hindi maganda sa kanya, at tuluyan na siyang hindi na makabalik sa tunay niyang oras. At dahil mananatili siya sa taong 2020, hindi maiiwasang magtagpo silang dalawa ng batang Jin sa taong 2020. Aaminin niya sa batang Jin na siya ito mula sa hinaharap upang tulungan siya, ngunit hindi niya rin maaaring sabihin ang lahat ng mangyayari upang protektahan ang kanyang sarili. Magpapanggap silang dalawa bilang magkapatid, at magtatago siya bilang si Jon, ang nakatatandang kapatid ng batang Jin. Sa isang taon na kanyang ilalagi, marami siyang bagay na matutuklasan sa pagkamatay ni Chris na hindi niya inaasahan.

Gonz0 · LGBT+
Not enough ratings
36 Chs

Chapter 31: Time Machine Part 2

3 Months Later

Date: July 21, 2021

Time: 7:30 A.M.

"Ang ingay... bakit andami kong naririnig sa paligid ko? Sandali, anong oras na ba? Nakatulog ba ako?"

Nagising si Chris dahil sa ingay ng paligid na kanyang naririnig. Minulat niya ang kanyang mga mata at nagulat siya sa kanyang nakita. Pinalilibutan siya ng lahat ng kanyang kasama sa Operations Team pati na rin sina Luna at Jade at lahat ay nakatingin sa kanya.

"Rise and shine, cutie! 7:30 a.m. na. Nakatulog ka ata dito sa laboratory." bati ni Jade.

"Chris, gising ka na ba?" tanong ni Luna.

"Huh? Anong sabi mo?" sagot ni Chris habang nakahiga pa siya sa sahig at hinahaplos ang kanyang mga mata.

"Nakatulog ka na naman ata sa laboratory, Chris. Hindi ba masakit 'yung katawan mo? Nakahiga ka d'yan sa sahig." nag-aalalang tanong ni Jade.

Umupo si chris mula sa pagkakahiga at natawa siya sa kanyang sarili.

"Sorry, nakatulog pala ako! Okay lang ako. Sabi ko mag power nap lang ako, kaso napasarap ata!" natatawang sagot ni Chris.

Nakahinga ng maluwag ang lahat ng kasama nila sa laboratory.

"Oh, bakit parang napanatag lahat ng loob niyo?" tanong ni Chris at nagtataka sa reaction ng lahat.

"Chris... it's time! Natapos na natin!" kinikilig na sinabi ni Jade

"Chris! Pakita mo sa amin lahat, dali! Explain mo sa amin, lalo na sa akin kung paano siya gagana! Gusto ko din makita yung design ko! Hihi!" nakangiting hirit ni Luna.

Tumayo si Chris at pumunta kung nasaan nakapwesto ang nabuo nilang time machine. Sinundan siya ng lahat at nakatingin lamang sa kanya.

Nagsimula na si Chris i-explain ang bawat detalye at function kung pano gagana ang time machine. Pinakita niya kung paano at saan pwedeng ayusin ang date and time sa isang capacitive touch screen na configuration box at ang mangyayari sa transporter sa simula na gumana ito.

Kinuha rin ni Chris, ang isang relo na kukumpleto sa time machine na dinagdag niya sa planning material ni Jin, at kanya itong ipinaliwanag.

"Itong relo na ito, na nakikita niyo—" naputol ang sasabihin ni Chris dahil biglang sumingit si Luna.

"Ops! Design ko 'yan! Kami ni Ms. Jade nag effort niyan!" confident na hirit ni Luna.

Natutuwa naman si Jade at tila sumasayaw ang mga balikat niya sa tuwa.

"Go Chris, tuloy mo na, 'wag mo kami pansinin ni Luna dito!" natatawang sinabi ni Jade

"Salamat Luna and Ms. Jade, sa pagdesign nitong relo na part ng time machine. Itong relo na nakikita niyo, ito ang magiging sagot natin para kung sino man ang gumamit ng time machine, ay makakabalik siya sa tunay na oras natin at saan man naisin pumunta habang nasa ibang panahon. Sa ngayon, isa pa lang ang nagagawa natin, so isang tao pa lang ang pwedeng gumamit ng time machine..." paliwanag ni Chris habang pinapakita niya sa lahat kung paano gagamitin ang relo sa oras na nais bumalik ng taong gagamit nito sa tunay nitong oras at kung nais rin nitong pumunta sa ibang oras.

