webnovel

MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel)

She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, until the day Ran Emannuel Maldecir decide to break up with Simon Louise Tabone. For what reason did they break up? It's you to find out.

mefitaku21_ · Urban
Not enough ratings
42 Chs

Chapter 22

"S-SIMON SANDALI!" para akong maluluha ng tumalikod nalang siya bigla at walang pasabing naglakad. Gabundol ang kaba at pagsisisi ko sa natunghayan niya ngayon, ngayon lang.

Hindi ko naman iyon sinasadya at wala lang saakin iyon. Pero ayon sa mga mata niya hindi iyon maganda.

Parang hinuhukay ang tyan ko habang pilit ko siyang hinahabol. Para akong nahimasmasan sa kalasingan. Feeling ko anlaki ng kasalanan ko kahit wala naman akong ginawang masama.

"S-simon sandali!" thanks god that I grab his right shoulder to stop him from walking. "Mali 'yung nakita mo. Napatid ako kaya sumubsob ako sa kanya." pagrarason ko habang pigil ang nagbabadyang pagluha.

Hindi siya nag-abalang tignan ako. Kaya labis naman ang sakit sa puso ko dahil doon. Hindi tumagal, putak na ang walang hiya kong luha. Hindi man lang niya ako haharapin?  Tsk. Sakit a!

Bakit ang bilis kong maging emosyonal sa kanya?  Wala naman akong ginawang masama e. Wala talaga. Pero bakit nagkaka ganito siya?  Parang ang daya naman nun.  Walang ibig sabihin iyon sa akin. Sana ganun din ang makita niya. Nakakasakit lang sa puso na bigla nalang niya akong tatalikuran dahil sa nakita niya. Hindi man lang niya ako hinayaan mag-explain bago siya magpasyang tumalikod. Ang sakit talaga. Grabe.

"Simon. " halos bulong ko ng tawag sa pangalan niya habang umiiyak ng palihim. Hindi naman niya nakikita ang pag-iyak ko e. Useless.

"Pansinin mo naman ako. " pilit kong inaayos ang pagsasalita ko. Marahas ang pagbuntong hininga niya at umiling pa. Parang may tumarak na kutsilyo sa puso ko dahil doon. Nakakuyom din ang mga kamao niya.

Panay din ang tingin ng ibang nakakakita sa amin. Ang iba nagugulat o di kaya ituturo kami na parang nasisiyahan sa nakikita. Ang iba naman dinadaan kami pagkatapos nakasunod ang tingin sa amin. Lalo na sa akin. Iniisip siguro nila na desperado ako at ako yung humahabol.

Kagat ang ibabang labi binitawan ko ang braso niya. Halatang nagulat siya pero nakabawi din. Kumibot ang likod niya pero hindi siya humarap. Likod lang niya ang nakikita ko. Matangkad pa naman siya.

"Kung ano man ang ikinagagalit mo o kung ano man ang rason mo at nagkakaganyan ka. Sana hinayaan mo muna akong makapag salita diba? Hindi iyong tatalikuran mo ko." dala ng bugso ng damdamin ko. Hindi ko napigilan na mainis sa kanya. "Sorry kung iba ang pagkaka intindi mo sa nakita mo kanina. Sorry kung sa palagay mo naka gawa ako ng kasalanan na hindi ko naman sadya." huminga ako ng malalim bago nagpasyang talikuran siya. Pinalis ang luha sa pisngi at nag desisyon akong umalis doon. Hindi man lang niya ako sinundan. Lalo lang akong nasaktan.

Wala naman akong magagawa kung ayaw niya akong harapin e. Hindi naman kasi ako namimilit ng tao. Lalo na kapag alam kong wala akong ginawang masama para tratuhin niya ako ng ganun.

Bumalik ako sa loob at nagpaalam. Nagtataka nga sila ng sundan ako ng tingin. Si Samuel walang kibo ng balingan ko ng tingin. Pero alam kong alam niya ang rason ko. Lalo lang akong naiinis sa kanya. Alam ko namang wala siyang kasalanan sa nangyaring pagbunggo ko sa kanya dahil ako iyong hindi nakatingin sa daan. Pero dala ng nangyari ngayon pasensyahan nalang at nadamay siya sa inis ko.

Umuwi ako sa condo na dala-dala ang nararamdaman. Para akong lantutay na gulay ng makahiga sa kama. Tinakip ang isang kamay sa mga mata. Kalahati ng katawan kong ibaba ay wala sa kama.

