webnovel

MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel)

She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, until the day Ran Emannuel Maldecir decide to break up with Simon Louise Tabone. For what reason did they break up? It's you to find out.

mefitaku21_ · Urban
Not enough ratings
42 Chs

Chapter 14

KASALUKUYANG NAMING tinatahak ang daan papunta sa parking area. Walang kamalay-malay ang dalawa kong kaibigan na naghihintay si Simon doon. Hindi ko sinabi sa kanila na hinatid ako ni Simon kanina. At hindi ko rin sinabi sa kanila na wala akong dalang kotse.

Tuwing out namin galing sa trabaho, saakin sila sumasabay para daw makatipid sa pamasahe. Makakapal nga ang mga mukha nitong dalawa e. Hindi naman ako makatutol dahil kaibigan ko ang mga ito at mas mabuti na iyon kesa gumastos pa sila.

"Bakla daan muna tayo sa department store ha? May bibilhin lang ako. Alam nyo namang paubos na ang stock kong mga pagkain. Need to buy na. " ani Argen habang malapit na kami sa parking.

"Nu'ng kailan lang andami mong pinamili Argen, anyari? Naubos mo agad? " si Rein. Nagtataka naman namin siyang binalingan ng tingin habang naglalakad.

"Kung makatingin naman!" iksahurada niya "Hindi ko pala nasabi sa inyo. Si Rafael kasi nasa apartment ko nu'ng monday pa." ani niya.

"ANO!" sabay naming sabi ni Rein. Sapo ng kaibigan kong babae ang noo. mukhang dumagdag pa sa problema ko si bakla.

Hindi ko akalaing papatulan niya si Rafael. Alam naman nito kung bakit lapit ng lapit si Rafael sa kanya. Para perahan siya at gawing taga sustento ng pagkain. Minsan na niyang nakita itong may babae. Pero ewan ko ba sa baklang ito. Hinahayaan niyang perahan siya at gawing taga sustento.

"OA kung makapag react mga bakla?" nandidilat pang mga mata.

"Wow lang Arge! Nnahiya naman ako sa reaksyon mo kanina ng malaman mong may humalik kay Ran. E, sayo pala doon mo pa pinatira sa apartment mo yung Rafael na yun." galit na sabi ni Rein "Hindi ka talaga na dadala sa mga ginawa niyang panloloko ano? " napahinto pa ito habang nakapamaywang na humarap kay argen. Pati ako ay napahinto sa paglalakad.

"Nagsorry naman siya bakla." hawak sa kamay ni Rein "Sinabi niyang hindi na uulit. Napagtanto niya atang mahal niya ako" kinikilig pa ito ng sabihin iyon. Napapailing nalang ako sa sinabi niya. Nagulat ako ng magvibrate ang cellphone na hawak ko.

Sinagot ko agad ng malamang si Simon iyon.

"Hello? " bulong ko.

"Nandito na ako. San na kayo? "

"Malapit na. Saan kaba banda naka park?"

"Kanan. Malapit sa mga guard. "

"Okay. Wait for us."

"Okay... Baby" napapikit ako. Need niya ba talagang ihabol iyon sa sasabihin niya? Tsk. Nakakahiya. Nasasanay na siyang banggitin iyon saakin. Mapapersonal o tawag man. Ibinaba ko na rin cellphone pagkatapos niyang tumawag.

"Ata? Walang kasiguraduhan yun. Baka mamaya lokohin ka na naman niyan. Naku argen. Bahala ka sa buhay mo." sa sobrang inis ni Rein nauna siyang maglakad sa amin. Kahit hindi niya alam kung saan naka park ang kotse ni Simon.

Nagkibit balikat naman ako. Pagkatapos ay sinundan si Rein maging si Argen ay ganun din.

"Rein. Nasa Kanan." nang kakaliwa na sana siya. Taka niya akong binalingan. Pati ata si Rein na walang malay na stress sa amin. Busangot na ang mukha.

