webnovel

Libing

"Kayla! pakibilisan mo nga at mahuhuli na tayo!" nagmamadaling sinigaw ni Irene habang binibihisan ang anak nyang si George. "Teka lang po Nay" sagot ni Kayla na nagbibihis sa kuwarto. "Kayla pag tayo nahuli sa libing ng Tito nyo wag kang tatakbo samin pag minulto ka nun ha!". "Nay naman! wag nga kayong manakot alam nyo namang matatakutin ako eh! Kilala nyo si Tito mahilig magbiru yun at sumumpa yun na mumultuhin kami dahil paborito nya daw kaming mga pamangkin!". Sige mag tagal ka pa para magpakita Tito mo dyan, wag kang magsisisigaw pag biglang na lock yung pintuan ng kwarto ha! Mauna na kami ni George, magisa ka dyan!" "Eeeeee!" nagsisisigaw si Kayla na nagmamadaling buksan ang pintuan ng kwarto. "Naaaaayyyyy!!! buksan mo ang pinto!! huhuhu! Naaaayyyy!!!" "Hahahaha!!" tawa ni Irene na nooy hinahawakan ang kabilang pihit ng pinto para di mabuksan ni Kayla. Binitawan ni Irene ang pihitan at tuluyang nabuksan ni Kayla ang pinto. Tuloy ang tawa ni Irene lalo na ng makita ang nangagalaiting muka ni Kayla na di mawari kung naiinis, natatakot o natatawa sa pambibiro ng Ina. "Hahahahaha" tuloy ang tawa ni Irene na mukang hindi na makahinga na napaupo na sa kakatawa. " Ang chogi ng muka mo! hahahaha! putlang putla! hahahahaha!" Si Kayla natawa na rin dahil sa itsura ng kanyang Nanay na halos hindi makahinga. '"Pareho sila nila ni Tito"', isip isip ni Kayla. '"Atleast nakakatawa pa rin sya sa kabila ng pagkawala ni Tito"'. Si Irene na medyo nakarekober na sa katatatawa, "Naalala ko Tito mo nung high school pa kami, an lupit mamprangka nun! Isang gabi habang naglalaba ako magisa sa silong duon sa lumang bahay natin may biglang sumitsit ng mahina, hinanap ko kung saan galing pero wala. Nagpatuloy ako sa paghahango ng damit sa washing machine. Tapos may sumitsit nanaman, hinanap ko talaga kung san galing kasi alam ko si Allan nanaman yun. Sinabi ko pa '""Allan gasgas na yan! di na tatalab pangugulat mo!""' pero di ko talaga makita kung san galing yung sitsit. Pero may sumitsit uli kaya medyo kinabahan na ako kasi may multo talaga dun sa lumang bahay natin. Tapos yung huling sitsit parang galing sa ilalim ng lamesa sa tabi ng wasing machine! mas lalo akong kinabahan kasi yun ang kwento ng auntie ko na dati may nagpakita sa kanya na isang babaeng mahaba ang buhok at maputi ang muka na sa ilalim ng lamesa na nooy nasa tabi ng washing machine. Pinagpawisan ako ng malamig, ayoko namang tumakbo kasi kaylangan kong tapusin yung labahan ko kaya dahandahan kong sinilip yung ilalim ng lamesa.. Walang tao! tapos bigla nanamang may sumitsit at alam ko na nasa ulunan ko lng galing yung tunog! Nakayuko pa ako dahil sinilip ko yung ilalim ng lamesa dahan dahan akong tumingala kasi tumatawa ng nakakatakot yung sumisitsit sabi '"'hihihi'"' pagtingala ko may mukang sobrang puti sa butas sa kisame! Nanlata ako ng sobra! napasigaw ako na parang hinimatay! ""'Haaaaaaayyyyy!!'"" Sabay tawa ng Tito mo na puno ng pulbos ang muka! Ang walangya! hahaha! magkahuloghulog sya sa pagbaba sa kisame tapos hindi makahinga sa kakatawa! Nangmatapos mahimasmasan, iaarte yung sigaw ko na Haaaaayyyy!! sabay tawa uli na parang hinihika na ayaw ng tumawa pero di mapigilan ang pagtawa!". Natawa rin si Kayla habang iniimagine yung parehong pagtawa nila ng kanyang Nanay. "Nay! Tara na daw sabi ni Tatay" sigaw ni Septimus mula sa labas ng bahay. "Papunta na raw ng simenteryo yung karo ni Tito". Nakita ni Kayla lumungkot uli ang Ina ng maalala na wala na si Tito. "Tara na" sabi ni Irene kay Kayla at sabay silang lumabas ng bahay at samasama silang pumunta ng kanilang pamilya sa simenteryo kung san ililibing si Allan.