"Wow! Parang naging portable na pala tong time machine! Alam mo Chris, ito yung sagot sa problema ni Jin! Ngayon Hindi lang natin maliligtas si Jin, magiging maganda din ang output nito para sa company!" natutuwang hirit ni Jade at sumangayon naman ang iba pa nilang mga kasama.

"Teka! Kinakabahan ako, Chris, paano natin malalaman kung successful 'to?" tanong ni Luna.

"'Yan ang susunod nating aalamin." nakangiting sagot ni Chris kay Luna.

Nakangiti rin si Luna pabalik kay Chris, ngunit nagtaka na rin siya bakit ang tagal nakatingin sa kanya ni Chris at nakangiti.

Napatingin siya bigla kay Jade at nakangiti rin ito sa kanya. Lumingon rin siya at nakita niya na nakatingin na sa kanya ang lahat.

Napagtanto na ni Luna ang balak ng lahat at kung bakit nakatingin sa kanya ang lahat ng kasama niya.

"No! Hindi ko kaya! Please, natatakot ako! I can't!" naiiyak na hirit ni Luna

"Please, Luna... ikaw ang magiging first ever female na nakapag time travel gamit ang time machine na 'to. Para 'to kay Jin at sa company natin, girl!" pakiusap ni Jade.

"Chris! Bakit naman kasi ako!" naiiyak na sagot ni Luna

"Sorry, Luna, pero magtiwala ka at makakabalik ka dito. Ituturo ko sa'yo kung paano." nakangiting sagot ni Chris.

"Sure kayo? Paano kapag hindi ako nakabalik?" naiiyak na tanong ni Luna.

"Girl! Sige na! Hmmm Isip tayo ng oras na babalikan mo." hirit ni Jade

"Naalala niyo ba noong pageant? Noong tinanong tayo kung anong sasabihin natin sa younger self natin kung sakaling makausap natin sila? 'Yun ang naisip na pwede mong balikan. Okay lang ba Luna?" tanong ni Chris.

"What if 'di ako makabalik gaya ni Jin? Baka never ko na kayo makita!" kabadong sinabi ni Luna.

"Kung hindi ka man makabalik, ako ang bahala. May emergency button itong time machine kung saan ibabalik ka nito sa present, basta't suot mo lang 'yung portable watch ng time machine."

Huminga ng malalim si Luna, ngunit may kaba pa rin sa kanyang puso. Tiningnan niya si Chris at si Jade na nakatitig at confident na magagawa niya ito.

Pinapasok na ni Chris si Luna sa transporter at pinasuot na rin sa kanya ang relo. Tinuro ni Chris ang mga function sa relo at kung ano ang kanyang gagawin kung nais niya nang bumalik sa kasalukuyan.

Nang maituro na ni Chris kay Luna ang mga dapat na gawin ay pumunta na siya sa configuration control box ng time machine kung saan maise-set ang oras.

"Sandali!" sigaw ni Luna at tila kinakabahan habang nakatayo na siya sa loob ng transporter.

"Girl, bakit!?" tanong ni Jade

"Ite-text ko lang si mom ko! Mamaya hindi na ko makabalik!"  hirit ni Luna

"Picture na din, Luna, remembrance kung sakaling hindi ka na nga makabalik." pabirong sinabi ni Jade.

"Ms. Jade!" naiiyak na sagot ni Luna.

"Oo nga pala, Luna. Kahit anong gawin mo, 'wag na 'wag kang gagawa ng kung ano-ano. Kausapin mo lang 'yung younger self mo, pagkatapos bumalik ka na ulit dito. Okay ba?" bilin ni Chris

"Okay, Chris! May tiwala ako sa'yo. Pagbalik ko may kapalit 'to! Gusto ko ililibre mo ko at bibilhan mo ko ng isang designer na bag!"  hirit ni Luna.

"Sige lang, Luna. Pagbalik mo, basta wala kang babaguhin sa timeline." nakangiting sagot ni Chris.