"Diba dito lagi ang kotse mo naka park? " lakad niya pabalik sa'min. "Nag bago na? "

Nauna akong maglakad pakanan at sinilip pa kung saan nakapark si Simon. "Hindi. Wala akong dalang kotse. " ani ko. Hindi naman mahirap mahanap dahil nakita ko agad siya. Naka-upo sa harap ng kotse. Nakapamulsa ang isang kamay habang nakatukod naman ang isa sa salamin ng harap ng kotse niya. Kung hindi ko lang to kilala. Aakalain ko nang model to. At nag po-photo-shoot.

"So kanino tayo sasakay? "

"Ha?" baling ko kay Rein. "Ah... Kay Simon. Siya ang naghatid saakin kanina, kaya hindi ko nadala kotse ko. Siya rin ang susundo ngayon." ani ko. "Tara na" pag-anyaya ko. Nauna ako sa kanila, hindi ko alam kung ano ang reaction nila sa sinabi ko. Ang isip ko ngayon ay ang makarating sa naghihintay sa amin. Nakakahiyang paantayin siya.

Alam ko namang nasa likuran ko lang ang dalawa at sumusunod. Pero hindi ko alam ang iniisip nila ngayon. Alam kong nagtataka sila kung bakit. Dahil unang una hindi ko pinaalam sa kanila iyon kanina. Maaring magtampo sila saakin. Dahil doon. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na. Hindi ko naman din iyon nasabi agad sa kanila dahil nawala sa isip ko.

Nang makarating kami kung nasaan si Simon. Hindi niya kami napansin, kausap niya ang guard. Kung hindi pa kami itinuro sa kaniya ng guard ay baka hanggang ngayon hindi niya parin kami mapapansin.

Mabilis pa sa alas kwatro ang tayo niya ng mapansin kami, nginitian ko siya ganun din siya sakin. Nawala lang iyon ng ibaling ang tingin sa likod. Napasunod naman ako nang tingin.

Nagtutulakan ang dalawa sa likod ko kaya pala. Hindi ko man lang napansin iyon. ' Ito na naman ang dalawa sa kabaliwang ginagawa.'

"Anong ginagawa nyo?" pinandidilatan ko sila ng mata. Tumigil naman sila. Ibinalik ko ang tingin sa kaharap. "Simon mga kaibigan ko pala. " ani ko. Pagpapakilala sa kanila kay Simon.

"I know them... baby. "Ani saakin pagkatapos ay tumingin siya sa dalawa at nginitian. "Nakilala ko sila nu'ng nalasing ka sa bar." tinignan ko naman ang reaction ng dalawa. Naningkit ako ng nagtampalan sila ng kamay. Pinandilatan ko sila.

"Let's go? " bulong niya, nabalik lang ang tingin ko sa kanya ng hapitin niya ang bewang ko. In my peripheral vision nakikita ko ang tinginan ng dalawa. Hindi naman nakaligtas sa paningin ng dalawa kong kaibigan iyon. Parang mga agila kung tumingin. Sunod ang mata sa kamay ni Simon na nasa bewang ko.

Binitawan lang ako ni Simon ng pagbuksan niya ang ng pinto ang dalawa para makapasok. Nahihiya namang nagpasalamat ang mga kaibigan ko.

'May hiya rin palang itinatago itong mga 'to!' Sa isip-isip ko.

Matapos niyang patuloyin sa loob ng kotse niya ang dalawa. Umikot kami sa kotse kung saan pinagbuksan niya ako ng pinto. Sa front seat niya ako pinaupo. Nang-makaupo ako napansin ko ang bugkos na rosas sa dashboard ng sasakyan. Sunindan ko ng tingin si Simon sa labas. Sumenyas ito sa guard na nagbabantay. Tinanguan naman siya nito. Pumasok na rin siya pagkatapos.

"For you..." he handed the bouquet of flowers to me. "I bought that when I'm on my way here." He casually said while maneuver the engine. Inamoy ko naman ang bugkos ng rosas na bigay niya, napangiti ako.

"Thank you..." matamang pasalamat ko. Nginitian naman niya ako. Nakakakilig!

"You're welcome." sabi sakin "Sa'n niyo pala gusto mag dinner?" baling niya sa likuran habang nagmamaneho. "My treat... " ibinalik din sa harapan ang tingin.

