webnovel

Ang Bisita

Natigil ang kanilang pag-uusap ng dumating ang kanilang bisita. Isang matandang lalake ang kanilang panauhin.

"Ernes! Kamusta?" pagbati ng bisita.

"Eto ba ang iyong MALA na apo?" tanong niya at sabay tingin kay Eddy.

"Mabuti naman ang aking lagay panginoong Basil. Kamusta ang Balikaban?". Magalang na tugon ni Don Ernesto.

"Eto ang aking apo si Eddy." Pakilala ng don.

"Magandang hapon po." Nanginginig na bati ni Eddy. Di nya malaman kung ano ang kanyang nararamdaman.

Napakalas ng dating ng aura ng kanilang bisita. Sa isang sulyap lamang ay parang napakasikip ng kanyang dibbib at halos hindi siya makahinga.

"Ang ating panginoog Basil mula sa ankan ng Bakila. Siya ang pinuno ng kabuuang ng Balikaban. Ang Balikaban ay ang mundo na pinagmulan ng iyong ina. Ang ankan ng Bakila ay ankan ng mga Maharlika.

"Ikaw nga ay hindi nagkakamali sa iyong hinuha. May malakas akong nararamdamang enerhiya nagmumula sa iyong apo. Mabuti naman at ang MALA na ito ay may aking talento. Kailangan nating siyang linangin upang maging kapaki-pakinabang." Kimumpirma ng panginoon ang tala ng don sa kanya.

"Kailangan mo siyang papuntahin sa Balikaban upang ating masukat ang kanyang talento. Matapos ang kanyang kaarawan at lumabas ang mga tanda ay agad mo siyang dalhin." Utos ng panginoon.

"Masusunod panginoon!" Tugon ng don.

Sinimulan nila ang kanilang pagkain habang nag-uusap ang panginoon at ang kanyang lolo. Hindi na nagawi ang usapan ng dalawa tungkol kay Eddy. Malinaw na sa kanila ang mga dapat na gawin ng kanyang lolo kay Eddy. Natapos ang pananghalian ay nagpaalam na ang panginoon.

Nagkaroon ng pagkakataon na nagtanong si Eddy sa kanyang lolo matapos na umalis ang kanilang bisita. Nakahinga na rin siya ng maluwag at unti-unti nang bumabalik ang kanyang kulay na namumutlat.

"Ano pong "tanda" ang sinasabi ni Mr. Basil lolo?" Tanong ni Eddy.

"Shh! Wag na wag mong matawag na Mr ang ating panginoon! Tandaan mo na siya ang panginoon ng mga manlilinang at kabuuan ng Balikaban." Mariin na sabi ng don.

"May kakaiba ka bang nararamdaman at napapansin habang nalalapit ang iyong kaarawan?" Tanong ng don.

"May nararamdaman akong parang may mga matang nakatitig sa akin pag ako'y nalalapit sa eskwelahan. Kasama ba yun?" Pahayag ni Eddy.

"Hehe! Kami yun ni Aika, ibig sabihin ay lumalakas na ang iyong pakiramdam. Mararamandaman mo ang presensya ng isang manlilinang lalo na ang mas mababa sa iyong antas. Naramdaman mo kami kasi sinadya naming magparamdam sa iyo upang malaman naming kung ikaw nga ay sumasailalim na sa mga pagbabago. Bago sumapit ang ika-labing walong taong gulang ng isang MALA na tulad mo ay kinakikitaan ito ng pagbabago." Paliwanag ng don.

"MALA?" patakang tanong ni Eddy.

"MALA ang tawag sa anak ng tao at ng isang manlilinang. Maari manahin ng anak ang katangian ng ama o ina na manlilinang pero maaari din hindi. Lumalabas lamang ang mga tanda ng pagmana ng kapangyarihan bago sumapit ang ika-labing walong taong gulang at magsisimula ang tunay na pagbabago sa araw ng kanyang kaarawan.

"Nakitaan ka na ng mga tanda tulad ng pagtaas ng iyong pakiramdam." Paliwanag ng don.

"May isa pa akong naranasan ng umiwasan ako sa suntok mula sa aking mga kaaway. Parang bang napakabagal ng kanilang suntok at inaantay ang aking pag-iwas. Nang ipinasa ko ang bola kay Bobby, hindi ko naman inilagyan ng pwersa ang aking bato pero parang napakalakas ng dating sa kanya." Dagdag ni Eddy.

"Yan ang dahilan kaya kailangan mong matutunan ang pagmanipula sa inyong mga katangian at kakayahan. Marapat lamang na ikaw ay magsanay sa loob ng Balikaban. Kailangan mo ng ayusin ang iyong pamamaalam sa iyong trabaho at ang iyong pagliban sa eskwalan sa loob ng 3 araw." Paliwanag ng don.

Inilibot ng don ang kanyang apo sa ilang sa kanilang mga negosyo sa loob lamang ng Metro Manila. Huli nilang tinungo ang negosyo nilang Mall. Sa loob ng mall ay inabutan ng manager ng mall ng itim na credit card. Ang itim na card ay ang pinakamataas na antas sa uri nito. Ang may hawak nito ay maaring gumastos ng walang limitasyon.