"Wait lang! Pwede bang ako na lang pala? Gusto ko din ng designer na bag!" hirit ni Jade.

"Sorry Ms. Jade, sa susunod na lang. Haha!" pabirong sinabi ni Luna ngunit sa loob niya ay kabado pa rin siya.

"Okay na, Luna. Nakaset na ang time machine sa date na July 21, 2006. Hihintayin ka namin dito. 'Pag di ka nakabalik pagkatapos ng isang oras, gagamitin ko ang emergency button." sinabi ni Chris habang inaayos niya na ang pagpapaandar ng Time machine.

"Last na, Chris!" hirit ni Luna at napatingin sa kanya si Chris, "Kapag hindi ako nakabalik, pakisabi sa kapitbahay mo, si Sol, 'yung hottie na maldito, crush ko siya matagal na! Okay na ko!"

Napailing na lamang si Chris at natawa sa pag amin ni Luna.

Pumikit na si Luna at niyayakap niya ang kanyang sarili. Nagdadasal siya dahil kinakabahan siya sa kung anong pwedeng mangyari.

Tawang tawan naman sa kanya si Jade, pero nag chi-cheer ito para sa kanya.

Nang masimulan na ni Chris ang pagpapaandar sa time machine, unti-unti nang lumiwanag ang loob ng transporter at napapikit silang lahat dahil sa nakakasilaw na liwanag nito.

Nang mapapikit silang lahat, tatlong segundo pa lang ang nakalilipas at kumupas na ito paunti-unti. Pagkamulat ng kanilang mga mata, ay napansin nilang nawala na si Luna sa loob ng transporter.

"Chris, tingin mo ba makakabalik si Luna?" tanong ni Jade at tila nagaalala din siya.

"Yes, Ms. Jade. 'Wag ka mag alala at makakabalik si Luna." confident na sagot ni Chris.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: July 21, 2006

Time: 10:30 A.M.

Dahan-dahang minulat ni Luna ang kanyang mga mata, at nakita niya na nasa tapat na siya ng kanyang bahay.

"Nakabalik na ba ako sa July 21, 2006?" nagtatakang tanong ni Luna sa kanyang sarili.

Habang nakatingin siya sa pinto ng bahay niya, napansin niyang bumubukas ito kaya nagtago siya sa tabi ng isang puno na malapit sa kanyang pwesto.

Habang sinisilip niya kung sino ang lalabas sa pintuan ng bahay niya, napangiti siya nang makita niya na lumabas ang isang batang Luna na dala dala ang mga laruan nito.

Habang naglalakad ang batang Luna buhat buhat ang kanyang mga laruan ay nadapa ito.

Umiyak ang batang Luna, at agad itong nilapitan ni Luna.

"Okay ka lang ba, baby girl?" nag aalalang tanong ni Luna habang nililinis niya ang mga kumapit na dumi sa damit ng batang Luna at inaayos niya ang tayo nito.

"Okay lang po ako. What's your name po?" tanong ng batang Luna.

Napangiti si Luna at tila napakagaan ng kanyang pakiramdam, "My name is Luna." Nakangiting sagot ni Luna.

Tuwang-tuwa ang batang Luna sa kanya at kinusap siya muli, "Hala! Parehas tayo ng name! Luna din po ang name ko. Sabi ni Mommy, ang ibig sabihin daw ng 'Luna' ay—"

"Moon" sabay na nagsalita ang dalawang Luna.

"Wow! Alam niyo din po 'yun?" tanong ng batang Luna.

"Oo, sabi kasi sa akin ng mommy, gustong gusto niya daw nakikita 'yung Moon. Lalo na pag full moon, gumagaan ang pakiramdam niya." kwento ni Luna.

"Wow! 'Yun din po ang sabi sa akin ng Mommy ko! Gusto mo ipakilala kita sa kanya?" tanong ng batang Luna.

"No need na, Baby girl. May sasabihin ako sa'yo... Okay lang ba?" hirit ni Luna.

"Sure po, ate Luna!" nakangiting sagot ng batang Luna.