Tumingin din ako sa likod para tignan ang dalawa. Nakakapanibago na tahimik sila. Hindi ako sanay. Parang kanina lang ang iingay ngbdalawang ito. Ngayon natatameme na.

"Tinatanong kayo..." pukaw ko sa kanila.

"Bakla nakakahiya! " mahinang sabi ni Argen. Tinaasan ko naman siya ng kilay, ngayon pa talaga siya nahiya a?

"May hiya ka pala sa katawan Argen?" biro ko. Tinignan ko si Simon. Mapangiti ito habang nagmamaneho.

"Syempre bakla! May hiya pa naman ako sa katawan kahit papaano!" tampal niya sa bakilat ko.

Bumaling ako kay Rein "Ikaw Rein saan mo gustong kumain?" nginitian naman niya ako. Alam ko ang ganitong ngitian niya. Pinapahiwatig lang niyon na 'ako na ang bahala.'

Dahil mahiyain 'kuno' ang mga kaibigan ko. Ako na mismo ang pumili nang kakainan namin. Kesa naman hintayin ko pa ang dalawa. Mukhang aabutin pa kami ng bukas kakapilit sa kanila. Aayaw pa nga sana. Pero dahil mapilit ako wala silang magagawa.

Dahil gusto kong maranasan ni Simon ang magkamay. Sinabi ko sa kanyang sa 'Mang-inasal' nalang kami. At least doon mura na sulit na sulit pa. Alam ko namang barya lang sa kanya iyong ibabayad niya. Kay ayon. Hindi naman siguro siya mapili.

"Bakla totoo? Dito mo papakainin si Simon? " bulong ni Argen.

"Bakit? Wala namang problema ah? " ani ko.

"Sanay bang magkamay yan? " asik niya. Kinunutan ko siya ng noo.

"Ewan ko. E, basta. Gusto kong maranasan niyang kumain ng nakakamay. Tignan natin kong kaya niya" hagikgik kong sabi.

Nakaupo kami ngayon sa pinakadulo. Ang dalawa kong kaibigan ang pumili niyon. Sinisilip ko sa counter si Simon. Nasa pangatlong pila na siya at may kasunod sa kanya. Dalawang malanding babae. Oo, landing-landi. Nagtutulakan ang mga ito. Napalakas ang pagkatulak ng isang kasama niya kaya nadali nito ang likod ni Simon. Bumaling naman ng tingin si Simon dito. Payuko yuko ang naitulak. Humihingi siguro ng tawad. Nginitian naman sila ng mokong pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa counter. Napamake face ako ng kiligin ang dalawang maharot.

"Selos ka bakla?" ani Argen ng sumilip din sa counter. Saka balik tingin saakin.

"Hindi a! " asik ko.

"Sus! Deny pa! Nakakamatay yan. 'Lam mo 'yun."

"E, kung unahin kita?"

"Ha ha ha" pamekeng tawa niya. Inirapan ko nalang.

"Magtigil nga kayong dalawa" saway ni Rein.

Hindi naman din nagtagal nakabalik na si Simon. Umupo siya sa tabi ko. Hinapit ang bewang ko ng matipuno niyang braso. Napaayos tuloy ako ng upo dahil du'n. Kagat labing umiwas nang tingin. First time kong maranasan ito. Lalo na kasama ang dalawang ma-issue na kaibigan. Feeling ko namumula ako ngayon.

Hindi pa nakuntento sa paghapit ng kamay sa bewang ko si Simon. Hinawakan pa niya ang kamay ko gamit ang pinanghapit sa bewang ko. Ang labas ay magkahawak kamay kami habang yakap ako.

Nakapatong sa lamesa ang isang kamay niya.

"Pwede akong magtanong Simon?" napatingin kami kay Rein. Seryoso ang mukha nito, aalang halong biro. Napalunok naman ako. I feel that Simon shifted his weight that's why napasunod din ako ng galaw.

"Hm. Sure" tipid nitong sagot.

"Simon Louise Tabońe ang buo mong pala diba?" ani Rein. Nilalaro ni Simon ang kamay kong nakapatong sa hita ko.

"Yes."

Tumango si Rein. "Saan ka pala nakatira? Ilang taon kana? Anong trabaho mo?" sunod-sunod na tanong ni Rein. Tinampal naman ni Argen ang balikat niya. Binaliwa naman iyo nang isa.