Ibinigay ng don kay Eddy ang itim na card at sinabing "Ito ay para sa iyo, bilin mo ang iyong nais na walang pasubali."

Kinuha ni Eddy ang card ngunit tumangi siya mamili sa araw na iyon.

"Maari po bang ipagpaliban natin ang pamimili at may mga kailang po akong ayusin para po makapaghanda sa darating na mga araw?" pagsamo niya sa kanyang lolo.

"Mabuti pa umalis na tayo at kailangan pa natin puntahan ang huli kailangan puntahan sa araw na to." Tugon ni lolo.

Muli silang bumiyahe ngunit tulad ng mga una nilang mga biyahe at nag-aantay na lamang siya ng bagong supresa na kanyang matatagpuan. Tumungo ang sasakyan nila sa Makati at pumasok sa loob ng Forbes Park, isa ang Forbes Park sa mga tanyag na village sa Metro Manila. Dito naninirahan ang mga eletista, sikat at mayayamang tao ng Pilipinas. Huminto sila sa isang napakalaking villa na masukat na isang libong metro kwadrado. Sa gitna nito ay isang napakalaking bungalow na sumasakop sa halos kalahati ng lupain. Pagkapasok ng sasakyan ay bumagtas ito sa daan na napapaligiran ng magagandang bulaklak. Sa dulo ng daan ay may plaza na paikot na may malaking estatwa ng isang mandirigma.

"Yan ang ating ninuno, si Raha Baylon. Siya ang unang tumungo dito sa mundong ito. Dito siya nagpalakas at nagsimula ng mga Negosyo na tinatamasa natin ngayon. Ako ang pang-tatlong henerasyon mula sa kanya. Buhay pa ang lolo mong yan at nananatili lamang sa ating angkan bilang isa sa mga nakakatanda. Pati ang ikalawang lolo mo na si Raha Walay ay kasama niya sa ating mundo.

Bago dumating ang sasakyan sa harap ng bahay ay maayos na nakapila ang mga katulong ayon sa kanilang rango. Ang una sa kanila ay ang kanilang Mayor Doma sumunod ang alalalay nya at ang mga namamahala sa bawat parte ng kabahayan. Sa kabilang gilid ay mga mga tauhan para sa seguridad. Paglabas ni Eddy ay agad siyang pinakilala sa mga tauhan ng tahanan.

"Eto ang aking apo na si Eddy. Tawagin nyo siya Batang Senior at ibigay sa kanya ang kanyang pangangailangan. Dito na sya titira." Nagulat si Eddy sa tinuran ng kanyang lolo.

"Eto si King at ito si Marvin habang tinuturo ang dalawang lalaki sa hanay ng seguridad. Sila ang iyong magiging bodyguard mula sa araw na ito. Silang dalawa ay nabibilang sa mga magagaling sa manlilinang. Lahat ng iyong makakasama sa bahay na ito ay pawang mga manlilinang. " patuloy ng lolo.

"Bat ko po kailangan ng bodyguard lolo?" Tanong ni Eddy. "Nakaka-ilang po na may sumusunod sa aking sa lahat ng oras. Maari po bang wag nyo na ko bigyan ng mga ito?" Pagsusumamo ni Eddy.

"Noong di pa lumalabas ang iyong kakayanan ay di mo kailangan ng bodyguard kaya hinayaan kita mabuhay ng mag-isa. Ngayon na lumalabas na ang iyong kakayahan, ito ay maaring mabatid ng mga itim na manlilinang. Hindi ako mag-aalala sa mga ordinaryong mga tao dahil di ka nila kayang saktan ngunit ibang usapan sa itim na manlilinang. May ilang sa kanila ang nakapasok sa mundo ninyo at naghahanap ng mga ligaw na manlilinang upang gamiting para sa kanila pag-angat ng antas. Ang pinakagusto nila ang iyong aura, isang pasibol na aura na magbibgay sa kanila ng napakalaking benepisyo." Paliwanag ng lolo. Walang na siyang masabi at sumunod nalang sa pagpasok ng kanyang lolo sa loob ng tahanan.

"Ito ang iyong magiging tahanan mula ngayon. Ituring mo itong iyong pag-aari at Ikaw na ang may kapangyarihan sa tahanang ito." Sabi ng kanyang lolo habang nakalahad ang kamay at paikot nitong inilahad sa buong kabahayan.

"Akin ito, Ang lahat ng ito?" pabulalalas na tanong ni Eddy.

"Sayo!" sagot ng lolo.

Bilag niya naisip ang kanyang ama-amahan at kapatid-kapatiran si Eric. Maari silang mamuhay ng matiwasay at lumisan sa kanilang maliit na barong-barong. Minahal niya ang munting tahanan nila dahil ito ang naging sandigan nila sa lahat ng unos na kanilang tinahak ngunit kailangan na ng pababago. Batid niya ang di na maiiwasan ang mga pagbabagong magaganap kaya kailangan na itong paghandaan.

"Marunong ka bang magmaneho?" Tanong ng lolo.

"Ah eh hindi po." Tungon ni Eddy.

"May mga sasakyan sa garahe ikaw na ang mamili ng gusto mong sakyan at magpahitid ka na lang sa ating drivers, mamili ka nalang kung sino ang gusto mong mag-drive sayo." Dagdag ng lolo.