Dala ng sama ng loob at inis dahil sa nagyari ngayong gabi, hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Alas nuebe nang umaga na ako nagising. Medyo masakit ang ulo dahil hang-over at masakit din ang mata ng imulat ko iyon. Dala ng pag-iyak kagabi kaya ganun.

I check my phone if there's a message pero wala. Wala ni isa galing sa kanya. Ganun na ba talaga ka laki ng ginawa ko? Ni text o tawag hindi man lang niya ginawa?  Kahit magsorry man lang dahil mali iyong nakita niya? 

Naluluha akong pumunta ng cr. Nakita ko ang sarili sa salamin, singkit ang mata dahil sa pag-iyak. Sabog ang buhok at patapon. Naipatong ko ang isang kamay sa counter top at ang isang kamay ginamit pinampunas sa luha.

"Ang aga-aga umiiyak ka na naman." ani ko sa sarili. "Hindi mo dapat iyon iniiyakan dahil wala ka namang ginawang masama sa kanya. Kapag ikaw pinansin nun at magsorry sayo. Wag mo ring pansinin para kwits kayo." para akong tangang sinasabihan ang sarili.

"Humanda talaga ang Simon na 'yun." nangangalaiti kong saad. "Nakuha niyang hindi ako tawagan. Nakuha niyang tiisin ako. E,  simpleng away palang-.. Hindi! Wala naman kaming dapat pag-awayan. 'Yung Simon lang na iyon ang hindi maintindihan."

Lahat ng ginawa ko puro padabog. Maligo, magbihis, lumabas ng kwarto pati narin sa pagluto at pagkain hindi ko maiwasang magdabog.  Nasasayang ang oras ko na walang ginagawa at pagdadabog lang lagi.

Tumayo ako sa couch na inuupuan ko pagkatapos pumasok sa kwarto at nagbihis. Kinuha ang susi ng kotse maging ang walet ko. Lumabas ako na maayos ang suot pang-alis. Mabuti pa sigurong pumunta ako sa apartment ni rein. Siya lang ang pwede kong puntahan ngayon dahil si Argen paniguradong knock out 'yun at kasama nun si Rafael.

I wear my black sun glasses to cover my eyes. Mugto lang naman dahil sa kakaiyak kagabi at kanina. But i manage to stop naman. Ngayon ko lang to nagamit at ang rason pa kung bakit ko gagamitin ang baduy na sun glasses kong ito ay dahil mugto nga ang mata ko.

Lumabas ako ng condo unit at tinungo ang elevator. Hawak ang cellphone sa kabilang kamay ko. Kaya iyong isa ang ginamit ko para pinsutin ang ground floor ng elevator. Naghintay ako ng ilang sandali at bumukas iyon.

Nagulat ako ng makita sa loob si Simon. Maging siya halata ring nagulat. Pero mabilis akong nakabawi at nagkunwaring hindi siya nakita. Mabuti nalang at may suot akong sun glasses. 

Dahil marami silang nakasakay doon. Gumilid ako para bigyang daan ang mga taong palabas ng elevator.

Hindi ako mapakali habang nakatayo at hinihintay ang paglabas nila. Huling lumabas si Simon, balak niya akong pigilan ng papasok ako sa loob ng elevator pero mabilis ang pag-iwas ko ng kamay kaya hindi niya nahawakan.

Nagbabadya na naman ang mga luha ko. Nasasaktan ako sa ganitong sitwasyon namin. Simpleng palang na hindi pagkakaintindihan ganito na kami. Panu pa kaya kung mas malala pa dito?  Napakagat labi nalang ako sa naisip.

Hindi ko narin hinintay pang makasapok siya kahit na gustuhin niya. Dahil pilit kong pinindot ang button ng ground floor which is patungo sa parking area.  Bahala siya! Nakuha niya akong tiisin. Makukuha ko rin siyang tiisin. Manigas siya!

Tumunog ang elevator hudyat na bumukas na ito. Lumabas ako at dali-daling tinungo ang daan papunta sa sasakyan ko.

Isang hablot ng kamay ko ang nakapag pagulat saakin. Mabilis pa sa magnanakaw akong lumingon sa kung sino at iyon na naman siya. Ang puso ko naghuhurumintado sa kaba pero napalitan din ng inis.

Hindi ko alam na sinundan niya pala ako. Napairap ako sa kawalan sabay bawi ng braso kong hawak niya. Ayoko ko ring magsalita. Ayoko siyang kibuin. Ayoko siyang makita. Naiinis ako sa kanya.