Habang sakay ng jeep na inupahan nila para makasama ang ibang kapitbahay na nais makiramay, pinagmamasdan nya ang kuya nyang si George. Mahal na mahal ni Tito si George. Lalo na kasi special child si Kuya George. Isa syang person with dissability. Autistic si kuya George, kahit na 20 years old na sya, isip nya parang 10 years old. Parang si Tito na kahit 40 na ay mahilig pa rin maglaro - isip bata. Kaya klik na klik sila. Lagi silang naglalaro, kundi GTA sa play station, manonood sila ng one to sawa ng spongebob, mister bean, cars, o toy story. "'Kaya sigurado ako na si kuya George ang mumultuhin ni Tito kaya kaylangan lumayo ako pag magisang naglalaro si George baka biglang kalaro nya na pala si Tito"'. "'Kasi naman si Tito ang hilig magbiro at manakot! Tapos sabi pa nya na pagnamatay sya mumultuhin nya kami! Tapos tawa sya ng tawa!"' "'Mabait si Tito Allan alam ko mahal nya kaming mga pamangkin nya kaya kahit multuhin nya kami, mananakot lang yun at magbibiro at di nya kaylaman kami sasaktan hahayaang masaktan ng iba."' '"Di sya nag asawa at wala din syang anak kaya kaming mga pamangkin nya ang tinuturing nyang anak. Naalala ko pa yung dati nyang girlfriend. Sobrang ganda nun kaso di sila nagkatuluyan at narinig ko kay Nanay na may una syang girlfriend nung high school pa sya na di nya makalimutan kaya siguro tumanda syang binata."' "'Mag isa lang sa buhay si Tito pero alam ko na masaya siya kaya di ko maintindihan kung bakit sya tumalon sa building na pinagtratrabahuan nya."' '"Hindi ko tuloy alam kung kaylangan kong sabihin kay Nanay na tinawagan ako ni Tito nung gabi bago sya nagpakamatay"'. '"Pero bilin ni Tito wag ko raw sasabihin dahil mamalasin daw kami. Wala naman syang sinabing magpapakamatay sya.'" '"At lalong ayokong sabihin dahil siguradung mumultuhin ako nun!'". "'Pero bakit nya tinatanong kung may basag ang salamin namin sa bahay?"'. '"At kung magkaroon ng basag, bakit kaylangan kong itapon agad at kaylangang durugin pa ang salamin at kung walang truck ng basura ay ibaon ko agad sa lupa?'" '"Anu bang nangyari kay Tito..'" "Kayla! andito na tayo." sabi ni Septimus na nakababata nyang kapatid. Kasama din siyang kalaro ni Tito pero dahil 14 years old na sya basketball na ang trip nya at makipaglaro sa mga kaibigan nya. Bumaba na sila ng jeep sa gild ng kalsada kung saan ang entrance ng lumang simenteryo. Napakunot nuo si Kayla habang pinagmamasdan ang lugar. Sa isip isip nya, "'Grabe naman ang simenteryo na to sobrang luma. Panahon pa ata ng kastila ang mga puntod dito. At anung meron? April pa lang ah layo pa ng November, bat andaming tao. Anu yan? madaming libing ngayon? Grabe ang init na nga tapos siksikan pa."' "Kayla! tara na!" tawag ni Irene na pumasok na ng simenteryo kasama ang Tatay nya, si George at Septimus at ibang kapit bahay. '"hay naku!'" isip isip ni Kayla '"di man lan ako inintay! pag ako naligaw! para namang alam ko kung saang puntod!"'