"I live in Malta-"

"Saan yun?" singit ni Argen. Nakakunot pa ang noo. Napatingin naman ako kay Simon. Ngayon ko lang din kasi narinig ang lugar na iyon. Hindi naman ako nagkabisa ng mapa ng mundo. Malay ko ba.

"It is located in the Mediterranean Sea, south of Sicily. Malta is the largest island..." ani Simon. Tumingin siya saakin. Kinindatan niya ako. Pinamulahan naman ng mukha ko iyon.

"Sweet nang wala pang label" bulong ni Argen. Maarte pa itong pumapaypay kunwari.

"Island? As in islang-isla? " si Rein.

Umiling naman si Simon "Hm. Not really. My place is beautiful. There are lots of ancients building and architectural sites there. Also it quiet popular film location. Marami ang pumupunta roon lalo na at safe ang lugar."

"Wow" mangha ang dalawa. Maging ako. Akala ko rin Isla talaga. Iyon bang puno lang lahat. Hindi pala.

"Ilang taon kana pala?"

"26" agarang sagot nito. Tumango ulit kami. Ilang taon lang ang tanda saakin.

Magsasalita na sana si Rein nang dumating ang order namin. "Salamat" ani niya sa naghatid. Tinanguan lang kami nito. "Wait huhugas lang kami ng kamay" paalam ni nito. Tumayo silang dalawa ni Argen. Kaya naiwan kami ni Simon.

Tinignan ko ang katabi ko. Busy siya sa paglalagay ng toyo at suka sa maliit na lagayan. Dinurog niya rin ang labuyo at nilagyan ng kalamansi. Taka akong tumingin sa kanya. Halatang sanay na.

"Nakakain kana ba dito? " nahinto siya sa ginagawa at tumingin sa gawi ko.

"Yes. Nu'ng unang punta ko dito. Sinama ako ni Lazaro sa ganitong kainan." casual niyang sagot saakin.

Tumango naman ako "So marunong kang magkamay?" seryoso kong tanong.

Sumilay ang ngiti nito sa labi bahagya lang. Kinunutan ko naman iyo ng noo. Anong nginingiti nito?

"Sa anong paraan ba gusto mong kamayin?" sensuwal ito nakatitig saakin. Nanlaki naman ang mata ko sa narinig mula sa kanya.

"Aw! That's hurt ...baby" reklamo niya matapos ko siyang kurutin sa braso.

"Puru ka kalokohan. Seryosong tanong! " inis kong sabi.

Hindi parin nawawala ang mapagbiro niyang ngiti "I'm dead serious too!" cool niyang pagkakasabi. "Okay... Marunong ako. Gusto mo subukan natin?" bulong niya sa tinga ko.

"Simon!"

Mas lalong lang siyang napangiti at napapikit pa nang mata. "Shit baby... It feels like heaven when you call my name" ngumiwi naman ako at natawa sa sinabi niya. Kinikilig ba siya? O ako ang kinikilig? Dumukwat ako ng kaperasong inasal at sabay subo sa kanya.

"Kumain ka nalang! " pigil ko "Dami mong alam sa buhay" palihim ako kumagat nang manok para pigilan ang sariling magwala sa sobrang kilig. Nakakaloka ang hatid ni Simon. Nakakainis!

------------

"PAPA CAPTAIN salamat sa libre ah! " malanding tampal ni Argen sa balikat ni Simon nang ihatid namin siya sa apartment niya. Kasalukuyan kaming nasa labas ng kotse.

"Oy bakla magtigil ka nga." saway ni Rein.

"Tse!" nag makeface ito kay Rein.

Bumaling ulit siya kay Simon. "Salamat ulit papa captain. Ahemp! " napairap narin ako sa ka-oa-han nitong baklang to.

Habang kumakain kasi kami kanina, panay ang tanong ni Rein. Akala ko nga ay nakalimutan na niya ang magtanong ng dumating ang pagkain. Akala ko lang pala iyon.