Pilit kong tinatanggal ang braso sa pagkakahawak niya.

"Baby" tawag niya.

Napatiim bagang ako ng sabihin niya iyon. Ha! At ngayon,  nakuha na niya akong tawagin ng palambing? Pero kagabi halos ayaw niya akong kibuin?  Kulang nalang nga naging pipi siya.

Tinignan ko siya ng masama through my sun glasses. Kahit hindi niya nakikita ang reaction ko, alam kong alam niyang masama iyon dahil magkasalubong ang kilay ko.

Marahas kong inagaw ang braso kong hawak niya. At tinalikuran siya. Magtiis siya kung gusto niya. Dahil iyon naman ang ginawa niya saakin. Lahat ng pinag-usapan namin nung mga nakaraang araw. Hindi na mangyayari ngayon. Sinimulan niya e.

"Baby...please talk to me." dinig ko dahil nasa likuran ko lang naman siya  sumusunod. Pero hindi ko siya pinansin. Tuloy lang ang lakad ko papunta sa kotse.

Ngayon nakuha niyang magsabi nang ganyan. Dahil na realize niyang may mali rin siya?  Tsk. Lalaki nga naman, nakuha nilang tiisin kami pero kapag sila naman ang ginanun. Hindi sila makatiis, susuyuin kaming mga babae?  Duh!  My feelings akong dapat protektahan. Bawal agad-agad magpapadala dahil kapag nagpadala sa matatamis na salita nila,  sinong talo?  Kami! Kaming mga babae!

"Baby please!" pigil niya ulit sa akin ng akma akong papasok sa kotse. Binalingan ko siya ng masamang tingin. Nakita ko ang paglunok niya. At maging pagkamamakaawa niyang mukha.

"Bibitawan ko ako o hiwalay na tayo." madiin na banta ko. Hindi ko alam kung patanong ba iyon o kung ano.

Lukot at hindi naman makapaniwalang reaction ang bumalatay sa kanyang mukha. Nandun din ang takot na hindi mawari. Nandun ang pangamba.  Hindi niya binitawan ang pagkakahawak,  niluwagan niya lang.

"Bitaw" madiin ko paring sabi.

Ayokong maghiwalay kami. Binibiro ko lang siya. Naiinis lang ako kaya ko nasabi iyon.

"Baby please no." iniba ko ang tingin at ibinaling sa ibang direksyon. Hindi ko kayang makitang nanlulumo ang kanyang mga mata. Masakit tignan promise!

"Bitaw sabi." pangatlong sabi ko na. Pero hindi siya nakikinig. Tinatagan ko ang loob at nilingon siya. Hindi niya nakikita ang reaction ng mga mata ko. Kahit na diretso at walang kurap akong nakatitig sa kanya. Nilalabanan ang lintik kong mga luha na bumabadya.

"Please don't do this Ran..." halos magmakaawa niyang sabi.

"Ayaw mo?  Okay...break-"

"Shit!" mabilis niyang binitawan ang braso ko. Nasaktan ako pero dahil sinabi ko iyon papanindigan ko. "Shit! Fine bibitaw na but please baby... " napasabunot siya sa sariling buhok. "Don't break up with me....." halos papiyok niyang saad.

Iniwas ko ang tingin para hindi siya makita. Ayoko rin naman iyon. Nagbibiro nga lang ako. Hindi ko siya hiniwalayan. Sino bang nagsabing magbibreak kami?  Nagbibiro lang naman ako ng sabihin iyon. 

Pumikit at malalim akong humugot ng hininga bago nagmulat. "Baby...please. Let's talk,  ayusin natin to. Shit! " hindi ko pinakinggan ang sinabi niyang iyon. Pumasok ako aa loob ng kotse at marahas na isinarado pagkatapos pinaandar.

Medyo malayo na ako sa kanya ng tignan ko siya sa side mirror ng kotse ko. Nanlulumo ang tingin niya habang tinatawnaw ang kotse kong papalayo.

----------------------

"WHAT?! SINABI MO talaga  yun kay Simon?" ani Rein.

Nasa apartment niya ako ngayon katulad nga ng sinabi ko kanina. Dito ako pumunta. Siya lang ang maayos na kausap pagdating sa ganito.

"Oo" lantutay kong sabi.

Malungkot naman niya akong tinignan. "Bakla ang harsh mo sa kanya. Dapat nag-usap kayong dalawa e. Wag nyong hayaang tumagal pa yan. Baka talaga sa hiwalayan ang tungo niyo niyan. Hindi pa nga kayo tumatagal sa relasyon. Ganyan na agad?" ani niya.

