webnovel

Make you mine

Jin Cielo is the pampered princess of Giua family. Perfect na sana ang pagiging princesa niya kung hindi lang siya palaging iniiwan ng mga nagiging boyfriend niya. then one day ang pinapangarap niyang perfect night para sa bago niyang boyfriend ay nauwi sa disaster! sa halip na ang boyfriend niya ang kasama niya ay nagising siya sa kama ng bestfriend ng kuya niya!

Anne_ter17 · Urban
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 8 Ideal man

"Okay, time's up pass your paper!" Tinapik tapik pa ng homeroom teacher nina Cielo ang blackboard sa likod nito para maagaw ang atensyon ng lahat ng estudyante roon.

"Woohh!! sa wakas natapos din!" sabi ng seatmate ni Cielo na si Monica, "Kamuntik ng natuyo ang utak ko sa kakaisip ng isasagot eh!"

"Sinabi mo pa! ako nga nanlaki na lalo ang eyebags sa sobrang puyat ko kagabi para lang may maisagot ako ngayun!" Isa-isa na nyang isiniksik sa bag ang mga gamit niya.

"Since tapos na ang exam natin makakapagrelax na tayo! San kaya makagala?" tanong naman ni Kirsten sa kanila ni Monica.

"Naku mga sis, past muna ako ngayun!" tanggi nya sa dalawang kabarkada. "Susunduin kase ako ng kapatid ko at magmamall kami kaya hindi ako makakasama sa inyo!"

Bigla namang naexcite ang mga kaibigan nya ng marinig ang sinabi nya, "Talaga susunduin ka ng kuya mo? Anong itsura ng niya? gwapo ba sya?" sunod sunod na tanong ni Monica sa kanya.

"Si kuya Jion?" nagisip muna sya bago sumagot, "Normal lang!"

"Hindi mo kamukha?" ani Kirsten.

"Hindi eh, kamukha kase sila ng dad ko!" napapailing na sabi niya dito.

"Ay sayang naman, kala ko kamukha mo! di ang gwapo sana!" tinampal pa sya sa braso ni kirsten sabay tawa ng malakas.

"Oo nga, umaasa pa namin kami na hindi lang ikaw mukhang artista sa pamilya ninyo." ani monica.

"Cielo!" siniko sya ni Monica at inginuso ang binatilyong nakatayo sa labas ng classroom nila, "Tanga-hanga mo andyan na!"

Tampal naman sa balikat ang itinugon niya sa kaibigan ng makita kung sino ang itinuturo nito. "Tara labas na tayo!" yaya niya sa dalawa.

"Hi Cielo, tapos naba ang exams nyo?" bati sa kanya ni Irven, ang sikat na basketball player sa school nila na ngayun ay Third year high school na. Palagi itong pumupunta sa classroom nila kasama ang mga kabarkada nito para magpapansin sa kanya.

"Lalabas ba kami kung hindi!" sarkastikong sagot ni Monica dito, ayaw kase nito sa lalaki dahil hindi daw ito bagay sa kagandahan ni Cielo.

Siniko naman ito ni Cielo para hindi na magsalita.

"Kakatapos lang namin, bakit may kailangan kaba?" tanong niya dito.

"Yayayain sana kitang magmeryenda sa labas eh, yung tayo lang!" nakangiting sagot nito na parang model ng colgate.

"At san mo naman balak dalhin ang prinsesa ko?" sabay sabay silang napatingin sa nagsalita.

Oh emgee! Si Vince! Mag isa itong nakatayo sa pasilyo malapit sa kanila. Para namang naestatwa si Cielo habang hinihintay na lumapit sa kanila ang binata.

"Vince! bakit ikaw lang nasan si Kuya Jion?" sumilip pa siya sa likuran nito.

"May pinuntahan sila ni ate Caroline, kaya ako nalang muna ang susundo sayo!" Bahagya nitong tiningnan si Irven na napatanga lang sa tapat ni Cielo, "Akina yang bag mo!" kinuha nito ang backpack na nakasukbit sa balikat nya.