Captain Airline sa Malta si Simon, nagulat ako nang malaman ko iyon. Hindi ko kasi naitanong sa kanya ang trabaho niya. Mabuti nalang talaga at naisama ko ang dalawa. Dahil kung ako lang ang tatanungin. Hindi ko iyon magagawang tanungin kay Simon dahil nahihiya ako. Puru nalang ako hiya.

"Goodbye mga peps! Magrerest na ang maganda! " dami pang alam ni Argen. Magpapaalam lang naman siya.

Naihatid rin namin si Rein pagkatapos, hindi naman nagkakalayo ang kanilang apartment dahil magkatalikuran lang ito. Isang block lang ang pagitan nila. Kaya mabilis namin siyang naihatid.

Nagpaalam kami sa kanya, hinintay pa naming makapasok siya bago kami tumulak pabalik sa condo. Habang nasa kasagsagan kami ng highway at traffic. Kamalas-malasan.

Tahimik kami. Walang nagkikibuan. Ipinilig ko ang ulo sa hamba ng pintuan ng kotse. Tanaw ang labas.

Nag-iilawang mga puno at building ang nakikita ko. Nagulat nalang ako ng hawakan ni Simon ang kamay kong nasa hita ko.

"Are you tired baby? " marahan niyang hinahaplos ang hinlalaking daliri sa taas ng kamay ko. Naghatid ito ng kakaibang kiliti saakin.

Tumikhim ako "m-medyo lang... " parang tangang sabi ko.

Dinala niya ang kamay kong nasa hita sa kanyang labi. Marahang hinahalikan.

"My vacation well end after two days." sabi niya habang ang mga tingin ay nasa harapan. "...baby i'll be very busy after that. " hinalikan ulit ang likod ng kamay ko.

Nakaramdam naman ako ng panlulumo dahil sa sinabi niya. "Babalik ka ng Malta..." hindi ko alam kung patanong ba iyon o kung ano. Basta naramdaman ko nalang agad ito. Panlulumo. Lalayo nanaman siya.

Lalo na captain siya ng eroplano sa kanila. Sa pagkakaalam ko, kalahati ng buwan ang lipad paruon at parito nila. O kaya higit pa sa buwan kung tutuusin. Magtatagal siya roon.

"Baby... " pukaw niya sa ulirat ko. Nakausad na pala kami. "Your so quiet. What is it? " ani niya.

Umiling naman ako "wala...may iniisip lang..."

"Ano naman ang nasaisip mo? Pwede ko bang malaman? " mapupungay niyang tingin ang sumalubong saakin. Napalunok ako.

"Ano kasi...matatagalan ka doon" huminga ako ng malalim bago muling tumingin sa kanya. Hindi malaman ang susunod na sasabihin. Nabablangko ako.

"Hmm" tingin niya sakin pero di naman nagtagal dahil ibinalik din sa daan ang tingin. Medyo malapit na kami. "Miss mo na agad ako? " kapag kuwang sabi niya.

Hinatak ko naman ang kamay kong hawak niya. Napairap ako. Ayan nanaman siya sa pagiging Mahangin niya. "Baliw! " sabi ko.

"Haha" ang sarap sa pandinig nang tawa niyang iyon "Let me hold your hand...baby" he said huskily. Kinuha niya ulit ito at mahigpit na hinawakan. Feeling na ayaw niyang mabitawan ito kahit saglit. Yung feeling na inaangkin niyang kanya. Nakakakilig!

Gabi na rin nang makarating kami sa condo. Hindi tumuloy si Simon sa unit niya kaya nandito siya ngayon sa unit ko. Siya ang nagdala ng bugkos na rosas na binigay niya saakin kanina.

Nawala sa isip naming dalawa iyong dapat ay date namin. Ayon ang sabi niya. Naalala lang namin iyon nang nakapasok na kami sa unit ko.

Naupo siya sa couch habang ako ay pumasok sa kwarto para ilapag ang dalang gamit. Pagkatapos ay nag-half bath muna. namili ako ng susuotin sa damitan ko ng matapos akong makapag half bath. Dalawang pares ng pantulog na manipis ang sinuot ko. Mas komportable ako sa ganoon. Light blue ang kulay. Bakat ang bra sa loob pero hindi naman malaswang tignan.