Bagsak ang balikat ko habang nakatingin sa kawalan. "Balak ko naman siyang kausapin rein. Nagtatanggal lang ako ng inis ngayon. Nakuha niya kasi akong tiisin." huminga ng malalim bago ulit nagsalita. "Nagsorry ako kagabi pero alam mo bang wala akong nakuhang sagot mula sa kanya?  Ni sabihin nalang sana niyang. 'Okay i'll forgive you' o kaya naman 'sorry din nagkamali ako' pero wala e. Hinahayaan niya akong umalis doon at hindi sinundan." mapakla akong tumawa na akala mo may nakakatawa sa sinabi ko.

Nangilid na naman ang luha ko.

"O...wag ka ng umiyak. Nadala lang iyon ng galit niya o kaya naman selos? Alam mo naman ang mga lalaki mapride!"

Napatingin ako sa kanya. Nagtataka "selos?  Bakit naman pagseselosan niya iyon?  Hindi nga sinasadya ang pagkabunggo ko sa kay Samuel e. E lugar naman sana niya ang selos niya." depensa ko.

"Bakla. Alam mo naman ang mga lalaki diba?  Syempre mabilis silang magselos lalo na kapag nakita nila na parang nakayakap ang girlfriend nila sa iba-"

"Hindi nga iyon yakap Rein!" inis ko saad. "Hinawakan lang ako ni Samuel para maibalanse dahil kung hindi pareho kaming matutumba! At hindi ko 'yun sinasadya!" halos pa sigaw ko na ring sabi.

"Osiya. Hindi na yakap. Alam ko yun. Wag ka namang sumigaw ang lapit lang natin sa isa't isa o!"

"Sorry. " nangalumbaba ko namang sabi pagkatapos tumingin sa kawalan ulit.

"Wala yun. Pahinga ka muna diyan. Magluluto lang ako para makakain tayo. Hindi ka pa kumakain no?"dinig tanong niya. Pero nanatili akong walang kibo. Dinig ko naman ang pabunto hininga niya. Ilang saglit pa at hindi ko na naramdaman ang presensiya niya. Kaya sigurado akong nasa kusina na iyon.

Tumutunog na rin ang tyan ko. Nagpapahiwatig na gutom na ako. Kahit kumain na rin naman ako sa condo. Pero iyong kinain ko kanina ay breakfast palang, ngayon lunch na. Kaya gutom na rin ako.

Matapos ang pagluluto ni rein tinawag niya ako. Tatlong beses pa nga siyang pabalik balik sa pwesto ko kung saan ako nakaupo. Lutang at wala sa sarili akong nakatitig sa kawalan.

"Oy. Bakla kumain kana at nang mawala na yan. Baka kulang sa kain lang yan. Tara na! " tinatamad man nagpatangay naman ako sa kanya.

Pinaghila pa ako ng upuan tsaka pinaupo.  "Gutom ako pero wala akong ganang kumain rein." tamad kung saad.

"Gaga bakla. Kumain ka. Isip mo lang ang nagsasabi niyan pero yang tiyan mo,  gutom na. Kaya kumain ka! "

Nagdadalawang isip pa ako kung kakain ba ako. Pero sa huli kumain rin ako. Taksil ang tiyan ko e.

Tinawanan pa ako ng bruha dahil daw kanina may patanggi pa akong nalalaman pero kumain din pala. Nakaubos lang naman ako ng tatlong pinggan na kanin at ulam. Hindi ako matakaw,  dala lang ng emosyon kaya nakuha kong kumain ng marami.

Pagkatapos nu'n tumulong ako sa pagligpit ng mga kinainan. Nag volunteer nga rin ako sa paghuhugas, ang problema. Pinilit ako pagpahingahin ni rein. Magrelax nalang daw ako o kaya matulog.

Balak ko pa sanang tumutol kaso matigas din ang isang to ayaw magpatalo. Kaya ako na ang sumuko kapipilit sa kanya. Pumunta ako sa higaan niya at patalikod na nahiga kung saan ang mukha ko ang nasa kama.

Tama lang din ito. Parang gusto ko ngang matulog ulit. Hindi ko alam kung bakit inaantok ako. Napagod ang isip ko sa dami ng iniisip. Ang dami kong gustong gawin ngayon. Magpapagising nalang ako kapag gabi na. Uuwi naman ako mamaya.