"Luna, magtiwala ka lang sarili mong kakayahan ah? 'Wag kang susuko at gawin mo lahat ng magpapasaya sa'yo. Lahat ng fun moments... 'wag mo palalampasin. Magkakaroon ka ng mga kaibigan sa future na mamahalin mo ng sobra sobra at ituturing mong super friends!" nakangiting sinasabi ni Luna habang medyo naluluha na siya.

"Ate Luna, why are you crying? Are you sad?" tanong ng batang Luna.

"No, okay lang ako. Tandaan mo yung sinabi ko sa'yo ah? Go ka lang ng go! Be strong and happy!" dagdag ni Luna.

"Thank you, Ate Luna!" sagot ng Batang Luna.

"Luna? Where are you?"

Narinig ni Luna ang boses ng kanyang mom, kaya nagtago agad siya sa puno na kanyang pinuwestuhan, at pinanood niya ang mga pangyayari.

Lumabas ang mom ni Luna sa pinto, at pinuntahan ang batang Luna.

"Mommy, I met someone po. Her name is Luna, and she looks just like you and daddy! Super beautiful niya po and kind sa akin." kwento ng batang Luna.

"Where is she, baby girl?" tanong ng mom ni Luna habang tumitingin sa paligid.

"Hmm? Kanina nandito lang siya ah?" sagot ng batang Luna.

Hindi mapigilan ni Luna ang pagiyak, ngunit napakasaya ng kanyang nararamdaman. Tuloy lang ang kanyang panonood sa mag ina, at habang nanonood ay mas bumuhos ang kanyang luha nang makita niya ang isa pang taong lumabas ng bahay niya.

Nakita niya ang kanyang dad na matagal niya ng hindi nakakasama, dahil naging broken family na sila at the age of 8 years old. Kaya naman ay labis ang kanyang tuwa nang makita niya na magkakasama pa ang mom at dad niya at masaya lamang sila.

Huminga ng malalim si Luna at pinunasan niya ang kanyang mga Luha.

"Tama na 'tong pag iyak ko. Masisira ang make up ko nito! Kailangan bumalik ako ng fresh pa ako. Saglit..."

Pinunasan ni Luna ang kanyang mukha at nagayos ng kanyang makeup. Habang nagme-makeup siya, pinagtitinginan siya ng mga dumadaan at sinisigawan niya ito.

"Bakit! Ngayon lang kayo nakakita ng maganda? Hmmp!"  hirit ni Luna at biglang nag hair flip at eye roll.

Pagkatapos mag-ayos ni Luna, ay inayos niya na ang settings sa relo na kanyang suot upang makabalik na siya sa kasalukuyang oras.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: July 21, 2021

Time: 8:30 A.M.

Nakatingin lang sina Chris at ang lahat sa transporter habang hinihintay ang pagbabalik ni Luna.

"Chris, baka kailangan mo na gamitin 'yung emergency button ng time machine? Kanina pa hindi nakakabalik si Luna." nag aalalang sinabi ni Jade.

"Hindi, Ms. Jade, mag tiwala tayo kay Luna, at sa time machine." nakangiting sagot ni Chris.

Tila nagkaroon ng flash ng ilaw sa loob ng transporter at unti-unti na itong lumiliwanag hudyat na may nangyayari na sa time machine.

"Ayan na siya! Pabalik na siya!" sigaw ni Jade habang tinatakpan niya ang kanyang mga mata dahil sa matinding liwanag na nagmumula sa transporter.

Pagkalipas ng sampung segundo, nawala na rin ang ilaw na nagmumula sa transporter at nakita nila si Luna na nakatayo at naka pose na pang vogue na may fierce na mukha kahit maluha luha ang kanyang mga mata.

Nang makita nila si Luna, lahat sila ay nagpalakpakan at tuwang tuwa dahil tagumpay ang kanilang pag buo sa time machine. Agad na lumapit si Jade kay Luna at niyakap ito ng mahigpit.

"Girl! Kinabahan ako! Akala ko hindi ka na makakabalik! Bakit ang tagal mo naman! Mawawalan ako ng friend for life niyan pag di ka bumalik!" naiiyak na sinabi ni Jade.