Lumabas ako pagkatapos. Napatingala si Simon ng makita akong papalapit sa kanya. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa aking pantulog.

"Your wearing that? " kunot noong sabi niya at itinuro ang pantulog ko. Tinignan ko naman ang suot ko.

"Hmm. Bakit? " ng makalapit ako sa kanya. "You want coffee? " anyaya ko.

"No. But thanks" mataman niya akong tinignan sa mata. "Upo ka..." pagpag niya sa couch. Sumunod naman ako pero ng uupo na sana. Hinatak nalang niya bigla ang kamay ko. Parang nag slow motion ang nangyari. Nakita ko pa kung paano sumasayaw sa hangin ang buhok ko. Bago ako nahulog sa kandungan niya. Napapikit ako ng tumama sa matipuno niyang dibdib ang mukha ko.

"Are you seducing me baby?..." bulong niya. "If yes? Damn... I'm gonna stripped your pajamas..." madiin pero nang-aakit ang boses niya.

"A-ano bang pinagsasabi mo Simon!" mahinang singhal ko sa kanya.

"You're seducing me... " he said huskily. Ramdam ko ang paunti-unting pagtigas nang kung ano man ang nasa pagitan ng binti niya. "Feel that?" he whisper to my ears.

"Bastos ka talaga!"tampal ko sa braso niya. Akma ko na siyang itutulak ng pigilan niya ako.

"Don't move baby... Please" hinigpitan pa nito ang pagkakayakap saakin.

"Simon ano ba!" napapamura siya ng sinusubukan kong gumalaw para makawala sa yakap niya. Namumuro na ang loko.

"Shit baby... I said stop moving!" inis niyang sabi. "Stay still...please...for a minute. "

Hindi na ako gumalaw pa dahil iyon ang utos niya. "Bastos mo talaga ano?" mapakla akong tumawa pagkatapos kong itanong iyon. Tinignan naman niya ako mapupungay ang mga mata nito.

Bumaba ang tingin sa dibdib kong bakat ang bra "Naging bastos lang ako kapag ikaw kaharap ko. Damn!" malalim ang hugot ng pagbuntong hininga niya. Animo'y sobra ang pagpipigil nito. "You wear this...really? " mukhang hindi makapaniwala. Ang mata ay nasa manipis na suot ko na kita ang bra.

"Wala namang problema ah? Tsaka natural na susuotin ko 'to dahil pantulog naman ito. Anong problema du'n? "

"You're seducing someone wearing this...you know?" komento niya.

Sinamaan ko siya nag tingin. Ano bang gusto niyang iparating sa sinabi niya? Mukha ba akong nanlalandi sa suot ko. Hindi ba puwedeng magsuot nang komportableng damit? Mga lalaki talaga.

"Nasa mata na iyon ng tao kung naaakit sila o hindi. Basta ako hindi ako nang-aakit dahil hindi ibig sabihin na suot ko to, inaakit na kita o ang iba. Komportable lang ako sa ganito kaya...magtigil ka nga Simon!"

Tinawanan naman niya ako "Okay fine... But baby...It looks good on you!" binasa ng dila nito ang labi niya. "Wear that if i'm around... Just don't wear that when i'm not around. Don't like others staring at you wearing that thing. Understand?" malambing niya saad. Pagkatapos ay hinalikan ang noo ko, sumunod ang tungki ng ilong ko, sumunod naman ang mag kabilang pisngi at ang panghuli ay ang labi ko.

Marahan, dahan-dahan at nakakalunod. Iyan ang ginagawa ni Simon sa paghalik sa akin ngayon. Hindi agresibo ang halik na pinagsasaluhan namin. May pag-ingat ang bawat halik niya. Ramdam ko ang respeto sa bawat pagdampi ng labi niya. Nakakalunod. At kung malulunod man ako, sa kanya lang ako magpapalunod.

"Be my girlfriend baby..." nanlalaki ang mata kong dumilat. Patuloy parin siya sa paghalik saakin. Napapikit.

Ang unti-unting pagsibol ng kaba sa aking dibdib ay nagsisimula. Para akong hinahabol sa oras na'to. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Magkahalong kaba, pangamba, at SAYA.