Irerelax ko lang ang sarili. Nagpapatanggal ng inis at sama ng loob. Kakausapin ko rin mamaya si Simon. Alam kong may mali akong ginawa. Iyon ang hindi siya pansinin at biruin siya na hiniwalayan ko siya.  Binibiro ko lang talaga siya nun. Sana hindi niya seryosohin.

Mas mabuti na itong pareho kaming makapag relax muna. Para mamaya maayos ang usapan namin. Walang galit,  inis,  selos o anu man.

"What?! Ang aga naglalasing siya?  Saan ba kayo Sir?" naalimpungatan ako sa ingay na hatid ni rein. Kinusot ko pa ang dalawang mata gamit ang isang kamay ko bago umupo sa kama.

"Oo sige sasabihin ko nalang sa kanya... Wag nyo nalang pong iwanan. Sasabihin ko rin kapag gising... Ay Sir gising na pala siya! " ani niya ng makita akong nakaupo sa kama niya. "Sige pupunta kami ngayon na. Hintayin nyo kami! " ani niya pagkatapos binaba na ang cellphone.

"Sino yun?" prente kong sabi habang humihikab. Inaantok pa ata ako a. Gusto ko pang matulog.

"Si Sir Laz bakla. Iyong jowa mo naglalasing. " simple niyang sagot.

"Ha?! " gulat ko saad.

"Sabi ko ang jowa mo naglalasing!" paulit niya.

"P-panu... ha?! " hindi talaga ako makapaniwala. Parang nabingi ako.

"ANG SABI KO SI SIMON NAGLALASING.  ANONG ORAS PALANG NAGLALASING NA! "ani niya. Napapikit naman ako sa tinis ng boses niya."Ano naintindihan muna ang sinabi ko?" mahinahon niyang sabi.

"Hmm." wala sa sariling tumango. Para akong robot na tumayo at hindi malaman kung ano ang gagawin.

"Bakla ano bang ginagawa mo?  Tara na! Hay naku!  imbis na wala akong poproblemahin ngayon. Pinoproblema ko kayong dalawa. Ayusin nyo nga ang gulo niyo!" hinila niya ako palabas ng apartment niya.

-------------------

Nakarating kami sa building ng condo unit na inaakupahan ko. Sinabi saakin ni rein na naglalasing daw si Simon sa unit niya, kasama niya si Laz ngayon at inaawat siya.

Nakakailang tawag na nga si Boss dahil hindi niya daw ito masabihan. Napapabuntong hininga nalang ako dahil sa ginawa ni Simon.

"Thank god you're here!" parang nabunutan ng tinik si Laz ng pagbuksan kami ng pinto. Tumingin ako saglit sa kanya at binigyan siya ng paumanhin na titig at bumaling sa loob ang mga mata ko. "You should talk to him Ran. Hindi ko maawat yang gagong yan. Fixed your problem with him. I don't want to see how wasted Simon because of liquor." Ani niya. "And please be patient, he has this kind of attitude kapag lasing siya. Sobrang suplado! Tsk! " inisang sibad pa ng tingin sa kaibigan pagkatapos lumabas na nang kwarto.

"Salamat Laz...pasensya na rin sa abala..."

"No problem. Gotta go!" ani niya at hinawakan sa kamay si Rein na ikinagulat naman ng kaibigan ko. "What? Gusto mo makinig sa pag-uusapan nila?" nagtatakang tinignan niya ang kaibigan ko. Kunot ang noo niya.

"H-hindi syempre." namumula niya sabi. "T-teka lang at magpapaalam lang ako kay Ran." mabilis niyang binawi ang kamay na hinawakan ni Laz. Pansin ko naman ang pagbaling ng tingin ni boss sa kanyang kamay na kanina nakahawak kay rein.

Tsk. I smell something. Something fishy. Wew!

"Mauuna na kami bakla. Pero sana magkaayos na kayo. Wag kayong magkakasakitan ha?"

"Baliw. Hindi mangyayari yun. Ang nega ng iniisip mo. Sige at mukhang kailangan ka ng solohin... Este iuwi ni boss."

Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Gaga tumigil ka. Sige na alis na kami. Ingat kayo!" itinaas niya ang kamay at  nagsimulang maglakad. Nauna si Boss sa kanya kaya nakasunod siya dito.

"Kayo ang mag-ingat!"habol ko natawa ako ng bumaling ang ulo niya sa gawi ko at kahit malayo kita ko parin ang pamatay niyang tingin...