"Ms. Jade, I'm so happy. Hindi ko ma-explain, pero ngayon, ang gaan gaan ng loob ko." naiiyak na sinabi ni Luna habang niyayakap niya si Jade. Tumingin si Luna kay Chris at nagpasalamat, "Chris, super thank you! Kung hindi dahil sa'yo, hindi ko makikitang buo ulit ang family namin kahit isang beses man lang. Sobrang thank you talaga!" nakangiting hirit ni Luna habang umiiyak ito.

Lumabas na sina Jade at Luna sa transporter at ibinigay na ni Luna ang relo kay Chris.

"Chris, tingin ko, handa na ang lahat. Handa na kaming makita ulit si Jin." nakangiting sinabi ni Luna kay Chris.

Ngumiti si Chris pabalik kay Luna at isinuot na ang Relo.

Huminga ng malalim si Chris at saka pumasok sa loob ng transporter.

"Chris, iseset ko ito ng March 21, 2021 11:02 p.m., tama ba?" tanong ni Jade na nakatayo sa part kung saan naseset ang oras.

"Yes po, Ms. Jade. Pero bago mo pindutin ang start, May nais lang akong sabihin." hirit ni Chris.

"Anong gusto mong sabihin Chris?" tanong ni Luna.

Tiningnan muna ni Chris ang lahat ng tao sa loob ng laboratory, at pagkatapos ay kinausap niya na si Jade,

"Ms. Jade, pwede mo na pong pindutin ang 'Start'." bilin ni Chris.

Nang mapindot na ni Jade ang Start button ng time machine, ay nagsalita muli si Chris.

"Luna, Ms. Jade, maraming salamat sa lahat. Masaya ako na naging kaibigan ko kayong dalawa. Hinding hindi ko kayo makakalimutan. Dahil sa inyong dalawa, kayo ang laging nagtutulak sa akin sa mga bagay na hindi ko kayang gawin dati. Sana, sa susunod na pagkakataon, kung magkita kita ulit tayo—" Biglang lumiwanag na ang ulit sa loob ng transporter, "—ngingitian ko kayo kahit hindi niyo na ko kilala sa susunod na magkasalubong tayo. Paalam at salamat sa lahat ng masasayang memories na kasama kayo."

"Chris!" sigaw ng dalawang babae habang umiiyak dahil natunugan na nila ang plano ni Chris.

Naglaho na si Chris sa kasalukuyan pagkatapos mawala ang liwanag na nagmumula sa transporter.

"Hindi ko na napigilan. Hindi na natin siya mapipigilan." hirit ni Jade habang nakatulala lamang siya sa transporter at naluluha, "Pindutin ko na kaya ang emergency button?"

"'Wag, Ms. Jade. Magtiwala na lang tayo sa desisyon ni Chris. Alam niya kung anong mas makakabuti. Sa oras na magkita silang dalawa ni Jin, alam ko magiging okay ulit ang lahat." sagot ni Luna.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: March 21, 2021

Time: 11:02 P.M.

Dahan dahang dumilat si Chris, at nakita niya na nasa tapat na siya ng building sa 306 Street Sta. Mesa, kung saan nangyari ang insidente.

Nagtago siya sa isang liblib na pwesto upang walang makakita sa kanya.

Habang nagtatago siya, nakita niya si Jon na papasok sa loob ng building.

"Jin." bulong ni Chris sa kanyang sarili. Hindi pa rin siya umaalis sa kanyang pwesto dahil may isa pa siyang hinihintay na tao—hinihintay niya ang pagdating ni Jin.

Habang nakatago siya, may natanaw siyang isang tao na paparating sa building.

"Andito na si Jin."

Pinapanood niya si Jin na nakatayo sa entrance ng building habang pinagmamasdan ang isang papel na kanyang hawak—ang guide na binigay sa kanya ni Senior Jin.

Pagkatayo ni Chris sa kanyang pwestong tinataguan, ay siya namang pagtakbo ni Jin patungo sa loob ng building.

"Kung pipigilan ko si Jin ngayon, ibig sabihin, maaaring mamatay si Sir Jon. Hindi, ayoko! Ayokong mamatay si Jin o Sir Jon sa kahit anong paraan. Isa na lang talaga ang naiisip kong gawin."

Gunshot!

Naluha si Chris nang marinig niya ang putok ng baril, hudyat na nabaril na si Jin.