. Dali daling humabol si Kayla at pilit hinahanap ang kanyang mga kasama. Di nya na makita sa dami ng tao. lalabas uli sana sya para tanungin yung driver ng jeep kung alam nya kung saang banda ang magiging puntod ni Tito ng marinig nyang nabangit ang pangalan ng Tito nya ng tatlong babaeng nagkwewentuhan. Nilapitan nya ang tatlo, "excuse me po, kilala nyo po ba ang Tito Allan ko? Allan Ricamara?". Parang nagulat yung tatlo. Sumagot yung isa "Oo, anak ka ba nya?" "Hindi po, pamangkin nya po ako. Katrabaho nya po ba kayo? Alam nyo po ba kung san yung magiging puntod ni Tito?" Oo naman, andito kaming lahat ngayon para makiramay sa Tito mo." nakangiting sabi nung pangalawang babae. "'Siguru may crush kay Tito Allan itong tatlo"' sa isip isip ni Kayla '"Kahit na 40 na si kuya pogi yun!'" "Pede po bang pakituro kung saan ang puntod ni Tito Allan?" "diretsuhin mo lng itong daanan tapos kaliwa ka tapos kanan tapos kaliwa uli." sabi ng pangatlong babae. "Pagnaligaw ka tanong ka lang sa mga tao alam nila kung saan ang Tito mo." "Thank you po!"

Nang makita na ni Kayla sila Irene at kanyang mga kapatid, dali dali nyang tinabihan si Irene na nooy imiiyak. Naipasok na sa loob ng nitso ang kanyang Tito. "Kayla," malumanay na sabi ni Irene "Grabe ka naman an tagal mo naman sa labas di mo na naabutang tignan ang Tito mo at mag paalam ng huling pagkakataon." Ramdam ni Kayla na hindi naman galit ang kanyang Nanay pero di nya maiwasang mangatwiran at parang patampong sumagot na, "Nay kasi naman, bakit di nyo ko inintay. Nauna kaagad kayo. Andami kayang tao, siksikan kaya.. Naligaw nga ako eh buti na lang may mga napagtanungan ako. Naku nay kung walang mga tao hindi talaga ako papasok, nakakatakot kayang maligaw magisa sa simenteryo. Buti na lang maraming tao ngayon kundi hihiintayin ko talaga kayo sa may jeep sa labas.." Nakatingin lang sa kanya ang kanyang Nanay habang tinapos nya ang kanyang pangangatwiran. Duon nya rin nya napansin na lahat ng kanya mga kamag anak at kapitbahay ay nakatingin sa kanya. '"Bakit?'" sa isipisip nya, "'malakas ba boses ko? May nasabi ba akong hindi maganda? Nabastos ko ba si Nanay?'" Nagsalita si Septimus, "Anung maraming tao? panung siksikan eh tayu tayu lang dito sa simenteryo? At may bulaklak naman sa daanan na may arrow sign kung san ang puntod ni Tito. Nilagay daw yun ni manong supulturero para alam natin kung saan." "Anung walang tao? siksikan nga eh parang Todos Los Santos!" Sagot ni Kayla sa bay lingon sa mga daanan upang ituro ang mga tao. Pero bigla syang kinilabutan sapagkat walang ibang tao sa buong simenteryo maliban sa kanilang magkakamaganak at ilang kapitbahay. Hindi makapaniwala si Kayla. imposibleng makalabas agad ng simenteryo ang lahat ng mga taong nakita niya kanina lamang. At lalo siyang sinapuan ng matinding pangingilabot dahil kilala nila si Tito at naituro nila kung saan ang kanyang puntod. At nuon nya naalala yung sinabi ng pangalawang babae, "Andito kaming lahat ngayon upang makiramay sa Tito mo." (End of Volume 1)