Nang hindi ko na sila makita nagdesisyon akong pumasok sa loob ng condo ni Simon. Sinarado ko ang pinto at tinungo ang sofa. Nakita ko siya doon naka salampak ng upo sa ibaba ng couch at nakasandal dito.

Napansin siguro niya ang presensiya ko kaya tumingin siya. Bakas ang gulat sa kanyang mukha, agad din siyang tumayo. Napalunok ako ng makita ang kabuuan niya. Sabog ang buhok at mapula ng kaunti ang mata. Hindi ko alam kung galing ba siya sa pag-iyak. Naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha pagkatapos hinawi pataas ang buhok niya.

"Bakit ka naglalasing?" basag ko sa katahimikan.

Hindi siya makasagot. Bumuka ang bibig niya na parang may sasabihin pero walang salita ang lumabas.

Lumapit ako sa kanya at nilampasan siya. Yumuko ako para kunin ang mga bote ng San Miguel beer na walang laman. Ang iba nakatumba pa.

"Bakit ka naglalasing?" pag-uulit ko.

Habang tinutungo ang kusina at ipinatong ang limang bote sa counter top pagkatapos lumabas din para kunin ulit ang lima pang boteng nasa lapag.

Nakatayo parin siya doon at walang ginagawa. Nakasunod lang ang tingin sa akin.

"Magshower ka para mahimasmasan ka. Hindi ka makausap-" mahigpit ang pagdkakahawak ko sa bote ng hapitin niya ako at yakapin patalikod.

Iyon na naman ang kaba sa puso ko. Hindi ko alam ang gagawin. Nagulat ako sa ginawa niya. Para akong kinukuryente ng maglapat ang balat namin. Sunod-sunod ang paglunok ko ng higpitan niya ang pagkakayakap saakin. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko at marahang bumuntong hininga. Naghatid nang kakaibang kiliti iyon sa aking leeg. Tumatama ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Napapikit ako.

"Sorry baby..." aniya pagkatapos isiniksik pa ang mukha sa aking leeg. Mas lalo lang akong nakikiliti dahil du'n. "I'm sorry. I'm really sorry..." napadilat ako ng mata.

Iyon ang hinihintay kong sasabihin niya saakin. Iyon lang naman ang gusto kong marinig mula sa kanya. Dahil kung tutuusin dapat lang siyang humingi ng sorry. Wala naman kasi akong ginawang masama. At mali ang pagkakaintindi niya sa nakita niya. Pagkatapos nakuha niya pa akong talikuran. Hindi man lang niya ako hinayaang makapag-explain. Nasaktan din ako du'n.

"Baby. I'm really sorry. I shouldn't do that to you. I'm really sorry." he sincerely said. Mumunting patak ng halik ang ginawad niya sa aking balikat at leeg.

Pigil ang hiningang huwag magpatangay. "Simon. Magshower kana. Amoy alak ka." kumawala ako sa pagkakayakap niya at dumiretso sa kusina upang ilapag ang natitirang bote.

Hindi ko alam na nakasunod pala siya saakin. Nang humarap ako,  tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Pabuntong hininga akong tumingala sa kanyang mukha.

Nandun parin ang lungkot at paghihinayang. Taas baba ang kanyang tingin sa mukha at labi ko. Nang nagkatitigan kami, nakikita ko ang malamlam niyang mga mata. Maging ang kanyang mukha ay pinasadagan ko ng tingin. Hinaplos ko iyon, napapikit siya at dinama ang mainit kong palad sa kanyang pisngi.

"Baby... I'm really sorry. I shouldn't have done that. I was just...jealous. When I saw you touching with that man-" hinaplos ko ang kanyang labi gamit ng hinlalaki ko para pigilan siya sa ano mang sasabihin niya.

"Ssh! Forget it." ani ko. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Muli itong tumitig saakin. Mapupungay itong  nakatuon saakin. Para akong tinatangay ng kanyang mga titig.

Tumingkayad ako para abutin ang labi niya gamit ng labi ko. And when our lips met. Pareho kaming napapikit.  Dinadama ang mainit na halik bagamat magaan lamang ang ginawa ko.

"I'm really sorry baby..." ani niya ng maghiwalay ang mga labi namin.

Nginitian ko siya at tumitig ulit sa kanyang labi. Hinaplos ko ulit iyon at bumalik ang tingin sa kanyang mga mata. "I'm sorry too." sinsero kong saad. Pagkatapos nun. Muli ko siyang pinatakan ng halik sa labi....