Huminga ng malalim si Chris at tumingin sa mga bituin.

"Jin... hindi ka na mahihirapan. Mas gugustuhin ko pang makita kang nabubuhay, at nakikita kitang nakangiti, kahit hindi na ako ang dahilan. Hindi ka na mapapahamak. Handa na ko iwanan itong panahon na ito, pero ang mga alaala na nabuo ko sa mga panahon na 'to hinding hindi ko makakalimutan. Salamat Jin at sa mga naging kaibigan ko. Magkikita tayong lahat, at makikita ko kayo sa malayo na lahat nakangiti at masaya."

Inayos na ni Chris ang relo upang bumalik sa oras kung saan aayusin niya ang lahat—ang tanging na naisip niya upang hindi mamamatay si Jin sa kahit anong paraan.

Babalik siya sa panahon kung kailan bago siya ipakilala ni Rjay kay Jin. Pipigilan niya ito, upang hindi sila magkakilala ni Jin at maiwasan ang buong pangyayari.

Inisip niya na sa paraang ito, magbabago ang hinaharap.

Sa oras na hindi magkakilala si Jin at Chris, hindi mabubuo ang nararamdaman nilang dalawa para sa isa't isa. Magiging complete strangers na lang silang dalawa at mas nanaisin iyon ni Chris, kaysa makita si Jin na mapahamak. Mas gusto niya na lamang na makita si Jin sa malayo na nakangiti, katulad ng ginagawa niya dati, kahit na pagbalik niya sa tunay niyang oras at siya na lang ang nakakaalala ng lahat, ay ayos lang sa kanya. Handa na siya sa magiging kapalit. Isusugal niya ang tanging kaligayahan niya mabuhay lamang si Jin.

Nang maayos na ni Chris ang settings sa relo, lumiwanag na ang kayang katawan at naglaho.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: June 25, 2015

Time: 1:00 P.M.

Dahan dahang iminulat ni Chris ang kanyang mga mata at nakita niya na nasa loob siya ng kanilang University. Hinanap niya ang lugar kung saan ipinakilala siya ni Rjay kay Jin, at pumunta siya sa court.

Naalala niya na bago mag practice match ang dalawa, ay ipinakilala siya ni Rjay.

Nang makarating na siya sa court, nagtago siya sa likod ng isang puno na malapit sa court upang walang makakita sa kanya.

Habang nakasilip siya sa likod ng puno, nakita niya sina Jin at Rjay na papunta na ng court, hudyat na ang susunod ay dadating na ang Chris sa panahon na ito pagkatapos ng 5 minutes.

Dahil may oras pa siya upang unahan ang Chris sa oras na ito at pigilan ang pagpapakilala, umalis siya sa pwesto na kanyang pinagtataguan.

Pagka-alis niya sa kanyang pwesto, huminga siya ng malalim at nagsimula nang maglakad.

Diretso lang ang kanyang tingin at hindi pinapansin ang paligid, nang may nabangga siyang isang matandang lalaki at nalaglag ang dalang mga libro nito.

Pinulot ni Chris ang mga nalaglag na libro, at nakita niya ang mga tema ng libro na tungkol sa time travel.

Pagkapulot niya sa mga librong bumagsak sa sahig, tumayo na siya at tiningnan kung sino ang may ari nito para mag sorry.

"Sorry po, hindi ko sinasadya na mabangga kayo. Okay lang po ba kayo, sir?" tanong ni Chris sa matandang lalaki.

Ngumiti kay Chris ang lalaking nasa harap niya. Isang lalaki na matanda na at nasa 60 years old ang edad at tila masayang masaya ito.

"Nagkita na din tayo, sa wakas, Chris." sagot ng lalaki sa kanya.

Nagulat si Chris nang banggitin ng lalaki ang kanyang pangalan kaya nagtaka siya at tinanong niya ito.

"Kilala mo po ako?" tanong ni Chris.

Tumango lang sa kanya ang lalaki at ngumiti.

Pinagmasdan mabuti ni Chris ang mukha ng lalaki at tila pamilyar ang itsura nito.

Napansin niya ang napakaamo na mukha ng lalaking nasa kanyang harapan at natunugan niya kung sino ito nang titigan niya ito sa mga mata.