"Pano yan wala si Kuya Jion, di hindi na tayo matutuloy sa pagmamall?" tanong niya dito.

"Why not? pwede naman tayong magmall kahit tayong dalawa lang!" anito.

"Eherm!" tikhim ni Irven.

Nagets naman kaagad ni Cielo ang sign nito sa kanya, "Pano ba yan Irven, hindi ako makakasama sayo kase lalabas kami ni Vince, pasensya na ha!" sabi niya dito.

"Bakit baby, nililigawan kaba niya?" seryoso ang mukha ni Vince na parang hinahamon nito ang binatilyo.

Hindi malaman ni Cielo ang isasagot dito, para kasing gusto na nitong pilipitin ang leeg ni Irven sa paraan ng pagkakatingin nito.

"Hindi naman po siguro masama ang magkagusto kay Cielo!" palaban ang sagot ni Irven kay Vince.

"Ah, hindi naman masama. Bawal lang!" pang asar na sagot ni Vince dito.

Nakaramdam ng tensyon si Cielo sa pagitan ng dalawang lalaki kaya niyaya na niyang umalis si Vince. "Gutom na ako Vince alis na tayo!" hinila pa niya ang manggas ng damit nito.

"Okay! pero tanungin mo din ang mga kaibigan mo baka gusto nilang sumama!" kaagad namang dumikit na parang dikya kay Cielo ang dalawa nyang kaibigan.

"Sige na nga!" napipilitang sagot niya sa dalawa. Nagpatiuna naman si Vince sa paglakad at naiwang nakatingin lang sa kanila ang grupo nina Irven.

Malapit lang ang pinuntahan nilang mall sa school nina Cielo, at napagkasunduan nilang sa Mcdo nalang kumain. Si Vince ang umorder ng pagkain habang naghihintay lang silang tatlo sa mesang napili nila.

"Lintek ka sis, di mo naman sinabing may ganyan kagwapo ang susundo sayo! kala ko ba ikaw lang ang artistahin sa pamilya nyo!?" kinikilig na sabi ni Kirsten sa kanya.

"Di naman sya myembro ng pamilya namin eh, best friend sya ng kuya ko at kapit bahay namin!" naiinis na sagot niya dito, bakit kase sumama pa tong dalawang asungot nato!

"Teka sis sobrang gwapo nya, may girlfriend na kaya sya?" tuloy pa rin si Kirsten.

"Ahm," napaisip si Cielo, "di ko alam e, tanung ko sa kanya mamaya."

Tumahimik lang sila ng lumapit na sa kanila si Vince dala ang mga inorder nitong pagkain at inalis sa tray, kasunod nito ang isa pang crew at inilapag doon sa table ang dala nito.

"Wow! ang dami!" palakpakan silang tatlo na parang mga penguin.

"Go ahead, kain lang kayo at bawal mahiya okay!" ani Vince habang inilalagay sa harap ni Cielo ang napakalaking french fries.

"Vince pwedeng magtanong?" ani Kirsten at tumango naman ang binata dito, "may girlfriend kanaba?"

Tumingin muna sya kay Cielo bago sumagot, "Meron!"

Para namang may gumuhit na kung ano sa dibdib ni Cielo ng marinig ang sagot ng katabi niya, ano ba tong nararamdaman ko? tanong ni Cielo sa wala pang muwang niyang isip.

"Aw! sayang naman, kala ko wala ka pang girlfriend ikaw pa naman ang ideal man ko!" biro ni Cielo dito sabay subo ng tatlong pirasong fries.

"Sus ako na naman ang nakita mo!" lumabas na naman ang box smile ng binata na lalong nagpapakita ng charisma nito. "Kumain kana lang at baka gutom lang yan! pag nalaman ng mga kuya mo na hindi sila ang ideal type mo naku! siguradong pati ako pagseselosan ng dalawang yun!"

napapansin ni Cielo na bawat pagngiti ni Vince sa kanya at ang mga paglalambing nito ay lalong nadadagdagan pag hindi nila kasama ang mga kapatid niya.