"Jin?" tanong ni Chris.

"Ako nga, Chris." sagot ni Senior Jin.

"Paano ka napunta dito, Jin?"

Ngumiti ang matandang Jin at hinaplos ang buhok ni Chris, "Para sa'yo."

Biglang nalungkot si Chris dahil hindi niya gusto na nahihirapan si Jin.

"I'm sorry, Jin, nang dahil sa akin, hindi ka na nakabalik sa tunay mong oras."

"'Wag ka mag sorry, Chris. Masaya ako na nandito ka na. Ako ang dapat mag sorry sa'yo, Chris. Pasensya ka na kung hindi kita nailigtas noon pa lang."

"Hindi, Jin. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka makukulong sa nakaraan. Ang buhay mo na ang naging kapalit para lang sa akin."

Ngumiti ang matandang Jin at tumingin sa batang Jin at Rjay sa di kalayuang pwesto.

"Alam ko ang binabalak mo, Chris, kaya ka bumalik dito.  Nais mong pigilan ang pagpapakilala ni Rjay sa ating dalawa, hindi ba?"

"Paano mo nalaman?" gulat na pagkakatanong ni Chris.

"Kilala kita, Chris. Alam ko na hindi mo uunahin ang sarili mong kapakanan. Napagtanto ko na sa oras na magtagumpay ang aking plano at nabuhay ka, babalikan mo itong oras na 'to."

"Anong plano ang sinasabi mo?"

Ngumiti lamang ang matandang Jin at hindi sinagot si Chris.

"Jin! Anong plano mo!"

"Ang iligtas ka sa pagkamatay, Chris."

Kinuha ni Chris ang sulat ni Jin na itinago niya sa kanyang wallet, at inabot ito kay Senior Jin.

Nang makuha ni Senior Jin ang sulat, binasa niya ito at pagkatapos ay tinago niya sa kanyang bulsa.

"Sa wakas, nahanap na natin ang isa't isa, Chris. Magkaiba man tayo ng panahon, magkikita at magkikita pa rin tayo. Hindi ko inakala na hahantong ako sa puntong ito na hahamakin ko ang lahat para lang sa pagmamahal."

Tila biglang humangin ng napakalakas at tumigil ang oras panandalian ngunit ang matandang Jin at si Chris lamang ang gumagalaw.

Lumakad sila patungo sa kinatatayuan ng batang Jin at Rjay, at kinausap muli ni Senior Jin si Chris.

"Alam ko na kaya mong isakripisyo ang kaligayahan mo para lang sa akin. Hindi ko na iyon hahayaan, Chris. Sapat na ang paghihirap mo. Isa pa, tingin mo ba kung gagawin mo ito, naisip mo ba kung magiging masaya ba talaga ako?"  nakangiting sinabi ng matandang Jin.

Hindi nakasagot si Chris at nakayuko lamang siya...

"Chris, kahit baguhin mo ang pangyayari, kahit ilang beses ka bumalik sa oras na ito, hindi mo mapipigilan ang mga sarili natin. Kahit pigilan mo ang pagiging magkaibigan natin, hahanap at hahanap pa rin ng paraan ang tadhana para magkita at magkakilala tayong dalawa." dagdag ng matandang Jin.

"Pero kung hindi ko 'to gagawin, mamamatay ka ulit o ako. Tatanungin kita, Jin. Masaya ka pa rin ba kahit nakulong ka na sa nakaraan nang dahil sa akin?" tanong ni Chris at tumingin siya ng masinsinan sa mga mata ng matandang Jin.

"Masaya ako, Chris. Masaya ako na nakulong ako sa nakaraan. Mas gugustuhin ko na manatili dito, kaysa hindi ka makasama sa hinaharap. Kaya wag ka magalala sa akin. Dito sa nakaraan, bagamat hindi kita nakakasama, araw araw kitang nakikita at ayos na ako roon. Sa pagkakataong ito, ang matagal ko ng pinaghandaan... matutupad na. Nandito ka na Chris. Sa'yo na nakasalalay ang susunod na mga pangyayari." sagot ng matandang Jin.

Tumungo sila muli sa likod ng puno sa tabi ng court at tila bumalik sa normal ang galaw ng lahat. Tumingin silang dalawa sa mga sarili nila na nagsisimula nang magpakilala sa bawat isa. Pinanood ni Chris at ng matandang Jin kung paano sila ipinakilala ni Rjay sa isa't isa.

"Hindi ko inakala, na ang taong makikilala ko sa araw na ito, ay ang taong magbabago sa buhay ko, ang taong magpapasaya sa akin at ikaw yun, Chris." hirit ng matandang Jin habang pinapanood niya sa malayo ang kanyang batang sarili.

Tumingin si Chris sa matandang Jin at kinausap muli, "Anong plano mo, Jin? Anong dapat kong gawin?" tanong ni Chris.

Napangiti ang matandang Jin at tumawa na siyang ipinagtaka ni Chris.

"Jin? May nakakatawa ba?" nagtatakang tanong ni Chris.

"Wala lang. Natutuwa lang ako sa'yo Chris. Ito na ang susunod kong plano. Bumalik ka ulit sa March 21, 2021. Sa oras na maabutan mo si Jin sa panahon na iyon, pigilan mo muna siya." sagot ng matandang Jin.

"Pero mamamatay si Sir Jon, I mean 'yung Jin na humaharang sa baril!" hirit ni Chris.

"Sa pagkakataong ito, may sapat kang oras. Pigilan mo muna si Jin na pumasok sa building. Habang pinipigilan mo si Jin, hintayin mo lamang at dadating ang taong tutulong sa inyo." sagot ng matandang Jin.

"Sino itong tao na tinutukoy mo?"

"Isang taong hindi mo inaasahan, Chris."

Napapaisip pa rin si Chris kung sino ang taong tinutukoy ng matandang Jin. Marami pang mga bagay ang bumabagabag sa kanyang isip at marami rin siyang mga katanungan na gusto niyang malaman. Gusto niyang malaman kung bakit humantong sa ganito ang lahat.

"Jin..."

"Alam ko marami kang tanong, Chris. 'Wag ka mag alala, lahat ito'y may kasagutan at lahat ay malalaman mo sa takdang panahon. Pwede ka ng bumalik, Chris."

"Pero paano ka, Jin? Maiiwan ka dito." tanong ni Chris

"Nasasayo iyon, Chris, kung gusto mo kong manatili sa nakaraan. Nasayo ang desisyon." nakangiting sagot ng matandang Jin.

Tiningnan muli nilang dalawa ang kanilang mga sarili sa malayo.

"Handa ka na ba bumalik, Chris?" tanong ng matandang Jin

"Oo, Jin, handa na kong bumalik. Maraming salamat at nakita kita ulit. Salamat kahit magkaiba tayo ng panahon na ginagalawan, hindi mo pa rin ako pinapabayaan." nakangiting sagot ni Chris.

"Hindi, Chris. Ako dapat ang magpasalamat sayo. Nasilayan ko ang mga ngiti mo para sa akin. Magkikita ulit tayo Chris, wag ka magalala. Sa tuwing mawawala ka sa daan, lagi lang akong nandito at sasamahan kita."  sagot ng matandang Jin.

Inayos na ni Chris ang kanyang relo upang bumalik sa March 21, 2021.

Nagsimula nang magliwanag ang katawan ni Chris, at nakatingin lang sa kanya ang matandang Jin at nginitian siya.

Bago siya naglaho, ay sumenyas ang matandang Jin ng okay sign na nagpapahiwatig na magiging maayos na ang lahat.

Naluha si Chris ngunit pinunasan niya ito at ngumiti. Nag okay sign din siya pabalik at tuluyan na naglaho ang katawan niya.

Nakatingin lang ang matandang Jin sa court, at pinapanood ang kanyang batang sarili na naglalaro kasama si Rjay.

Habang nanood siya, napansin niya na nagliliwanag na ang kanyang katawan, hudyat na maglalaho na siya.

Tumulo ang mga luha ng matandang Jin habang pinagmamasdan niya si Rjay na nakangiti at masayang masaya na nakikipaglaro sa kanyang batang sarili.

"Ahhh, oras na. Maraming salamat, kapatid. Hanggang sa muli."

End of Chapter 31